PROLOGUE
Paano mo nga ba masasabing totoo ang pag-ibig kung sa simula pa lang, pinaniwala ka na nito sa isang kasinungalingan?
PRINCE J
April 6, 2018
Mahal kong Prinsipe,
Patawad, mahal ko, kung ngayon lang ulit ako nakasulat. Narito nga pala kami ngayon sa bakasyon sa probinsya ng Mindoro. Isinama ako ng mga kasamahan ko sa trabaho. Pero huwag kang mag-alala, mahal ko. Walang araw na lumipas na hindi kita naiisip.
Siguro nga, pagod na pagod ka na ngayon, kasi palagi kang tumatakbo sa isipan ko. Hihihi. Korni ko na talaga, mahal ko. Nahahawa na ako sa 'yo. Hmp!
Anyway, my way. Ahm... Pangatlong araw na namin dito, at sa tatlong araw na 'yon, super enjoy kami kasi marami na kaming nagawa. Nanguha kami ng mga prutas tulad ng santol, buko, mangga, langka, bayabas, balimbing, papaya, saging, sinturis, at kung ano-ano pa. Ang dami talaga nilang prutas dito, mahal ko. Ang sarap tumira dito, promise.
Alam mo ba 'yong sinturis, mahal ko? Dalandan 'yon sa atin sa Manila. Dito, sinturis. Hihihi. Nakakatuwa 'yong pangalan kasi parang sintu-sintu. Tapos putragis. Hahaha!
Tapos naligo kami sa batis, mahal ko. Pero huwag kang mag-alala, hindi ako nag-two piece. My body is meant only for your eyes. Hihihi. Tagal mo kasi magpakita, eh.
Then, may mga inuman na nangyari pero 'di ako uminom, mahal ko. Behave lang talaga ako, eh—isang baso lang naman. Meheheh.
So, ayun. Ngayon narito kami sa beach. Nagkayayaan sila, sumama lang ako pero idea ko talaga 'yon.
May nangyaring hindi maganda dito kani-kanina lang, pero 'di ko na lang ikukwento sa 'yo para hindi ka mag-alala. Hindi naman kasi ako kasali doon sa incident, eh.
So, ayun lang, mahal ko. I love you. I wanna see you badly. Lagi kang mag-iingat, mahal. Ako din dito para sa 'yo, yiiiiiieeehhh. Mwaah! Mwaah! Tsuupp!
Ang iyong Prinsesa,
Nancy
Nangingiti na lang ako habang itinutupi ko na ang napaka-sweet niyang liham.
You don't know how much I want to see and hug you tightly, my Princess. I want to kiss you in these intense moments and call you mine... I want to hold you forever and can't wait to do everything with you.
Kung mabibigyan lang ako ng isa pang pagkakataon.