CHAPTER FIVE
NANATILING nakasara ang kanyang mga mata. Ngunit nang biglang tumahimik ang paligid kaagad siyang nagmulat sa pag-aakalang umalis na ang mahal na Gobernador sa kanyang harapan. Ngunit laking gulat ni Celestine nang makita nanatiling nakatayo pa rin ito at mariing nakatitig sa kanyang mukha na tila ba minimorya ang bawat sulok nito.
Bigla naman nakaramdam ng awkwardness ang dalaga. May nakikita siyang harmless sa mga tingin nito kabaligtaran sa awra nitong arogante, strikto at hambog. Ngunit kaagad niyang iniwaksi sa kanyang isipan inyo. Hindi dapat siya magpapadala sa mga mga mapupungay nitong mga mata. For sure, isa ito sa mga asset ng lalaki para mapa-ibig at makuha ang gusto nito sa babae. Ang ideal man niya katulad ng kanyang Ama. Maasikaso, mapagmahal na asawa at ama. Ngunit sa kasamaang palad sa panahon ngayon hindi siya naniniwala na may katulad pa sa kanyang Ama. Kaya mas gugustuhin na lamang niyang tumandang dalaga kaysa makapangasawa ng sakit sa ulo dahil maraming bisyo at irresponsableng mister. Katulad ng mga nakikita niya sa kanilang kapit bahay. Eighty percent sa mga kalalakihan doon may mga bisyo. Kaya ’di bale na lang hindi siya makatikim ng hotdog na sinasabi ni Jenny na masarap daw ito.
Ngunit isipin niya pa lamang ang mga bagay na ’yon nasusuka na siya. Hindi niya nakikita ang sarili na gagawin ang mga bagay na iki-kuwento ni Jenny sa kanya. Dahil sa pagtulong sa mga magulang naka-focus ang kanyang isipan lalo na problema. Malaking pera ang halaga ang kanilang kailangan ngunit hindi siya hihingi ng tulong sa lalaking nasa kanyang harapan.
Kaagad nag-ugnayan sa kanilang mga tingin at pinandilatan niya ito ng mata.
“Puwede ba para matapos na ’to. Humingi ka ng sorry sa akin. Madali lang naman akong kausap. Isang sorry mo lang tapos na!” nakuha pa niyang malditahan ito kahit ang totoo naririnig niya ang mabilis na t***k ng kanyang puso.
“Woah! Hindi ko kinaya ang self confidence mo, kid. Who do you think you are para mag-sorry ako sa ’yo? You're just a nobody.” Ayaw din magpaawat ni Governor Hermedes sa pang-iinsulto sa kanya.
‘Siya mag-so-sorry? The great Governor Hermedes mag-so-sorry sa isang low class woman like her? Never! Ever! Gonna happen!’
On the other hand, matagumpay na nasaktan ulit ni Governor Hermedes ang kanyang buong pagkatao. Tama naman ito, sino ba naman siya kompara sa mataas at kagalang-galang na Gobernador. Ngunit wala sa bukabularyo ni Celestine ang sumuko. Nais niyang maramdam na kahit isang beses lang tao rin ang pakikitungo sa kanya sa kagaya nitong may mataas na antas sa lipunan.
“So ayaw mo talagang mag-sorry?”
“Ayaw ko talaga! And there's nothing you can do in my decision!” Mapaglaro ang ngiting sumilay sa labi ni Celestine.
“Talaga lang, ha. Ayaw mo talaga?” paulit-ulit na tanong niya sa lalaki.
“How many times do I have to tell you? Ayaw kong mag-sorry sa ’yo!”
“Ah, ganoon, ito ang nababagay sa ’yo!”
“Ouch! That's really hurt kid! Why did you do that?” sigaw ni Gobernador Hermedes. Namimilipit siya sa sakit dahil sa ginawang pagtuhod ni Celestine sa kanyang balls. Bagamat nasasaktan ito ngunit hindi niya hinayaan ang babae na makawala sa kanya at hindi siya makaganti rito.
‘‘Hayop! Kahit pala ang payat ng babaeng ito may lakas din pa lang itinatago!’’ ani ng kanyang isipan. Halos hindi pa rin maipinta ang kanyang mukha dahil sa sobrang sakit. Pero embes na layuan ito mas lalo pa niyang inilapit ang kanyang katawan dito. Para itong matayog na pader na nakabako sa katawan ng dalaga na kahit ano’ng gawin ni Celestine hindi ito matitibag.
“At talagang tinatanong mo pang, Kapre ka? Talagang masasaktan ka sa akin! Bastos ka!” mabalasik na tugon ni Celestine.
“Ouch! Kung maka-ouch ka riyan para kang hindi lalaki. Para kang bakla!” dagdag pa niya na mas lalong nakapag-trigger sa kagustuhan ni Gov. Hermedes na makaganti.
“Talaga? Ako bakla?”
“Oo, bakit hindi ba?” mapanghamon na tugon ni Celestine. Hindi na nila alintana kung ano ang kanilang posisyon dahil sa sobrang inis nila sa isa't-isa at kung may makakakita man sa kanila akalain nitong magkarelasyon silang dalawa.
“Will, if that case. Malalaman natin ngayon kung bakla ba talaga ako.” Napatingala si kay Gobernador Hermedes dahil sa kanyang narinig parang may iba itong binabalak kaya buong lakas niya itong itinulak ngunit man lang ito natinag.
“Lumayo kang kapre ka! Pakawalan mo ako?Ano’ng gagawin mo sa akin? Wala ka talagang modo! Bastos na kapre!” tila armalite ang bibig ni Celestine sa kakaratrat kay Gov. Hermedes. Ngunit kahit ano pa ang gawin niya hindi siya makakawala rito dahil sa mas hamak na mas malakas ito sa kanya at wala rin itong balak na pakawalan siya.
“Bakit natatakot ka ba sa akin, kid? Akala ko ba matapang ka? Bakit ngayon bumabahag na ang buntot mo?”
Halos mangiyak-ngiyak na si Celestine dahil sa ginawa ng lalaki. Gusto niyang magmakaawa rito na pakawalan na siya. Pero siyempre hindi niya gagawin ’yon dahil kapag gagawin niya iyon ipinapamukha lang niya na talunan siya at ayaw niyang mangyari ’yon kaya kahit na ano ang mangyari hindi siya magmamakaawa rito. Lalaban at lalaban pa rin siya.
“Ako matatakot? Hoy! Hindi kita uurungan. Ikaw yata ang takot sa akin dahil kino-corner mo ako rito sa pader at ’yang beke mong katawan!” dagdag na pang-aalaska ni Celestine. Lihim naman siyang napapangiti dahil epektibo ang kanyang sinabi nang makita ang pagdilim ng anyo ni Governor Hermedes.
“Magbabayad ka sa paglalapastangan sa aking pagkatao!” mabalasik na tugon naman ng Gobernador. Akmang aalma pa yata si Celestine ngunit hindi niya ito binigyan ng pagkakataon. Samantalang gusto namang man laban at sumigaw ng dalaga ngunit hindi niya magawa dahil kaagad na sinunggaban ni Governor Hermedes ang kanyang nakaawang na mga labi.
Hindi magawang maikilos ni Celestine ang kanyang buong katawan dahil sa matinding pagkabigla tila yata napaparalisa ang kanyang buong katawan nang sumayad ang mainit at malambot na labi sa guwapo at batang Gobernador. Hindi inaasahan ni Celestine na ganitong pagkakataon maranasan at makuha ang kanyang unang halik.
Daig pa niya ang kandilang nakatirik. Hindi magawang igalaw kahit pa ang daliri ng kanyang mga paa. Pakiramdam niya lahat ng kanyang mga ugat sa buong katawan ay napaparalisa. Mas lalo nalililo ang katinuan ni Celestine nang dahan-dahang iginalaw ni Governor Hermedes ang kanyang labi at bahagyang kinagat iyon dahilan na naibuka niya ito at kaagad naman sinunggaban ang pagkakataon ng lalaki para maipasok ang kanyang mainit na dila.
Kusang pumikit ang kaninang nakadilat na mga mata ni Celestine at hindi niya namalayan sumasabay na ang kanyang labi sa bawat galaw ng mga labi ni Governor Hermedes.
“Ah!” hindi niya alam kung saan nanggaling ang salitang lumabas sa kanyang bibig. Halos hindi na niya kilala ang kanyang sarili. Sa katulad niyang aloof at introvert dapat hindi siya nagpapatalo sa init ng mga hagod sa labi ng lalaki.
“Bastos!” isang malakas na sampal ang iginawad ni Celestine kay Governor Hermedes. Nang magawa niyang itulak ito palayo sa kanya. Sa wakas, nagawa na niyang putulin ang tila mahikang nagpapa-paralisa sa kanyang isipan. Nang hindi pa siya nakuntento pinagsusuntok niya ang malapad nitong dibdib. Ngunit balewala lamang iyon ng Gobernador. Hinayaan lamang siya nitong saktan ito.
“Bastos ka! Rapist!” halos hindi na makandaumayaw ang mga kamao ni Celestine sa pagsusuntok. Hindi na nga niya alam kung saan ito tumama. Hanggang sa hindi na lang niya nalaman na tumulo na pala ang kanyang mga luha.
Hindi niya matanggap sa kanyang sarili na hinayaan niyang dumapo ang labi ni Gobernador Hermedes sa kanyang mga labi. Naging marupok siya, hindi niya nalabanan ang mapang-angkin mga labi ni Gobernador Hermedes. At mas lalong hindi niya matanggap na ang lalaki ang unang nakahalik sa kanya.
Samantalang bigla naman naalarma ang mahal na Gobernador sa nakita niyang pagpalahaw ng iyak. Hindi niya malaman kung paano niya ito patatahanin. Unang beses na may umiiyak ng ganito sa kanyang harapan. Hindi niya ito nakitaan ng pagpapaawa hindi katulad ng iba na nagpapaawa sa kanya.
“Hey! Stop that! Bakit ka ba umiiyak ng ganiyan? Hindi naman kita sinasaktan? I’m just kissing you, what's the big deal? Parang hindi ka naman nakakaranas na matikman! And one more thing, hindi kita ni re-rape, ikaw mismo nagustuhan mo ang halik ko.”
Akala niya magwawala na naman ito sa kanyang sinabi maging matapang ulit ngunit hindi ito ang kanyang inaasahan ngunit mas lalong lumakas ang pagpapalahaw nito ng iyak.
“H-hayop ka! Kung sa ’yo wala lang ’yon pero sa akin mahalaga ’yon dahil unang halik ko ’yon! Dapat sana sa lalaking mapapangasawa ko ’yon! Pero basta mo na lang kinuha sa akin!” hindi pa rin matigil sa paghikbi si Celestine. Napanganga naman si Governor Hermedes sa narinig. Sa panahon ngayon may ganyang klase pa palang babae. Sa pagkaalam niya kahit na nga siguro teenager nakaranas na ng halik.
‘Huh! This woman is different. Like, hello at the age of twenty never pa siya nakaranas ng halik? Never ba siyang nagka-boy friend even once?’ mga gumugulo sa isipan ni Governor Hermedes. Namangha lang siya sa nalaman.
Ngayon lang siya nakakita na pati first kiss iniiyakan. Pero siyempre hindi niya ipapakita kung ano ang nasa loob ng kanyang dibdib.
“You mean hindi ka pa nagka-boy friend?” hindi niya inaasahan na lumabas iyon sa kanyang bibig pero huli na nasabi na niya.
“Hindi pa! Ano, ha? May sasabihin ka pa?!”
“No wonder ang pangit mo kasi. Mukha ka pang bata. No one dares to court you.”
Matalim na tingin ang ipinukol ni Celestine sa kanya kahit may mga namumuo pang luha sa bawat gilid nito.
“Hindi ako pangit at lalong hindi na ako bata. Hindi lang ako katulad sa mga babae na walang ibang inaatupad kundi ang magpaganda para mapansin ng mga lalaki. Ang buhay ko makalaan sa pagtulong sa aking mga magulang!”
Naging speechless si Governor Hermedes sa narinig.
“At isa pa, hindi naman problema sa akin kahit hindi ako magka-jowa mas pipiliin kong tumandang dalaga lang kaysa makakasama na mga lalaking walang modo na katulad mo!”
sa pagkakasabi noon kaagad na naglakad palayo si Celestine at naiwan mag-isa si Gobernador Hermedes tanaw ang papalayong dalaga.