Chapter 8 -Nagseselos?-

2417 Words
❀⊱Lyka's POV⊰❀ "Bff bakit ba hindi ka mapakali? May hindi ka ba sinasabi sa akin?" ani sa akin ni Joy. Tumawag kasi sa akin si Marcus, ang sabi niya ay pupunta daw siya dito, kasama daw niya si Harvey. Ayoko na sana munang makita si Harvey dahil ginugulo niya utak ko. "Hey, are you okay?" ani ni Carl. Gusto kong sabihin na okay lang ako pero mas ginusto ko pa ang manahimik na lang. Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Carl habang ako ay hindi ko sila tinitignan. "Papunta dito sila Marcus, kasama si Harvey," wika ko. "Oh my god! Totoo ba? Papunta dito sila Marcus, at finally makikita ko na ulit si Harvey at lalong-lalo na ang poging si Marcus," ani ni Joy. Natawa lang ako ng mahina. Kung ako lang talaga ang masusunod mas nanaisin ko na dumistansya na lang kay Harvey, kaysa ganito na lagi na lang siyang nagpapakita sa akin kaya mas nahihirapan akong mag-move on. Hindi naman sa hindi ako maka move on, actually ay hindi na siya hinahanap ng puso ko, kung minsan lang talaga ay naaapektuhan pa rin ako sa tuwing nakikita ko siya. Lumalabas ang tunay na ako, 'yung malambot ang puso na katulad ng dati. "Kaya ka ba tahimik? Apektado ka pa rin ba ng Harvey na 'yon?" ani ni Carl. Napatingin lang ako sa kanya. Tumayo ako mula sa pagkaka-upo ko at pagkatapos ay humugot ako ng malalim na paghinga. "Besh, sila na yata 'yung dumarating, may mga kalalakihan na patungo sa bahay ninyo," ani ni Joy habang nakasilip ito sa bintana ng kanyang inuupahang apartment. "May kasama silang isang babae, pero hindi 'yung kaibigan mong Janine. Maganda din at nakapalupot ang kamay sa braso ni Harvey. Oh my god, my jowa na ang ex-boyfriend mo bff," dagdag na ani pa ni Joy kaya nagulat ako at napasilip ako sa bintana. Tama nga siya, may kasama silang isang babae, hindi ko kilala kung sino ang babaeng 'yon. Iyon ba ang sinasabi niya nuon na babaeng mahal niya? Naalala ko na may sinabi siya na babaeng mahal niya, at ng tinanong siya kung kasama namin ang babaeng 'yon sabi niya ay hindi. Siguro siya ang babaeng tinutukoy ni Harvey. Akala ko ay hindi na ako maaapektuhan pero heto at parang nadudurog ang puso ko habang pinagmamasdan ko sila na masayang naglalakad patungo sa bahay ng aking mga magulang. Nagulat ako ng biglang kinuha ni Carl ang kamay ko at pinagsalikop niya ito. Hinila niya ako palabas ng apartment habang si Joy ay susunod daw sa amin. "Silipin ko lang muna ang mga bata, susunod ako sa inyo, natutulog na kasi ang kambal ko," malakas na ani ni Joy, hindi na ako nakasagot pa dahil hila na ako ni Carl patungo sa bahay ng aking mga magulang. "Bakit ka ba nagmamadali?" ani ko. "Ipakita mo sa kanya na hindi ka na apektado. Ipakita mo sa kanya na naka move on ka na at ipakilala mo ako sa kanila," wika ni Carl. Nag-aatubili ako dahil wala naman silang alam tungkol kay Carl, tanging si Julian at si Janine lang ang may alam tungkol sa kanya. "Huwag ka na lang magpakita sa kanila," wika ko pero natawa lang siya ng mahina at patuloy lamang siya sa paglalakad hanggang sa nakarating kami sa bahay ng aking mga magulang. "Good evening tatay, nanay," wika ni Carl sa aking mga magulang kaya lahat sila ay napalingon sa amin. Simpleng ngiti lamang ang isinalubong ko sa kanila. Pilit pa dahil kasama nila si Harvey at may kasama itong babae. "Harvey, kamusta ka na hijo?" ani ng aking ama. Talaga ba? After ng lahat ng nangyari ay tatanungin lang nila kung kamusta ba si Harvey? Napatingala ako, gusto kong maiyak dahil ang sama ng loob ko, pero nauunawaan ko dahil napakabait sa kanila nuon ni Harvey. Naging mabuti ang pakikitungo niya nuon sa mga magulang ko. "Maayos naman ho ang kalagayan ko," sagot niya kaya napatingin ako sa kanya. Nakatitig siya sa amin ni Carl at nakatingin sa mga kamay namin. "Nobyo mo?" tanong ni Marcus. Hindi ako sumagot pero si Carl ang sumagot kay Marcus. "Yes, she is my girlfriend," sagot niya. "Hindi ikaw ang tinatanong ko kaya huwag kang sasagot kapag hindi kita kinakausap," inis na sagot ni Marcus. Napatingin naman ako sa pinuno ko, nakikita ko sa mga mata niya ang katanungan kaya naupo ako sa tabi ni nanay at ngumiti ako sa kanila. "Lyka, sino ang lalaking 'yan? Totoo ba na nobyo mo 'yan?" tanong ni Harvey kaya tumaas ang kilay ko sa kanya. Pakialam naman niya kung sino si Carl? Siya nga hindi ko pinapakialaman kung sino ang babaeng katabi niya. Hindi ko siya sinagot. Nginitian ko lang si Marcus at napatingin ako sa babaeng napapagitnaan nila. Napatingin din ako kay Jun na nakatayo sa likuran ni Marcus kaya tumayo ako at kumuha ako ng silya na mauupuan ni Jun. "Mga hijo, relax lang tayo dito ha, si Carl ay mabuting bata, kaya sana ay pakiharapan ninyo siya ng maganda," wika ng aking ina. Hindi naman ako kumikibo, si Carl ay lumapit sa pwesto ko at naupo sa tabi ko. Gusto kong magsalita, pero bakit tila ba nalunok ko ang dila ko ngayong kaharap ko si Harvey. Nakatitig lang siya sa akin at hindi niya inaalis ang mga tingin niya sa mukha ko at pagkatapos ay kay Carl. Nakikita ko ang galit sa mga mata niya pero bakit? Dahil hindi siya makapaniwala na kaya kong mag move on at palitan siya? "Babe, bakit hindi mo ako ipakilala sa kanila para malaman nila kung sino ako?" wika ni Carl sabay hawak sa kamay ko at pinisil niya ang palad ko. "Uhm, Marcus..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang pumasok ang bff kong si Joy na nag-ingay agad. "Marcus, the handsome Marcus, na-miss kita, pa kiss sa pwet!" wika ni Joy kaya natawa ako ng mahina at napayuko. Sapo ng palad ko ang mukha ko na naiiling sa kanya. Tumayo naman si Marcus sabay tuwad nito kaya hinalikan ni Joy ang palad niya sabay hampas sa puwitan ni Marcus. Tawa naman ng tawa ang aking mga magulang habang si Marcus ay ginusot-gusot ang buhok ng aking kaibigan. Napatitig naman si Joy kay Harvey, napatingin siya sa akin at isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi at nagsalita ito. "Hugo, kamusta ka na? Poging-pogi pa rin ah!" wika niya. Alam kasi niya na walang alam sila Marcus sa tunay na naging relasyon namin ni Harvey. Alam din niya na pinsan ni Marcus si Harvey. Pero ang hindi alam ni Joy na si Marcus at si King Venum ay iisa. Isang bagay na hindi niya dapat malaman. "Jokla hindi 'yan si Hugo, kakambal ni Hugo 'yan. Si Harvey 'yan," wika ni Marcus sa aking kaibigan kaya natawa ako ng muli kong marinig ang tawag ni Marcus sa aking bff. "Ayan ka na naman sa Jokla! Hindi nga Jokla ang pangalan ko, nakakainis ka Marcus! Pogi ka sana, nakakainis ka lang. Ang ganda-ganda ng pangalan ko sinisira mo," wika ng bff ko sa aking kaibigan. Tawa ako ng tawa at bigla akong napatingin kay Harvey na titig na titig pala sa akin. "Anong Jokla? Pangit naman ng name mo," wika ng babae na kasama nila. "Joy na bakla, Jokla," sagot ni Marcus kaya umugong ang tawanan nila habang ako pa simple lang akong tumatawa. "Hindi nga sabi Jokla ang pangalan ko! At hindi rin ako bakla!" inis na sagot ng aking kaibigan. Tawang-tawa naman ako, hindi ko mapigilan ang pagtawa ko sa kanya. Nakikita ko kasi na napipikon siya kay Marcus dahil sa pang-aasar nito sa bff ko. Hindi na lang siya pinansin ni Marcus at inabot lang kay Joy ang chocolate na pasalubong niya dito kaya tuwang-tuwa na agad ang lukaret kong kaibigan. "Anyway, ito nga pala si Kricel Hererra, ang bff ko na kapatid ni Jun. Ngayon lang ulit niya nakita si Harvey after so, so, so many years kaya ganyan 'yan makapalupot sa pinsan ko. Kababalik lang kasi niya dito sa Pilipinas. Actually, siya 'yung lagi kong ikinukuwento sa inyo nuon na kaibigan ko sa Milan Italy," wika ni Marcus. "Bakit nasa Italy ang kapatid ni Jun, ano ang ginagawa mo duon?" tanong ni Harvey kaya napatingin ako sa kanya. So hindi pala niya ito nobya. Ewan pero biglang nawala ang lungkot sa puso ko ng marinig ko na wala siyang alam tungkol kay Kricel. Ibig lang sabihin ay hindi niya ito nakakausap kahit nuon, at hindi ko rin naman nakikita ang interes nito kay Kricel. Maganda si Kricel, mistisahin at matangkad kaya nakaka insecure kapag tinitignan ko siya. Napatingin si Kricel kay Jun. Simpleng ngiti lang ang sumilay sa labi ni Jun at napatingin pa sa akin ang tauhan ni Marcus. Ngumiti lang din siya sa akin, pero napatingin ako sa kapatid niya ng magsalita ito. "Nagtatrabaho ako duon, sa isang factory, tinulungan ako ni Marcus na magkaroon ako ng maayos na trabaho duon," sagot niya kaya napakunot noo ako. Totoo ba ang sinasabi niya? Bakit para siyang anak mayaman? Ang suot niya ay hindi basta-basta nabibili kung saan-saan lang. Maging ang suot niyang sapatos ay sobrang mamahalin at ang gamit niyang bag, my god, hindi biro ang halaga. Imposible naman na lahat ng sinuweldo niya ay iipunin niya para lang pang luho ng katawan niya. "Alam ko ang tumatakbo sa isipan mo Lyka," ani niya kaya napatingin ako sa kanya. Hindi pa naman ako nagpapakilala sa kanya pero mukhang kilala na niya ako dahil kay Marcus. "Hindi ko binili ang lahat ng nakikita mo na suot ng katawan ko. Regalo lang sa akin ito ng mga manliligaw ko. Itong sapatos naman, regalo sa akin ni Marcus, masama pa nga ang loob niya ng ibinigay niya sa akin 'yan, hindi ba?" wika niya sabay tingin kay Marcus at kay Jun. Malakas na tawa naman ang sinagot ni Marcus at ginulo din niya ang magandang buhok ni Kricel na ikinainis nito. Naaalala ko tuloy nuon, nuong kami pa ni Harvey, lagi niyang ginagawa sa akin 'yan, lagi niyang ginugulo ang buhok ko. Ganuon siya kapag naglalambing sa akin, namiss ko na ang mga panahong 'yon. Dahil kakaisip ko ay hindi ko tuloy namalayan na nakangiti na ako. Nagulat na lang ako ng may tumatawag sa aking pangalan. "Sinong iniisip mo bff? Ang ex mo?" wika niya kaya bigla akong napalunok. Napatingin ako kay Carl na titig na titig sa mukha ko. Napatingin din ako sa mga taong kaharap ko na lahat ay nakatingin sa akin maging si Harvey. "Alam ko kung ano ang nasa isipan mo Lyka," ani ni Marcus kaya tumaas agad ang isa kong kilay. "Iniisip mo na sobrang gwapo ko, tama ba ako?" ani niya kaya natawa ako. Pati sila nanay at tatay ay natawa sa sinabi ni Marcus. "Naku Marcus, buti ka nga gwapo, 'yung amo ninyo, nakupo inang! Ang sabi sa akin ni bff Lyka ay..." bigla akong napatayo at tinakpan ko agad ang bibig ng aking kaibigan. Muntik pa akong sumubasob dahil sa madaldal kong kaibigan kakamadali ko. Bigla namang napatayo si Marcus at nakatingin sa aming dalawa. Maging sila Harvey ay nakatitig sa amin at naghihintay ng susunod na sasabihin ni Joy. "Ano ang tungkol sa amo namin?" wika ni Marcus. Alam kasi niya na ang sabi ko sa mga magulang at kapatid ko na may amo kami at magkakasama kami sa trabaho. "Wala, ang sabi ko sa kanya ay mabait ang amo natin, minsan lang masungit kapag nagkakamali tayo," wika ko. "Hmmp, uhhhmp..." wika ni Joy na pilit na tinatanggal ang kamay ko na nakatakip sa bibig niya. "Bakit mo tinatakpan ang bibig niya?" ani nito. Kumindat ako kay Marcus at bahagya kong inginuso sila nanay at tatay, maging si Carl ay inginuso ko na rin ng palihim na kunwari ay may itinatago ako sa mga ito. Ayoko lang malaman niya ang mga panglalait na ginawa ko tungkol sa kanya at baka barilin akong bigla ay matodas agad ako. "Sigurado ka ba?" ani ni Marcus. Tumango naman agad ako sa kanya kaya bumalik siya sa pagkaka-upo. Tinitigan ko naman ng masama ang bff ko at mukhang nakuha naman niya ang gusto kong sabihin. "Sabi kasi ni bff, 'yung pinuno ninyo gwapo, pero hindi ako naniniwala, para sa akin hindi siya gwapo hangga't hindi ko siya nakikita," wika ni bff kaya napangiti ako ng lihim. "Huwag mo ng intindihin ang boss namin, sobrang gwapo nuon, out of this world ang gandang lalaki ng amo namin na 'yon. Kakaiba ang boss namin, nag-iisa," sagot ni Marcus. "Oo nga! Sabi nga sa akin ni bff, kakaiba talaga. Ibang-iba talaga kaya ayokong pagnasahan. Okay lang naman ako na single at may anak," wika niya. "Kamusta na ba ang kambal mo?" tanong ni Marcus. "Magaganda pa rin at kamukhang-kamukha ko pa rin, alam nyo naman sa akin lahat nagmana," sagot niya kaya natawa ako ng mahina. "Can we talk? Kahit saglit lang," ani ni Harvey kaya napatingin ako sa kanya. "Bakit?" tanong ni Marcus. "No." sagot naman ni Carl. Hindi na naman ako kumibo at hindi ko na rin tinignan si Harvey. Sapat na 'yon para malaman niya na hindi ako interesado na makipag usap sa kanya. "Wala akong pakialam sa sagot mo. Hindi ikaw ang kinakausap ko kaya huwag kang sumabat. Kung ako sayo, lumabas ka ng bahay na ito kung ayaw mong..." hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ni Harvey. "Kung ayaw niyang ano? Huwag ka rito mang-gulo. Wala naman tayong dapat pag-usapan hindi ba? Kahit nga kaibigan ay wala tayong relasyon, so para saan at gusto mo akong makausap?" sagot ko. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Harvey at pagkatapos ay tumayo. "Saan ka pupunta?" tanong ni Marcus. "Maninigarilyo lang muna ako sa labas. Excuse me ho, sa labas lang ho muna ako. Pagpasensyahan na lang po muna ninyo ako," wika niya at tuluyan na siyang lumabas ng bahay. Napabuntong hininga ako at sinundan ko siya ng tanaw habang papalabas. Napatingin ako sa kanila at pagkatapos ay tumayo din ako. Naglakad ako papalabas. Tinanong ako ni Carl kung saan ako pupunta pero hindi ko siya sinagot kaya hinawakan niya ang palapulsuhan ko para pigilan niya ako. Pero mabilis si Marcus at pumagitna agad siya. "Hayaan mo siyang lumabas bro. Wala kang karapatan kay Lyka, trust me," ani ni Marcus kaya napakunot noo ako. Magsasalita pa sana ako pero sinenyasan na ako ni Marcus na lumabas na kaya nagkibit balikat na lamang ako at lumabas na ako ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD