NAPATAAS ang magkabilang kilay ni Celestine nang namumukhaan niya ang lalaki na nasa kanilang harapan ngayon. Kung hindi siya nagkakamali isa ito sa mga goons ng Governor.
“Ano ’ng ginawa mo rito? Kung inutusan ka ng kapre mong boss na gumanti sa akin. Puwes hindi ko kayo uurungan! Hindi ko hahayaan na sasaktan ninyo ang pamilya ko!” masungit na saad kaagad ni Celestine.
“Tama ’yan, anak. Lalaban tayo sa kanila!” segunda naman ng kanyang Ina. Babangon pa sana ito ngunit kaagad napigilan ng kanyang ama dahil kakagising lamang nito at may suwero na nakakabit sa kanang kamay nito.
Hindi na nga maipagtataka kung saan nagmana ang pagiging matapang ni Celestine.
“Ma’am hindi po ako naghahanap ng gulo at mas lalong hindi ako nandito para maghigante. At oo inuutusan po ako ni Governor.”
“Sinasabi ko na nga ba. Inuutusan ka nga ng boss mong pangit!” walang prenong saad ni Celestine. Samantalang hindi naman malaman ng kanyang amang si Lito kung paano pigilin ang anak. Nakita kasi niya na maayos naman ang approach ng bodyguard ng Gobernador. Hindi tuloy niya alam kung ano ang nangyari sa kanyang anak. Hindi naman ito ganiyan. Mabait itong anak, mataas ang pasensiya at lalong hindi mapagpintas.
“Sir Lito pinapapunta po kayo ni Governor Hermedes sa kanyang opisina. Ito po ’yong kanyang calling card. Nakalagay na po riyan ’yong kanyang contact number at address,” paliwanag ng ni Rex.
“At bakit naman, Kuya?”
“Hindi ko alam, Ma’am. Basta ang sabi lang niya kailangan pumunta ni Sir sa kanyang opisina, ASAP!” Nakapameywang habang mataman na tinitigan ni Celestine ang kausap. Hindi siya kumbinsidonna hindi nito alam ang dahilan.
“Sige po, sabihin ninyo kay Governor na bukas ng umaga. Pupunta ako.”
“Hindi itay! Hindi ako papayag na pupunta ka roon. Baka kung ano pa ang gagawin niya sa ’yo! Alam mo naman na napakasalbahe no’n!”
“Pst! Celestine tumigil ka! Nakakahiya sa tao! Hindi kita pinapalaking ganiyan. Mapanghusga sa kapwa!”
Napatikom nang kanyang bibig si Celestine. Alam niyang galit na ang itay kapag tinatawag na ang kanyang buong pangalan. Natatakot lang kasi siya sa maaring gawin ng Gobernador sa kanyang itay.
“Pasensiya na po, itay. Ang akin lang naman baka mapahamak po kayo. Ayaw kong masamang mangyari po sa inyo,” malungkot niyang tugon habang lihim niyang naikuyom ang kanyang kamao. Mas lalong nadagdagan pa ang kanyang galit sa lalaki dahil kung hindi dahil dito hindi siya mapapagalitan ng itay niya. Hindi niya maintindihan kung bakit sobrang inis niya sa lalaki. Sumagi lamang sa kanyang isipan ang mukha nito. Gusto niya itong tusukin ng tinidor at pupugpugin niya ng pinong-pino.
“Sige sir Rex. Ngayon pa lamang sabihin mo kay Gobernador na maraming salamat sa kanyang pag-iimbenta sa akin sa kanyang opisina.”
Napaismid si Celestine sa narinig mula sa kanyang Itay. Bakit naman ito pinapasalamatan? Wala nga itong ginawang kabutihan sa kanya. Ninakawan nga siya ng halik nito. Kahit gustohin man niyang itama ang itay ngunit nagpigil lamang siya baka mas lalong magalit ito sa kanya.
“Governor Hermedes surely glad to hear that. Paano aalis na ako Mang Lito. Sandali lang pala, ito rin ay pinamimigay niya. Para may magamit kayo rito panggastos sa hospital.”
Mas lalong hindi maipinta ang mukha ng dalaga sa pagbigay nito ng pera.
Gusto niyang hablutin ang sampung libo na nasa kamay ng ama at itapon sa mukha ng lalaki. Para malaman nito na hindi sila mukha pera na inaakala nito at hindi nababayaran ang kanilamg dignidad. Tumingin din siya sa kanyang ina ngunit nanatili lamang itong tahimik kahit sininyasan na niya itong pigilan ang kanyang ama.
‘Ano ’yan bayad? Peace offering? Dahil sa kanyang pagnanakaw ng halik sa akin? O 'di kaya binili niya kami! Akala ba niya mukha kaming pera porke’t mahirap kami?!’ sigaw ng kanyang isipan hindi naman niya magawang ilabas ang nasa loob ng kanyang isipan dahil nakita kung gaano kasaya ang ama. Naiintindihan naman niya, iniisip nito na hindi na niya kailangan utangin ang ganiyang kalaking halaga at kasama na roon ang patung-patong na interest. Lalo na kapag kay Aling Lourdes sila uutang.
“Sige, Mang Lito, mauna na ako. Naghihintay na sa akin si Governor Hermedes.”
“Sige po, Sir Rex. Sabihin mo kay Governor na maraming salamat sa pera.” Mas lalong tumulis ang nguso ni Celestine dahil sa narinig para kasing sobrang natutuwa ang kanyang itay sa natatanggap na pera.
“Tay, talaga bang pupunta ka sa opisina ng buraot na Gobernador na ’yon?” sinisigurado niyang pupunta ba talaga ang kanyang ama.
“Anak tumigil ka nga sa katatawag ng hindi maganda sa tao. At isa pa ang tinatawag mong buraot ang siyang tutulong sa atin para sa nanay mo. Ayaw mo ba no’n anak, mapapadali ang pagpapa-opera ng nanay mo.”
Dismayadong napatungo ang ulo ni Celestine sa sahig halos hindi siya makapaniwala sa naging desisyon ng kanyang ama. Ito pa naman ang tipo na hindi madaling makuha ang tiwala. Pero masisisi ba niya ito? Marahil desperado na itong makahanap ng malaking pera para sa operasyon ng kanyang ina. At napag-isip isip din siya na wala naman sigurong mawawala kapag subukan ng ama niya. At napakasarili niya kung hahadlangan niya ang pagkakataon na mapa-operahan kaagad ng ina dahil lamang sa kanyang personal issue ng Gobernador.
“Sige po, ’Tay. Kayo po ang bahala. Malaki po ang tiwala ko sa mga desisyon ninyo. Pero sana mag-iingat po kayo roon.”
“Salamat anak at naiintindihan mo ako. Huwag kang mag-aalala walang masamang mangyari sa akin.”
***
“Ah!” malakas na tili ni Jenny. Daig pa nito ang uod na pinutulan ng buntot halatang sobrang kinikilig ito matapos e-kwento ni Celestine ang nangyaring pagtatagpo ng kanilang landas ng Gobernador. Kaagad naman na tinakpan ni Celestine ang bibig ng tili ng kaibigan dahil pinagtitinginan na sila ng mga tao. At masama naman ang tingin ng ibang tindera sa kanila particular na ang may mga edad.
“Ang ingay ninyo! Mga puta, kung makatili abot hanggang ibang planeta,” saway sa kanila ni Aling Pasing. Masungit na matandang dalaga na katulad din ni Celestine nagtitinda ng mani.
Hindi naman nagpatinag ang kanyang kaibigan at pinandilatan lamang nito ng mata ang Ale. At kaagad na bumalik sa kanyang atensiyon.
“Talaga ba, friend? Sana sinama mo ako para naman makita ko ng personal ang yummy Governor natin,” kinikilig pa rin na tugon ni w
“Ano ’ng yummy, Friend? Ang pangit ng katawan, daig pa ang bakla. Tapos sa camera lang pala ’yon guwapo pero sa personal naku daig pa ang kapre na nakatira sa punong mangga ni Aling Lourdes.”
“Ay, grabe ka naman kung makapang-alit sa ating mahal at kagalang-galang na Gobernador, friend. Marami nga ang kababaihan ang gustong makasama siya pero ikaw itong nahalikan daig mo pa ang nag-alburotong bulkan.”
“Prescious ’yon friend para sa aming love na love at idol naming Gobernador. Siguro kung ako ang nasa kalagayan mo baka pagkatapos ng halik nasa ibabaw na kami ng kama,” humahagikhik na dagdag pa ni Jenny na tila ba ini-imagine ang mga bagay na magaganap sa kanyang sinasabi. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Celestine na liberated ang kaibigan kung sino-sinong lalaki na ang nakatikim sa katawan nito. Pero hindi pa rin iyon hadlang para sa kanilang magandang samahan kahit magkaiba ang kanilang personalidad.
“Sana nga ikaw na lang ang nasa kalagayan ko ngayon. Hindi ganitong ako napupurihisyo. Naiinis talaga ako sa mukha ng lalaki na ’yon ang pangit!”
“Siya tama na nga 'yan. Wala ka ng magagawa nangyari na. Hindi naman ito seni na puwede mong ulitin ang mga naganap na. At paano na rin ’yan mukhang magkikita pa rin kayo ulit, friend.”
“No way! Hindi mangyaring mag-krus ang aming mga landas!” hindi matanggap sa isipan ni Celestine na magpang-abot pa ang kanilang mga landas dahil paniguradong wala itong magandang gagawin sa kanya.
“Pero hindi ba, friend. Siya ang sponsor para sa operasyon ni tita Felesa?”
“Oo, pero imposible na pupunta pa ulit ’yon para lang sa akin or sa amin. May mga tauhan wala akong pake! Teka lang huwag na pag-usapan ang pangit na kapre na ’yon. Nasisira ang araw sa kanya! Pangalan pa lang niya ang narinig ko kaagad umakyat sa aking ulo ang aking dugo.”
“Heh, tulak ng bibig pero kabig ng dibdib lang ’yan, friend.” pang-aasar ni Jenny sa kanya.
“Naku, never ’yang mangyari. Mamatay man ako! Tumanda man akong dalaga! Hindi ako magkakagusto sa kapre na ’yon. Kahit tamaan man ako ng kidlat!”
“Ah!” sabay silang napatalong dalawa ng kanyang kaibigan ng biglang kumidlat at kumulog ng malakas. Nagsitakbuhan ang ibang nagtitinda sa gilid ng kalsada na walang payong.
Mabuti na lamang at may malaking payong ang tindahan ni Celestine kaya hindi na niya kailangan magligpit ng kanyang paninda. At kasya rin silang dalawa ni Jenny.
“Kita mo friend pati ang langit galit sa kasinungalingan mo!”
Napaismid na lamang si Celestine sa sinabi ng kanyang kaibigan. Baka kumidlat na naman ulit kapag magsalita pa siya.