CHAPTER 17: Dreaded

791 Words
"Good evening!" masayang bati ko sa mga kasama ko dito sa restaurant pagdating na pagdating ko pa lang. "Wow, good mood si inday," ani Charisma habang nagpupunas ng table. "May lagnat ka, beb?" tanong naman ni Zyra habang nag-aayos ng katabing table ni Charisma. "Saya natin, ah. Pa-canton ka naman d'yan," ani Bryan din na may hawak na tray na walang laman. Inirapan ko lang silang lahat ngunit plastado pa rin ng ngiti ang mga labi ko dahil hindi ko din naman mapigilan ang sarili kong ngumiti all the time! "Good evening, Kenneth," masayang bati ko kay Kenneth na nasa counter na nadaanan ko. Patungo ako ngayon sa locker room. "Anong meron? Ngayon mo lang yata ako binati, ah. Hindi ko naman birthday," sagot niya na mukhang nagtataka. Ramdam ko ang paghabol niya nang tingin sa akin. "Isipin mo na lang, birthday mo!" malakas kong sagot sa kanya nang hindi na siya nililingon pa. "Sige, i-libre mo 'ko!"  "Ay, wag na pala! Nagbago na isip ko!" sigaw ko rin sa kanya bago ako nagpatuloy na sa pagpasok sa loob ng locker room. Ngunit pagbukas ko nang pinto ay biglang namilog ang mga mata ko nang makita ko si Andrei na kalalabas lang ng banyo at tanging boxer lang ang suot! Basang-basa pa ang katawan niya at mukhang bago ligo.  Halos mapatulala ako sa namumutok niyang tiyan at nakabukol sa--bigla siyang lumingon sa akin. My gulay!!! Bigla kong nahila muli ang pinto pasara at mabilis na tumalikod! Ngunit bigla naman akong nabangga sa isang taong nakasalubong ko! "Aray!"  "Aww!" kapareho kong dumaing ang nakabanggaan ko na nakilala kong si Chris! Napasapo ako sa noo kong tila namanhid at siya naman ay nakita kong hinihilot ang baba niya! "Ano ba naman 'yan?! Ang talas-talas ng baba mo?!" sigaw ko sa kanya. Halos maiyak ako sa sakit. "Sorry. Ikaw naman 'tong hindi tumitingin sa daanan! Pabigla-bigla ka nang kilos mo," sermon pa niya sa akin kasabay nang pag-alis niya sa kamay kong nakasapo sa noo kong nasaktan. Pinaghahalikan niya ang noo ko na siyang ikinahinto ko at ikinanganga ko.  Bigla akong napatulala at nagulat sa ginawa niya. Pakiramdam ko ay naglahong bigla ang sakit sa noo ko at ramdam ko ang pagbilis ng kabog ng dibdib ko. Kaagad ko siyang naitulak palayo sa akin. Mukhang nagulat naman siya sa ginawa ko at kaagad na yumuko. "S-Sorry. H-Hindi ko sinasadya," mahina niyang sabi ngunit hindi ako nakaimik at hindi ko rin alam ang sasabihin ko sa kanya. Narinig ko naman ang biglang pagbukas-sara ng pinto sa likuran ko at nakita ko ang pagtabi ni Andrei sa amin. "Oh, nangyari sa inyo?" tila nagtataka niyang tanong habang palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Chris. Ngunit inirapan ko na lamang siya at mabilis na tinalikuran. Bigla kong naalala ang katawan niya kaninang mala-adonis at 'yong kanyang--letse! Nadudumihan ang utak ko! My virgin eyes! Pumasok na ako ng locker room at mabilis na nagpalit ng uniform ko para sa night shift duty. Paglabas ko ay naabutan ko pa rin si Chris na nakasandal sa pader sa tabi ng pinto at doon pa lamang din siya pumasok sa loob ng locker room nang walang imik at hindi na rin ako nilingon pa. Hinintay pa niya akong lumabas bago siya pumasok? Day shift kasi siya kaya out na niya ngayon at kami naman ang papalit. Hindi ko na lang siya pinansin at nagsimula na ako sa magdamagang trabaho. *** Pagdating ng umaga ay hindi niya pa rin ako pinansin. Napahinga na lang ako ng malalim at nagdesisyon nang umuwi. Sinimulan ko namang umpisahan ang sagot ko sa liham ng prinsipeng maalam.                           November 30, 2016 Mahal na Prinsipe,       Mahal na Prinsipe, p'wede bang ako naman ang humiling? P'wede bang magpakita ka na lang sa 'kin? Gusto kitang makita. Hindi naman ako nangangagat, eh. Titikman lang kita. Hihihi.      'Di ba, ikaw na rin ang may sabi na gusto mo 'kong makita, mahawakan, mahalikan? Eh, bakit hanggang ngayon nagtatago ka pa rin? Paano ka magiging akin ... kung wala kang tiwala sa akin?       Oh, baka naman natakot ka sa mga banta ko sa 'yo no'ng mga nakaraan? Nagjo-joke lang naman ako, eh. Joker kaya ako. Kaso bakit kapag nagjo-joke ako, 'di naman sila natatawa? Parang gusto nila akong itapon sa Mars.       Kaso papayag lang akong itapon nila doon, kung IKAW ang babagsakan ko doon. Yiiiieehh.       Hehe. Anlande ko na. Okay lang naman 'yon, basta sa 'yo ko lang gagawin 'yon. K.bye.                          Your Princess,                           Nancy PRINCE J's POV Hindi ko mapigilang mapabungisngis, at kiligin. s**t. Nakaka-bakla. Ang kulit ng liham niya ngayon. Unlike in the past which was full of threats, na hindi naman niya magawa. But she did one thing that I dreaded most of all. Ang iwan niya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD