Nang makarating kami sa hospital ay naunang pumasok si Red sa akin. Nakasunod lang ako sa kaniya kaya hindi ako napansin ng kaibigan niyang doctor. "Oh! You're here, I thought you were just joking when you called me for an appointment earlier. Maybe you missed me too much so you visited me," natatawang sabi ng doctor at mararamdaman ko sa boses niya ang saya nito. "Well, you're right I missed you so much. How's your life going on? I think you look better now?" tugon ni Red bago siya lapitan ng doctor upang makipagbeso. Napatigil pa ito sa paghakbang dahil nagulat ito nang makita ako. Hindi kami magkakilala pero base sa reaksyon niya ay halatang malakas ang tama niya sa kasama ko. Nakitaan ko siya ng selos kahit hindi pa ito umamin. "Oh, by the way this is Tiny," pakilala niya sa akin k