"Hindi ko kayang gawin ang hinihiling mo sa akin Tiny," umiiyak niyang sabi at sabay na umiiling sa akin bago nagpatuloy sa kaniyang sasabihin. "Dahil ikaw na ang buhay ko ngayon at kapag nawala ka sa akin ay mamatay ako. Maniwala ka sa akin," dugtong niyang pagmamakaawa sa akin. Pinatayo ko siya at kahit na nasasaktan ay nilabanan ko ang sariling titigan siya. Sa pagkakataong ito ay hindi ko na alam kung ano ang tama kung gawin. Dahil ang alam ko lang ngayon ay hindi ko pa siya kayang patawarin sa ngayon. Wala na akong alam na tama kaya gusto kong lumayo na kami sa isa't isa upang maintindihan ko ang lahat. Ang pagmamahalan namin ay masyado ng nasira at wala ng akong makitang kinabukasan na naghihintay sa aming dalawa. Kahit pilitin naming magkasama ay hindi na maibabalik pa ang datin