"Oh, bakit nakapangalumbaba ka d'yan sa harap ng tindahan? Gusto mo ba tayong malasin?"
Muntik na akong mapatalon sa gulat nang marinig ko ang tinig ni Mama mula sa likuran ko. Kaagad kong ibinaba ang kamay ko.
Oo nga naman, baka wala lalong grasyang dumating kapag nangalumbaba ako dito.
Umayos ako nang pagkaka-upo ko ngunit kaagad namilog ang mga mata ko nang bigla kong matanaw si kuya Ed sa 'di kalayuan.
"Kuya Ed!" sigaw ko agad sa kanya.
Ngunit bumagsak ang balikat ko nang lampasan niya ako at parang hindi man lang niya ako narinig. Ibig sabihin wala pa rin. Huhuhu.
Mamamatay na yata ako dito! Ang OA ko na. Haaayst.
"Oh, Nancy? Tawag mo 'ko?"
Bigla namang nanlaki ang mga mata ko nang biglang dumungay si kuya Ed sa labas ng tindahan! Bumalik siya! Narinig niya naman pala ako!
"Kuya Ed naman, eh. Akala ko, hindi mo 'ko narinig." Hindi ko mapigilang mapasimangot.
"Eh, bakit nakabusangot ka, ke aga-aga?" natatawa niya namang tanong na parang nang-aasar pa kaya mas lalo pa akong napasimangot.
Alam naman niya kung ano ang ipinagsesenti ko!
"Ito ba ang hinihintay mo?" Bigla niyang itinaas sa harapan ko ang isang puting sobre na ikinamilog ng mga mata ko.
"Kuya Eeeed!!! OMG! OMG! OMG! OM--Aray!"
"Araaaay...huhuhuhu!" napadaing ako at napasapo sa ulo ko nang bigla akong mauntog dahil sa katatalon ko!
Humalakhak naman nang pagkalakas-lakas si kuya Ed! Langya!
"Bakit naman kailangan mo pang magtatalon?! Nanalo ka ba sa lotto?!" sigaw ni mama mula sa likuran ko.
"Mama naman, eh!"
"Oh, asan na ang panalo mo? Balatohan mo ako."
Napasimangot na lang ako sa sinabi niya.
"Eto, 'yong panalo niya, oh. Ikaw na ang kumuha. Masakit pa ang ulo ni Nancy," natatawa pa ring sabi ni kuya Ed habang iniaabot na niya kay mama ang sobre ko!
Kaagad din naman itong tinanggap ni mama at tangka nang bubuksan!
"Mama!"
Mabilis ko naman iyon inagaw at kaagad akong tumakbo papasok ng bahay. Muntik pa akong madapa sa sobrang bilis kong humakbang sa hagdan. Ramdam ko ang bilis ng takbo ko at hiningal ako ng sobra pagdating ko sa itaas!
"Hah! Hah! Inhale! Exhale! Inhale! Exhale!"
Habol ko ang paghinga ko at sobra ang lakas nang kabog ng dibdib ko. Nag-alburoto ang tiyan ko at para akong maiihi na madudumi sa sobrang excited at kaba!
Seven months! Omg!!! Katulad katagal bago ako muling nakatanggap ng liham niya! My God! Tiniis niya ako nang gano'n katagal! Mapepektusan ko talaga siya kapag nakita ko siya!
Pabalik-balik ako nang lakad dito sa loob ng k'warto ko habang hawak ko ang sobre.
Nanginginig ang buong katawan ko. Bubuksan ko na ba? Ano kaya ang sabi niya? Sana naman, hindi ito pamamaalam, no? Natatakot na tuloy ako. Baka, nagalit talaga siya sa akin!
Sapo ko pa rin ang dibdib ko dahil sa lakas pa rin nang kabog nito.
Baka gumanti siya sa akin! Baka sabihan niya rin ako nang masasakit na mga salita! Baka hindi na niya ako mahal!
Wait. Hindi na niya ako mahal?! Humaygash!
Tumalon ako sa gitna ng kama ko at nagpagulong-gulong doon.
Anong gagawin ko?!
Nagpatuwad-tuwad ako sa kama at hindi na magkaintindihan. Sinubsob ko na ang ulo ko sa ilalim ng unan.
"Ate, ano nangyayari sa 'yo? Nababaliw ka na ba?"
Ngunit bigla akong napahinto nang bigla akong nakarinig nang duwendeng nagsalita.
Kaagad akong umalis mula sa ilalim ng unan at umayos nang pagkakaupo. Nabungaran ko ang mga duwende kong kapatid sa gilid ng kama ko.
"Hoy! Anong ginagawa niyo dito sa k'warto ko?!"
"Dito kami nag-aral! 'Di ba, sabi mo kanina dito kami mag-aral?" sabay-sabay nilang sagot. Kailangan sabay?
"Oh, eh, lumabas na kayo! Doon niyo na ituloy sa labas. Dali!" pagtataboy ko sa kanila kasabay nang pagtulak ko sa kanila palabas ng silid ko, kasama na rin ang mga gamit nila.
Haaayst. Napasapo ako sa noo ko.
Lakad dito. Lakad doon. Mamaya ko na lang kaya buksan?
Ipinatong ko muna ang sobre sa table bago ako paulit-ulit na huminga ng malalim.
Ipinunas ko ang dalawang palad ko sa magkabilang side ng damit kong suot. Pakiramdam ko ay namamawis ang pareho kong palad! Nanginginig din ito sa hindi ko malamang dahilan. Excitement?
Gosh! Hindi ko alam! Mukha na akong tanga! Haaayst! Sulat lang naman 'yan! Bakit ba kailangan ma-excite! Bubuksan ko na. Hinga. Hinga.
Umupo ako sa gilid ng kama ko bago muling dinampot ang sobre. Dahan-dahan ko itong binuksan habang nangangatal ang mga kamay ko.
Ayan na!!!
November 28, 2016
Mahal kong Prinsesa,
Hihimatayin yata ako!
Alam mo bang para kang numero ko sa lotto? Inaalagaan, at hindi pinapalitan hanggang sa manalo. Pero alam mo bang kahit hindi kita tayaan? Matagal ka nang nanalo sa Puso ko.
Tubig!!!
Alam mo bang killer ka? Dahil pinatay mo ako sa loob ng pitong buwan. Pitong buwan akong walang buhay. Pitong buwan mong pinatay ang puso kong nagmamahal.
Napatakip ako sa bibig ko. Sorry naman.
Alam mo rin bang isa kang D'yosa? Dahil matapos mo akong tanggalan ng buhay, bumalik ka at gano'n mo rin ako kabilis binuhay.
Napakagat-labi ako sa sinabi niyang 'yon.
My Princess, you have no idea how much I miss you. How much I want to see you, hug you, touch you, kiss you, cuddle with you, love you. Be there with you.
I love you so much, MAHAL KO.
Loving you,
Your Prince
Muli akong nagtutuwad sa kama ko at sumubsob sa unan ko!
Damn! Gusto ko siyang makita!!!