Ilang buwan na ang nakalipas nang bigla akong nagising dahil sa inggay na naririnig ko sa katabing kwarto. Masakit ang aking ulo dahil sa hang over pero pinilit ko pa ring itayo ang aking sarili para malaman ang mga nangyayari.
"Tiny ibaba mo 'yan," nagmamakaawang hiling ni Manang Milda nang buksan ko ang pinto. Natataranta ang itsura nito at parang hindi alam kung ano ang ggawin niya.
May hawak itong basag na salamin at itinutok sa kan'yang leeg. Sugatan na rin ang kan'yang mga kamay dahil mahigpit niya itong hinawakan at dumiin ang matutulis nitong gilid sa kan'yang palad. Napuno ng mga luha ang kan'yang mga mata pero hindi ko nakikitang ininda niya ang sakit sa kan'yang mga sugat.
Sobra nag-aalala si Manang Milda sa kan'ya pero hindi ito nakikinig kahit ano'ng pakiusap ang gawin ni Manang.
Ibinaling niya sa akin ang kan'yang mga tingin bago ito nagsalita. "No one will cry if I die, and I know you are the happiest person when that happens. Then why don't you kill me instead of torturing me? Kung may natitira ka pang awa sa akin, patayin mo na lang ako." Malakas ang sigaw na ginawa niya pero ang mga mata ay puno ng pagmamakaawa.
Nilibot ko ang buong paningin ko sa kwarto. At nakita ko ang mga basag na salamin na sinadya talagang wasakin upang masugatan ang kan'yang sarili.
Laking gulat ko na lang nang biglang may sumigaw nang malakas kanina na nanggagaling sa kwarto ni Tiny. Mabuti na lang at nando'n si Manang Milda para kumbinsihin itong 'wag ituloy ang kan'yang masamang binabalak.
Dahan-dahan itong lumapit sa kan'ya at inagaw ang kan'yang hawak. Mahinahon itong kinausap ni Manang Milda at sa huli ay nagpasya itong sumuko sa matanda.
"Nababaliw ka na ba?" Galit kong sigaw sa kan'ya at hinagis ang flower vase sa sahig nang mahawakan ko ito. Nanlaki ang mga mata niya dahil sa gulat nang ginawa ko. Minasahe ko ang aking noo dahil sa inis at sinabayan pa ng sakit dahil sa pag-inom ko kagabi.
Humahagolhol ito sa iyak at ang kaniyang mukha ay napaka miserableng tingnan. "Kahit ano pa ang isipin mo ay wala na akong pakialam," patuloy nitong sigaw.
Napailing ako. "Nababaliw ka na nga! Sa tingin mo ay papayagan kitang mamatay kaagad? Diyan ka nagkakamali dahil habang nandito ka sa poder ko ay hinding hindi kita hahayaang mamatay. Habang buhay mo'ng titiisin ang lahat ng gusto kong gawin sa iyo at habang buhay mong pagdudusahan ang mga ginawa mong kasalanan," naiinis kong tugon sa kan'yang mga sinabi. "At wala kang karapatang magreklamo!" paglilinaw ko sa kan'ya.
Lumapit siya sa akin at kinompas ko ang aking mga kamay para pigilan siya sa paghakbang.
Napatigil siya at tinitigan akong mabuti bago ito nagpatuloy sa sasabihin. "Bakit hindi pa ba 'to sapat? Hindi pa ba sapat 'tong mga ginagawa mo sa akin? Bakit hindi pa ba ako bayad? Matagal na kitang tinitiis siguro panahon na para palayain mo na ako," sunod-sunod nitong tanong at puno ng pagrereklamo ang aking narinig.
"Hindi," bulyaw ko rito. "At hinding hindi magiging sapat na kabayaran ang lahat ng dinanas mo rito kapalit ng buhay ni Misty. At kahit na mamatay ka pa!" bulaslas ko bago ko siya iniwang luhaan kasama ang ibang katulong at si Manang Milda. Nagbasag pa ako ng mga gamit sa aking kwarto dahil walang mapaglalagyan ang galit ko rito.
Galit na galit ako sa kan'ya at hindi ko siya mapapatawad kahit kailan. Kahit lumuha pa siya ng dugo ay hindi ko siya patatawarin ng gano'n-gano'n lang.
******
Simple lang akong babae na naghahangad ng simpleng buhay. Isa akong Business Administration Graduate sa isang publikong paaralan. Kaya lang ay hindi ako nabigyan nang maayos na trabaho dahil lagi akong napag-iinitan ng iba kong mga kasamahan sa trabaho.
Minalas na nga ako sa buhay, trabaho, lovelife pati ba naman sa amo ko ngayon. Wala na yata akong pag-asa sa swerte.
Mas gusto ko na lang matawa sa lahat ng aking mga pinagdaanan kaysa magreklamo at wala rin namang akong patutunguhan. Wala rin namang makikinig sa mga hinaing ko dahil sino ba naman ako sa kanila?
Naisipan kong lumabas ng kwarto at nagtungo ako sa likod ng bahay kung saan may malawak na kulay asol na pool.
Napuno ang braso ko ng pasa dahil sa pananakit ni Sir Sky. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako tinitigilan. Akala ko ay hindi na niya ako sasaktan mula nang kinausap siya ni Manang Milda ngunit nagkamali ako.
Hindi rin ako makaalis dahil sa daming bantay na nakapalibot sa buong bahay, lalo na sa mismong gate. Ang iba ay oras-oras na umiikot kaya wala na talaga akong kawala. Mamatay na siguro ako sa lugar na 'to na walang nakakaalam at walang napapatunayan sa aking sarili.
Ngunit pagod na akong magrereklamo at kung 'yan ang gusto niya ay hahayaan ko na lang siya sa mga gusto niya hangga't kaya ko pa. At kung ikakatahimik ito ng konsinsiya ko ay handa akong tiisin ang mga pananakit niya.
"Oh, your here!" manghang wika ni Sir Red sa akin nang makita ako habang nakaupo at pinaglalaruan ng mga daliri ko ang tubig. Napatayo ako kaagad at hinarap ito.
"Sir Red, wala pa si Sir Sky rito, hindi pa po siya nakakauwi. Kung gusto niyo po ay umupo muna kayo sa loob," magalang kong tugon.
"It's okay hindi naman talaga siya ang sadya ko rito at saka 'wag mo na lang akong tawaging Sir, masyado kasing pormal. Red na lang," nakangiti nitong ani.
"Hindi po pwede Sir, kaibigan po kayo ng amo namin kaya dapat lang na galangin din kita at saka nakakahiya po," nakayuko kong paliwanag at pinigilan ang sariling salubungin ang kan'yang mga tingin.
Mahina aiyang tumawa. "Huwag kang mahiya at 'wag mo na rin akong eh po magka-edad lang naman yata tayo." Nakangiti niyang usal habang kinakamot ang kan'yang batok. Ang kan'yang biloy sa pisngi ay lumabas na naman ito. At mas lalo lang siyang gumagwapo kapag nakangiti.
Tumango ako pero nailang ako sa mga ginagawang titig niya sa akin kaya nag-iwas ulit ako nang tingin at nagpasyang magpaalam sa kaniya.
"Sir Red mauna na po ako sa loob, gabi na at kailangan ko na pong magpahinga," pinal kong sabi.
Tatalikuran ko na sana siya nang bigla niya akong pinigilan. Hinawakan niya ang aking braso at napadaing ako sa sakit nang mahawakan niya ang aking pasa.
"Wait, I said just call me by my name. Hindi talaga kita titigilan hangga't tinatawag mo akong Sir," natatawa niyang ani at nagtaka nang makita niya ang ekspresyon sa aking mukha na nasasaktan.
Nabigla ako nang hawakan niya ako sa mukha at ngayon lang napansin ang sugat sa aking labi.
"S-sir?" labis na gulat ang aking nararamdaman dahil sa kan'yang mga kinikilos. Inagaw ko ang aking braso at hinawi ang kamay niyang humahaplos sa gilid ng aking labi.
"Red!" pagtatama niya sa aking sinabi kaya tumango ako ulit.
"R-red," naiilang kong banggit at sinunod ang gusto niya.
"Good." Hinawi niya ang buhok ko na nakatabon sa aking mukha at binigyan ako ng napakatamis na ngiti ngunit hindi iyonumabot sa kan'yang mga mata. Kaya naguguluhan ako sa inasta niya.
"What happen?" tukoy nito sa sugat na nasa gilid ng aking labi.
"Wala po ito," mabilis kong sagot at tumagilid sa kan'ya upang 'wag ng pansinin ang kan'yang nakikita.
"No," mabilis niyang pigil sa akin nang akma akong aalis palayo sa kan'ya bago pa kami mahuli ni Sir Sky.
Natatakot akong may makarinig sa amin at malaman iyon ni Sir Sky at baka isumbong pa kaming dalawa. At ang higit sa lahat ay hindi ko maibibigay ang tiwala ko sa kan'ya basta-basta na lang dahil magkaibigan sila. Hindi rin ako aasa na matutulungan niya ako.
"Sinasaktan ka ba niya?" napasinghot ako dahil sa pagpipigil ng aking mga luha.
Pinilit niya akong umamin pero hindi ako pwedeng magsalita dahil tiyak na malalagot ako kay Sir Sky mamaya.
Umiiling siya at hindi makapaniwala ng makita ang mga pasa ko sa braso. Ayaw ko sanang tingnan niya iyon pero nagmamatigas siya at kusang binuksan ang itinakip ko. Nakitaan ko ng galit ang ekspresyon sa kaniyang mukha bago ito nagbitaw ng sasabihin.
"Ang alam ko lang ay pinapahirapan ka niya pero hindi ko inaasahang sinasaktan ka niya ng pisikal," seryoso niyang sabi at umiigting ang kaniyang mga panga.
Umiling ako. "Hindi po...hindi niya po ako sinasaktan Red, pasensiya na pero maiwan ko na po kayo." Paalam ko rito pero bago ko pa siya tinalikuran ay nahuli niya ulit ang braso ko. Tiningnan ko siya sa mata at nagsusumamo na sana ay pabayaan na niya ako.
"So hindi ba 'to dahil sa kan'ya?" matigas niyang tanong at tinaas ang braso ko para ipakita sa akin ang sariling mga pasa. Labis na kaba ang nararamdaman ko nang marinig kong may busina sa labas.
alam kong si Sir Sky na iyon kaya binawi ko agad ang braso ko na hawak ni Red pero mas humihpit ang kapit niya sa akin. Tinitigan niya ako ng taimtim at naghihintay ng sagot sa akin. Desidido na siyang 'wag akong pakawalan hangga't hindi ako umaamin.
Tiningnan ko siya ng puno ng pagmamakaawa at parang gusto ko na lang umiyak nang umiyak kaysa umamin pero wala siyang pakialam.
Ayaw kong maabutan kami ni Sir Sky, na ganito kami ni Red ngayon. Natatakot akong baka pag-isipan na naman niya ako ng masama. Natatakot akong baka saktan na naman niya ako gaya ng unang mga ginagawa niya sa akin.
Pinagbantaan niya rin ako noon na hindi ako magsusumbong sa mga kaibigan niya kapag napasyal ang mga ito. Naaalala ko pa ang mga sinabi niya sa akin noon na isa akong malandi dahil inaakit ko si Red.
"R-red bitawan niyo na po ako, parang awa niyo na po," emosyonal kong sabi at halos konti na lang ay maiiyak na ako.
"Why you look so scared?" Salubong ang mga kilay niya nang titigan ako. Parang siya pa ang galit dahil sa aking reaksyon. 'Di rin nito napigilang kumunot ang kan'yang noo habang pinag-aaralan ang mga kilos ko.
Pinagmasdan niya ako ng maigi at hindi ko kayang makipagtitigan sa kan'ya ng matagal. Kaya umamin na ako sa aking nararamdaman.
"Natatakot ako, kaya please lang bitawan mo na ako."
Nakita ko ang galit sa kan'yang mata na para ba'ng nag-aapoy at nakakapaso. Tiim bagang ang kan'yang mga panga at nakalimutang hawak pa rin ang braso ko. Napadaing ako dahil hindi nito namalayang pinisil na niya ito nang malakas.
"Aray..." reklamo ko sa kan'ya.
Binitawan niya ako nang hawak at mabilis kong hinaplos iyon dahil humahapdi ang balat ko ng tumaob ang mga kuko niya.
"Sorry," Hingi niya ng paumanhin ng matauhan sa kan'yang ginagawa. "Please tell me if you need a help," patuloy niyang sabi.
Tinalikuran ko na siya agad at hindi na nag-abala pang sumagot. Pero sadyang malupit sa akin ang tadhana dahil hindi ko inaasahan na nasa amin na ang paningin ni Sir Sky. Halos hugutin ko ang aking hininga dahil sa pagkabigla. Inakala kong dumiretso na ito sa kan'yang kwarto.
Nang makita kong nasa amin ang titig niya. Parang manginginig na ako sa takot kaya dumoble ang pagmamadali kong pumasok sa loob ng aking silid.
Natatakot akong baka pahirapan na naman niya ako. Kaya ni-lock ko ang pinto para hindi siya makapasok. Ilang sandali lang ay malakas na sigaw ang naririnig ko mula sa labas ng kwarto.
"Damn it! Open this f*cking door or else I will kill you right now." Malakas nitong sigaw.
Hindi ako mapakali at pabalik-balik ako sa nilalakaran. Nanginginig na rin ang mga tuhod ko sa takot at nag-isip ako ng paraan ngunit bago pa ako makapag-isip ng pwedeng gawin ay nabuksan na niya ang pintoan.