CHAPTER THREE
BIGLANG nagpang-abot ang magkabilang makapal na kilay ni Gobernador Hermedes nang napansin niya ang isang babae na pilit na isinisiksik ang sarili sa likuran ng matandang lalaki na kasama nito. Halatang itinatago ang sarili upang hindi niya ito makita. Pero huli na ang lahat dahil bago pa man nito naikubli ang sarili nakita na ito ng Gobernador. At kung hindi siya nagkakamali ito iyong tangang babae nakabangga sa kanya kanina at siya pa ang inaakusahan na may sala. Ngunit nanatiling siyang nagbulag-bulagan na tila ba hindi nakikita ang babae. But in his mind.
‘Trying to hide me, huh?! Ang kutong lupa na 'to, tinakbuhan pa ako kanina!’
“Good afternoon Governor Hermedes, sila po ang pamilya ng aking pasyenti,” Dr. Sequena answer. Magalang na yumukod si Manong Lito sa kaharap. Nagbabakasaling matulungan sila nito. Marami nang nagsasabi na mabait ito at madami na rin ang natulungan ng Gobernador. Kaya biglang na buhayan ang pag-asa ang matanda na kaagad na ma-o-operahan ang kanyang asawa.
Napayuko naman ng ulo si Manong Lito nang mataman niya muna itong pinagmasdan dahil sa hitsura pa lamang halata naman talaga na matinding kahirapan ang kinaharap nito. Magkaiba ang kulay ng suot nitong tsinelas at sobrang nipis na. Pati ang suot nitong maong short at pulang t-shirt ay halatang kupas na rin. Hindi naman ito ganoon katanda dahil fifty nine pa lamang ang edad ng ama ni Celestine ngunit dahil bilad sa araw dahil sa paglalako ng mga lutong mani nasunog ang balat nito. At maaga na rin nagkaroon ng wrinkles sa mukha. Kaya hindi mapigilan ni Gobernador Hermedes ang mahabag sa hitsura nito. Maaring tigasin, suplado at aroganti siya ngunit pagdating sa kagaya nito lumambot pa rin ang kanyang puso.
His heart belongs to the poor people. At first wala naman talaga siyang balak pumasok sa pulitika dahil para kay Hermedes magulo lamang ito. Ngunit nang makita niya na maraming taong mahihirap ang nangangailangan sa kanyang tulong hindi siya nagdalawang isip na tanggapin ang alak ng kanyang ninong tumakbo paka-alkalde and now Gobernador. For him mas malawak ang saklaw ang kanyang matutulungan kapag nandiyan siya sa kapangyarihan..
“Ano ’ng sakit ng asawa mo, ’Tay?” tanong ni Gobernador Hermedes ngunit ang mga mata nakatuon kay Celestine na nakatungo sa sahig at nanatiling nakakubli sa likod ng kanyang ama. Hindi man lang nitong magawang sumulyap sa kanya na tila ba takot itong tumingin sa kanya.
‘Tingnan mo nga ang may kasalanan. Takot na takot mahuli.’ his mind murmured.
Napatingin muna si Lito sa doktor bago nagsalita na tila humihingi ng saklolo. Hindi kasi nito masyadong naiintindihan ang pinagsasabi ng doktor. Basta ang alam lang niya may sakit ang kanyang asawa na kailangan ng agarang operasyon.
“M-magandang tanghali Gobernador. Mayroon pong e-e-stege one o—” nahihirapan sambit ni Lito ang ama ni Celestine kaya marahan na tinapik ng doktor ang balikat ng matanda para putulin ang pagsasalita at siya na ang bahalang magpaliwanag sa mahal na Gobernador.
“Mr. Locsin, ako na ang bahalang magpaliwanag kay Gobernador Hermedes,”
“Mabuti pa nga doktora dahil nahihirapan akong magpaliwanag,” tila nahihiyang tugon ng matanda.
“So, Gobernador Hermedes, mayroon pong stage one ovarian cancer ang kanyang asawa at Kailangan ma-o-operahan as soon as possible. But sadly they don't have enough money to undergo an operation,” paliwanag ng doktor. Tanging tango lang ang kanyang naging tugon ngunit ang totoo he never listen dahil nakatuon ang kanyang attention sa babae but his so sure na kailangan nila ang kanyang tulong.
Samantala nakaramdam naman ng takot si Celestine habang nakakubli sa likod ng kanyang ama. Baka makilala siya nito lalo pa at nasilip niya ang naglalakihang nga armas na nakalagay sa magkabilang baywang ng mga bodyguards ng lalaki.
“So they need my HELP?” he emphasized the word help para iparinig kay Celestine. Hindi naman siya nabigo dahil ka agad na patingin ang babae sa kanya.
Hindi naman inaasahang nagpang-abot pa ang kanilang mga paningin. Biglang kumalabog ng malakas ang dibdib ni Celestine. Akala niya hindi siya nito napapansin dahil malaki naman ang bulto na kanyang ama. Matatabonan na ang kanyang payat na katawan. Kaagad siyang nag-iwas ng tingin dahil hindi niya nakayanan pang-makipagsukatan ng tingin sa lalaki.
‘Maldita!’ tanging na sambit naman ng isipan ng Gobernador nang tinirikan siya nito ng mata. Kaya hindi niya mapigil ang mainis nito dahil sa lahat ng mga babaeng nakakasalumuha niya ito ang mapangahas na nagmaldita sa kanya.
All women he encounter bowed and flirting to him. Mga kababaihan lagi ang nagpapakita ng interest sa kanya at hindi naman niya iyon tinatanggihan. Kaya sa isip niya. Celestine is indeed far different to the other women he encounter.
“Yes, I’m sorry kung naging mapangahas ako sa pagbanggit ng iyong pangalan. I really wanted to help them. Pero nakakasiguro naman akong hindi mo ako bibiguin Governor Hermedes. They really need your help.”
Gobernador Hermedes shook his head. Nang nagsalita ulit ang doktora sa kanyang harapan dahil masyadong busy ang kanyang isipan sa kakaisip sa babae na nasa likod ng kanyang ama.
“It's okay, doktora Sequena but you can go now. Ako na ang bahala sa kanila. I know that you have a lot of patients to attend.”
“Sige Gobernador Hermedes maiwan ko na muna kayo. Mr. Locsin I have to go. Don't worry I pretty sure matutulungan kayo ni Gobernador.”
“Salamat po, Doktora. Napakabait mo rin,” tugon ng ama ni Celestine. Matamis na ngiti lamang ang naging tugon ng doktora at kaagad na naglakad palayo ang doktor at naiwan si Gobernador Hermedes kasama ang dalawa niyang bodyguards.
Si Celestine naman halos tumigil ang t***k ng kanyang puso. Iniisip niya baka nagbait-baitan lang si Gobernador dahil kasama nila ang doktor. At ngayon sila na lamang ilalabas na nito ang tunay na ugali. Bastos nga ito kanina. Baka pati Tatay niya iinsultuhin nito.
“‘Tay, kaano-ano mo ang batang ’yan?”
Kaagad nag-angat ng tingin si Celestine kay Governor Hermedes hindi niya inaasahan na ganoon ang magiging tanong nito. At talagang nadagdagan ang inis niya rito. Eighteen na siya pero hindi naman siya mukhang bata. Kahit pa sabihin na balingkinitan ang kanyang katawan. Katamtaman naman ang laki ng kanyang boobs. Maging ang kanyang pang-upo. Kung makatawag itong bata sa kanya wagas.
Lihim naman na natuwa ang masungit na Gobernador nang nakita ang paniningikit sa mga mata ng babae dahil sa kanyang tinawag. Kung kanina halatang nagtatago ito at umiiwas sa kanyang mga tingin ngayon talagang tila kakain ng buhay. Hindi alam ni Gobernador Hermedes ngunit natutuwa siyang galitin ang babae. Siguro dahil naiinis siya sa ginawa nitong pagtapang-tapangan sa kanyang harapan. Dahil wala pang sino man na babae ang nangahas sa gawin iyon sa kanya. Nasanay kasi siya na halos lahat ng mga babae ay tila sambahin at luluhuran siya. Dahil hindi lamang siya basta nasa pulitiko na mga matatanda na kundi hottie and yummy Gobernador.
“A—eh, wala naman pong bata rito, Gobernador Hermedes,” naguguluhang tugon ng ama ni Celestine. Nagpalinga-linga pa ito sa paligid ngunit wala itong nakitang bata.
“Excuse me, hindi na po ako bata, no!” biglang singhal ni Celestine, hindi nito napigil ang sarili na singhalan siya na mas lalo niyang ikinatuwa. Nang na-realize nito na ito mismo ang tinutukoy niyang bata. Ngunit hindi niya ito ipinapakita sa kaharap.
“Tin-tin anak, tumahimik ka. Nakakahiya kay Gobernador Hermedes,” saway sa ama nito. Napaismid naman din si Celestine. Nagsisisi tuloy siya ung bakit pa niya ito pinatulan baka mas lalo lamang silang hindi tutulungan ng Gobernador ngunit nasabi na niya. Tunay ngang nasa huli ang pagsisisi.
“So she's your daughter, Mr. Locsin?”
“Opo, Gobernador Hermedes. Pagsensiyahan mo na po ang anak ko. Ngayon lang ’yan nagkakaganyan marahil nag-aalala rin siya sa nangyari sa kanyang Ina. Pero mabait po ang anak ko.”
“Hmmp, I don't think so,” hindi kumbinsidong tugon niyang tugon.
“Anak humingi ka ng tawad kay Gobernador Hermedes.”
“Itay naman, kailangan pa ba ’yon? At saka wala naman akong masamang sinabi, ah!” Alma ni Celestine. Ayaw talaga niyang humingi ng tawad sa Gobernador dahil para sa kanya wala itong galang sa mga babae at napakabastos nga nito para tawagin siyang tanga.
Marahil galing siya sa mahirap na angkan ngunit deserve rin niya ang tratuhin ng tama. Hindi porke't may kapangyarihan at mayaman ito may authority na itong manakit o mang-insulto ng ibang tao lalo na sa kagaya niyang babae. Wala sa volabularyo ni Celestine ang magpapaawa o matatakot sa kapwa niya tao. Para sa kanya iisa lang dapat niya luhuran kundi ang mahal na Panginoon. Hindi iyong katulad ng mga pulitiko na pawang kasinungalingan ang gagawin masungkit lamang ang boto ng mga tao.
“Pasensiya na po, Gobernador. Mukhang may regla yata ang anak ko kaya ganito kasungit. Pero hayaan mo at kakausapin ko siya.”
“‘Tay naman kung ano-ano ang lumalabas sa bibig mo! Kung nagising lang ’yan si Nanay kanina ka na niyan binatukan,” maktol na saad ni Celestine kahit papaano nahihiya naman siya. Napaismid pa si Celestine nang napansin niyang medyo ngumisi ito sa narinig. Salbahe na kung salbahe ayaw niyang humingi ng tawad sa lalaki. Hindi porket Gobernador ito kailangan na siyang luhuran.
“No it’s okay, ’Tay. Wala naman kaso sa akin. Hindi na niya kailangan humingi ng tawad sa akin. Naiintindihan ko naman na she’s just a kid.”
Daig na ang Bulkang Mayon ang kaloob-looban ni Celestine. Gusto na niyang sumabog dahil sa sobrabg inis. Hindi niya inaasahan ang kanyang sunod na gianawa kaagad siyang tumayo at hinila palabas ng hospital ang naturang Gobernador. Akmang papalag sana ang mga bodyguards nito ngunit kaagad naman pinigil ni Hermedes.