bc

Debt Exchange (Tagalog)

book_age18+
99.7K
FOLLOW
969.0K
READ
revenge
dark
love-triangle
possessive
sex
escape while being pregnant
arrogant
drama
heavy
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

WARNING: CONTENT R-18

This story contains matured content and not suitable for very young readers.

Namatay ang fiancée ni Sky Ventura dahil kay Tiny Madrigal. Paano haharapin ni Tiny ang kan'yang kasalanan kung ang binata ay gustong ilagay sa kan'yang kamay ang hustisya.

Paano kapag na inlove siya sa taong gusto siyang durugin at pahirapan hanggang sa huli niyang hininga?

Paano kung pati ang katawan niya ay aangkinin nito kabilang sa kapalit ng kan'yang kasalanan?

At paano kung aangkinin siya nito ng walang sawa at pati kalayaan niya ay kinuha?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Ayan, na ang lahat ng mga gamit mo!" aniya at galit akong binalingan nang tingin. “Ayan na ang lahat ng mga gamit mo at huwag na huwag ka nang babalik! Lumayas ka rito hangga't nakakapagtimpi pa ako sa'yo! Ang lakas ng loob mong humingi ng palugit, eh halos pitong buwan ka ng hindi nakakapagbayad ng upa," dagdag niya pa kasabay nang paghagis niya sa lahat ng gamit ko sa kalsada. Isa-isa ko iyong pinulot saka humingi ulit ng pabor at sobra pang nagmakaawa. "Aling Gloria, baka puwede pong dito na muna ako hangga't hindi pa po ako nakakahanap ng trabaho. Wala na po akong ibang matutuluyan. Wala po akong mga kamag-anak na pwedeng puntahan. Pinapangako ko pong babayaran kita agad kapag nagkaroon po ako ng trabaho," lakas-loob kong sabi kahit sobrang nakakahiya na. Pinagtitinginan na rin ako ng mga kapitbahay. Tiyak 'kong ako na naman ang magiging pulutan ng usapan kinabukasan. Para na akong nauupos na kandila dahil sa hiya pero wala akong magawa. "Hoy babae! Hindi ko na mahihintay ang susunod na buwan. Luging-lugi na ako dahil sa kakaasa sa'yo. Walang katapusan 'yang bukas mo o di kaya ay sa susunod na buwan. Hindi nauubos ang buwan, Tiny! Umay na umay na ako sa mga palusot mo! Sa kababalik ko dito na memorize ko na 'yang mga palusot mo." "Aling Gloria, huwag naman po ngayon, gabi na at wala na akong pwedeng matutuluyan. Kahit bukas na lang po. Maawa naman po kayo sa akin." "Ang kapal ng mukha mo! Humingi ka pa talaga ng palugit? Noong naningil ba ako ay binigyan mo ako? Kailan ba matatapos ang letseng palugit na 'yan?! Magpipitong buwan ka ng walang bayad sa renta, pati bayad sa kuryente't tubig hindi ka pa nagbibigay. Kung hindi lang patay na patay ang anak ko sa'yo, isang buwan pa lang ay sinipa na kita dito," malakas niyang sigaw sa akin. Tumatalsik na rin ang kaniyang mga laway dahil sa kasisigaw. "Aling Gloria, maawa naman po kayo sa akin. Pangako po, huli na talaga 'to." "Maraming beses na kitang kinaawaan, Tiny. Kung tutuusin ay mabait pa nga ako sa'yo! Kung sa iba 'yan, isang beses ka pa lang 'di nakakapagbigay ay pinalayas ka na!" "Aling Gloria, please po kahit huling beses na 'to." "Tumahimik ka, Tiny. Dahil hindi mo na ako makukumbinsi. Kapag namilit ka pa tatawag na ako ng pulis para may matulugan ka ngayong gabi. Puwede ka do’n sa presinto, libreng-libre!" Tuluyan nang bumagsak ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko rin naman masisisi si Aling Gloria dahil wala pa akong pambayad dahil minalas na naman ako sa trabaho. Nanlumo ulit akong pinulot isa-isa ang mga damit kong hindi ko napulot kanina. Lumingon rin ako sa mga taong nakiki-ustyoso, nakikita ko ang kanilang simpatya pero wala ni isa sa kanila ang naglakas loob na tumulong sa sitwasyon ko. Gusto kong lapitan at humingi ng tulong sa aking mga kaibigan ngunit nahihiya ako dahil alam kong may sarili din itong mga problema. Tulala akong naglalakad at hindi ko alam kung saan ako tutungo dahil walang malalapitan at walang maayos na patutunguhan. Umiyak ako nang umiyak, nawawalan na ako ng pag-asa. Ang mga luha ko ay patuloy pa rin sa pag-uunahan sa daloy sa aking pisngi. Parang tinalikuran na ako ng buong mundo. Hanggang sa nagising ako sa loob ng isang kwarto at napag-alamang may mga nakasabit sa aking katawan na kung ano-anu. Nagtaka ako kung paano ako napadpad sa kwartong 'to. Pilit kong inaalala ang mga nangyari pero nabigo ako. Wala akong kahit anong naaalala maliban sa pinalayas ako ni Aling Gloria. Sa hitsura pa lang, napagtanto kong naaksidente ako. Mabuti na lang at hindi ako masyadong napuruhan. Ngunit naisip ko bigla kung paano ako madi-discharge kung wala akong perang pambayad. "Pero sino naman kaya ang tumulong sa akin para mapunta ako rito?" hindi ko maiwasang itanong ko sa aking isipan. Kinabahan ako bigla sa sobrang pag-aalala. Wala akong pera para pambayad sa hospital. Paano ko mababayaran ang bill dito? Sana pinabayaan na lang ako ng taong tumulong sa akin at hinayaan na lang akong mamatay. "Doc, pwede na po ba akong umuwi?" tanong ko sa doktor na naka-assign sa akin para mag monitor sa aking sitwasyon . "You can go home tomorrow, Ms. Madrigal. You're fine at wala din namang naging komplekasyon. Masuwerte ka at hindi ka napuruhan," masayang paliwanag ng doktor sa akin. Marami rin siyang binilin kung ano ang dapat at hindi dapat gawin,"And don’t forget to drink your medicine, Ms. Madrigal!" pahabol nitong sabi. "Doc, thank you po! Kaya lang ay may problema po ako. Wala pa akong perang pambayad. Pwede po bang umuwi at mag-promissory note na lang po ako? Pinapangako ko pong magbabayad ako pag nagkapera ako. Kayo po at ang hospital na 'to ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay buhay pa ako kaya tatanawin ko po itong isang malaking utang na loob at, ipinapangako ko pong hindi ko kakalimutan ang responsibilidad ko sa bayarin dito." Nahihiya man ay nilakasan ko ang loob ko. Wala akong ibang choice kung hindi ang humingi ng tulong dahil tiyak na kalag nagtagal pa ako rito sa hospital ay madadagdagan pa ang bill ko. Mas lalo akong mahihirapang magbayad. "Miss Madrigal, don't worry about the bills. Its already paid," nakangiting sabi nitong doktor. "Po? Tama po ba ang narinig ko?" nagdududa kong tanong. Tumango naman si doc at nagpaalam na aalis na. Paalis na sana siya nang muli akong magsalita. "Doc. Ross, sino po pala ang nagbayad ng bill ko rito?" taka kong tanong. "Si Sky, Ms. Madrigal. Sige, maiwan na kita." Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Bakit niya naman gagawin ‘yon? Napuno ng tanong ang utak ko at hanggang ngayon ay hindi ko mabigyan ng kasagutan. Sa laki ng bill ko rito sa hospital, kahit magtrabaho ako ng sampong taon ay sigurado akong hindi ako makakabayad dahil ang Madonna hospital ang isa sa pinakamahal na hospital na alam ko. Kapag may trabaho ako ay hanggang sa bahay, bayarin sa tubig, kuryente, at pagkain lang ang kasya sa sweldo ko. Halos hindi na nga ako makabili ng iba pang mga pangangailangan ko. Base din sa sinabi ng doktor, mukhang kilala niya ang binata. Kaswal lang kasi niya kung banggitin ang pangalan ng lalaki. Kilala ko rin ang tinutukoy nilang si Sky. Walang iba kung hindi ang lalaking galit na galit sa akin. Kinabahan ako bigla dahil hindi ko alam kung ano ang binabalak niya. Siguro ay atat na atat na itong makulong ako? Kinabukasan, naghanda na ako para makauwi. Palabas na ako ng kwarto ng bigla akong mapaatras. Sinalubong ako ng lalaking puno ng galit sa akin. Sa dilim ng kaniyang tingin pa lang ay para na akong kinakapos sa paghinga. Kung nakakamatay lang ang ganitong tingin ay kanina pa siguro ako pinaglalamayan. Nakakatakot siyang tingnan. Hindi ko kayang makipag-tagisan. Para akong kandilang nauupos dahil sa talim ng kaniyang tingin. Nanlalambot na rin ang tuhod ko at nanginginig ang mga kalamnan. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng takot. Tingin pa lang mukhang nakakamatay na. Tumikhim ako bago magsalita. Marami akong gustong sabihin. “Sir, salamat!" taos-puso kong sabi bago nagpatuloy sa pagsasalita,“Hindi ko po alam kung bakit niyo po ako tinulungan pero nagpapasalamat po ako dahil sa kabila nang nagawa ko ay hindi n'yo po ako pinabayaan at higit sa lahat salamat po dahil binayaran mo pa rin ang bill ko. Sana po ay mapatawad niyo po ako at pinapangako ko pong babayaran ko po ang utang kong pera sa inyo. Sorry po ulit," nakayuko kong sabi at nililikot ang aking mga daliri Wala naman akong kahit na anong narinig mula sa kaniya. Wala siyang kibo at tiim bagang lang na nakatitig sa akin. Ang mukha niyang walang kahit anong emosyon sa mukha pero nakikitaan mo ng sobrang poot. Hindi ko mahulaan kong ano ang iniisip niya. Ang alam ko lang ngayon ay natatakot ako sa paraan nang pagtitig niya. Nagulat naman ako ng bigla niya akong hinatak palabas ng hospital. Malaki ang hakbang niya na halos ikatumba ko na ngunit wala siyang pakialam kahit hindi pa ako nakakabawi ng lakas ko. May diin at malakas ang ginawa niyang paghawak sa aking braso at sigurado akong magkakaroon ito ng pasa. Pinilit niya akong pumasok sa loob ng kaniyang kotse pero dahil sa takot ay wala sa sarili akong napasunod. Nagmaneho siya ng walang kahit anong sinasabi. Gusto ko siyang magpaliwanag ngunit nangingibabaw ang takot kong magtanong. Basta ko na lang sinunod kung ano ang gusto niya. "S-sir, da-dalhin n’yo po ba ako sa k-kulungan?" nauutal at kinakabahan kong tanong sa kaniya. Pero katulad kanina, wala pa rin akong kahit anong makuhang sagot mula sa kaniya. Siguro nga tama ang hinala ko, sabi nga nila ay silent means yes. Ang bilis nang pagpapatakbo niya ng kotse parang lalabas ang puso ko sa takot. Gusto ko siyang sawayin pero natatakot ako. Dahil sa pagod at hindi pa nakakabawi ng lakas, hindi ko napigilan ang sariling makatulog. Pinikit ko ang mga mata ko at hinayaang makatulog sa kotse. Wala na akong panahon para mag-isip kung ano ang gagawin niya sa akin ngayon. Ang alam ko lang ay pagod na pagod na ako. Nang mapansin ko ang paghinto ng kotse. Kinusot ko ang mga mata ko bago tuluyang nagmulat. Lumabas ito ng kotse at umikot sa gawi ko. Katulad kanina, muli niya na naman akong hinatak palabas ng kotse. Akala ko nagmamalik mata lang ako pero hindi presinto ang pinuntahan namin kung hindi isang modernong bahay na napakalawak, malaki at sobrang ganda. Hindi man ito matatawag na mansyon pero ang ganda ng desinyo nitong bahay. Parang pinag-isipan ng maigi bago tinayo. May tatlong palapag na may dalawang hagdan. Sa labas pa lang ay kita ko na ang loob dahil sa transparent glass na mga dingding. May maiitim na makapal sa kurtina na hinawi rin para makapasok ang liwanag. Palipat-lipat ang tingin ko sa lalaking mahigpit ang kapit sa aking braso at sa bahay na nasa harap ko ngayon. Mayroong garahe na sobrang lawak at may ibat-ibang uri pa ng mga sasakyan na naka-parked. "H-hindi ko maintindihan? B-bakit? Bakit po tayo nandito?" nauutal kong tanong. Puno nang pagtataka pero hindi pa rin mawala ang pagkamangha sa bahay na nasa harap ko ngayon. "You're here to serve me. You are here to follow all my orders and obey everything what I want. And, don’t you dare ask something! I just realized that imprisonment is not enough to pay for the sins you have committed and I want you to suffer the way I did. I will make your life miserable until your last breathe. Until you beg for your life and give up!" may diin niyang sabi na para bang handang-handa nang pahirapan ako. Bigla akong kinilabutan at kinabahan sa aking narinig. Nanlaki din ang aking mga mata dahil sa kanyang mga sinabi. Sabay kaming pumasok sa loob ng bahay niya at mayroong dalawang katulong na sumalubong sa amin. Pabalibag niya akong binitawan at muntik pa akong matumba nang mawalan ako ng balanse. Wala akong magawa kung hindi ang maging sunod-sunuran sa lahat ng gusto niya. Iniwan niya ako sa dalawang kasambahay at sinamahan ako sa kwarto na para sa akin. Nang itinuro nila ang kwarto ko, halos hindi ako makapaniwala dahil katabi lang ito ng kwarto ni Sir Sky. "Bakit po dito ‘yong kwarto ko?" nagtataka kong tanong sa isa sa mga kasambahay na sumama sa akin. Huminto ako sa tapat ng pinto kasama sila at tinitigan ko nang maigi ang isa sa kasambahay na nagpakilalang si Nelia. Laking pagtataka ko kung bakit wala ako sa maid's room. "Sumusunod lang po kami sa utos ni Sir Sky, Ma'am," mahinahon niyang sabi. Pala-kaibigan ang hitsura niya at pala-ngiti ngunit hindi ko ito magawang tugunan dahil masyadong okupado ang utak ko. Hindi ko alam kung gagana pa ba ito gayong nasa sitwasyon akong ganito. "Tiny na lang. Huwag mo na akong tawaging Ma'am. Hindi naman ako importanteng bisita rito," malungkot kong sabi. "Pwede bang magpahinga na muna ako?" nahihiya kong tanong. "Salamat!" patuloy kong sabi matapos niya akong tanguan. Nang makapasok sa loob ng kwarto, bumungad agad sa akin ang lavender scent na nakatulong sa akin para kahit papaano ay gumaan ang aking pakiramdam. Kulay itim at puti lang ang pintura ng dingding maging ang kisame. Halatang lalaki ang may ari. Malaki rin ang kama na nasa gitna at wala masyadong gamit. Tanging CR lang at walking closet ang nando’n. Malinis at mabango ang paligid na halatang alagang-alaga ng mga kasambahay. Kulay itim din ang sapin ng kama at may puting makapal na comforter. Lumapit ako sa kama at sinadyang hawakan ng aking mga daliri ang sapin nito. Napakalambot at sigurado akong masarap itong higaan. Simple lamang ang hinihiling ko noon, ang mabigyan ng maayos na trabaho para mabuhay ng masaya at wala masyadong iniisip na problema. Ang makakain ng tatlong beses sa isang araw ay sapat na. Wala na akong hinihiling na sobra ngunit ngayong nandito ako sa magandang bahay na ‘to, sana maging masaya at wala na akong iisiping bayad sa renta. Masaya naman sana ngunit alam kong may kakambal itong lungkot. Ngayon lang ako makakahiga sa ganito kagandang kama. Hindi ko kailanman naisip na mabibigyan ako ng pagkakataong matulog sa ganito kagarang kama. Ngunit bakit hindi ako masaya?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Husband's Secretary (TAGALOG)

read
1.4M
bc

Womanizer's Property (TAGALOG)

read
1.2M
bc

Contract - Tagalog

read
761.8K
bc

Sold Her Virginity (Tagalog)

read
834.3K
bc

A B***h Virgin (TAGALOG)

read
526.4K
bc

My Cold Husband(Tagalog)

read
858.5K
bc

Lust In Love (Tagalog) SPG

read
852.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook