Nalungkot ako sa mga sinabi ni Doctor Marie sa akin kanina. Maaaring tama siya dahil inubos na ni Red ang oras niya sa akin. Ako ang magiging hadlang sa masayang buhay ni Red kung mananatili akong nasa bahay niya. Kaya ngayon ay hindi ko maiwasang pag-isipan kung ano ang tama kong gawin. Marami na rin siyang naitulong sa akin kaya nahihiya na ako sa kaniya. "Oh, nandito ka lang pala? Bakit ka lumabas alam mo ba na kanina pa kita hinahanap sa loob?" nag-aalala nitong tanong sa akin at naghihintay ng sagot sa akin. Ngumiti ako upang maalis ang pag-aalala niya. "Pasensiya ka na dahil lumabas ako kasi akala ko nandito ka." "It's okay, but next time don't leave where I left you because I'll come back to you no matter what happens," malumanay niyang pagpapaintindi. "Let's go," patuloy niyang