CHAPTER SIX
“Governor Hermedes, ayos lang ba kayo?” Napakurap-kurap siya nang marinig ang boses ng kanyang bodyguard. Ngunit hindi pa rin niya inalis ang kanyang paningin sa dalagang naglalakad palayo sa kanya. There's a part in his mind na nako-konsensiya dahil sa kanyang ginawa. But a big party part of it na nagsasabing tama lang ang kanyang ginawa bilang ganti na rin niya sa hindi paggalang sa kanyang position.
“Gov. mukhang tulala ka yata? Ayos ka lang ba?” He shook his head to erase the image of Celestine in his mind. Inilagay niya ang kanyang mga palad sa nagkabilang bulsa ng kanyang suot bago hinarap ang bodyguard ayaw niyang magmukhang apektado dahil lamang sa isang gusgusin na babae.
“Yeah, I'm okay. Wala namang dahilan para hindi ako maging okay.” his trying to convince his self. Pero ang totoo hindi mawaglit sa kanyang isipan ang pumapalahaw na mukha ni Celestine. Parang sirang plaka na nag-e-echo sa loob ng kanyang isipan ang mga katagang binitawan nito. Kung paano ito naghi-histerical dahil paghalik niya rito
‘Forget about her, Hermedes. Nagpapaawa lang ’yon. At this generation maniwala ka na may babae panghindi nakakatikim ng halik sa edad na nineteen. E—pati nga grade six ngayon nakaranas na ng halik.’
“Ano po pala ang ginagawa mo rito sa tapat ng morgue? At nasaan nga pala ’yong babae, Governor? Hinahanap na ito ng kanyang ama.”
“Umalis na ang manang na ’yon. At wala ka ng pakialam kung nandito ako sa morgue, Rex. You just, stop asking me,” hindi niya alam kung bakit bigla na lamang uminit ang kanyang ulo. At wala siyang ibang sinisisi kundi si Celestine. Hanggang ngayon ramdam pa rin niya ang pananakit ng kanyang balls na tinuhod ni Celestine.
‘You can't get away fromm me, kid. Sisingilin kita sa ginawa mong pananakit sa akin!’ his mind uttered.
“Si Governor Hermedes talaga masungit na naman. Para nagtanong lang ako. At bakit manang na naman ang tawag mo sa babae? Hindi pa kanina ang sabi mo bata pa siya?” Napahilot sa kanyang sentido. Sa kakulitan ng kanyang bodyguard. Nakikinig pala ito sa lahat ng kanyang mga sinabi kanina.
“Manang, out of the trend ang kanyang mga sinusuot. Ang pangit pa!” tugon niya kay Rex ang kanyang trusted bodyguard. Matagal na silang nagsasama kaya minsan nagkakabiruan na rin sila. Kahit naman ganyan siya pikunin at arogante, marunong din naman siyang makikisama minsan sa kanyang mga tauhan.
“Pero aminin mo cute at maganda namam talaga, Gov.” sinabayan na siya nito sa paglalakad. Alam naman din ni Rex na totoong galit ang amo kaya hindi na niya ito kukulitin. Samantalang napatigil siya sa paglalakad nang marinig ang sinabi ng huli. Matalim niya itong tinitigan. Para kasing sa tono ng pananalita ng bodyguard may paghanga itong naramdaman sa dalaga.
“Huh! Maganda? Saang banda mo nakikita ang kagandahan ng babaeng ’yon? Manang, pangit na nga mukha pangbutiki dahil sa kapayatan. She's too far compare sa mga babaeng lumapit sa akin. She's not my type anyway.” Muli itong naglakad at sa pagkakataon ito mas mabilis pa ang mga hakbang ni Governor Hermedes kumpara kanina.
Kanina pa siya nandito sa hospital pero hindi pa siya natapos sa paglilibot at Kailangan pa niyang bumalik sa opisina dahil sa nakabinbin niyang mga trabaho at 3pm may meeting pa rin sila ng isang senator. Kaya wala siyang sinisisi sa aberya ng kanyang schedule kundi si Celestine. Napaka trouble maker nito. Hindi man lang ito tumanggap ng pagkakamali.
Napailing-iling naman ang reaksyon ni Rex nang marinig ang tinuran ng kanyang boss. Mukhang may malaki itong galit sa babae.
“Hindi naman siguro, Gov. Sabi kasi ng tatay niya mabait at maasahang anak ito. Siya nga raw ang tumutulong sa kanyang nga magulang. Alam mo Gov. sa panahon ngayon bibihira na lang ang makahanap ng ganyang babae. Kaya katulad sana niya ang ibibigay ng Maykapal na aking mapapangasawa.”
“Shut up! Rex. Sa edad mong ’yan. Hindi bagay sa ’yo ang kiligin!”
“Totoo naman kasi ang sinabi ko. Kapag ako ang magsawa, gusto katulad ni Celestine. Maasahan sa lahat,” muling hirit ni Rex.
“Okay if that what you want. Pero ikaw ang bahala ang mag-reach out sa kanya. Hindi ako papayag na maging third wheel ninyo. Okay?”
Nilakihan ni Governor Hermedes ang kanyang mga hakbang para mauna. Iwan, ngunit naiinis siya kay Rex. Hindi niya alam pero nag-iba ang kanyang mood.
Samantalang padabog namang naupo si Celestine sa mono block chair na nasa gilid ng hospital bed kung saan nakaratay ang kanyang ina Feliza na ngayon ay nagigising na.
“Tin-tin anak, ano ba ang nangyari sa ’yo? Bakit ganiyan ang mukha mo? Daig pa ang binagsakan ng sampung kilong bato?” usisa ng kanyang Ina. Kaagad naman siyang lumapit dito at mahigpit na niyakap. Masaya siya na nakitang nagigising na ang kanyang ina.
“Ayos lang ako Nanay. Huwag mo akong intindihan. May nakasalamuha lang akong Kapre sa daan. Salamat sa Diyos at nagigising ka na nanay.”
“Ha? May maligno pala ang hospital na ito? Totoo pala ang sabi-sabi na pinapamahayan ng maligno rito,” tila nahintatakutang wika ng kanyang ina.
“Naku, sinabi mo pa Nay. Mas pangit pa nga kay sa maligno.”
“Ha? May papangit pa ba sa maligno? Sa pagkakaalam ko parehas silang pangit.”
Lihim na napahagikhik ang kalooban ni Celestine. Kahit kailan vibes talaga sila ng kanyang ina. Para na nga niya itong kaibigan dahil lahat nasasakyan nito ang kanyang biro.
“Naku, kayo talagang mag-ina puro kayo kalokohan. Baka may ibang pasyenti na makakarinig sa inyo baka matatakot pa,” saway naman ng kanyang Ama.
“Kill joy talaga ’yang Ama mo…” pabulong na sabi ng kanyang Ina sa kanya na sabay nilang ikinahagikhik dahil nilabak nila ang kanyang Ama.
“Hindi ako kill joy nagsasabi lang ako ng totoo Siya nga pala anak. Ano ’ng nangyari sa inyo ni Governor Hermedes? Sinaktan ka ba niya? Sabihin mo sa akin, kahit ano pa ang katungkulan niya hindi ko papalampasin kapag pinagbuhatan ka niya ng kamay.”
‘Hindi naman ako sinaktan, 'Tay. Pinalalasap lang ako ng sarap.’ pero siyempre ang kanyang malanding isipan lang may sabi ’non. Baka mas lalo nitong mag-alburuto ang kanyang ama kapag nalaman nitong ninakawan siya ng halik. Isa pa naman ang kanyang mga magulang napaka conservative. Pinahalagahan nito ang mga tradisyon. Kaya kahit lumaki silang magkapatid na nasa mellenial stage na. Hindi pa rin sila nagawang sumunod sa uso ng mga kadalagahan lalo na sa pananamit.
At siya rin mismo ayaw niya ang mga damit na sobrang revealing halos kita na ang lahat ng balat sa katawan. Lagi niyang isinaisip ang pangaral ng kanyang ama at ina na dapat maging desinte sa pananamit at magkaroon ng dilikadeza sa sarili lalo pa at babae ito. Dahil sabi ng kanyang Ina mataas ang respeto ng mga kalalakihan sa babaeng may desenting pananamit.
“Celestine, tinatanong kita! Ano ba ang nangyari sa inyo ni Governor Hermedes? Sinasaktan ka ba niya?” untag ng kanyang tatay nang hindi siya nasagot ang tanong nito.
“Baka gusto mong baguhin ang tanong, Tay.” tila may pagmamayabang na tugon ni Celestine sa kanyang ama.
“Ano ang gustong ipabatid mo sa akin, anak?” naguguluhang tanong ni Lito sa anak.
“Ang tanungin mo ano ang ginawa ko sa kanya?”may halong pagmamalaki pa rin ng dalaga. Nakangisi pa ito habang binabanggit ang mga katagang ’yon.
“Ha? Ano ba ang ginawa mo sa kanya?”
“Si Tatay talaga, parang hindi mo kilala itong anak mo. Mana kaya ito sa ’yo. Hindi ba sabi mo kapag nasa katwiran dapat ipaglalaban lagi ang ating karapatan. Walang sino amb puwedeng manapak sa atin porket mahirap lang tayo at nakakakataas sila sa atin."
“Oo nga, sinabi ko nga ’yon. Pero anak mukhang mabait naman si Gobernador. At tutulungan niya tayo sa pagpapagamot ng nanay mo. At isa pa ayaw kong mapahamak ka. Tandaan mo babae ka pa rin, hindi ka amasona.”
“Teka lang, ha. Hindi ba 'yang Gobernador Hermedes na pinag-usapan ninyo. Ang iyong guwapo at batang Gobernador natin?” singit na saad naman ng kanyang ina.
“Siya nga mahal. Pero itong anak natin kung ganoon-ganoon na lang niya sagutin ang Gobernador.”
“Ay, naku, anak. Ano ba ang ginagawa mo sa kanya?” nag-aalalang tanong ng kanyang nanay Feliza..
“‘Nay, tinuhod ko lang naman siya. Hindi ba ang. my . tapang ng anak mo? Hindi porket Gobernador siya hindi ko siya papatulan,” muli niyang pagmamayabang.
‘Ang yabang mo! Parang hindi umiiyak kanina!’ paalala ng kanyang isipan.
Napaismid siya nang muling nanumbalik sa kanyang isipan ang mainit na halik ng lalaki. Kung puwede lang niyang kutusan ang sarili matagal na niyang ginawa. Gusto niyan kalimutan ang pangyayaring 'yon. Pakiramdam niya sobrang dumi at nakuha na ng lalaki ang kanyang p********e.
“Anak naman, bakit mo ginawa ’yon? Baka babalikan ka ni Gobernador Hermedes. Alam mo naman na may kapangyarihan ’yon. Para lamang tayong langgam na kayang-kaya niya tirisin at apakan.”
“Hay, si Tatay talaga. Ikaw ba 'yan ang Tatay ko? Na saan na ang tatay Lito ko na namatapang at palaban?”
“Hindi naman sa ganoon anak. Ang sa akin lang hindi na bale ng ako ang masasaktan basta hindi lang kayo. Lalaban ako hangga't sa aking makakaya kung kayo ang aargabyado.” puno ng sinsiridad na tugon ng kanyang tatay Lito. Kaya mahal ba mahal niya ito dahil nagkaroon siya ng masipag at mapagmahal na ama.
“Si tatay, inay, oh. Ang drama. Hindi bagay sa kanya.” kunwaring sumbong niya rito. Ayaw niyang mag-aalala sa kanya ang ama.
“Sinabi ko nga sa ’yo, mahal. Hindi bagay sa ’yo ang mag-emote. Nakakapangit ’yan. Goodvibes lang tayo dapat.”
Ganiyan ang ugali ng kanyang ina. Mukha namana yata niya ang pagka-wity nito. Kahit may problema tinawanan lamang ito dahil ika nga ng kanyang nanay Felisa dapat tawanan lamang ang problema. Mas lalong hindi makakahanap ng solusyon kapag dinadaan sa init ng ulo.
“Kayo talagang mag-ina. Lagi ninyo akong pinagkakaisahan.” Naiiling na tugon ng kanyang amang si Lito. Dahil sa sinabi ng ama mahinang nagtawanan silang tatlo dahil may kasamahan silang pasyenti baka makaka-istorbo pa sila. Ngunit natigil ang pagtatawanan nila nang mapansin ang bulto ng lalaki na biglang sumulpot sa kanilang kinaroroonan.