Chapter 3 -Julian-

1713 Words
❀⊱Lyka's POV⊰❀ Pilit kong itinatago ang sarili kong damdamin para kay Harvey. Ang damdamin na akala ko ay mabilis ko lang makakalimutan kapag natanggap ko na sa sarili ko na talagang wala na. Pero bakit ganoon? Ngayong umiiwas ako sa kanya ay siya naman ang panay ang lapit. Ayoko siyang kausapin, ayoko siyang makita muna dahil sakit lang sa kalooban ang dulot niya sa akin. Hindi na nga ako madalas sumama sa kanila kapag sa bahay nila Hugo kami pumupunta dahil laging nanduon si Harvey dahil tuwang-tuwa siya sa mga anak ni Hugo at ni Joyce. Nuon ko lang din nakita na mahilig pala siya sa mga bata. Katulad ngayon, nandito lang ako sa probinsya namin at kasama ko ang mga magulang ko. Kasama ko din ngayon dito si Carl, sabi nya kasi ay kakain kami sa labas kaya nakapag bihis na agad ako. "Tara na sweet," aniya, kaya kumapit agad ako sa braso niya at inihilig ko ang ulo sa bicep niya habang naglalakad na kami. Sumakay kami sa kotse niya at nagpunta na kami sa pinaka malapit na mall. Gusto nga sana niya sa Manila kaya lang lagi kaming nakikita ni Janine. Dito na lang at least sigurado pa ako na tahimik lang ang buhay namin at walang makakakita sa amin. Pumasok kami sa isang sikat na Italian restaurant, hindi ko na pinansin kung sino ang may-ari ng restaurant. Basta pumasok lang kami sa loob at iginiya na agad kami ng waitress sa loob upang maka-upo. Habang nagkukuwentuhan kami ay napatingin ako sa inilapag sa harapan namin na menu at ganuon na lamang ang gulat ko ng mabasa ko ang pangalan ng restaurant. "Damn!" bulong ko. "Language, sweet," aniya kaya napahawak ako sa aking bibig at ngumiti sa kanya. Sasabihin ko sana sa kanya na huwag na kaming kumain dito pero tila ba huli na dahil papalapit na sa amin si Julian. Napanguso ako at inirapan ko siya na ikinatawa naman niya. "Hey, mukhang may date ang kaibigan ko. Sino ba 'yang kasama mo?" tanong ni Julian pero nakangiwi na ako at nakataas na ang isang kilay ko sa kanya. Ang gusto ko lang ay umalis siya sa harapan namin at huwag na siyang magtanong pa, pero ang sira ulong ito, naupo pa sa bakanteng silya at nakipagkilala sa kasama ko. "Julian bro, kaibigan ni Lyka. The owner of this restaurant," aniya kaya mas lalong naningkit ang mata ko sa kanya. "Charles, but you can call me Carl." sagot naman niya. Ayoko sana na makilala ni Carl ang kahit sa kaninong ka-grupo ko pero mukha yatang hindi ko talaga maiiwasan na hindi nila malaman ang tungkol sa kanya. "Sweet, akala ko ba hindi ka mahilig makipag kaibigan?" tanong niya kaya ngumisi lang ako na pasibangot pero nakaharap ako kay Julian. "Boyfriend ko," wika ko sabay turo ko kay Carl. Inabot naman agad ni Carl ang kamay ni Julian at nakipagkamay ito. "Wow! I never imagined the day would come when you would introduce me to the man you love. Lyka Sullivan, the one and only, is currently in a relationship." pang-aasar ni Julian. Tumingin sa akin si Carl na naguguluhan pero hindi ko siya pinansin. Sinipa ko ang paa ni Julian sa ilalim ng mesa dahil gusto ko na siyang umalis at iwanan na lang kami. Pero hindi niya ginawa. Sa halip ay tumawa lang siya. Itinukod niya ang kanyang siko sa lamesa at sinapo ng palad niya ang kanyang baba at nginisihan ako kasabay ng pagtaas-baba ng kanyang mga kilay. Napipikon ako kay Julian, bakit ba kasi hindi ko tinignan ang pangalan ng restaurant at basta na lamang ako pumasok sa loob. Nakakainis! Ayoko sa lahat na pinag-uusapan ang pribado kong buhay. lalo na ngayon na nakita kami ni Julian. "Excuse me Carl, kakausapin ko lang si Julian," aniko at tumango naman ito sa akin at ngumiti pa. Hinila ko agad palabas ng restaurant si Julian at inis na inis ako na hinahampas ko siya sa kanyang braso. Pa-simple lang dahil ayokong makita ng kasama ko na naiinis ako kay Julian. "I swear na wala akong pagsasabihan ng kahit na ano kahit kanino. I promise," aniya kaya pinaningkitan ko siya ng mga mata ko upang makita ko kung nagsasabi siya ng totoo. "Promise nga. Kung gusto mo, paglabas ninyo sa resto ko mamaya, para lang walang nangyari at hindi ko kayo nakita dito. Kalilimutan ko na agad ang mga nakita ko dito na parang hindi ito nangyari. Kilala mo ako Lyka, hindi ako sinungaling. Kapag sinabi ko, ginagawa ko," wika niya sa akin kaya ngumiti na ako sa kanya. Pakiramdam ko ay nakahinga ako ng maluwag. "Pero sa isang kondisyon, kakain kayo dito ng libre," wika niya kaya mas pabor sa akin 'yon para makatipid kami ni Carl. "Call! Tara na nga at nagugutom na ako," wika ko at sabay na kaming pumasok sa loob. Katulad nga ng sinabi ni Julian ay hindi nila kami pinagbayad, at ang nakakatuwa pa ay ang dami niyang pag kain na ipinabalot sa amin. Syempre tuwang-tuwa ako dahil hindi ko na poproblemahin pa ang pagluluto ko mamaya para kila nanay. Pagkatapos naming kumain ay nag-aya na rin akong umuwi. Hinatid naman ako ni Carl at nag stay pa siya sa bahay namin. Gusto ko na ngang ipagawa itong bahay nila nanay kahit paunti-unti lang. May mga naipon na naman akong pera pero may pinaglalaanan kasi ako ng pera ko na nasa bangko kaya hindi ko magagawang biglaang mag-paayos ng bahay. "Anak, dito ka ba matutulog ngayon? Kung dito ka matutulog ngayon ay ihahanda ko na ang mga gamit sa silid para naman maging komportable ka," wika ni nanay. "Uhm, baka po hindi na. Tinawagan po kasi ako ng amo ko at may lakad daw po kami mamaya. Kung pwede po sana kayo na ulit po muna ang bahala sa kanila. Babalik po ako sa makalawa upang simulan ang pagpapa-ayos nitong bahay. Masyado na po kasing luma at baka abutan pa ng pagka-giba," ani ko. "Aba'y hindi mo na kailangan pa na sabihin sa amin iyan anak. Huwag kang mag-alala at kami na ang bahala ng ama mo. Anong oras ka ba aalis? Salamat anak, kung hindi dahil sayo baka isang kahig isang tuka pa rin tayo," wika ng aking ina kaya naman niyakap ko agad si nanay dahil ayokong nakikita ko siyang nalulungkot. "Huwag na po kayong malungkot nay. Mayamaya rin po siguro ay aalis na din ako para maka-diretso na ako sa apartment na tinutuluyan ko. May mga aasikasuhin pa jo kasi ako kaya kailangan kong makabalik agad sa tinutuluyan ko. "Ihatid na kita para naman malaman ko ang tinutuluyan mo sa Manila," ani ni Carl. "No!" malakas kong ani na ikinagulat nila. Napakamot naman ako sa aking noo at nginitian ko si Carl habang nag-iisip ako ng sasabihin ko sa kanya. "Mahigpit kasi ang landlord duon. Ayaw niya ng may mga lalake na nagpupunta sa apartment unit niya," sagot ko sabay kagat ko sa dila ko ng banayad. "Pero..." Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya. Ipinilit ko na lang na hindi talaga pwede. Ayokong malaman niya ang tunay kong pamumuhay. Ayokong malaman ng mga magulang ko kung anong klase ng pamumuhay mayroon ang kanilang anak. Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin si Carl. Pagkaalis niya ay nagpaalam na rin ako kay nanay at umakyat din ako sa itaas para naman puntahan ko ang aking ama upang makapag-paalam na rin ako. Hindi naman nagtagal ay sakay na rin ako ng aking malaking motor. Regalo ito sa akin ni Marcus nuong kaarawan ko dalawang taon na ang nakararaan. Pero ang sabi ko sa mga magulang ko ay hinuhulugan ko ito buwan-buwan. Magtataka kasi sila kung sasabihin ko na regalo lang sa akin ito samantalang alam ng lahat na milyon ang halaga ng motor na gamit ko. Dahil motor ang gamit ko ay mabilis lang akong nakabalik ng aking apartment. Agad akong nahiga sa kama at ipinikit ko ang aking mga mata. Napapailing ako sa aking sarili dahil napapadalas ang pagsisinungaling ko sa aking mga magulang. Ayoko naman talaga pero kinakailangan. Katulad ngayon, wala naman talaga akong natanggap na tawag mula kay Marcus. Pero dahil matanong si Carl tungkol kay Julian ay gumawa na lamang ako ng dahilan upang makabalik dito sa apartment ko. Ayoko pa talaga dahil gusto ko pa silang makasama. Miss na miss ko sila araw-araw pero wala akong magawa dahil kailangan kong kumayod para sa kanila. Pero hindi ko pwedeng sabihin sa kanila kung anong klaseng trabaho ang ginagawa ko dahil baka kamuhian ako ng aking mga magulang. Ayokong ipamukha nila sa akin na pumapatay ako ng tao para lamang sa pera. Masamang tao ang pinapatay ko, mga salot sa lipunan na hindi kayang itumba ng mga may kapangyarihan dahil kasabwat din sila. Maituturing man kaming isang crime organization, pero walang makakatalo sa batas ni Marcus. Mas pinapahalagahan ni Marcus ang pagtulong sa mga nangangailangan kaya nga marami ang humahanga sa pamamalakad niya. Nakaramdam ako ng pagod kaya ipinikit ko ang aking mga mata. Gusto ko lang munang matulog at ayoko munang mag-isip ng kung ano-ano lalo na kapag tungkol ito kay Harvey. Sapat na siguro ang ilang taong paghihintay ko sa kanya. Kahit nga isang paliwanag ay hindi niya ako binigyan kung bakit niya ako iniwan. Ayoko na siyang isipin pa, sapat na sa akin ang mga taong nagmamahal sa akin at minamahal ko. Ang mga taong nagbibigay ngayon ng inspirasyon sa buhay ko. Ipinikit ko ang aking mga mata pero natawa ako dahil mukha ni Harvey ang unang pumasok sa isipan ko. Hindi ba at kasasabi ko lang na ayoko na siyang isipin pa? Bakit ngayon ay mukha pa niya ang unang sumungaw sa aking balintataw ng ipinikit ko ang aking mga mata? "Hindi 'yan si Harvey, si Hugo 'yan na inaasar ako," bulong ko sa aking sarili pero natawa lang ako. Pakiramdam ko tuloy, pati sarili ko ay niloloko ko. Paano nga ba kasi kita makakalimutan kung lagi na kita ngayong nakikita lalo na sa tuwing may okasyon ang grupo namin. Naiimbitahan kasi siya ni Marcus at 'yun ang hindi ako komportable. Pero wala naman akong magawa. Pinsan siya ni Marcus at kakambal pa ni Hugo. Natawa na lamang ako sa aking sarili at pagkatapos ay ipinikit ko na lang ang aking mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD