Chapter 7 -Ang larawan ni Harvey-

2018 Words
◄Harvey's POV► After ng trabaho ko sa opisina ay dumaan muna ako sa supermarket upang mamili ng ilang gamit na kailangan ko sa penthouse ko. Pero dito ako sa Batangas mamimili para makasilip ako sa mahal ko. Tutal, wala na rin kasing laman ang refrigerator ko kaya kailangan ko na talagang mag grocery. Medyo malayo nga lang dahil Batangas nga ang dinayo ko. Habang patungo ako ng mall ay tumunog ang telepono ko. Si Marcus ang tumatawag sa akin, hindi ko ito sinagot at nagpatuloy lang ako sa aking pagmamaneho. Ilang saglit ay tumigil din sa pag ring ang phone ko, then tumunog ulit ito pero notification lang ito ng mensahe ni Marcus. Habang nagmamaneho ako ay nagawa kong basahin ang maigsing mensahe kaya bigla akong napatingin sa rear-view mirror ko. "Shiiit!" mura ko habang nakikita ko na nag flash pa ng headlight si Marcus upang ipabatid sa akin na nasa likuran ko lang siya, kaya napapailing ako. Bakit nakabuntot sa akin ang pinsan ko? Binabantayan ba nito ang bawat kilos ko, o inaasar lang niya ako? Pagkarating ko ng mall parking lot ay nagmamadali kong tinakbo ang sasakyan ni Marcus habang nagpa-park naman ito ng kanyang sasakyan. "What the hell, Marcus! Sinusundan mo ba ako ha?" galit kong ani. "Relax! Bakit naman kita susundan kung pwede ko naman 'yon iutos sa iba? Hindi ako nandito dahil sayo, nandito ako dahil nagkataon na makikipagkita ako sa isang kaibigan na kararating lang galing Milan. Masyado kang guilty, bakit may itinatago ka ba?" ani niya. Napatingin naman ako sa mga kararating lang na mga tauhan niya na nakasakay sa motor at sa tatlong SUV. "Boss Marcus, kahit kailan ka magpatakbo lagi mo kaming inililigaw," ani ni Jun. "Naligaw ko ba kayo? Ibig bang sabihin ay humihina ka na?" pang-aasar ni Marcus kaya napapailing ako at iniwanan ko na sila. "Saan ka pupunta? Hintayin mo ako at sasabay na ako sayo, may pupuntahan kami ni Jun," aniya kaya napahinto ako sa aking paglalakad at tumingin ako sa kanya. Sabay na kaming pumasok. Nananalangin ako na hindi niya makita si Lyka sa lugar na ito dahil baka mabisto ako na sinusundan ko ang babaeng mahal ko. "Ano ba ang ginagawa mo dito? Pupunta ka lang pala ng mall, bakit dito ka pa dumayo samantalang napakarami ng mall sa Manila," wika niya. "May bibilhin kasi ako na dito ko lang madalas mabilis sa supermarket nila, isang klase ng fresh mushroom na wala sa ibang mall," sagot. "Fresh mushroom? Ang daming mabibilhan ng iba't-ibang klase ng fresh mushroom sa Manila. Anong klaseng fresh mushroom ang hinahanap mo? Mabuhok ba na mainit-init ang kabute na 'yan? May pangalan ba ang kabute na 'yan at napaka espesyal para puntahan mo dito? Ang dami namang pwedeng ihalintulad, bakit kailangang kabute? Dahil kung saan-saan ito sumusulpot na parang kabute?" pang-aasar niya kaya napahinto ako sa aking paglalakad at tinitigan ko siya ng masama. "Huwag ako!" ani niya at nagpatiuna na siya sa kanyang paglalakad. "Sira-ulo ka talaga! Isa ka ngang Marites!" sigaw ko sa kanya para maasar siya pero tinawanan lamang niya ako at sanay na raw siya na tinatawag ng kung ano-ano ng kung sino-sino. Habang naglalakad kami sa loob ng mall ay may isang babaeng sumigaw ng napakalakas kaya lahat kami ay napalingon sa pinanggalingan ng boses. "KUYA!" "See! Sabi ko sayo may ka-meet kami dito, hindi kita sinusundan, masyado ka lang guilty," ani ni Marcus. Natawa lang ako sa kanya. Akala ko naman kasi ay sinusundan niya ako dito, nagkataon lang pala na dito rin talaga ang punta nila. "Macky!" sigaw ng isang babae sabay lundag nito sa likuran ni Marcus kaya napasampa ito sa likod ng pinsan ko. "Bumaba ka nga Kricel! Gusto mo bang gulpihin ka ng asawa ko?" gigil na ani ni Marcus. Mabilis naman ang naging kilos ni Jun at binuhat niya ang babaeng tumawag sa kanya ng kuya upang ibaba ito. "Kuya naman! Ang tagal kong hindi nakita si Macky tapos babawalan mo pa ako. Bago pa sila ikinasal ni Elli, magkaibigan na kaming dalawa," wika nito kaya napataas ako ng kilay. Bakit hindi ko kilala ang babaeng ito? Lahat ng kaibigan ni Marcus ay kilala ko pwera lang ang babaeng ito. "Kahit na! Mali pa rin na sumasampa ka sa likuran ng kahit na sinong lalake. Tumahimik ka Kricel kung ayaw mong ibalik kita ng Italy," inis na ani ni Jun. Hindi naman kumibo ang tinawag niyang Kricel at nginusuan lamang siya nito. Lumapit naman si Marcus at inakbayan ang babaeng maingay at ginusot-gusot nito ang buhok nito sabay tawa ng malakas. "Nagluto ang asawa ko ng mga pagkain, sa bahay ka na maghapunan dahil ipinagbalot ka pa niya ng maiuuwi mo," ani ng pinsan ko. Napatingin naman sa akin ang babae. Ngumiti ng pagkalaki-laki sabay yakap sa akin na ikinagulat ko habang hindi ko maalis ang tingin ko sa aking pinsan. Hindi ko rin iginagalaw ang kamay ko dahil ayokong isipin nila na gusto ko ang ginawa niyang pagyakap sa akin. "Uhm, Marcus," ani ko na ibig sabihin ay tulungan niya akong alisin ang babaeng ito sa pagkakayakap sa akin. Sa totoo lang ay hindi ko naman ito kilala pero mukhang kilala niya ako. "Hindi mo ba siya naaalala?" ani ni Marcus kaya inalis ko ang kamay ng babae upang ilayo sa katawan ko at tinitigan ko ito. Pero wala akong maalala kung sino ang babaeng ito. Ni hindi ko nga alam na may kapatid pala si Jun na babae. Umiling lang ako kay Marcus at tumingin ako sa paligid. Nasaan ba kasi sila Lyka. Alam kong nandito sila dahil sa tracker na inilagay ko. Sigurado din ako na kasama niya ang kanyang best friend na si Joy dahil kahit naman nuon pa ay hindi naman sila naghihiwalay sa tuwing magkasama sila. Si Joy ang babaeng maingay at makulit. Minsan ay nakakainis at kung minsan naman ay nakakatawa. "Siya si Kricel. Nuong bata pa tayo ay nasa farm tayo ng aking ina nuong buhay pa ito dito sa Batangas, may baby na kasama si lolo at isang batang lalaki. 'Yung lalake ay si Jun at 'yung baby ay si Kricel. Naaalala mo na ba?" wika ng pinsan ko kaya tinaasan ko siya ng kilay. Sikmuraan ko kaya ang gagong ito. Paano ko maaalala kung baby pa pala ang Kricel na ito ng una ko itong makita? Maging si Nun nga ay hindi ko naaalala ang mga sinabi niya. Bakit kasama ng lolo namin si Jun at ang baby nuong bata pa kami? Weird! "Ewan ko sayo Marcus! Sa tingin mo makikilala ko siya kung baby ko siya unang nakita? Bakit ka ba naging pinuno, bwisit ka talaga!" inis kong sagot. "Ibig lang sabihin na hindi magaling ang memorya mo. Tignan mo ako, mula ng lumalaki 'yan ay naging kaibigan ko 'yan. Hindi man kami laging nagkikita pero tinuring ko na 'yang kapatid. Kilalang-kilala nga kayo ni Hugo tapos hindi ninyo siya naaalala. Wala talaga kayong kwenta," inis na sagot niya. Siya pa talaga ang may ganang mainis? "Kuya Harvey, okay lang kung hindi mo ako naaalala, pero kayo ni Kuya Hugo ay kilalang-kilala ko, kasi lagi akong pinapadalhan nuon ni Macky ng larawan ninyo ng kakambal mo, gusto mong makita?" ani niya. Bigla namang napasapo sa mukha si Jun ng marinig ang sinabi ni Kricel kaya kumunot ang noo ko. Nagkaroon tuloy ako ng interes sa larawang tinutukoy nito. "Patingin nga!" wika ko. Bakit ba kinakabahan ako? May katarantaduhan kayang ginawa si Marcus? Nakangiting kinuha ni Kricel ang kanyang phone at pagkatapos ay pinindot niya ang kanyang gallery at ipinakita sa akin ang mga naka save na larawan namin ni Hugo. Nanlalalaki ang mga mata ko ng makita ko ang mga larawan namin ni Hugo, lalo na ako na walang salawal nuong bata pa kami at nakalambitin sa baging. Ito 'yung naglambitin ako sa baging pero sumabit ang short ko kaya nahubad ang short ko kasama ang brief ko. Ito 'yung kahihiyan ko na nakalambitin ako sa baging at pati ang hotdog at itlog ko ay nakalambitin din dahil wala akong salawal. Bigla kong hinablot ang phone niya, pero ang bilis ng kamay niya na nailayo ang phone niya sa akin. "Nah-uh!" ani niya sabay tago ng kanyang phone sa bag. Malakas namang humahalakhak si Marcus habang ako ay galit na galit sa kanya. "Tarantado ka talaga Marcus! Ang dami kong larawan, bakit iyon ang ipinadala mo sa kanya? Papatayin kitang gago ka!" sigaw ko pero bigla siyang pinalibutan ng mga tauhan niya upang protektahan mula sa akin. "Shiiiit! Delete mo 'yan, bigyan kita ng bago," ani ko. Umiling naman si Kricel kaya gigil na gigil talaga ako. Humihingi ng despensa sa akin si Jun, pero kahit siya ay walang nagawa ng iniutos niya kay Kricel na delete na ang picture ko. "Marcus, nasisira mood ko sayo! Kahit kailan ka talaga puro ka katarantaduhan, buti na lang malaki 'yan, kaya okay lang. Sige pagpantasyahan mo 'yang mabuti, kapag sawa ka na magsabi ka sa akin dahil may mga kaibigan ako na pwede kang bigyan ng isang magandang alaala," wika ko. Narinig ko naman ang pagkasa ng baril ni Jun dahil sa sinabi ko. Hindi ako natatakot, huwag niya akong hahamunin dahil kung ano ang kaya niyang gawin ay kaya ko na rin. Nakakapikon lang ang kanyang kapatid dahil ayaw pang delete ang larawan ko. "Gago, pinsan ko 'yan!" inis na ani ni Marcus sa kanyang tauhan. Natawa lang ako. Baka akala niya ay natatakot ako sa kanya. Iputok niya kung tatama siya sa akin. "Tama na nga 'yan. Huwag kang mag-alala siya pa lang daw nakakakita niyan. Daw," ani ni Marcus kaya matalim ko lang siyang tinitigan at pagkatapos ay nagsimula na akong maglakad upang kunwaring pupunta ako sa loob ng supermarket. Pero napatigil ako ng maramdaman ko na nakasunod sila sa akin. Paglingon ko sa aking likuran ay ngising-ngisi ang tukmol kong pinsan. "Hindi ko kailangan ng kasama, kailangan ko lang mag grocery, kaya kung pwede lang iwanan mo na ako," ani ko at muli akong humakbang papalayo. "Kailangan ko din mag grocery, kasi dadaan ako sa bahay nila Lyka at reregaluhan ko ang mga magulang niya, tutal ay December na, regalong groceries ang ibibigay ko sa kanila. Tinawagan ko si Lyka at ang sabi niya ay nakauwi na daw sila ng kaibigan niya. Ipinaalam ko sa kanya na dadaan ako para dalhin ang Christmas gift ko. Nuong una ay ayaw, pero wala na rin siyang nagawa dahil sa kakulitan ko kaya pumayag na din siya. Gusto mo bang sumama?" wika ni Marcus. Bigla namang nawala ang inis ko ng marinig ko ang sinabi niya sa akin. Kung wala na pala dito si Lyka ay hindi ko rin siya makikita. Pero kung sasama ako kay Marcus ay makakaharap ko pa ito, pero paano ko haharapin ang mga magulang niya? "Pwede ba?" tanong ko. Ang inis na nararamdaman ko kay Marcus dahil sa larawan ko ay tila ba naglaho na. Ang importante sa akin ngayon ay makita ko si Lyka. Kaya nga ako nandito ngayon sa Batangas ay para puntahan siya dito sa mall, pero nakaalis na pala, medyo na-traffic din naman kasi kami patungo dito. Bahala na kung ano ang magiging pakitungo sa akin ng mga magulang niya. Ang mahalaga lang naman sa akin ngayon ay makita ko si Lyka. Araw-araw ko siyang namimiss. Araw-araw ko siyang hinahanap-hanap. Sana lang ay matapos na ang lahat ng paghihirap ko para makasama ko na si Lyka at bubuo kaming dalawa ng pamilya at bibigyan ko siya ng anak. "Oo naman! Samahan mo muna kaming mamili sa supermarket ng mga ipapasalubong ko sa mga magulang ni Lyka bago tayo pumunta sa kanila. Ayaw ni Lyka pero walang pwedeng humindi sa kagustuhan ko," wika ni Marcus. Hindi na ako kumibo. Mamimili din ako ng mga pasalubong ko. Kung tatanggapin nila ang ibibigay sa kanila ni Marcus, dapat lang din nilang tanggapin ang ibibigay ko. Lalo na kay Lyka. Nakaramdam tuloy ako ng kaba at saya. Kaba dahil hindi ko alam kung paano ko pakikiharapan ang mga magulang ni Lyka. Masaya ako dahil makikita ko ulit ang babaeng mahal ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD