CHAPTER ONE
CHAPTER ONE:
•••
•••
"Hi! Ako nga pala si..."
Lagi kong pinapaalala sa sarili ko kung ano ang pangalan ko...
"Dite Hurt. 14 years old from Ayala. Alam kong madaming Zone sa Ayala pero hindi ko na po kailangang sabihin dahil alam ko naman pong wala kayong interes na pumunta sa bahay ko."
Which is true naman. Pero ang main reason talaga ay ayokong may makaalam kung saan ako nakatira.
"May Ate po ako, isa. May kuya, isa din. Pinsan naman po madami."
Marami akong mga pinsan. Sa sobrang dami nila, hindi ko na mabilang pa.
"Kung sa pangarap naman po, makapagtapos lang ng pag-aaral, 'yun lang ang pangarap ko. Bago din po ako dito sa Ayala National High School. First time. Makapatapos lang ako dito sa third year high school okay na.
Pero mas gusto ko talaga na makakuha ng diploma.
"Hindi ko na kailangan ng mga kaibigan po, nandiyan naman mga Ate's ko. Okay na sila sa'kin. Pero kung maging close ko kayong lahat, okay na lang din sa'kin."
Isa sa pinaka-kinatatakutan ko ay magkaroon ng kaibigan, hindi lang basta kaibigan, kundi BESTFRIEND talaga. Nakakatakot. Lalo na galing ako sa masikretong pamilya.
"Sana welcome ako dito sa section niyo. First time ko pa'din naman na maging First Section sa mga regular sections. Pero mas pangarap ko doon talaga sa STEM."
Dito sa campus nila, first section ang Aquino sa Grade 9 Curriculum. Pero may mas mataas pa na section, ang mga nasa STEM. Advance ang mga subjects nila.
"Once again, Dite Hurt nga po pala, and I thank you po." mahaba kong pagpapakilala.
KATAHIMIKAN ang namayani sa buong classroom.
Bakit sila natahimik?
Ako ay nakatayo sa harapan ng mga bagong kaklase ko. Kakapasok ko lang at sinabihan kaagad ako ng bagong guro ko na magpakilala sa harap nila kaya nandito ako ngayon, nakatayo sa harapan nila. Kaso, ang ipinagtataka ko lang, bakit natahimik sila? Bakit tahimik lang sila? Eh kanina naman pagpasok ko ang ingay-ingay nila.
Ang mga mata nila ay nakatingin lang sa'kin.
"A-ahh... O-kay?... Sige na Dite Hurt. Maupo ka na. Ang haba na ng nasabi mo."
Sinunod ko ang utos ng bagong guro ko. "Opo Ma'am."
Naghanap Ako ng lugar na may bakanteng upuan, kaso...
"Teacher... Saan nga po pala ako uupo?" Nakasimangot kong tanong.
"Doon." sagot ni Ma'am. "Sa tabi ni Carlos."
Hinanap ng mga mata ko si Carlos.
Carlos? Eh Wala nga akong kilalang Carlos dito. New student kaya Ako ihhh, kaya hindi ko kilala yang si Carlos. Sino ba 'yan?
"Sino po si Carlos, Teacher?"
"Siya."
Sinundan ko ang nakaturong hintuturo ni Ma'am sa pinakadulong bahagi ng classroom. Nahati ang upuan sa limang grupo, paitaas, ganun din ang pagilid. Sa pinakadulo, nakita ko ang bakanteng upuan. Ang upuan ay makikita sa pangatlong grupo ng upuan pa gilid, at pang-apat na groupo naman kapag pahaba. Ibigsabihin, sa second to the last chair pala Ako uupo.
Nakangiti akong naglakad at umupo na sa itinuro ni Ma'am. Napansin ko kaagad ang nakaupong lalaki sa kaliwang banda ko. Gusto ko siyang tanungin kung siya na ba si Carlos. Kung bakit? Wala lang, curious lang. Ang tahimik niya kasi ihh. Parang walang pakialam na may bago siyang classmate.
Napasimangot tuloy Ako.
First day of school ngayon. At ito rin ang unang Araw ko dito sa Ayala National High School. Isang public school na matatagpuan sa Zamboanga City.
Puro pakilala lang sa isat-isa ang nangyari sa buong umaga. Lahat ng mga nagpakilala ay natatandaan ko ang mga pangalan nila. Gusto ko pa sanang magpakilala ULIT kaso tapos na daw Ako. Andami ko pa kaya'ng hindi nasabi sa kanila, kaso naisip ko, baka itapon pa sa'kin ni Ma'am ang dala-dala niyang record book. Baka maubos ang oras nang dahil lang sa'kin.
Bukas pa magsisimula ang proper class discussion, sa Ngayon ay puro kami Introduction. Hanggang sa umabot na kami sa botohan ng 'Class Officers'. Hindi ko kilala ang lahat, ngunit ba-se sa napapansin ko sa Ilan, mukhang magkakilala sila. Hindi naman lahat, pero halos silang lahat ay may kilala dito.
Isa sa rason ay baka magkaklase sila last year. Paano naman Ako na kakalipat lang ng school.
Kung sino-sino lang ang binoto ko sa Class President, Vice-President, Secretary, Treasurer, Auditor.
Kasi naman hindi ko kilala yung mga representative. Basta sinong may magandang pangalan siya na yung iboboto ko. Peace yoww.
Hanggang sa na completo na ang mga Class Officers, maliban sa Muse and Escort.
"I nominate Dite Hurt to be the Muse."
Nanlaki kaagad ang mga mata ko sa narinig ko.
Ano?!
"Huh?" Hinanap ko kaagad ang taong bumanggit sa pangalan ko.
At bakit lahat sila nakatingin na sa'kin?
Mukha ba akong Artista?
"Miss Dite Hurt? Kindly stand-up." salita ni Maam.
"Ako po?" Tinuro ko ang sarili ko.
"Yes."
Nagtataka naman akong tumayo sa kinauupuan ko. At nakita ko na'rin ang taong nagbanggit sa pangalan ko. Napatanong tuloy Ako, may problema ba yung babaeng 'yun sa'kin?
"Raise your hand if you want Divine Genan to be your muse." Nagsitaasan ng mga kamay ang mga kaklase ko. "Put down."
20 out of 45 students ang nagtaas ng kamay.
"Then raise again your hands if you want Dite Hurt to be your Class Muse."
Nagulat ako sa sinabi ni Maam. Teka! Yung purpose ba sa pagtawag ng pangalan ko kanina ay dahil nino-minate pala Ako?! As a Muse?!!!
Bakitttttt???!!!
Binilang ko ang mga kamay na nakataas sa ere. At 25 lahat ang nabilang ko. P*ktay!!!
"Dite Hurt will be the Muse of this section."
"Ma'am?" Nagtaas Ako ng kamay.
"Yes, Dite?"
"Pwede po bang mag back-out?" tanong ko.
"And why?"
"Wala po kasi sa plano ko ang maging muse. Aral lang po talaga ang pakay ko dito sa school niyo."
Panandalian namang tumahimik si Ma'am at parang pinag-isipan ang sinabi ko. "Ok—"
"Ma'am?" Isang lalaki ang nagtaas ng kamay. "I can be her Escort. Kaya huwag mo na lang siyang pakinggan Ma'am."
Naguguluhan ko namang binalingan ng tingin ang katabi ko na siyang nagtaas ng kamay. Kampante lang itong naka-upo.
"Anong huwag pakinggan?"
Binalingan niya Ako ng tingin. "Hindi naman heavy ang trabaho ng magiging muse. Puro ganda-ganda lang naman 'yan. So, kaya mo lang ipagsabay yang aral mo at iyang pagiging muse mo."
"Ano?" Naguguluhan ko siyang tiningnan. "Kahit na! Ayoko pa'rin!" Sumimangot Ako. "At Isa pa, huwag mong sabihin na puro ganda-ganda lang ang position na Muse."
"Ay bakit, hindi ba?"
"Hindi!" Nakasimangot ko siyang sinamaan ng tingin. "My Ate Willow once said, a Muse is also a student leader."
"Student leader?" Tumayo ang taong yun at hinarap Ako. "Paano mo naman nasabi 'yun, Miss Dite Hurt?"
"A classroom officer in the Muse position is typically a student leader who is responsible for organizing and coordinating various events and activities within this classroom." Pagpapaliwanag ko sa kan'ya. "This can include organizing fundraisers, planning class trips, organizing charity events, and managing class schedules and assignments. The primary goal of a Muse is to enhance the overall student experience by creating opportunities for social interaction, community building, and personal growth."
Katahimikan ang namayani sa buong classroom.
Wow naman! Dite! Straight English 'yun ah!
"Naiintindihan mo po ba?"
Kahit ang lalaking kaharap Ako ay hindi nakapag salita. Totoo din naman ah, hindi lang naman puro paganda ang role ng Muse. May ambag din sila. Anong purpose nila sa pagiging part ng Officers kung puro lang naman sila paganda?
Ang Muse ay dapat responsable sa pag-aayos at pag-uugnay ng iba't ibang mga kaganapan at aktibidad sa loob ng silid-aralan.
"Kaya huwag mo pong sabihin na puro paganda lang ang Muse. Hindi naman po 'yun sa ganon."
Tinalikuran ko na ang lalaking iyon at umupo na lang Ako.
"Sige na lang po Ma'am. Hindi na po Ako mag ba-back-out as a Muse dito. Tutal nandito na'rin naman ako at binoto na po nila Ako, kaya paninindigan ko na lang." Nakasimangot kong wika.
Ayoko na sana eh, mag ba-back-out na sana ako, kaso p*sti naman 'tong lalaking 'to, nakikialam.
"At para naman sa magiging Escort na'tin." Pagbasag ni Ma'am sa katahimikan. "Are you sure, Carlos?"
"Carlos!"
"Si Carlos Maam!"
"Carlos Gadiane!"
"Si Carlos!"
"Carlos! Carlos! Carlos!"
Naitakip ko ang dalawang kamay ko sa tainga ko dahil sa nagsigawan na ang mga kaklase ko.
Ang ingay nila.
Kanina ko pa 'yan narinig ang pangalan na Carlos, kaya nakaka curious talaga kung sino 'yan.
"Yes Ma'am. Sure na Ako."
Nakita ko ang pag-upo ng lalaking kaharap ko kanina.
Wait!
"Okay! Then Carlos Gadiane will be our classroom officer, under the Position of Escort."
"Wooohhhh! Escort daw! Carlos."
"Ayan! Completo na ang ating mga classroom officers!."
"Infernes, bagay sila ni Dite!"
"At dahil completo na kayo, kindly please go in front and promise one thing, as your chosen position, maipapangako niyo ba na gagampanan niyo ng mabuti ang position na meron kayo ngayon?"
Naitakip ko ang palad ko sa bibig ko. Haluhhh!!! May ganun pala!!!
Hindi ko ata alam na may gan'yan-gan'yan pala..
Hindi ata ako na inform. Kung alam ko lang pala na may ganiyan, kanina pa ako umuwi.
"Unahin na'tin ang ating President..."
TO BE CONTINUED .....