Chapter 5 -Lyka-

2244 Words
❀⊱Lyka's POV⊰❀ "Hay naku! Buti naman at naaalala mo pa ako? Saan ka ba laging nag-sususuot ha? Nakakaloka ka bff, pati tawag ko ay hindi mo sinasagot," ani ni Joy, ang kaibigan kong madaldal. Siya si Marie Joy Quiña ang aking kaibigan, nakilala ko siya nuong unang araw na lumipat kami dito sa Calatagan Batangas. Bata pa ako nuon, siguro ay nasa edad disi-otso lang kami nuon ng magkakilala kami. "Busy, ang dami kasing trabaho at ang daming ipinapagawa sa akin ng boss ko. Hindi naman ako makahanap ng free time para lagi ko kayong mapuntahan dito. Pasensya naman, ang suplada mo ngayon ha. Siguro kulang ka sa dilig ano?" pagbibiro ko sa kanya. Tumawa naman kaagad ang bruha at niyakap na ako ng mahigpit. Ganito ako kapag ang kasama ko ay si Janine o kaya ay ang dalawa kong best friend. Lumilitaw ang tunay na ugali ko, 'yung ugali ko na kilalang-kilala ni Harvey kapag sila ang kasama ko. Ang kikay at masayahin kong ugali. "Ano ba dala mong pagkain diyan? Bff mag-iingat ka diyan sa trabaho mo ha, kapag hindi tayo magkasama ay lagi kitang ipinagdarasal," wika niya kaya natawa ako. "Ano ba ang ipinag-darasal mo? Ma meet mo ng personal si King Venum? Sabi ko naman sayo ay hindi mo siya makikilala. Bakit ba kasi ang laki ng interes mong makilala si King Venum? Hindi mo siya makikilala dahil hindi nagpapakita ng mukha 'yon, mukha kasing swelas ng sapatos ang mukha niya. Ang laki ng mga ngipin niya at ang ilong parang namamagang kamatis. Tapos 'yung mata niya, 'yung isa parang umiikot 'yung itim at kung saan-saan napupunta. Ang dami pang tagyawat na kay sarap tirisin. Maitim na pandak pa at malaki ang tiyan na parang butete. 'Yan mismo ang hitsura ni King Venum kaya nga madalas ay naka maskara ang taong 'yon. Sigurado ka ba na gusto mong makilala si King Venum?" sagot ko sabay tawa ko ng malakas. "Bigla naman akong natakot bff. Totoo ba talaga 'yang mga pinag sasasabi mo sa akin ha?" "Oo nga! Magkasama kaming lahat sa isang resort at alam mo ba na napag kamalan 'yang bangkero ng mangingisda, akala pa nga nila ay isa siyang kapitan ng talaba sa dagat," wika ko na pilit kong pinipigilan ang matawa. Kapag nalaman ito ni Marcus ay magtago na talaga ako sa lugar na walang internet para hindi nila ako mahanap. "Ay grabe! Kasi naman King Venum, ang gwapong pakingggan tapos ganuon lang pala ang hitsura niya? Ay, ayoko na pala! Buti pa si Indoy na kapitbahay natin, kahit na hindi maligo, may hitsurang tignan, masama nga lang. 'Yang King Venum ninyo, kahit yata maligo 'yan kada oras at magbuhos ng pabango sa katawan eh hindi magmumukhang tao. Hindi ko na siya gustong makilala pa noh!" sagot niya na tumitirik pa ang kanyang mga mata kaya ngumiti ako ng tikom ang bibig, sabay talikod ko dahil pinipigilan ko ang mapa bunghalit ako ng tawa. 'Jusko po! Yari talaga ako kay Marcus kapag nalaman niya ito.' bulong ko sa aking sarili. "May sinasabi ka ba bff? Naloloka ka na naman siguro kakaisip mo kay Fafa Harvey ano? Nagkausap na ba kayo? Nasabi mo na ba sa kanya ang galit mo? Hanggang ngayon talaga ay hindi pa rin ako makapaniwala na muli kayong nagkatagpo ng dahil diyan sa pagiging assassin mo,"wika niya kaya mabilis kong tinakpan ang bibig niya at lumingon ako sa paligid. Ito talagang kaibigan kong ito, parang sirena ng ambulansya, malakas na tuloy-tuloy lang at walang preno. "Hala, sorry!" aniya kaya napapailing ako. Naglakad pa ako sa may puno at baka mamaya ay may nakikinig na pala sa pinag-uusapan namin. Wala naman akong nakita kaya inaya ko na siya sa loob ng bahay niya. "Magluluto na ako ng tanghalian natin. Dumaan ka na sa bahay ng nanay at tatay mo? Pinakain na nila ang mga alaga nila, nanduon kasi ako kanina. Ano ba ang gusto mong ulam, ginisang sardinas o ginisang sardinas?" ani niya kaya natawa ako. Parang wala naman yata akong pagpipilian sa ulam na lulutuin niya. Baliw talaga itong kaibigan ko. "Pero bff, matanong kita. Kumikibot?" tanong niya kaya napakunot ang noo ko. Ano ba ang pinagsasasabi ng kaibigan kong ito? "Sus! Kunwari ka pa na hindi mo alam! 'Yang petchay mo, kumikibot ba kapag nakakasama mo si Harvey sa iisang lugar? Umamin ka, alam ko naman na hanggang ngayon eh nababaliw 'yang puso mo sa lalaking 'yon," wika niya kaya natawa ako. Napapailing ako sa kalokohan ng babaeng ito. Naupo ako sa sofa at napatingin ako sa hagdanan ng mabilis na bumababa ang kambal na si Charlotte at si Carlota. "Hi, tita," Malaking ngiti ang sumilay sa aking labi at niyakap ko sila ng napakahigpit. Pinaghahalikan nila ako sa mukha kaya ganuon din ang ginawa ko sa kanila. Ibinigay ko na rin ang mga pasalubong ko sa kanila na damit at mga laruan. "Mama tignan mo po ang ganda ng pasalubong sa amin ni Tita Kai," ani ni Carlota. Hindi naman maalis ang ngiti ko kaya pinangko ko ang isa sa kambal. "Naku ibaba mo nga 'yan! Mabigat 'yan at amoy pawis pa, naglaro kasi ang mga 'yan kanina diyan sa labas," wika ng kaibigan ko pero okay lang naman sa akin. Walang problema sa akin kahit amoy pawis pa sila. "Mama sardinas na naman po?" nakangusong ani ni Charlotte at pagkatapos ay namaywang pa ito at nag cross arms. Natawa ako sa ka-kyutan niya kaya inilabas ko na ang pasalubong kong litsong manok na itinatago ko sa sasakyang iniregalo sa akin ni Marcus nuong nakaraang taong kaarawan ko. "Wow! Litsong manok na naman, paborito po namin ni kambal! Salamat po tita, love na love mo talaga kami," tuwang-tuwang ani ni Charlotte at masaya niyang kinuha ang tupperware na may lamang litsong manok at ipinatong ito sa ibabaw ng lamesa. "Spoiled na spoiled," ani ng aking kaibigan kaya natawa lang ako. "Tita dito ka na po kumain ha. Kanina po ay nanduon kami sa inyo kasi tinulungan namin pakainin 'yung mga alaga nyo pong baboy. Malalaki na po sila, sabi sa amin ni Lola Editha, kapag daw po nag birthday kami ni Kambal ay lilitsunin niya 'yong isa. Ang bait po talaga ng nanay ninyo," wika naman ni Carlota. "Bibili din ako ng malaking cake kung papayag mama ninyo," wika ko sabay tingin ko sa aking kaibigan. "Oo naman! Ano ka ba ha?! Syempre payag ako. Kailan ba ako tumanggi sayo?" aniya kaya natawa ako. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at tumulong na akong maghain sa lamesa. Isinalin ko ang mainit-init pang litsong manok na binili ko sa isang restaurant sa mall ng papunta ako dito. Nagdala na din ako ng manok kanina sa bahay nila nanay at tatay bago naman ako dumiretso dito. Nagbigay din ako ng pera na panggastos nila kahit tinatanggihan nila ito dahil may kinita naman daw sila sa pag-aani at pagbebenta ng mga gulay. "Tara na po tita kain na tayo," ani ni Charlotte at kinuha pa ng kambal ang kamay ko at pinaupo ako sa silya na napapagitnaan nila. Ang kukulit nila, bago sila sumubo ng pagkain ay maraming kwento muna ang matatapos nila tungkol sa mga paglalaro nila kanina. "Mama, malapit na po ang kaarawan namin ni kambal. Iisa lang naman po ang gusto naming regalo, ang magkaroon po kami ng malaking playhouse duon sa puno ng mangga. Sige na mama," wika ni Carlota kaya nagkatinginan kaming dalawa ni Joy. Tahimik lang naman akong kumakain. Nakikinig lang ako sa pag-uusap nila, ayokong makialam kaya napapatingin lang ako sa kanila. "Sige kapag hindi busy ang Tita Kai ninyo ay magpapatulong ako sa kanya. Marami kasi siyang kakilala na magaling na karpintero. Wala naman akong sa pagiging karpintero. Ano ba naman ang malay namin sa ganyan," wika niya. "Pabile nga po!" Napalingon kami ng marinig namin na may bumibili sa tindahan ni Joy. Ako na ang tumayo upang pagbilhan kung sino man ang bumibili. Natigilan ako dahil hindi ko naman kilala ang dalawang lalaki, mukhang dayo lang dito dahil hindi sila pamilyar sa akin. "May soft drinks ba kayo? Pag bilhan ng dalawa," ani ng isang lalaking matangkad at matipuno habang nakatitig sa akin. Binuksan ko ang refrigerator at kumuha ako ng dalawang soft drinks at inabot ko sa kanila. Nakatitig pa rin sila sa akin kaya pasimple akong humahawak sa may tagiliran ko kung saan nakatago ang baril ko. "Miss pwede bang magtanong? May nakikilala ba kayong Rodolfo Langston? Matangkad, mga nasa fifty-two na ang edad niya ngayon at mistisuhin," ani ng isang mas matangkad na lalaki. Tinitigan ko muna sila bago ako sumagot sa tanong nila sa akin. Ngumiti ako at umakto ako na parang inosente na walang nakikitang kahit na anong kakaiba sa mga ikinikilos nila. "Naku wala naman pong Langston na naninirahan dito sa baryo namin mga kuyang pogi. Nasubukan na ho ba ninyo sa kabilang bayan? Naku siguradong duon ho ninyo mahahanap ang pangalang 'yan. Duon ho kasi ay maraming mga foreigner na ganyan ang mga apelyido, mga imported na parang tsokolate lang. Baka po nanduon ang hinahanap ninyong Langston at kapag nahanap ninyo, ihingi naman ninyo ako ng imported na tsokolate dahil hindi pa ako nakakatikim ng ganuon. Duon na po ninyo hanapin 'yung ganiyang apelyido. Sa tagal na po namin dito ay walang Langston na naninirahan dito," ani ko sa kanila at ngumisi-nsisi pa ako sa kanila. Nakita ko naman na natawa sila at napapailing ng kanilang ulo. Pero kahit nakatawa sila nangangamoy pa rin ang panganib na dala nila kung mananatili sila sa lugar namin. Kaya mas mabuting maitaboy ko sila sa ganuong paraan. "Sige salamat. Ganyan din kasi ang sinasabi ng mga kapitbahay ninyo dito. Baka nga sa kabilang bayan namin matatagpuan ang lalaking 'yon," ani nito at tinalikuran na lang ako pagkatapos nilang magbayad. Bumalik naman ako sa kusina at naupo ako sa upuan ko. Ang kambal ay tapos ng kumain at umakyat na sa itaas upang maglaro ng pasalubong kong mga laruan sa kanila. "Bff, may naghahanap sa pangalang Rodolfo Langston. Kapangalan ng best friend ng tatay ko, kaya lang hindi Langston ang apelyido ng best friend ng tatay ko kung hindi Sullivan din. Siya 'yung kinuwento ko sayo nuon na biglang naglaho at duda ko ay 'yon ang dahilan kung bakit lumipat dito sa Calatagan Batangas. Pero hindi naman si Tito Rodolfo hinahanap nila kasi nga iba ang apelyido nito. Sino kaya ang Langston na hinahanap nila? Sa tingin ko pa lang sa kanila ay alam ko ng hindi sila gagawa ng mabuti. Bilang assassin ay kilala ko na ang kilos ng bawat tao. Sigurado ako na hindi maganda ang pakay ng dalawang lalaking 'yon sa Rodolfo Langston na hinahanap nila, kaya itinuro ko sila sa kabilang bayan upang iwanan nila ang lugar natin dahil alam kong panganib ang dala nila dito," wika ko kay Joy. "Hala bff! Nakakatakot naman, baka mga adik 'yon na gustong manggulo o kaya naman mga magnanakaw," ani ng kaibigan ko kaya natawa ako. "Hindi sila pangkaraniwang masasamang loob. Nakita ko ang pananamit nila, ang umbok ng baril sa katawan nila kaya sigurado ako na may malaking organisasyon ang humahawak sa dalawang 'yon. Mag-iingat kayo dito, mukhang may nagbabantay sa lugar na ito kaya talasan mo ang mga mata mo at baka mamaya ay nasa paligid lang pala ang mga kasama niya," sagot ko. "Naku bff, hindi kaya iyan 'yung sinasabi mo sa akin na problema ng boss mo na si King Venum? 'Yung Black Heart Queen na laging nanggugulo sa inyo? Baka naghahasik na 'yun ng lagim dito sa baryo natin, nakakatakot naman. Buti na lang at kaibigan kita, maipagtatanggol mo kami," sagot niya. Natawa akong muli at natahimik din ako. Hindi ko alam kung bakit iba ang nararamdaman ko sa dalawang lalaki na 'yon, parang may panganib na dala ang dalawang 'yon na hindi ko maunawaan. Siguro naiisip ko ito dahil sa nakita ko kanina, sa mga ikinikilos nila at sa pananamit nila. Sigurado ako na hindi isang ordinaryong organisasyon ang may hawak sa dalawang 'yon. "Hindi naman natin dapat problemahin na 'yan bff. Isa pa ay Langston ang hinahanap nila, wala naman tayong kakilalang Langston sa lugar na ito. Ikaw ba ay may kakilalang Langston sa lugar natin?" wika ko. Umiling naman siya kaya nagkibit balikat na lang kami at tinapos na namin ang aming pagkain. Pero ako ay hindi mapakali. Hindi ko maalis sa isipan ko kung bakit biglang bumalik sa isipan ko si Tito Rodolfo. Isa pa ay parang narinig ko na rin ang apelyidong 'yan pero hindi ko maalala kung saan? Sa larangan ng trabaho ko, maaaring may nabanggit din sila Marcus tungkol sa Langston, pero hindi ko lang talaga maalala kung saan at kailan ko ito narinig. "Natahimik ka na diyan? Iniisip mo 'yung dalawang lalaki na sinasabi mo ano?" aniya. Nagkibit balikat lang ako. Hindi ako sumagot, tinuloy ko lang ang pagkain ko hanggang sa sabay kaming natapos. Ako na ang nagligpit para mapaliguan na niya ang kambal. Ako muna ang tatao sa tindahan niya pagkatapos kong hugasan ang mga pinagkainan namin. Kamusta na nga kaya si Tito Rodolfo? Siya ang nagturo sa akin ng self-defense nuon at maging sa paghawak ng baril. Kahit papaano ay naisisingit ko sa schedule ko ang paghahanap ko sa kanya, pero hanggang ngayon ay bigo ako. Minsan na akong sumuko ng isang taon, pero muli ko ulit siyang hinahanap. Ngayong nasa Venum org ako ay marami na akong nagagawa na hindi ko kayang gawin nuon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD