CHAPTER SIX:
•••
•••
ONE WEEK LATER.
Oh diba! Ang bilis ng araw. HUHUHUH. Isang buwan na ako sa paaralan na'to.
Nakikinig ako kay Ma'am Roselyn ngayon dahil Filipino ang subject namin. Isa sa paborito Kong subject HEHEHE.
KALIGIRANG PANG KASAYSAYAN NG NOLI ME TANGERE.
"Ang Noli Me Tangere ay isang nobelang pangkababaihan na isinulat ni Jose Rizal, isang Pilipinong manunulat at rebolusyonaryo, noong 1887. Ito ay isa sa mga pangunahing aklat na nagdulot ng pagbabago sa Pilipinas at nagdulot ng pagkakaisa ng mga Pilipino laban sa pananakop ng Espanyol."
"Hindi ko maintindihan. Ang alam ko lang ay ang pag-iibigan ng dalawang bida sa Libro." mahinang wika ng katabi ko.
Tiningnan ko naman siya. "Dalawang bida? Sina Crisostomo Ibarra at Maria Clara ba?" mahina kong tanong sa kan'ya.
"Oo." Tinanguan niya ako.
"Ang 'Noli Me Tangere' ay itinuturing na isang pahayag laban sa pang-aabuso at paniniil, at naging inspirasyon sa mga kilusang rebolusyonaryo na naglunsad ng pag-aalsa laban sa mga Kastila, na sa kalaunan ay nagresulta sa kalayaan ng Pilipinas." paliwanag ni Ma'am.
"Nang dahil sa mga pangyayari, nahati ang kanilang pag-iibigan. Ang relas'yon nina Crisostomo Ibara at Maria Clara ay nagdulot ng pagpapakumbaba, paghihintay, at pag-asang pagtatagpuin sila sa hinaharap." paliwanag naman ng katabi ko habang na kay Ma'am Roselyn pa'rin ang paningin.
Nagsasalita siya habang nakikinig kay Ma'am? HUHUHU ang weird niya talaga.
"Sa kuwento, nagkaroon ng malalim na pagmamahalan sina Crisostomo at Maria Clara, ngunit ang kanilang pag-iibigan ay naapektuhan ng mga hadlang tulad ng kasakiman, korupsiyon, at impluwensya ng mga prayle." paliwanag niya at napalingon na sa gawi ko. "Si Maria Clara ay pinilit ikasal kay Padre Salvi, samantalang si Crisostomo ay nabigo sa kanyang mga adhikain at naparusahan nang malupit."
"Tapos? Anong nangyari sa kanilang dalawa sa katapusan ng Nobela?"
Kumunot ang noo niya. "Hindi mo alam?"
"Hindi."
"Si Crisostomo Ibarra ay namatay sa katapusan ng nobela. At nagpasya naman si María Clara na pumasok sa kumbento. Siya ay naging madre sa kumbento ng Sta. Clara. Ang kan'yang desisyon ay bunga ng matinding kalungkutan at kawalan ng pag-asa dahil sa pagkawala ni Ibarra at ang mga pangyayaring sumira sa kanyang buhay."
"Wala akong naiintindihan." Mangiya-ngiyak kong wika.
"Piste naman tong babaeng to. Huwag ka na lang magtanong."
"Eh bigla ka na lang kasi nagsalita ng mag-isa, kaya dinamayan na lang kita."
Tumaas ang kaliwang kilay niya. "Trip ko lang."
"Para kang bakla."
"Ano?!"
"Mister Gadiane and Miss Hurt?"
Sabay kaming dalawa na natigilan nang marinig ang apilyedo namin sa bibig ni Ma'am Roselyn.
"Kanina pa kayong dalawa diyan."
P*ktay! Bakit nararamdaman ko ang galit sa tono ng boses ni Ma'am? HUHUHUHU
"Wala lang Ma'am—"
"Anong wala kayo diyan? Rinig na rinig ko ang ingay niyong dalawa!"
"Sorry pu Ma'am..." Pag hingi ko ng pasensiya.
Napabuntong hininga na lang si Ma'am Roselyn. "Isang ingay niyo pang dalawa, kayo ang mag papaliwanag dito sa harapan. Simula sa Kabanata Uno ng Noli Me Tangere hanggang sa huling kabanata nito. Naiintindihan niyo ba?"
Mabilis naman kaagad akong tumango. "Opo."
"Naiintindihan mo ba! Mister Gadiane?"
Napabuntong hininga din ang katabi ko. "Yes po Ma'am." parang napipilitan niyang sagot.
Kinunotan ko siya ng noo. Habang tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Parang bakla talaga," Mahina kong bulong.
Ewan ko lang kung narinig niya HEHEHE.
MEDYO MATAGAL bago natapos ang FILIPINO Class namin. Nagliligpit Ako ng gamit ko nang may biglang nagsalita sa tabi ko.
"Kakain ka nanaman ng mag-isa?" tanong ng katabi ko.
Tinuloy ko lang ang pagliligpit ng mga gamit ko. Hindi ko siya pinansin. Malay ko ba kung sino kausap niya HUHUHUH. Baka multo pala.
"Hey Dite!"
Napahinto Ako at nilingon siya. "Yes po?" Innocente kong patanong na sagot.
"Anong 'yes po' ka diyan?"
"Eh sabi mo kasi 'Hey Dite!'." ginaya ko ang paraan ng pagkakasabi niya ng 'Hey Dite!' HAHAHA.
Sinamaan niya ako ng tingin. "G*ga!"
"Hoy! Anong g*ga ka diyan! Dite Ako noh!"
"Heh!"
Inirapan ko siya at tinapos ko na lang ang pagliligpit ko. "Bahala ka na nga diyan."
Lumabas na ako ng classroom at iniwan na siyang mag-isa doon sa loob.
"Luh! Huyy!" rinig kong sigaw niya.
Naramdaman ko ang presensiya niya sa likuran ko.
"Malditang babaeng to—"
Mabilis akong huminto at nilingon siya. "Sinong maldita hah?" Nakasimangot kong tanong sa kan'ya.
"Ikaw!" direts'yo niyang sagot.
"Hindi ako maldita." pinag-krus ko ang mga braso ko.
"Maldita ka. Bigla mo na nga lang akong iniwan!"
"Haluh! Anong gusto mo palang gawin ko? Alalayin ka na parang bata? Eh hindi ka naman bata." Nakasimangot kong wika.
"Luh! Wala akong sinabing gan'yan ah."
"Heh!" Tinalikuran ko na ulit siya.
Binilisan ko ang paglalakad ko pa-ibaba sa building na'to. Dumeretsiyo ako sa canteen para bumili ng ulam dahil may baon ako.
Tortang Talong ang napili ko.
"Isang tortang talong lang po Manang."
I-aabot ko pa sana ang bayad nang may biglang nauna na na nagbayad.
"Isa pang tortang talong Manang. Bale dalawa na."
May gulat na reaction kong tiningnan ang nasa tabi ko. "Haluhh ka wuyy! Ako na mag ba-bayad!"
Sinubukan kong kunin ang pera na nasa kamay ni Manang kaso pinigilan niya lang ito. "Manang, sige na po. Ako na po magbabayad sa ulam naming dalawa."
Kaya wala nang nagawa si Manang kundi ang tumango na lang.
"Huyy! Anong ginagawa mo?" Naguguluhan kong tanong.
"Nililibre ka." simpleng sagot nito at kumuha ng Isang tortang talong. "Tara na."
Tinalikuran niya ako at naunang naglakad.
Sinundan ko naman siya. "Bakit nanlibre ka?" tanong ko.
"Bakit, ayaw mo?"
"Oo."
"Luh! Ikaw na nga ni libre, Ikaw pa ang ayaw. Arte mo naman."
Sinimangutan ko siya. "Hindi ako maarte. Nagulat lang Ako noh."
Umakyat siya sa building namin, kaya sumunod naman ako. Bumalik kami sa classroom.
"Lagi ko kasing napapansin na mag-isa ka lang kumakain." Humila siya ng dalawang upuan at inilagay sa pinakadulo na bahagi ng classroom namin. "Dito ka Dite." Itinuro niya ang Isang upuan na kaharap ng sa kan'ya.
Nagtataka man ay sinunod ko siya. Wala eh, masunurin talaga akong bata HEHEHHE. Ang bait ko kaya ihhh.
Sabay kaming umupo at kumain.
TAHIMIK lang kaming kumakain. At dalawa lang din kami ang nandidito. Himala at wala ang mga kaklase namin. Pero mas himala ang kaharap ko ngayon. Himala at kumain ito sa classroom.
"Anong nakain mo pala Carlos?"
Nagtataka niya akong tiningnan. "Nakain?" Bumaba ang tingin niya sa pagkain niya. "Hindi ba halata?"
Napasimangot naman ako sa sagot niya. Napabuntong hininga na lang ako at hindi na siya pinansin pa.
Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko.
Hanggang sa,
"Charot lang uyy! Ito naman nagtampo kaagad."
"Bakla." ang tanging lumabas sa bibig ko at sabay subo ng kanin.
"Kanina ka pa bakla ng bakla sa'kin hah!"
Siya naman ang sumimangot.
Hindi ko siya pinansin.
"Sorry na Dite. Ito na, seryoso na. Trip ko lang talaga man libre."
"Okay." ang tanging sagot ko.
"Luh! Hindi bagay sa'yo' maging non-chalant."
Tiningnan ko siya sabay sinamaan ng tingin. "Anong non-chalant?"
"Nonchalant ba, nag lalarawan ng isang kilos na nagpapakita na parang wala kang pakialam o hindi ka apektado. Ipinapakita mo ang kawalan ng interes sa mga sinabi ko, kahit na sa mga sitwasyong inaasahan ng iba na magkaroon ng emosyonal na reaksyon."
"Ganun?"
"Oo."
"Okay." d-_-b
"Ayan kananaman."
"Bahala ka na diyan. Basta ako, gutom na." Nakasimangot kong wika sa kan'ya.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. At hindi na muling nasundan pa ang usapan namin. Pareho na lang kami na nag desis'yon na kumain.
PAGKATAPOS ay bumalik na kami sa pwesto namin at hinintay na mag ala una para sa susunod na klase.
"Salamat pala sa libre mo kanina Carlos." Nakangiti kong wika sa kan'ya.
Tiningnan niya ako at nginitian din. "Ngayon lang 'yan."
"Ngi? Bakit ngayon lang, dapat bukas ulit."
Napatawa siya. "Swerte mo naman kung araw-arawin ko."
"Dapat lang." Pagmamalaki ko pa. HEHEHEHE.
HINDI rin nagtagal ay pumasok na si Ma'am. Sinabi niya lang na sa SOCCER FIELD kami ngayon dahil PE Time.
Oo nga pala, PE namin ngayon. MAPEH time at Wednesday. Nasa schedule na kapag Monday, MUSIC kami. Kung Tuesay naman ay ARTS. Wednesday, dapat PE. And Thursday, HEALTH. Kapag Friday din, magkakaroon kami ng Review Quiz.
Sabay-sabay kaming nagtungo lahat sa soccer field. Pumwesto si Ma'am sa gilid kaya sumunod din kami sa kan'ya.
Excited ako dahil paborito ko din ang Physical Education. HEHEHE. Favorite ko din naman ang Music, Art and Health. Pero mas lamang pa'rin ang PE.
"45 kayong lahat dito sa class na'to. I need 3 groups. So divide yourself into three."
Nahati kami sa tatlong groupo. Napunta ako sa Group 2 dahil hinila ako ni Carlos.
Magka-groupo pa kami sa cleaners, magka-gruupo din kami sa Arpan, pati ba naman sa MAPEH, magkasama rin kami? HUHUHU.
"Okay. Let's start." wika ni Ma'am.
Sa Group 1. Volleyball ang gagawin nila.
Sa Group 3. Basketball. Girls versus Girls. And Boys versus Boys.
At kaming Group 2, Track and Field. Nasa Sprint Track kami, dapat 400 meters ang takbuhin namin. Kaso, since nasa soccer field lang man kami, ginawa na lang na 10 Laps ni Ma'am.
TO BE CONTINUED .....