CHAPTER FOUR

1688 Words
CHAPTER FOUR: ••• ••• "Ako po manong conductor! Sa Dreamville lang po." wika ko sabay abot ko ng bayad sa kan'ya. Bumaba na ako sa Jeep at nilakad ko na ang Daan papunta sa address ko. May balak pa sana akong pasukin yung Dreamville para bumili ng Ice Cream. Kaso, naramdaman ko na may nag vibrate. Dali-dali ko kaagad kinuha ang cellphone ko sa bulsa. Mabilis ko kaagad binuksan ang message nang makita ko sa screen ang pangalan ni Ate A. From: Ate A 'Aphrodite!' dO___Ob P*tay na talaga ako nito. Kahit non-chalant yun si Ate A, iba pa'rin 'yun mag-alala. Lagot na talaga ako neto. Kaya wala na akong nagawa kundi ang bilisan na ang paglalakad. Hanggang sa tumakbo na talaga ako. Medyo malayo pa ang tatakbuhin ko, papasok sa address ko. Country Home Village. Matatagpuan siya sa Ayala, lampas Dreamville. Direts'yo lang at walang lilikuin. Bale saka lang liliko kapag nasa mismong village na. Hindi ko na alam kung Ilang oras na akong tumatakbo, basta! Saka lang ako huminto nung lumiko na ako sa kanan. Huminga muna ako ng malalim, at balik nanaman sa pagtakbo. Ang sakit na ng mga paa ko. Ilang oras lang at sa wakas, nakarating na'rin ako sa gate ng mansion. Nakangiti akong sinalubong ng guwardiya, kinamusta at pinapasok. Nginitian ko naman siya pabalik. Mabilis tumakbo ang oras. Kaya nang makapasok na ako, dumeretsiyo kaagad ako sa Head Quarter. Pagpasok ko pa lang, nagulat na ako sa naabutan ko. /// dO________Ob /// P*tay talaga. Lahat sila ay nasa akin na nakatingin. Mukhang inaantay na talaga ni Ako. "Sorry naman puuu..." Napasimangot kong wika. Tiningnan ko sila Isa-isa. Si Ate Willow ay medyo may ngiti sa labi na nakatitig sa akin. Si Ate D ay may maliit na smirk sa kaniyang labi. Si Ate Queen at Ate H ay parehong walang ka rea-reaction sa mukha. Huling dumako ang paningin ko kay Ate A. At ayun, masama na ang tingin sa akin. Salubong ang dalawang kilay at naka-krus ang dalawang braso. "Mukhang ayos ka naman Aphrodite kaya akyat na sa kwarto." May ngisi sa labing wika ni Ate D. Nagtataka man ay tumango na lang Ako, at dahan-dahan na naglakad paakyat sa hagdanan. Habang umaakyat ako, hindi ko mapigilan na mag-isip. 'Hindi pa nila itatanong kung bakit late na akong nakauwi?...' Nang nasa harapan na ako sa pintuan ng k'warto ko dito sa HQ, huminto muna ako at napa-isip nanaman. 'Baka naman alam na nila kung bakit ako ngayon lang naka-uwi?...' Kasama nila si Ate Willow. Alam ko naman na marami siyang mata, baka nakita nanaman niya ako sa mga mata niya? Nag kibit-balikat na lang Ako. Pumasok na ako sa k'warto ko at direts'yo kaagad nagbihis. Medyo natagalan dahil nag half-bath pa ako. Sa PAG sapit ng alas otso ng hating gabi. Tinawag na nila ako para bumaba na. Bumaba naman kaagad Ako at sabay namin tinungo ang daan papunta sa Mansyon namin. Nang makarating sa kusina ay naabutan na namin si Papa na naka-upo na sa paborito niyang mahabang Dining Table. Sabay kaming umupo at kumain. Wala si Mama at Kuya kaya si Papa lang ang kasama namin ngayon. Wala rin ang mga magulang nina Ate Willow, Ate D, Ate Queen and Ate H, kaya dito na lang kami kumain lahat. Habang kumakain kami, napapansin ko talaga ang katahimikan na namayani. Kaya napasimangot na lang ako. Hindi naman 