CHAPTER THREE:
•••
•••
Kung alam ko lang na ganito pala dito kapag first day of school edi sana hindi nalang muna ako pumasok dito sa school.
Nang makalabas na Ako ng campus ay naglakad Ako papunta sa sakayan ng Jeep. Sa sakayan na kung saan nakaparada ang mga jeep.
May SUV naman kami, pero mas gusto ko talaga na mag commute. Ayoko na mas'yadong agaw pansin, dapat lowkey lang.
Puro na lang din kasi Ako Aircon ihhh, kaya dapat sanayin ko din ang sarili ko na mainitan. Hindi yung palaging nasa aircon nakababad po. Masama po yun sa health.
Nakayuko ang ulo ko habang naglalakad at tumawid ng highway. Medyo natagalan ang pagtawid ko dahil hinintay ko pa na wala ng sasaktan at saka doon pa lang tumawid.
Eh kasi naman puuu, hindi ako marunong tumawid kapag maraming mga sasaktan. Dapat yung malinis na. Dati, sinasamahan pa ako ni Ate A, pero ngayon, dahil malaki na ako, dapat masanay na talaga akong mag-isa.
Nasa Gymnasium pa lang ako. Naglalakad. Mag-isa. At walang kasabay. Katabi nito ay ang playground na kung saan may Ilang mga bata na naglalaro.
Nagulat ako nang may biglang humawak sa mga kamay ko at mabilis na hinila.
dOoOb !!!
Tumunog ang mga buto sa braso ko sa sobrang higpit nang pagkakahawak at sobrang lakas ng pagkakahila.
Dinala ako ng humila sa'kin sa likod ng gymnasium. Nang binitawan na ako ay tiningnan ko ang taong iyon.
Nakaramdaman kaagad ako ng takot, Hindi dahil sa nanganganib ang Buhay ko, kundi sa mukha niya na parang aso—chariizzzz lang puuu. Peace yowww.
Pero teka! Bakit naman Ako dinala ng taong 'to dito? Dito pa talaga sa likod ng GYM na wala ng mga tao.
"Sino po kayo?" tanong ko kaagad.
Ang Akala ko ay mag-isa lang siya, pero nakaramdam kaagad ako ng presensiya kaya malamang may mga kasama siya.
P*tay talaga ako neto kay Ate A.
"Wow! Ang ganda ng na-bingwit mo tol."
"Ang kinis tol."
Isa-isang nagsipag datingan ang mga kasamahan niya.
"Ano na?"
"Anong ano na? Hoyyy! Ako yung nakabingwit kaya sa'kin siya!"
Mabilis niyang hinawakan ang mga braso ko.
Hinayaan ko naman siyang gawin ang gusto niyang gawin sa braso ko.
Dahil kalmado pa ako, kaya hayaan na lang muna na'tin. Saka na kapag sinagad na talaga nila ang pasensiya ko po. Sa ngayon, act as a normal lang muna ako. Mahirap na, baka may CCTV pala dito sa likod ng GYM.
Baka makilala ako nang wala sa oras.
"Ang daya mo naman. Matuto ka namang maki-share."
"Share mo mukha mo!"
Ow-kay ???
Pabalik-balik lang yung tingin ko sa kanila.
So.... Ano yung role ko dito? Taga nood lang?
"G*go ka Tol!!!"
Napatalon ako sa gulat nang may humawak sa legs ko.
Napaatras ako sa gulat pero hinila lang ako nung humawak sa'kin.
"Kalma lang Miss..."
Ang haba na nga nung palda na suot ko tapos hahawakan niya pa? Talaga pala na kahit dito ay may mga Rapist?
Mabuti na lang talaga ay trinai-ning ako ni Papa.
Kaya masubukan na nga ding hawakan. Tutal lumagpas naman sila sa linya ko.
"Okay na ba?"
Dalawang lalaki ang humawak sa magkabilang braso ko.
"Ikaw na mauna Tol. Sunod naman kami."
Ngumisi silang tatlo na parang aso.
P*tay na talaga!
Papagalitan na ako ni Ate A nito. Ang tagal kong naka-uwi.
Akma na sana akong hahawakan ng Isa nilang kasama, na siyang humila sa'kin kanina, kaso hindi natuloy, dahil...
"Ehermm."
Halos sabay kaming apat napatingin sa tumikhim.
Nakatayo, sa tingin ko nasa 7 meters ang layo, ang Isang lalaki na nakasuot ng color Black T-shirt na may Adidas Brand. Napansin ko din ang cross pendant sa leeg niya. At ang kulay black adidas na backpack niya ay nakasabit sa kaliwang balikat niya.
Dahan-dahan bumaba ang tingin ko. Suot niya din ang kulay itim na pants at adidas nanaman na brand, pero sapatos.
Bumalik ulit ang mata ko sa mukha niya.
Ang weird naman. Ba't naka Adidas siya lahat? Fan ba siya ng Adidas?
Ako kasi ay Nike ako ihhh HUHUH.
"Anak ng—Istorbong 'to ah!"
Binitawan Ako ng dalawang-adik na mga lalaki. Naagaw na ni Kuyang Adidas ang attention nila.
"Boy. Naligaw ka ata."
Inakbayan ng Isang lalaking adik si Kuya na naka Adidas. Pero si Kuyang Adidas ay seryoso lang siyang tiningnan.
"Hali ka. Ituturo namin sa'yo' ang daan." wika ng Isang kasama.
Ayyy alam pala nila yung daan? Eh ba't dito nila ako dinala?
"What did you do to her?" seryosong tanong ni Kuyang Adidas.
Hindi ko napigilan na matigilan nang marinig ang boses niya. Ba't ang lamig pakinggan? Ganun din ang expression sa mukha niya. Nagpapalit-palit. Ilang segundo lang, naging seryoso. Lumipas ulit ang Isang minuto, naging malamig.
Kung maka English din siya, ang lalim. Mukhang magkakasundo sila nina Ate Willow, Ate H and Ate Queen.
"Wala naman? May ginawa ba tayo mga Tol?"
"Wala Tol."
"So tara na? Ihahatid ka na namin. Para matapos na namin ang gagawin namin."
Nakita ko ang pagkindat ng Isang lalaking-adik sa'kin.
'Ewwww! Ang pangit nyang kumindat...'
Napasimangot tuloy ako.
Ano ba kasi 'yang sinasabi nila na gagawin nila? Sa akin? Nakaka-curious tuloy.
Ilalayo na sana nung tatlong adik na mga lalake si Kuyang Addidas kaso agad niya itong pinigilan.
Nagulat ako sa sunod na ginawa ni Kuyang Addidas.
Kinarate niya yung tatlo!!!
dOoOb !!!
P*tay! Ang galing pala ni Kuyang Addidas kumarate.
Napanganga na lang ako nung bagsak na sa sahig yung tatlong mga adik na lalake. Duguan ang mukha nila dahil sa suntok ni Kuyang Addidas at namimilipit na sila sa sakit.
Nakanganga kong tiningnan si Kuyang Addidas. At nahuli ko siyang nakatingin na sa'kin. Ngunit gamit ang seryoso niyang expression sa mukha.
"Anong ginawa mo sa kanila?" gulat na gulat kong tanong sa kan'ya.
Nakita ko ang pag-taas ng kilay niya.
"You're welcome Miss." malamig siyang wika. At tinalikuran na Ako.
Hanluhh! Ano daw? Bobo ba'to si Kuyang Addidas? Ang layo naman ng tanong ko sa sagot niya.
Ohh see! Baka taga Japan siya. Ang layo ng sagot eh.
Wala Akong nagawa kundi ang sumimangot na lang, at umalis na lang din.
Tinalikuran ba naman ako ni Kuyang Addidas. Hayyssttt! Nauna pa siyang umalis. Ang sama niya. Binugbog na nga niya yung tatlong adik na mga lalaking yun, tapos hindi pa sinagot ang tanong ko.
Ang layo ng 'You're Welcome' niya sa tanong ko na 'Anong ginawa mo sa kanila?'
Bagsak ang balikat ko na umalis sa GYM. Hinanap ng mga mata ko si Kuyang Adidas kaso hindi ko na siya nakita pa. Ang bilis naman niyang maglakad. Parang si Flash!
Pero bahala na siya sa buhay niya. Iniwan ba naman akong mag-isa.
d-_-b ......
Tuluyan na akong nakarating sa sakayan ng Jeep. Hindi puno kaya nakasakay ako ng maayos. Hindi kagaya nung una, nung first time kong makasakay ng Jeep, grabe! Ang daming nakasakay! Ang sikip-sikip.
Wala naman akong reklamo dun, kasi natural lang naman sa jeep yun. Pero alam mo kung saan ako hindi okay? Sa katabi ko pooo. Okay na sana ang sikipan, kaso, sa mga araw na iyon, grabeee!!! Uma-lingaw-ngaw yung baho ng fishmeal.
Fishmeal sa kili-kili WAAAHHHHHH!!!
"Arima lang pabor." wika ng conduktor gamit ang lenguwahe ng Zamboangeño.
Umusog naman ako. Napansin ko ng panandalian ang katabi ako. Napapagitna pala ako ng dalawang lalaking hindi ko kilala kung sino sila.
Mas pinili ko na lang na tumingin sa sahig ng Jeep at sumimangot nanaman.
Bakit pala nakasimangot ako?
Baka dahil yun sa pag-bugbog ni Kuyang Addidas sa tatlong mga lalake kanina. Pero bakit naman niya binugbog ang tatlong 'yun?
Dapat ako yung gumawa ihhh. Ako na sana yung gagalaw, para bugbugin sila. Pero bakit umepal pa siya.
Bakit nakialam ka Kuyang Adidas!!!
Pero bakit kaya bigla na lang nawala si Kuyang Adidas?
Teka! Baka multo lang 'yun?
Haluhhh!!! Huwag naman. Takot pa naman ako sa multo.
"Dreamville! Chene abaha na Dreamville?" tanong ni manong kondoctor.
Medyo naintindihan ko ang sinabi niya—or baka naman ang tanong niya.
...
...
TO BE CONTINUED .....