November 16, 2016
"Kuya Ed!" sigaw ko kay kuya Ed sa labas ng tindahan. Natanaw ko siyang dadaan pa lamang kaya malayo pa lang ay kaagad ko na siyang tinawag.
"Oh, Nancy. Naku, 'yong sulat mong ipinadala, eh nandoon pa. Hindi pa siguro nagagawi doon 'yong kumukuha niyon, eh."
Napakagat-labi ako at nakaramdam nang disappointment.
"G-Ganoon po ba? Magta-tatlong linggo na po 'yon doon, ah."
Naisipan ko na siyang sulatan muli para humingi ng sorry sa nasabi ko noong nakaraan sa kanya. 'Yon lang naman.
"Hayaan mo at ipagtatanong-tanong ko doon kung sino ang nakakakilala doon sa lalaking kumukuha ng liham mo."
"Salamat po."
Kaagad na ring umalis si Kuya Ed.
"Ano 'yon?"
Napatingin ako kay Chris na bigla na lamang sumulpot sa harapan ko, sa labas ng tindahan. Rest day ko ngayon at siya naman ay night shift. Kakarating lang niya mula sa duty.
"Wala. Umuwi ka na nga at matulog. Malapit ko na ipa-kilo 'yang mga eyebag mo," pagtataboy ko sa kanya.
"Magkano mo ba bibilhin? Ibibigay ko na lang sa 'yo ng libre. Para sa 'yo lang naman talaga 'yan, eh."
Napangiwi naman ako sa sinabi niya.
"Umuwi ka na nga! Mukha ka ng adik, mukha ka pang zombie!"
"Basta sa 'yo lang naman ako maa-adik, eh ayos lang 'yon," mukhang adik niyang sabi.
Pupungay-pungay na kasi ang mga mata niya sa antok. Daig pa ang lasing.
"Ew, mandiri ka nga."
***
NOVEMBER 22, 2016
PRINCE J's POV
"Oh, naligaw ka yata?" I said to Cedric, my only trusted friend.
He just grinned as he stared at me.
"Kumusta? Mukhang nangangayayat ka? Don't you have anything to eat here?"
"Tss. What do you need?" walang gana kong tanong sa kan'ya.
"You're the one who needs something from me."
Napahinto ako sa sinabi niyang 'yon.
"Tell me so you can leave right now."
"Relax. Kararating ko pa nga lang, eh."
"If that's bad news, you better leave now," pagtataboy ko sa kanya.
"What if I just brought good news?"
"Tss. There's nothing good in my life. I've accepted that for a f*****g long time."
"Are you sure? You might want to see it," nakangisi niyang sabi habang may dinudukot sa back pocket ng suot niyang pants.
At gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ko ang pamilyar na sobre sa kamay niya. Bigla na lamang lumakas ang kabog ng dibdib ko habang nakatitig doon.
I tried to snatch it from him right away.
"Ooopps! Wait lang naman." But he quickly pulled that away from me. Damn it.
Kaagad ko siyang sinamaan nang tingin ngunit tanging pagngisi lang ang isinagot niya sa akin.
"First of all, I have an offer for you."
***
October 25, 2016
What the f**k? October 25 pa?! Ang tagal na nito!
Prince J,
First of all, I want to say sorry about the things I said to you just the last few months, that I think have hurt you. I'm really sorry. I didn’t mean that.
Hopefully, it's not too late. I hope you'll forgive me and I hope we can start again. We can be friends, 'di ba? If that's okay with you.
Ahm...ang totoo, (s**t! Nahihiya ako!) I miss all your sweet messages. (Nakakahiya!)
Haaaayst.
I miss you.
Your Princess,
Nancy
Napatulala akong muli matapos kong mabasa ang liham niya.
Damn! Gusto kong magtatalon sa sobrang saya! Pero 'wag na lang, baka masabihan pa akong bakla ng mga kasama ko dito. I might just kill them.
My princess! G*ddammit! You have no idea how f*****g happy I am right now! If you were just here, I might even hug you too tightly and kiss you anywhere else on your damn body. f**k!
Ngunit biglang natigil ang pantasya ko nang maalala kong friends nga lang pala ang nakalagay sa liham niya. Kaya wala munang kiss. Tsk.
But I'm so happy. Walang pagsidlan ang sayang nararamdaman ko sa mga sandaling ito.
SHE MISSED ME! You heard that, right? She f*****g MISSED ME !!!
Akala ko talaga ay wala na. Akala ko ay wala ng pag-asa pa. Akala ko ay mamamatay na lang akong ganito. Mag-isa.