'to bago sa'kin, lagi naman ganito, sa tuwing kumakain kami. Ang tahimik. Sa sobrang tahimik, mahihiya ang hangin na dumaan sa amin. Baka kapag dumaan siya, hindi na siya makakadaan sa susunod. Malapit na akong matapos kumain. Nang biglang may bumasag ng katahimikan. "How was your first day of school in Ayala National High School?" Lahat ay tumigil sa pagkain nang magsalita si Papa. Umangat ang ulo ko para tingnan si Papa. At nakatingin ito sa akin. "Po?" "Kumusta ang unang araw sa bagong paaralan mo Aphrodite?" tanong nito. "Ahmm..." Sinubukan kong titigan sa mata si Papa ng matagal, kaso hindi ko na kinaya. Eh kasi naman pu. Kung nakakatakot tumingin si Ate Queen at Ate A, mas nakakatakot si Papa!!! Yung tingin kasi ni Papa, parang si Satanas. Isang tingin mo lang, makikita mo kaagad ang Impyerno. "Okay lang naman po Pa." sagot ko. Sinubukan ko na huwag mautal. Hindi na'rin ako makatingin ng maayos sa kan'ya. "Good." Nginitian niya ako saglit at bumalik na ulit sa pagkain. Bumalik din naman sa pagkain ang mga kasama ko. Ganun din naman ako. 'Hoooooh! Nakahinga Ako dun ng maluwag.' Kapag talaga Papa ko na ang babasag sa katahimikan, lahat talaga ay kakabahan. Number 1 na Ako dun na unang kabahan. Ewan ko lang sa iba, kung kinakabahan din ba sila. Basta ako, kinakabahan ako uyyy. Scary kaya si Papa paminsan. Lalo na kung magalit. ... ... MATAPOS kaming kumain ay sabay-sabay na nanaman kaming bumalik sa HQ. At sabay na nagtungo sa sari-sarili naming mga kwarto. "Aphrodite..." rinig kong boses ni Ate A kaya nilingon ko muna siya bago ako pumasok. "Yes po Ate A?" Ang kaninang nakasalubong na mga kilay ni Ate A ay bumalik na sa dati. Pantay na ulit ito. "Goodnight." ang tanging lumabas sa bibig niya at tinalikuran na ako. Medyo nagulat man, ay hindi ko pa'rin napigilan na mapangiti. "Goodnight din po Ate A!" pasigaw kong wika, sapat na para marinig din niya. Ngunit hindi niya na ako muling nilingon pa. Pero okay lang. Dahil nag 'Goodnight' naman siya. Doon pa lang, masaya na ako. Nakangiti akong pumasok sa k'warto at humiga sa kama. Hindi ko pa'rin napigilan ang ngiti ko. Para akong baliw na bata na nakangiti habang nakatitig sa kisame at yakap-yakap ang unan ko. 'Ihhhh~~maka miss pala ang goodnight ni Ate A...' Masaya akong nakatulog. Kaya masaya rin ang gising ko. KINABUKASAN. Ay nasa tamang oras akong nagising. Nagising ng maaga, kumain ng maaga kasama si Ate A at Ate D. Kahit na nasa tamang oras kami nagising, Hindi pa'rin namin talaga naabutan sina Ate Queen and Ate H. Lagi na lang kasi silang wala sa tuwing nagigising kami ng maaga. Siguro, 6:00 AM class na nila. Yung kakagising lang namin 6:00 tapos sina Ate Queen and Ate H, Class Hour na. Ganun pala kapag Senior High at College na? Maaga ang pasok? Or baka naman——... "Nasaan pala sina Hera and Hestia?" tanong ni Ate A sa kakababa lang na si Ate Willow. "Mission." simpleng sagot niya. 'Mission...' Sa simpleng sagot ni Ate Willow, nakuha ko na kaagad ang ibig niyang sabihin. "Bakit mas'yado namang maaga?" "Ask your father, Artemis." "Tss." Hindi na nasundan ang tanungan nila dahil tapos na sa pagkain si Ate A. Kaya tinapos ko na lang din ang sa akin at sumunod na sa kan'ya. Hinatid kami ng SUV namin papunta sa school. Inutos namin na huwag kaming ibaba sa maraming mga tao at sasakyan. Kaya ibinaba kami ng Driver sa walang kata-kataong lugar. Sabay kaming pumasok ni Ate A sa Gate ng school, pero nang makapasok na kami ay sabay 'rin kaming naghiwalay. Ehh magka-iba kasi ang mga building namin ihhh. Tinahak ko na ang daan papunta sa building ko at inakyat ko ang hagdanan papunta sa classroom ko. PAGKAPASOK ko sa loob ay napalingon ang iba sa gawi ko. Habang wala naman pakialam ang iba sa pagdating ko. Ihhh sino ba naman ako para pakialaman nila? Umupo na lang Ako sa pwesto ko at hinintay na dumating ang mga guro. Ngayon kasi ang unang araw na magtuturo na sila. Ibigsabihin, first lesson. Unang pumasok na guro ay si Ma'am Gail, ESP ang kan'yang subject. Naka focus kami ngayon sa pakikipag-kapwa. Tutal ang ibigsabihin naman ng ESP ay 'Edukasyon sa Pagpapakatao'. Sumunod na subject ay ang MAPEH; na ang ibigsabihin ay Music, Art, Pysical Education and Health. Naunang itinuro ni Ma'am Jane ang Music. Naka focus kami ngayon sa Contemporary Music dito sa Pilipinas. Pagkatapos ng dalawang oras, RECESS na. Kaya kagaya kahapon, mag-isa nanaman ako. Sa ikatlong subject, sumunod ang TLE. Technology Livelihood Education. Pinapili kami sa eno-offer nila na mga strand; Cookery, Dressmaking, SMAW, EIM, Beauty Care and Home Economic. At ang napili ko ay Cookery. Kung bakit puuu? Wala lang. Pero siguro, dahil gusto kong mag luto-luto. Sa pang-Apat na subject ay FILIPINO. Na mention ang Noli Me Tangere na isinulat ni Jose Rizal. Then LUNCH time. Kagaya kahapon, sa room lang ako kumain. Matapos ang Isang oras na lunch break, ay balik sa klase nanaman. Sumunod na subject ay Araling Panlipunan. Sa Demand ng mga supply ang topic namin. Nagkaroon kaagad kami ng Groupings. Group 2 ako at ako ang Reporter nila. Ang galing lang diba. HUHUHUHU. Nag grouping's lang, naging reporter pa ako. *pout*. Sa ikalawang subject sa hapon is SCIENCE. Pero kung isasali ko ang sa umaga, pang-anim na subject na. Unang pasok pa lang ni Ma'am, Pina memorize na kaagad sa amin ang table of elements 1-20. Ang ika-pitong subject ay ENGLISH. Literature ang topic namin. Binigyan din kami Isa-isa ng book ni Ma'am na 'Anglo-Literature'. Pinabasa niya sa'min ang mga Sonnets ni William Shakespeare at pinaintindi. At ito lang ang masasabi ko, mahina talaga ako sa English. Ang last subject namin ay ang number one na pinaka-ayaw ko sa lahat ng mga subjects namin, ang MATHEMATICS. Kung gaano kagaling si Ate A sa math, ganun naman ako kahina. Opposite kaming dalawa puuu. Favorite ko na lahat, huwag lang talaga ang Math. Sabi pa ng katabi ko "Do you believe in parallel lines? Because with you, I feel we have a lot of intersections." Wala akong naintindihan sa pinagsasabi niya. May Isa pang dumagdag, "Hey Dite, my love for you is like dividing by zero, It cannot be defined." "Dear Algebra, don't on’t ask me to find your X. I do not know where she is and please, don’t ask me Y." sigaw ng Isang kaklase ko. See? Sa mga pinagsasabi lang nila, wala talaga akong naiintindihan HUHUHU. Mabuti na lang, mabilis na natapos ang lesson namin sa Math. Kaya ang sunod... UWIAN NAAAAAA!!! IHHHH ~~~ ... ... TO BE CONTINUED .....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD