KAPRE

1605 Words
“HEY, what are you doing kid? Pinagtitinginan na tayo ng mga ibang tao! And besides that, you're disturbing the patients. You're creating a scene here!” sita ni Gobernador Hermedes kay Celestine na ngayon tila ayaw magpapaawat sa ginagawa. Kita niya ang pamumula ng buong pisngi nito na tila ba sasabog na sa sobrang galit. Pero embes na tumigil mas lalo pa niya itong iniinis. Natutuwa kasi siyang nakita itong nagagalit o naiinis. “Tumahimik ka!” tanging singhal nito sa kanya at diri-diritso na ito ng paghila sa kanya. “Ano ba ang pinu-putok ng butchi mo, huh?! You're really just a kid. Height at hitsura mo pa lang para kang musmos na bata!” dagdag pa niya. Ngunit wala siyang narinig na ano mang salita. mula kay Celestine nagtuloy-tuloy lang sila sa paglakad hanggang sa makarating sa isang sulok na wala masyadong dumadaan. Sa totoo lang puwede naman siyang huwag sumama sa babae. Kayang-kaya niya itong pigilan. 'Di hamak na mas malakas siya kaysa rito ngunit hindi niya maintindihan ang sarili kusa na lamang siya ritong nagpatangay. For all of women na nakikilala niya ito lang ang may kakayahan na nagpapasunod sa kanya. Kung nandito lamang si George malamang pinagtatawanan na siya nito. ‘For petesake, Gobernador Hermedes Echaves? Napapasunod lamang sa isang gusgusin na babae?’ tila naririnig na niya ang boses na kaibigan at malakas nitong hagalpak ng tawa kapag nalaman nito ang nangyari. At take note, unang beses pa nga lang silang nagkakakilala. Halos mabangga na naman ni Hermedes ang manipis na katawan ni Celestine nang bigla itong tumigil sa paglalakad. “Hey, what's your problem kids?” Pabalang nitong binitawan ang kanyang pulsuhan na hawak ng babae at mabalasik siya nitong tinitigan. “Ikaw! Ikaw ang problema ko. Naiintindihan mo ba? Kanina ako pa ’yong sinisisi mo gayon ikaw ang bumangga sa akin tapos ngayon tatawagin mo akong bata, ha?!” galit na singhal ni Celestine. Halos hindi maguhit ang mukha nito dahil sobrang inis ngunit ngisi lamang ang kanyang naging sukli. “Bakit ka nagagalit? Totoo naman na mukha ka pa ring Nene sa hitsura mo? Then, why blame me? Blame yourself dahil hindi ka pa rin marunong mag-ayos sa edad mong ’yan!” ayaw paawat ni gobernor Hermedes sa pang-iinis sa kanya. “Tumigil ka! Ginagalit mo talaga akong kapre ka, ha! Gusto mong ikaw ang susunod na ipasok sa loob niyan?!” buwelta naman ni Celesting sabay turo sa isang silid na may nalasulat na morgue. Ngunit embes na matakot natatawa pa ang lalaki. Believe talaga siya sa tapang ni Celestine. No one dares to speak to him like that. Tanging si Celestine lang. Halos lahat ng mga nakakasalamuha niya puro papuri ang kanyang naririnig lalo na sa kanyang opisina walang sino man ang sumalungat sa kanyang mga gusto dahil alam ng mga ito kung ano ang kanyang puwede at kayang gawin. Kilala siyang strikto at arogante na boss ngunit sa kabila niyan marami pa rin na kababaihan ang na-e-excite at nangangarap na makasama siya. Kabaligtaran naman ni Celestine na tila allergic sa kanyang presensiya. “At ano’ng ngini-ngiti-ngiti mo riyan, ha. Kapre? Akala mo ba nagbibiro ako sa ’yo? Kung inaalala mo na hindi kita kaya puwes nagkakamali ka! Kahit bata lamang ang tingin mo sa akin kaya kong makipagsuntukan sa ’yon!” matapang na saad ulit ni Celestine. Hindi niya alam kung bakit ganito lamang siya mag-react sa sinabi ni Gobernador Hermedes. Totoo naman kasi na nagmukha siyang bata sa kanyang suot dahil bukod sa mahabang saya at tom and jerry na blusa ang printa sa kanyang suot na blusa at gumamit din siya ng hair band na may nakalagay na paru-paru sa ibabaw. ‘Ano bang gusto mong palabasin, ha, Celestine? Na hindi ka na bata at dalaga ka na. Para puwede ka nang ligawan?’ sigaw ng kanyang malanding isipan. Kaagad naman niyang naipilig ang kanyang ulo. Saan ba nakukuha ng kanyang isipan ang idea na ’yon? Inis siya sa lalaki tapos ligaw na ang ang pumapasok sa kanyang isipan. “Nothing, kid. Napaisip lang ako bakit ka nagagalit kapag tawagin kitang bata? Siguro gusto mong ipaalam sa akin na dalaga ka na. You like me right? Parehas ka rin sa ibang babae na nagkandarapa na matikman ako,” mapangahas na tanong ng lalaki. Naikinahalagpak ng tawa ni Celestine. “Assuming ka rin pala, kapre ka! Hoy, huwag mo akong itulad sa mga babaeng haliparot na ’yon. Dahil desenti akong babae kahit mahirap lang kami hindi ko ibaba at dudungisan ang aking p********e para lamang sa katulad mong lalaki na walang modo!” walang preno ang bibig ni Celestine nakalimutan na niya kung sino ang kanyang kaharap. Bigla naman nakaramdam ng takot si Celestine nang biglang dumilim ang mukha ng kaharap. Napasobra yata ang kanyang sinasabi. Ngunit hindi siya nagpapahalatang natatakot dito. Mas lalo pa niyang tinatapangan ang kanyang mukha. “Oh, really walang modo? Baka nakakalimutan mo kung sino ako," the words of Celestine hits his ego as a Governor. Sa dami niyang nagawa sa kanilang bayan tatawagin lang siya na walang modo. “Hindi ko nakakalimutan kung sino ka. Pero sabihin ko sa ’yo, hindi ako natatakot sa kung ano man ang kaya mong gawin sa akin. Pero sa ngayon sa akin muna matakot. At mas lalong hindi ako natatakot na hindi mo kami tulungan dahil mas magugustuhin ko pang mangutang na lang kaysa magkaroon ng utang na loob sa kagaya mong bastos at hambog!” Hindi naman talaga siya sigurado kung may magpapautang ba talaga sa kanila dahil sa dami na rin nilang napaguutangan ngunit ayaw rin niyang magkaroon ng utang na loob kay Gobernador Hermedes. Para ipakita kung gaano siya ka galit dito. Humakbang paatras ng isang beses Celestine at mariing ikinuyom ang kamao at itinaas niya ito. Para makipagsuntukan sa lalaki. “Tsk . . .kid, hinahamon mo ba talaga ako?” mapang-asar na tugon ng lalaki. “Oo, kapre ka! Dahil inis na inis ako sa ’yo!” halos lumuwa na ang litid sa leeg ni Celestine sa pagsigaw niya. Mabuti na lamang wala ibang tao na nagawi sa kanilang kinaroonan. “Okay, if that's what you want. Baka kung papatulan kita sa payat mong ’yan mababali na ’yang nga buto kahit hawakan pa lamang kita. At baka ikaw rin ang maipasok ko sa morgue na ’yan. Wala tayong sisihan.” “Ang dami mong satsat halika ka na simulan na natin!” panghahamon ni Celestine. Nakita niya ang mahigpit din na pagkuyom ng kamao ni Governor Hermedes. Maging ang paggalaw ng naglalakihang mga mascule nito hindi nakaligtas sa kanyang paningin. Halatang alagang-alaga ito sa gym. ‘Ang yummy naman pala. Ilan kaya ang abs nito? Four? Six ? Eight packs?’ sigaw ng kanyang pilyong isipan. Nabuang na! Kung ano-ano na lamang ang naiisip ng kanyang pilyong isipan. Ano paki niya kung marami itong abs. Kahit magkaroon pa ng abs ang kanyang puwet wala siyang pakialam. Kaagad naman niyang ipinilig ang kanyang ulo dahil sa kung ano ’ng kahibangan ang pumapasok sa kanyang isipan. “Matapan ng ka talaga. Hindi mo ba naiisip na ginagawa mong ’yan puwedeng hindi ko tutulungan ang iyong ina?” mapanghamon na tugon ni Gobernador Hermedes. Sandaling natigilan si Celestine. Baka totohanin pala nito ang pagtulong sa kanila. Eh, ’di opportunity na sana ang lumapit sa kanila ngunit siya naman ang dahilan kung bakit hindi ma-o-operahan kaagad ang kanyang ina. Pero kahit naman hindi niya ito hahamunin panigurado si Celestine na hindi ito tutulungan dahil alam at nararamdaman niyang may matinding galit ito sa kanya. Kaya napaka imposible ang sinasabi nito. “Why are you stuned? Bakit natatakot ka ba na totohanin ko ang aking sinasabi kid?” “Bakit naman ako matakot, aber? Alam ko naman na pakitang tao lamang ang iyong pinapakitang kabutihan pero sa iyong kalooban nagrerebelde! At saka mas mabuti pa ng mangutang ako sa kahit na sino kaysa magkaroon ng utang na loob sa ’yong Kapre ka!” “What did you called me?” “Kapre! Dahil ang mukha mo parang kapre! Ang pangit-pangit mo!” sigaw ni Celestine sa mukha ni Hermerdes. Nanlaki naman ang mga mata ng Gobernador ngunit ilang saglit lamang biglang bumulusok ang init sa kanyang ulo. In an instant nakasandal na si Celestine sa pader at nasa magkabilang gilid ang mala bakal na kamay ng lalaki at parang malaking bato naman ang katawan nito na kaharang sa kanyang harapan. “A—ano’ng gagawin mo sa akin kapre?” nahintatakutang tanong ni Celestine kay Governor Hermedes. Kahit ano ’ng pilit niyang magtapang-tapangan hindi niya magawa dahil sa tanang buhay niya ngayon lang may lalaking nakadikit sa kanya dahil sa kanyang pagiging mahiyain at ilag sa mga lalaki. Sa katanuyan ngayon na lang siya naging matapang pagdating sa Gobernador. Mariin ipinikit ni Celestine ang kanyang nga mata nang hindi pa rin tuminag ang lalaki sa pagtitig sa kanyang mukha. Tila wala man lang balak itong kumurap. Halos maduduling na ito kakatitig sa kanyang buong mukha dahil sa sobrang lapit. Nagkabanggaan na nga ang tungki ng kanilang mga ilong pati ang kanilang mga labi ilang pulgada na lamang ang layo kaya nanunuot sa ilong ni Celestine ang mabangong hininga ng Gobernador at aaminin niya sobrang nalililo siya sa sobrang bango nito. “Ano ba, kapre! Lumayo ka sa akin! Hindi ka lang pangit bastos ka pa!” Ipinilig niya ang kanyang ulo at nanatiling nakapapikit ang mga mata ni Celestine ayaw niyang imulat ang kanyang mga mata dahil natatakot siya sa kung ano man ang susunod na mangyari. Ngunit hindi siya papayag sa mga gagawin nito at talagang lalaban siya sa lalaking 'to!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD