CHAPTER TWO
TILA binuhusan ng isang baldeng malamig na tubig si Celestine. Biglang bumabahag ang kanyang buntot. Naglaho kaagad ang kanyang tapang kanina lang.
“May problema po ba, Gov.?” tanong ulit ng kanyang body guards. Nasira ang mukha ni Celestine habang palihim na sumusulyap kay Gobernador Hermedes. Habang naghihintay sa sagot nito. Mabilis tuloy kumabog ang kanyang dibdib dahil sa naglalakihang mga armas na bitbit ng mga bodyguard ng Gobernador.
‘Nagkakamali yata ako ng binangga.’ sa isip ni Celestine. Naiinis lang naman kasi siya dahil tinawag siyang tanga ng lalaki.
“Nothing. May tanga lang na bomangga sa akin.” Lihim siyang napaismid at muli na naman nabuhay ang inis niya rito dahil muli siyang tinawag na tanga. Ngunit pilit niyang kinakalma ang kanyang sarili baka sa kulungan pa ang kanyang bagsak. Embes na makatulong, baka problema pa ang kanyang maging dala.
Napaatras ng isang hakbang si Celestine nang biglang inilapit ng Gobernador ang mukha nito sa kanya. At dahil sa tangkad nito nagmistula siyang dewende sa harap ng lalaki. Panandaliang nawala sa isip niya ang kanyang nanay Erma. Biglang sumiklab ang kaba sa dibdib ng dalaga. Kayang-kaya siya nitong tirisin kung gugustuhin nito. Ilang minuto muna siyang tinitigan sa mukha hanggang sa nagpabalik-balik ang tingin nito mula hanggang paa. Kasunod ang pagngisi nito na tila hinahamak siya.
“Tsk . . . tsk.” naiiling na saad ng Gobernador at kung ano man ang iniisip nito habang nakatitig sa mukha ni Celestine.
“Why are you suddenly dumbed? Na saan ang tapang mo kanina young lady…?” halos pabulong na tanong ng Gobernador sa kanya. Marahan siyang napaatras dahil sobrang lapit na ng kanyang mukha. Mariin siyang napapikit nang tumama ang mainit nitong hininga.
“Ahm, e— hindi po. Mabait po ako at saka hindi ako matapang. Nagtapang-tapangan lang ako kanina,” nahintatakutang tugon niya rito.
“Ah, ganoon ba? Kaya pala mukha kang aso na biglang bahag ang buntot. Pero nakita ko talaga ang tapang mo kanina lang. You're so sure to fight me. Actually. Parang bagay ka na maging isa sa mga bantay sa kulungan.”
Mabilis na napailing-iling si Celestine ’di bale ng magtinda siya ng mani. Huwag lang doon sa kulungan. Baka siya pa ang maunang mapatay sa mga priso.
“Ahe-he- ang si Gov. naman nagbibiro. Ang totoo humihingi talaga ako ng pasensiya sa nangyari kanina. Isa lang po iyong malaking pagkakamali,” lakas loob na tugon ni Celestine. At pagkatapos peke siyang ngumisi kay Gobernador Hermedes. Kasunod ang pagkuripas na siya ng takbo. Daig pa niya ang snatcher sa daan na basta na lamang niya iniwan ang lalaki.
“Hayst, mabuti na lang nakalayo na ako,” hinihingal na bigkas ni Celestine nang nakatatlong liko na siya. Pinahid nito ang kanyang pawisang noo sabay sandal ng kanyang likod sa pader. Peke siyang ngumingiti sa mga dumaan na nakatingin sa kanya marahil nagtataka ang mga ito kung ano ang nangyari sa kanya.
“Huh!” Naglabas siya ng hangin sa kanyang dibdib para matanggal ang kabang nararamdaman. Hindi niya inaasahan na sa paghahanap niya sa ward ng kanyang ina. Mag-cross ang landas nila ni Gobernador Hermedes at sa ganoon pangsitwasyon. Pero siguro kalimutan na lamang niya ang nangyari paniguradong hindi na naman magku-krus ang kanilang landas. Sino nga ba siya para pag-abalahan din ng isang ma-impluwensiyang tao.
“Ay, si Nanay. Dios ko! Nakalimutan ko na lang dahil sa lalaking ’yon!” inis niyang wika sabay tampal sa kanyang noo. Huminga siya ng malalim at sinilip muna niya ang pasilyo kung wala ba ang Gobernador at ang mga kasama nitong mga goons. Kahit alam niyang aksidente lang ang nangyari hindi pa rin niya maiwasan ang matakot sa lalaki. Nang makasigurong wala sa paligid nagpasya na siyang hanapin ulit ang ward na kinaroroonan ng Ina ngunit napapangiti si Celestine nang makita ang numero siyete na nasa kanyang harapan.
“Sus, nandito ka lang pala. Pinaghirapan mo pa ako.”
Dalawang hakbang lamang ang kanyang ginawa at nagmamadaling pumasok sa loob ng ward seven marami ang hospital bed na nakahelera. Napapailing si Celestine ng makita kung gaano ka hirap ang sitwasyon ng ibang mga pasyenti. May dalawang tao ang nag-occupied sa may hospital bed. Patuloy siya sa paglalakad para hanapin ang kanyang ina.
“Tay, ano ’ng nangyari kay Nanay? Bakit hindi ninyo ipinaalam sa akin kaagad. Kung hindi pa sinabi ni Aling Lourdes hindi ko pa nalalaman,” ani ni Celestine nang makita ang Ama. Tulog pa ang kanyang Ina. May suwero ang kanang kamay at may oxygen hose ang ilong. Marahan siyang umupo sa gilid ng kama at kinuha ang kamay ng Ina. Hinagkan niya ito at sinuklay ang buhok gamit ang kanyang mga daliri. Mahal na mahal niya ito. Ayaw niyang may masamang mangyari sa kanyang ina.
“Ayaw kong mag-aalala at maabala pa kita anak. Alam kong naghahanap buhay ka para sa amin.”
“'Tay naman, ayos lang 'yon. Puwede naman akong magtinda bukas. Ang mahalaga si Nanay. Ngunit ano ba ang sabi ng doktor? Ano raw ang dahilan bakit siya nahimatay?”
“Ang sabi ng doktor hintayin na lamang daw natin ang resulta sa kanilang pagsusuri. Wala naman sigurong seryosong dahilan. Siguro dahil sa sobrang pagod kaya nahimatay ang iyong Ina. Ngunit para makasigurado dinala ko na siya rito.”
“Sana nga tay. Ipagdasal na lang natin na hindi seryoso ang dahilan kung bakit nahimatay si inay.”
“Sige ikaw na muna ang bahala rito, ha. Uuwi muna ako, maghahanap ako ng puwedeng mauutangan dahil kahit pam-publikong hospital ito. May kailangan pa rin tayong bayaran.”
“Saan ka naman maghahanap Itay? Wala na tayong ibang alam na magpapautang sa atin ng pera,” malungkot niyang saad.
“Kay Tirso, magmamakaawa ako na pautangin niya.”
“Eh, Itay mas masahol pa ’yon kay Aling Lourdes. At bali-balita sa atin na nakakatakot daw kapag hindi ka makabayad sa kanila. Marami na raw itong pinatumba na hindi nagbayad ng utang,” puno ng pag-aalalang tugon ni Celestine sa ama. Ayaw niyang malagay sa alanganin ang buhay nito. Dahil sa klase ng kanilang pamumuhay mahihirapan talaga silang makabayad ng utang. Nakita niya ang pagbuga ng hangin at malungkot na tumingin sa kanya.
“Anak wala na tayong ibang pagpipilian. Hindi natin puwedeng pabayaan ang Inay mo. Mas mabuti ng may pera tayong magagamit kung sakali.”
“Hindi Itay. Hindi ako papayag na lalapit ka sa Tirso na ’yon. Ako ang bahalang maghahanap ng pera. Hindi pa naman natin alam kung ano nga ba ang dahilan bakit nahimatay si Inay,” mahigpit ang kanyang pagtutol na lumapit ang kanyang tatay Lito sa matanda nagngangalang Tirso. Maliban sa pinapatumba nito ang hindi nakakabayad ng utang. Bali-balita rin sa mga chismosa ng kanilang lugar na sangkot sa illegal na negosyo ang matanda. May iba pa naman siguro na maawa sa kanila at papautangin sila ng pera.
Malungkot na bumalik ang kanyang Ama mula sa pagkakaupo. Binitawan niya ang kamay ng Ina at pagkatapos ang kamay naman ng kanyang ama ang hinawakan ni Tin-Tin. Marahan niyang pinisil ang mga palad nito. Napuno ng kalyo at sira-sira rin ang mga kuko tanda ng kahirapan at kasipagan nito. Naawa siya sa kanyang ama. May katandaan na rin ang kanyang mga magulang kaya alam ni Celestine na pagod na pagod din ito sa paghahanap buhay at pag-aalaga sa kanila. Kaya handang sinakripisyo ni Celestine ang kanyang mga pangarap matulungan lamang ang kanyang mga magulang.
“Huwag ka ng mag-aalala, Itay. May awa rin ang Dios. Hindi niya tayo pababayaan. Lalo na si Inay,” pampalakas loob na saad ni Celestine kahit ang totoo sa kaloob-looban napuno ng pag-aalala ang kanyang dibdib.
“Maraming salamat, Tin-tin anak. Malaki ang tulong na ang nagawa mo para sa ating pamilya. Napaka-suwerte namin dahil ikaw ang naging anak namin.” Mahigpit siya nitong niyakap. Napaluha naman si Celestine sa narinig dahil alam niyang na-appreciate ng kanyang mga magulang ang kanyang pagsasakripisyo.
“‘Tay, nagda-drama ka na naman. Alam mo naman na mahal na mahal ko kayo. Kaya kong gawin lahat alang-alang sa inyo.”
“Ahm, excuse me, kaano-ano po ninyo ang pasyenti?” Kaagad pinahid ni Celestine ang kanyang luha gayon din ang ama nito nang marinig ang sinabi ng doktor.
“Anak po ako dok. Siya naman po ang tatay ko,” siya na ang sumagot.
“Bakit doktor may resulta na ba ang ginawang test ng aking asawa?” tanong ni Mang Dongkoy.
“Yes, Mr. Locsin. Lumabas na ang results sa aming isinisagawang test to your wife. We find out that you're wife have a ovarian cyst, and sad to say na ang nakikita naming bukol sa kanyang ovary ay cancerous cells, stage one. And we need to undergo an operation as soon as possible para hindi ito lumala.”
“Dios ko! Bakit nangyari kay Inay ito?” tila binagsakan ng langit si Celestine. Puno ng pagkahabag niyang tingnan ang ina. Samantalang napahilamos naman sa mukha ang kanyang ama.
“Doktor malaki po ba ang kailangang halaga para ma-o-operahan ang aking asawa?”
“To be honest, Mr. Locsin. Yes, malaking halaga ang kailanganin ninyo. Maghanda kayo ng one hundred thousand pesos.” Kapwa nanlaki ang mga mata ni Celestine at ng kanyang Ama.
“One hundred thousand, Dok? Dios ko, isang libo nga hirap kami. 'Yan pa kaya ganiyan kalaking halaga?” hindi niya napigilan ang magtaas ng boses dahil sa labis na pagkgulat. Napakalaking halaga iyan para sa kanila.
“But don't worry puwede rin po ninyong magamit kung sakaling may Philhealth kayo. Maaring bumaba sa isang daang libo ang gagastusin ninyo.”
“E—wala rin kami niyan, Dok. Pagtitinda lamang ng mani ang aming hanapbuhay,” malungkot na saad ng kanyang ama.
“Kung wala kayong Philhealth may social welfare services po tayo ang ating hospital na makatulong na ma-lessen ang mga bayarin ninyo,” tugon naman ng doktor. Marahil naawa ito sa kanilang mag-ama.
“Salamat Dok, napakabuti po ninyo. Gagawan ko po ng paraan na makahanap ng pera na-operahan.”
“Kailangan sa madaling panahon ma-o-operahan na natin ang asawa mo, Mister . Dahil mabilis kumalat ang cancer cells sa ovary ng pasyenti. Pero huwag po kayong mag-aalala dahil puwede kayong pumunta opisina ng Gobernador para makahingi kayo ng tulong ni Gobernador Hermedes.” muling bumalik sa isipan ni Celestine ang nangyari kanina lamang sa pagitan nilang dalawa ng Gobernador.
“Naku, tutulong kaya ang lalaking ’yon? Ang sama nga ng ugali. Kung alam lang nila puro ka-plastikan ang ipinapakita sa media,” apela ng isipan ni Celestine.
“Doctor Sequena, ikaw pala. I heard you mention my name? What about it?” Nanlaki ang mga mata nang marinig niya ang tinig ng lalaki. Bigla siyang napasiksik sa likuran ng kanyang ama. Ayaw niyang tingnan ito baka galit pa ito sa kanya.