bc

The Governor's Secret Wife (R-18 SPG)

book_age18+
7.3K
FOLLOW
97.2K
READ
dark
one-night stand
family
HE
age gap
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Lumaking salat sa buhay ang mga magulang ni Celestine "Tin-tin" Locsin. Dumagdag pa ang may sakit niyang ina. Labas masok ito sa hospital. Kaya nabaon na rin sila sa utang. Ngunit hindi lumubos maisip ng dalaga na sa edad niyang dalawampu taong gulang. Ipagbili siya sa kanyang ama at patagong ipapakasal mula sa isang Gobernador sa lalawigan. Si Gobernador Hermedes Echaves. Labag sa kanyang kalooban ang ginawa ng ama dahil may iba siyang minamahal at unang beses pa lamang silang nagtagpo ng Gobernador ayaw na niya sa lalaki dahil matapang at bastos na itong magsalita sa kanya. Ngunit wala siyang magagawa, wala siyang lakas na loob para kalabanin ang kagustuhan kanyang ama, dahil alam niyang makakabuti sa kanilang pamilya ang ginawa nito lalong-lalo na sa pagpapagamot ng kanyang ina. Magawa pa kayang makawala ni Celestine mula sa pagkakagapos sa buhay ng isang Governor Hermedes? Paano niya pakikisamahan ang lalaki gayong lihim na pagkasuklam ang nararamdaman niya para rito?

Abangan!

chap-preview
Free preview
Basura!
CHAPTER ONE “TIN-TIN! Ti . . .Tin!” Napatuwid siya ng upo mula sa pagkakayukyok ng kanyang ulo sa mesa na nilagyan ng kanyang panindang mani. Ito ang nakagisnan niyang hanap buhay na ibinibuhay ng kanyang ama. At nasa bahay lamang ang kanilang ina nag-aalaga sa kanyang mga maliliit na mga kapatid kaya hindi talaga kasya ang kita para sa kanilang walo na magkakapatid. Panganay siya, kaya nang tumuntong siya ng grade eight napilitan siyang tumigil sa pag-aaral. At simula noon tumutulong na rin ito sa pagtitinda ng mani para makatulong sa kanyang nga magulang. “Tin-Tin! Susmaryosep kang bata ka! Bakit hindi ka naman sumasagot?!” humihingal na bulyaw ni Aling Lourdes sa kanya. Mariin itong napahawak sa dibdib halatang tumatakbo ang matanda. “Aling Lourdes, hindi na po kailangan na sumagot pa ako dahil alam kong naniningil po kayo sa akin,” magalang niyang sagot ngunit halata pa rin sa kanyang tinig ang inis dahil wala talaga itong palya sa paniningil sa kanyang utang. “TIN-TIN! Maldita ka talaga!” Napangiwi siya dahil sa matigas na pagbigkas nito sa kanyang palayaw. Ito ang madalas na itawag ng mga tao sa kanilang lugar. Ngunit Celestine Locsin ang kanyang totoong pangalan. Kaya sabi ng iba niyang kaibigan mayamanin at artistahin ang kanyang pangalan pati na ang kanyang mukha. Dahil kahit mahirap sila ay may pang bala siya, kahit na morena ang kanyang kutis. Alaga niya ito sa talbos ng papaya kasama ang sabon na perla dahil ’yan ang turo ng kanyang ina lalo na sa kanyang mukha. Napakakinis nito wala man lang kahit na ano ’ng bakas ng tagyawat. Pero kabaligtaran naman sa sitwasyon nila ngayon isang kahig isang tuka. 'Yan kung mailalarawan ni Celestine ang kanilang pamumuhay. Kung hindi sila kakayod mag-ama walang kakainin ang iba pa niyang mga kapatid. Pangarap niyang makapagtapos sa pag-aaral ngunit hindi kayang ibigay iyon ng kanyang mga magulang kaya sa abot ng kanyang makakaya gagawin niya ang lahat para makapag-aral ang kanyang mga kapatid. “Oh, ano na? Na saan na ang hulog mo sa akin ngayong araw? ” Nakalahad ang palad na saad ni Aling Lourdes habang nakataas ang manipis nitong kilay na hindi man lang pinagtiyagaan na guhitan ng pangkilay. “Maniningil lang pala. Kung makasigaw at makatakbo akala naman may sunog. Oh, heto Aling Lourdes. Tatlong daan, 'yan lang muna ang maibibigay ko sa ’yo. Matumal ang mga paninda ko ngayon. ” “Aba'y ang usapan limang daan ang hulog mo sa akin kada araw. Hindi biro ang limang libo na pinautang ko sa ’yo na pinang-kapital ’yang paninda mo, Tin-Tin.” Nakapameywang itong nakaharap sa kanya. Gahaman talaga sa pera ang matanda. Mas mahal pa kaysa bombay kung maningil ng patubo. Lagpas sa kapital pa ang babayarin niyang interes. Ngunit wala siyang ibang choice kundi ang mangutang. Wala namang pera ang kanyang ama para ipang-kapital sa kanyang paninda. “Sige na naman, Aling Lourdes. Ngayon lang naman ako pumalya at saka binigyan naman kita. Kulang nga lang.” “Oh, siya. Sige tatanggapin ko 'yan pero sa susunod. Hindi na puwede ang kulang, ha?!” kaagad na binawi ng matanda ang tatlong daan na kanyang hawak at kaagad na isinukbit sa dala nitong shoulder bag. Nakahinga ng maluwag si Celestine. Akala niya magtatalak pa ito ng matagal bago umalis sa kanyang tindahan. Nakailang hakbang pa lamang ito patalikod ngunit muli na naman humarap sa kanya. “May nakakalimutan pala akong sabihin sa 'yo. Dinala sa hospital ang nanay Erma mo. Naratnan daw ng iyong ama na walang malay sa inyong bahay. Kaya nagmamadali akong pumunta rito. Baka hindi mo pa ako mabayaran.” “Ano? Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin Aling Lourdes?” hindi niya napigilan ang sarili na napagtaasan ng boses ang kaharap. Wala na siyang pakialam kung matanda na ito. May respeto naman siya lalo na sa matanda pero grabe naman ang kasakimaan nito. “Aba, ikaw pa ang galit? Mabuti nga sinabi ko pa sa ’yo!” matigas na tugon rin ng matanda. “Grabe ka naman, Aling Lourdes. Alam mo naman pala na kailangan nila ng pera tapos naniningil ka pa!” sabat naman ni Jenny. Ang matalik na kaibigan ni Celestine. Lagi itong nakatambay sa kanyang tindahan araw-araw dahil tumigil din ito sa pag-aaral. Pero hindi katulad ni Celestine na kailangan kumayod dahil nag-ofw sa Dubai ang ina nito. “Tumigil ka! Kinakausap ba kita? Hindi naman, ‘di ba? At siyempre naniningil ako. Sinisiguro ko lang na maibigay ang nararapat sa akin.” “Ang salbahi mo! Matanda ka na nga sakim ka pa rin sa pera,” pabulong na tugon ni Jenny. “Ano ’ng sabi mo?” nag-aladragon na si Aling Lourdes dahil sa sinabi ni Jenny. “Aling Lourdes parang awa mo na. Do-doblehin ko na lang ang hulog ko sa ’yo bukas. Ibalik mo na sa akin ang tatlong daan wala akong pera pamasahe papuntang hospital,” pakiusap ni Celestine. Totoo wala pa siyang pera dahil binigay niya lahat ang kanyang nakita. “Aba’y hindi puwede ’yan, Tin-tin. Kulang pa nga hulog mo sa akin tapos babawiin mo pa? Kung ganiyan din lang mas mabuti iuwi na ng tatay mo si Erma. At doon na lamang hihintayin kung kailan mamatay! Pa-hospital-hospital pa kayo wala namang pera!” tila may halong pang-uumay ang binitawang salita ng matanda. Hindi napigilan na tumulo ang luha sa mga ni Celestine. Labis siyang nasaktan sa panghahamak ng matanda sa kanilang pamilya. Kahit mahirap mahal ni Celestine ang kanyang mga kapatid lalo na ang kanyang ina at ama. Ngunit kaagad din niyang pinahid ang kanyang mga luha. Hindi niya nais na ipakita sa mga taong nanghahamak sa kanila na mahina siya dahil binigyan niya lamang ito ng rason na lalo silang hahamakin. “Bawiin mo ’yong sinabi mo! Hindi po mamatay ang inay ko! Hindi porket may utang ako sa 'yo may karapatan na kayong hamakin ang pamilya ko! Umalis na ho kayo, baka makakalimutan kong matanda ka na mapatulan pa kita!” “Ako ba 'y tinatakot mo, ha, Tin-tin? Subukan mo at baka magpang-abot tayo sa barangay. Madadagdagan pa ’yang utang mo sa akin!” singhal naman ni Aling Lourdes. Lihim na napakuyom si Celestine sa kanyang kamao. Kung hindi lang ito matanda baka kanina pa niya ito naingudngod sa sementadong daan ang pagmumukha ng matanda. Pasalamat siya kahit mahirap sila ay tinuruan siya ng kanyang mga magulang ng mabuting asal. “Umalis na po kayo, Aling Lourdes. At sa utang ko huwag po kayong mag-aalala babayaran po kita!” Napaismid ng labi ang matanda dahil sa narinig tila ba hindi maniniwalang kaya niya itong mabayaran. “Oh, siya sige aalis na. Bukas 'yong panghulog mo sa akin huwag mong kakalimutan.” Kaagad na tumalikod ang matanda pagkatapos sabihin 'yon. Pigil na pigil naman si Celestine na huwag batuhin ng hawak niyang mani. Pagkatapos pabalang niya itong sinauli sa lagayan at pabagsak na upo sa plastic na silya. Nakatukod ang mga siko sa kanyang mga paa sabay hilamos sa kanyang mukha. Labis siyang nag-aalala sa kanyang nanay Erma ngunit kahit gustuhin man niyang puntahan ito sa hospital wala siyang magagawa dahil wala naman siyang pera pamasahe. Napaangat naman siya ng tingin ng nararamdaman niya ang likod ni Jenny sa kanyang likod. “Ang hirap talaga maging mahirap friend. Ang tingin ng ibang tao sa ’yo basura. Walang alam at basta-basta na lamang hahamakin,” hindi napigilan ni Celestine ang maglabas ng sama ng loob sa kaibigan. Minsan kasi napaisip siya ang unfair ng buhay. Bakit hindi na lang pantay ang lahat ng tao sa mundo. “Hayaan mo na ’yon, friend. Palibhasa kasi matandang dalaga. Kaya siguro walang nagkakagusto dahil sa sama ng ugali ng Lourdes na ’yon. Wala rin siyang pamilya kaya ganyan kasama ang ugali. Pero huwag kang mag-aalala may isang libo naman ako rito ipapahiram ko sa ’yo. Binigay ’to ni mama sa akin.” Kaagad nagliwanag ang mukha ni Celestine sa narinig. Ngunit kaagad din napawi ang saya nang naalala niyang marami-rami na rin siyang utang sa kaibigan hindi na babayaran. “Huwag na friend. Marami na akong utang sa 'yo kahit na isa wala pa akong nababayaran.” “Huwag mo nga 'yang isipin. What are friends are for 'di ba? Sige na tanggapin mo na ito nang makaalis ka na kaagad ako na ang bahalang magbabantay rito sa mga paninda mo.” “Sige na nga, nakakahiya man pero tatanggapin ko ’to. Promise, babayaran din kita kapag makahanap na rin ako ng malaki-laking pera. ” “Sinabing huwag mo na ngang isipin ’yan. Umalis ka na, puntahan mo na si tita Erma.” “Salamat friend hulog ka talaga ng langit.” mahigpit niyang nayakap ang kaibigan bago tumakbo papuntang sakayan ng jeep. Sa pinakamalapit na pampublikong hospital siya pumunta dahil wala naman kakayahan ang kanyang tatay Lito na dalhin sa pribadong hospital ang kanyang ina. Mariin nakapikit ang kanyang mata sa pinakadulong bahagi ng jeep siya umupo. Lihim na nagdadasal na sana walang seryosong sakit ang ina. Nasa loob pa lamang siya ng jeep labis na pag-aalala ang kanyang nararamdaman. Pagkababa ng jeep kaagad na tumakbo si Celestine papuntang information sa loob ng hospital. “Nurse, may pasyenti po ba rito na nagngangalang Erma Locsin? Anak po niya ako.” “Sandali lang miss. Titingnan ko lang .” Ilang minuto lamang ang kanyang hinintay nang sumagot ang nurse. “Nasa ward seven na po siya, Miss.” “Salamat,” kimi niyang tugon at nagmamadaling hinahanap na niya ang ward seven. Unang pagkakataon niyang pumasok sa hospital kaya hindi niya alam kung saan ang pasikot-sikot. Nakalimutan din niyang magtanong kanina sa nurse. Nagpalinga-linga siya at binabasa ang kanyang bawat nadadaanan. “Balita ko nandito raw si Gov. Hermedes ngayong araw. Maglilibot dito sa hospital. Mag-iinspection. Ang galing talaga ng Gobernador natin. Simula ng siya ang naupo napakaganda na ng serbisyo kahit na pampublikong hospital na ito.” “Sinabi mo pa. At hindi lang basta magaling napaka-guwapo at hot,” narinig niyang nag-uusap ang dalawang babae na kanyang nadadaanan. Ngunit wala siyang paki ang mahalaga mahanap niya ang kanyang nanay Erma at malaman ang kalagayan. “Kuya na saan ba ang ward seven dito?” tanong niya sa janitor. Kanina pa kasi siya nagpaikot-ikot hindi niya mahanap ang ward. “Naku inday na sa taas pa. Umakyat ka lang diyan. Nandoon nakahelera ang mga wards. Alam mo na simula ng si Gobernador Hermedes ang nanalo biglang gumanda itong hospital natin,” mahabang tugon ng lalaki sa kanya. Kimi naman siyang napangiti sa lalaki at nagpapasamalat. Sana nga rin matutulungan ng Gobernador ang problema nilang mahihirap hindi lang sa hospital ito maka-focus. Halos takbuhin na ni Celestine paakyat ng hagdan makita lang kaagad ang ina. Ngunit dahil sa pagmamadali bigla siyang nabangga at malakas na napabagsak ang kanyang puwet sa puting tiles. Kaagad siyang nagpalinga-linga mabuti na lang at walang masyadong tao sa hallway. Kaagad siyang napatingala nang makitang may pares ng itim at leather na sapatos ang nasa kanyang harapan. Isang matangkad at guwapong lalaki. Napanganga siya dahil parang familiar sa kanya ang mukha. Ngunit mabilis pa sa alas-kuwatro siyang napatayo nang na-realize niyang mataman itong nakatitig sa kanyang mukha. “Kuya sasusunod po tumingin naman kayo sa dinadaanan. Hindi ho ’yong basta-basta na lamang kayong nambabangga!” inis niyang saad habang pinapagpag ang likod sa suot niyang saya. “Miss, ikaw ’tong tangang bumangga sa akin. Next time watch 'your step, stupid! Hindi 'yang ipapasa mo sa akin ang katangahan mo!” sarkastikong tugon nito sa kanya. Biglang nag-init ang kanyang bunbonan at napataas ang kanyang kilay. “Hoy, lalaki. Huwag mo nga akong ma-english english. Ano 'ng gusto mo suntukan baka akala mo uurungan kita. Hindi oy!” matapang niyang tugon. Prinsipyo talaga ni Celestine ang hindi magpapaapak sa kahit na sino. “Ano? Bakit natatakot ka?” “Shut up! This is not the proper place para mag-amok. Hospital ito, may mga pasyenti. Pero kung hindi ka pa titigil ako mismo ang kakaladkad sa ‘yo papalabas dito.” “Governor Hermedes, may problema ba rito?” Biglang natigil si Celestine sa narinig mula sa lalaki na kung hindi siya nagkakamali isa ito sa mga bodyguard ng naturang Gobernador. “Gobernor Hermedes?” hindi inaasahang sambit ni Celestine sabay takip ng kanyang bibig. Nakita niya ang pag-angat ng mga labi nito dahil sa kanyang sinabi

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
181.4K
bc

His Obsession

read
90.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook