CHAPTER FIVE

1309 Words
CHAPTER FIVE: ••• ••• "Dear Algebra, don't ask me to find your X. I do not know where she is and please, don’t ask me Y." sigaw ng Isang kaklase ko. See? Sa mga pinagsasabi lang nila, wala talaga akong naiintindihan HUHUHU. Mabuti na lang, mabilis na natapos ang lesson namin sa Math. Kaya ang sunod... UWIAN NAAAAAA!!! IHHHH ~~~ "Group 2 Cleaners for today; Ello, Esmer, Faren, Fatima, Garrett, Gadiane, Hurt and Hush." Bigla akong natigilan. Wait. 'Group 2 Cleaners for today; Ello, Esmer, Faren, Fatima, Garrett, Gadiane, Hurt and Hush...' Hurt? Eh wala namang ibang Hurt dito, kundi ... Ako??? Paktayyyy!!! Cleaners pala ako ngayon HUHUHUHU. Kaya wala na akong nagawa, kundi ang maglinis na lang. Pagkatapos ay umuwi na kaagad. Katulad kahapon ay sa Soccer Field nanaman ako dumaan. Pagkalabas ng campus ay nadaanan ko nanaman ang Gymnasium. Naalala ko bigla ang tatlong lalaki na kinarate ni Kuyang Adidas. Buhay pa kaya yun? Nandito pa kaya yun? O baka naman nakauwi na sa bahay nila? Sana nga nakauwi na. HUHUHUH. Grabe naman kasi kung maka-karate si Kuyang Adidas, parang dating Judo Master or Taekwondo. At usapang Kuyang Adidas, nasaan na kaya siya? Hindi ko na s'ya muling nakita pa. Na curious tuloy ako kung saan siya nag-aaral. At kung bakit s'ya nandito kahapon, at kung bakit kinarate niya ang tatlong lalaki kahapon. Teka! At bakit ko naman siya hinahanap? dOoOb ??? Nakuuuu! Umayos ka Aphrodite! Huminto ako sa paglalakad. Malapit na sana ako sa sakayan ng Jeep nang kusang humakbang paatras ang mga paa ko, at tumakbo pabalik at papasok sa gymnasium. Nagulat ako nung nakasalubong ko ang tatlong lalaki kahapon. At nagulat din sila nang makita ako. dO___Ob ??? Ehh ??? Kaso, "Uyy! Kayo pa—" Mabilis pa kay flash sila na kumaripas ng takbo, papalayo sa gawi ko "Luhh! Mga Kuyang!!!" Bakit takot na takot ata sila nang makita ako? Napakamot na lang Ako sa buhok ko. "Anong nakain sa mga 'yun? Mukha ba akong multo? Bakit naman sila tumakbo HUHUHU". Anyare kaya sa kanila? Bakit kaya sila tumakbo nang makita ako? At napansin ko pa ang nanginginig nilang mga kamay. Sa pagkakatanda ko, si Kuyang Adidas yung kumarate sa kanila pero bakit sila sa'kin natakot? Wala naman akong ginawa kahapon sa kanila. Nakatayo lang ako at pinanood sila. Wala naman akong ginawa. HUHUHU "Teka lang!—" Tumakbo ako para habulin silang tatlo. Kaso, bigla akong may nabangga kaya napahinto na lang ako bigla. Tiningnan ko ang nabangga ko at nanlaki kaagad ang mga mata nang makita ang nahulog na lollipop ng isang batang babae. "Hanluhh! Sorry puuu!!!" Mangiya-ngiyak kong paumanhin. Lumuhod ako para pantayan ang bata. "Sorry pu talaga HUHUHU." Sa tingin ko, Pitong taon ang batang babae. Hinintay ko na umiyak siya. Nagpalinga-linga din ako sa paligid. Hinahanap ang mga magulang, kaso, wala naman siyang kasama, mag-isa lang siya. Bago pa man umiyak ang bata ay mabilis ko kaagad kinuha ang Milkita brand na lollipop ko sa bulsa at ibinigay sa kan'ya. "Eto oh... Sayo na." Nakangiti kong wika. Nakangiti naman itong kinuha ng batang babae sa kamay ko. Kaso, agad din binawi ang mga kamay. Nag-aalinlangan niyang kunin. "Kunin mo na. Wala 'yang lason. HEHEHE." At dahil nahihiya siyang kunin, ako na ang nag adjust HUHUHU. Kinuha ko ang kamay niya at ako na ang naglagay nito. Sus! Pakipot pa. Ang bata-bata marunong ng magpakipot. HEHEHEH. "S-salamat po... Ate..." Napatawa ako ng mahina at pinisil ang pisngi ng bata. Ang kyutiieeee HUHUHUH. "Dite." Pinulot ko ang nahulog niyang lollipop mula sa lupa at itinapon iyon sa damuhan. "Ate Dite ang pangalan ko." Napangiti ang batang babae na kaharap ko ngayon. "Ikaw? Anong pangalan mo?" "Emirate po, Ate Dite." Inayos ko ang suot niyang puting dress na abot hanggang tuhod ang haba. "Nasaan yung Mama o Papa mo Emirate?" tanong ko. Sunod ko namang inayos ang nakalugay niyang buhok. "Wala po." sagot niya. Kaya napatitig ako sa kan'ya. Parang ang layo ng sagot n'ya sa tanong ko. Pero anong wala po? Wala yung Mama or Papa niya dahil patay na? O wala dahil hindi s'ya sinamahan dito at mag-isa lang s'ya? "Paanong wala? Anong wala?" Naguguluhan kong tanong. "Nasa bahay po si Mama at Papa." Aww. Yun naman pala. Akala ko kung ano na HAHAHA. Pero... Nasa bahay!? Haluhh ka! "Eh sinong kasama mo dito?" Pinabukas niya sa'kin ang lollipop na ibinigay ko. Binuksan ko iyon at ibinigay ulit sa kan'ya. Ako ang naglagay sa bibig niya. "Si Ate ko po." sagot n'ya habang nasa bibig ang lollipop. Tumango-tango naman ako. Tumayo ako sa pagkakaluhod. Sabay stretch ng mga braso. Mukhang namanhid ata yung mga paa ko sa tagal kong nakaluhod. HUHUHU "Tara." Inilahad ko ang kanang kamay ko sa kan'ya. "Hanapin na'tin 'yang Ate mo." Tinanggap niya naman ito sabay tumango habang sipsip-sipsip niya pa'rin ang lollipop. Hindi ko tuloy napigilan na mapasimangot. Parang... Gusto ko rin mag lollipop *pout*. Kaso, mag-isa na lang 'yan. Nasa bahay pa ang iba HUHUH. "Emirate!." Nakita ko ang Isang magandang babae na papalapit sa direts'yon namin. Sa tingin ko ay nasa 20+ na ang edad nito? Or baka naman kasing edad niya lang sina Ate Queen and Ate H? "Nandito ka lang pala." Pinakawalan ko ang pagkakahawak ng kamay ko sa bata. Tumakbo ito at sinalubong ang babae. "Ate Khate!" sigaw ni Emirate. Sinalubong siya ng yakap nito. "Bakit ka ba kasi umalis sa tabi ni Ate? Alam mo namang hindi ka pwedeng humiwalay sa'kin. Lagi ka pa ba naman nawawala." "Sorry po Ate Khate." makungkot nitong sagot at iniyuko ang ulo. Para siyang pinapagalitan ng babae pero nasa kalmadong tono. Ang weird lang, galit na kalmado? Napansin na siguro ng babae na may iba silang kasama kaya napatingin na siya sa gawi ko. Napatikhim naman ako. 'Eherm! Ang ganda niya.' "Ate! Siya nga po pala si Ate Dite. Nahulog po kasi yung lollipop ko kaya binigyan niya po ako ng bago HEHEH." Nakangiting wika ng batang babae. "Luh, hindi naman nahulog ang lollipop mo." Depends ko sa sinabi niya. "Po? Nahulog po siya Ate Dite. Ikaw nga po ang nagtapon ihhh." "Hindi siya kusang nahulog. Ako yung naghulog. Ako ang may kasalanan kaya nahulog ang lollipop mo." Napasimangot siya. "Hindi po. Wala po kayong kasalanan ihhh~" "Nabangga kita. Tapos nahulog ang lollipop mo. Ibigsabihin kasalanan ko kung bakit nahulog ang lollipop mo." "Pero kasalanan ko 'rin naman po dahil hindi po ako tumitingin sa dinadaanan ko." "Nahulog man o wala, nabangga man o wala. Hindi na'yun importante pa." Kalmadong pumagitna sa amin ang magandang babae na nangangalang 'Khate'. "Nabangga mo ang kapatid ko, at nabangga ka naman ng kapatid ko. Sa tingin ko naman pareho niyong hindi nakita ang isat-isa." Nagkatinginan kami ng batang babae. At sabay na napasimangot. "Ang mahalaga kasi ay kahit na sa tingin mo ay kasalanan mo na Ikaw ang naghulog sa lollipop ng kapatid ko, ay binigyan mo pa'rin siya ng lollipop." Hindi ko napigilan na matulala sa Ganda niya. "Salamat." Isang magandang ngiti ang sumilay sa labi niya. Ang ganda niya talaga. Napaka simple ng suot niyang white turtle-neck shirt na pinaresan ng white pants or trouser siguro ang suot niya? Mahaba ang kulay itim niyang buhok. Umabot hanggang bewang. May curly-curly sa dulo at kahit na natatakpan ng bangs niya ang kan'yang pilik mata, natatanaw ko pa'rin ito. "Mauna na kami. Salamat sa tulong." Nakangiti siyang nagpaalam sa akin. Pero sa lahat ng napansin ko sa kan'ya. Isa lang ang mas umagaw ng pansin ko. Nawala ang ngiti ko nang tuluyan na silang dalawa na nawala sa paningin ko. Ang kulay ng mata niya, 'Hazel eyes...' Isang pamilya lang ang kilala ko na may ganiyang kulay na mga mata. Maliban na lang siguro kung may kapareho lang talaga HUHUHUHU Umi-iling-iling Ako. Baka nga nagkataon lang. Hayyssttt! TO BE CONTINUED .....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD