"Tiny, ano 'tong sinasabi ni Nelia na hindi mo na naman daw iniinom ang mga gamot mo. Paano ka gagaling niyan kong ganiyan ka tigas ang ulo mo?" naiinis na reklamo ni Manang Milda at pinagsabihan ako.
Umiling ako at naiiyak. "Ayaw ko na po Manang, wala rin naman pong silbi. Dahil kahit uminom po ako ng gamot ay hindi rin naman po ako gagaling kung araw-araw niya pa rin po akong sinasaktan," mahina kong sagot at nawawalan na ng pag-asa.
Mabilis niyang ginagap ang aking mga kamay at kan'yang pinisil dahil sa gulat ng mga sinabi ko. Ang kaninang inis niya sa mukha dahil sa katigasan ng ulo ko ay biglang nawala at napalitan ng awa at lungkot.
"Paano ka makakaalis dito kong hindi ka magpapalakas?" Mahina niyang tanong sa akin at pinakiramdaman niya ang paligid upang masigurong walang sino man ang makarinig sa pag-uusap namin.
"Manang ayaw ko na po'ng mabuhay... pagod na pagod na po ako," umiiyak kong sagot.
"Ano bang pinagsasabi mo'ng bata ka!" saway niya sa akin at hinaplos ang aking mga buhok. Tinitigan niya ako sa aking mga mata at parang binibigyan ako ng pag-asa.
"Manang hindi ko na po kaya, siguro po ay sapat na ang pananakit niya sa akin para mabayaran ko ang naging kasalanan ko sa kan'ya, 'di po ba?" humihikbi kong tanong sa kan'ya.
"Kahit habang buhay ka pang magdusa ay hindi pa rin sapat na kabayaran ang paghihirap mo. And don't ever try to die because I'm not done with you yet!" matigas na sabi ni Sky sa aking likuran dahil bigla na lang itong sumulpot ng hindi namin namamalayan.
Nanlaki ang mga mata naming dalawa ni Manang Milda dahil narinig niya pala kaming nag-uusap. Hindi man lang namin namalayang nabuksan niya ang pinto dahil wala kaming kahit konting ingay na naririnig.
Niyakap ako ni Manang Milda habang umiiyak ng husto. Ang liit nang tingin niya sa akin dahil para ba'ng wala lang sa kan'ya ang buhay ko. Hindi niya binibigyan ng silbi ang buhay ng iba dahil nilamon na siya ng kan'yang paghihiganti.
Parang dinurog ang puso ko dahil sa sakit ng kan'yang masasakit na mga salita.
Kinausap ni Manang si Sir Sky na gawin na lang akong katulong at 'wag nang ikulong. Mas mabuti pa raw na pahirapan ako nito sa trabaho kaysa pagbuhatan ako ng kamay dahil hindi iyon makatarungan.
Sa una ay hindi ito pumayag ngunit dahil sa pagmamakaawa ni Manang Milda ay sumang-ayon na rin ito.
Ako ngayon ang personal na nagsisilbi sa kan'ya. Wala akong pahinga kapag hindi siya pumapasok sa opisina. At kahit hindi kailangang i-utos ay pinapagawa niya sa akin 'wag lang akong makitang nagpapahinga
Kahit hindi naman ako pumapalpak sa trabaho ay palagi pa rin akong pinapagalitan. Parang wala na akong tamang ginawa dahil hinahanapan niya talaga ako ng mga mali.
Ngunit kahit papaano ay may napansin ako sa kan'ya. Hindi na niya ako gaanong sinasaktan ng pisikal. Masasakit na salita lang ang binabato nito sa akin. Ngunit para pa rin akong sinaksaksak sa dibdib ng maraming beses.
Kinimkimkim ko ang lahat at binaliwala na lang. Gabi-gabi ko pa rin siyang naririnig na umiiyak at sa tuwing naririnig ko siya sa kabilang kwarto ay naninikip ang dibdib ko dahil nakokonsinsiya ako. Nararamdaman ko ang pagkawala niyan ng pag-asang mabuhay dahil sa kapabayaan ko.
Sa bawat paghihirap niya, at sa bawat sakit. Doble ang sakit na nararamdaman ko. Kasabay niya ay lihim din akong umiiyak sa aking kwarto.
Kung may magagawa lang ako para bumalik siya sa dati ay gagawin ko. Pero alam kong hindi na 'yun mangyayari dahil hindi ko na maibabalik ang buhay ng nawala.
********
Habang nagdidilig ako ng mga halaman sa harden ay napapangiti ako dahil sa ganda ng mga bulaklak. Kahit papano ay nakakalimutan ko ang aking mga problema.
Tahimik ang buong paligid ng may bigla na lang akong narinig na ingay galing sa mga kotse na papasok. Napatingin ako sa magkasunod-sunod na mga kotseng pumasok sa loob ng gate. Mula nang dumating ako sa bahay na 'to ay ngayon ko pa lang nakitang may bisita si Sir Sky. Kahit mga kamag-anak niya ay hindi ko pa nakikita at wala akong napapansin kahit isa.
Lahat nang bumaba sa kotse ay kasing gwapo ni Sir Sky. Tindig pa lang ay alam ko ng anak ito ng mayayaman.
Habang tinitingnan ko ang kanilang direksyon ay mayroong isa sa mga kasamahan nila ang nakikipagtitigan sa akin.
Nag-iwas ako nang tingin at nagpatuloy sa aking ginagawa. Masyado akong naiilang sa kan'yang mga titig kaya tumalikod ako habang nagpapatuloy sa pagdidilig. Kung hindi ako nagkakamali ay mayroon akong nakikitang kakaibang kislap sa kan'yang mga mata. Malayo man ako ay nararamdaman kong may kakaiba talaga at kahit nakatalikod ako ay para akong nauupos sa aking kinatatayuan.
Pasimple kong sinulyapan ulit ang lalaki ngunit hindi pa rin nito pinutol ang mga titig sa 'kin. At nakita ko ring nagpalipat lipat nang tingin si Sir Sky sa akin at sa kaibigan. Nakikitaan ko ito ng inis kaya nagmamadali akong tapusin ang pagdidilig.
Matapos ang pagdidilig ay dumiretso na ako sa loob para tumulong sa ibang gawain sa bahay.
"Tiny ipaghanda mo ng meryenda ang mga bisita." Utos sa akin ni Manang Milda
Tumango ako. "Opo Manang," sagot ko rito at sinundan ko ito sa kusina. Nang tinawag ni Sky si Manang ay naiwan akong mag-isa roon at ako na ang nagpasya na templahan sila ng maiinom na juice.
"Ano 'yan Tiny?" saway sa akin ni Nelia ng makita akong bitbit ko ang isang pitcher ng juice para sa maiinom ng mga kaibigan ni Sir Sky.
"Juice, bakit?" nagtataka kong tanong sa kan'ya pabalik.
"Nagsasayang ka lang ng lakas, buti na lang at nakita kita agad. Isuli mo na 'yan at palitan mo ng beer dahil hindi 'yan ang kailangan nila."
"Okay, pero pwede mo ba akong tulungan?" nahihiya kong tanong.
"Oo naman," nakangiti nitong tugon sa akin.
Dumiretso kami ni Nelia sa sala at nauna siyang naglakad sa akin habang ako ay nakayuko. Naiilang ako habang dahan-dahan kong nilalagay ang mga inumin nila sa mesa.
Napapansin kong may pares ng mga mata na nakatingin sa akin. Ayaw ko sanang pansinin pero hindi ko mapigilang lingunin.
Titig na titig siya sa akin at wala akong mabasang emosyon sa kan'yang mukha. Siya 'yung lalaking nakatitigan ko rin kanina.
Nag-iwas agad ako nang tingin ng mapansin kong binigyan ako ng masamang tingin ni Sir Sky. Nagmamadali kaming nagpaalam ni Nelia nang bigla akong tinawag nang lalaki kanina.
"Wait!" Pigil nito sa akin. "What's your name?" tanong niya sa akin at kung pag-aaralan ang ekspresyon sa kan'yang mukha ay makikitang interesado ito sa akin.
"Ako po!" maarteng sagot ni Nelia na parang kinikilig sabay turo sa kaniyang sarili.
"You!" Turo niya sa akin at ang lakas pa rin ng kan'yang dating kahit simpleng kilos lang ang ginagawa niya.
Sumandal siya sa couch at ang mga braso ay nakabukas.
"Tiny po." Tumango ito sa akin at nagpaalam nang aalis. Ngunit bigla ulit itong nagsalita kaya napatigil ako sa paghakbang.
"I'm Red." Nakangiti nitong ipinakilala ang kan'yang sarili at mas lalo pa itong gumagwapo nang lumabas ang biloy nito sa kan'yang pisngi. Ang cute niyang tingnan at sa totoo lang sa kanilang lahat, si Red ang mas pinaka-charming.
Tumawa nang malakas ang mga kasamahan nito at binuyo siya. Naguguluhan man pero hindi ko na lang pinansin.
Tumango ako at ngumiti ng tipid sa kaniya kahit na naiilang. Nagpaalam din kami agad dahil marami pa kaming gagawin sa kusina. Marami kaming lulutuin lalo pa at lahat ng kaibigan nito ay nag-request ng kaniya-kan'yang paboritong putahi.
"Tiny, go to your room!" matigas nitong sabi at kaming lahat ay nagulat sa pagsulpot ni Sir Sky sa aming likuran.
"Sir, hindi pa kasi tapos pero malapit na po 'to, tatapusin lang namin 'to," mahinahon kong sagot.
"I said go to your room!" asik niya sa akin. "Hindi mo ba ako naiintindihan?" galit niyang sabi at binigyan ako ng matalim na tingin.
Wala akong nagawa kundi sundin ang gusto niya. Kaya tiningnan ko lang ang aking mga kasama. Wala rin naman silang imik dahil takot sila kay Sir Sky kapag galit.
Tumango ako at nilampasan na lang si Sir Sky dahil wala na akong magawa ngunit bago ako tuluyang makalabas ng kusina ay bigla ulit itong nagsalita.
"At 'wag na 'wag kang bababa hangga't hindi kita pinapatawag!" pagbabanta niya sa akin.
Hindi na ako sumagot pa at dumiretso na sa kwarto. Ni-lock ko ang pintoan at naghintay na tawagin para makakain. Kumakalam na ang aking sikmura pero wala ni isa ang tumawag sa akin. Wala rin naman akong gagawin kaya humiga na lang ako sa kama. At habang nakahiga ay napag-isipan ko kung ano ang pwede kong pagkaabalahan sa loob ng kwarto.
Nasa ganoong posisyon pa rin ako at napabuntong hininga na lang dahil wala naman akong pwedeng gawin sa kwarto. Hanggang sa nakatulog ako sa kakahintay at nagising akong humahapdi ang aking tiyan. Tiningnan ko ang orasan na nakasabit sa pader at napagtanto kong hating gabi na pala.
Napdaing ako sa sakt ng aking sikmura kaya naisip kong bumaba sa kusina. Gusto kong magkalaman ang aking tiyan kaya nagmamadali akong tinungo ang lalagyan ng pagkain. Naisip ko rin na baka wala na ang mga bisita kaya diretso-diretso lang ang lakad ko.
*******
Sky POV
Naabutan ko si Red na panay ang tingin niya kay Tiny. Si Red ang pinaka pihikan at mapili sa babae sa aming lahat. Hindi siya kailanman na in love sa babae. Kahit pa sa aming lahat ay siya ang pinaka lapitin sa mga babae. Marami na ring nag-aaway dahil sa kan'ya. Matapos nitong maka one-night stand ang mga ito ay iniiwan niya lang bigla ng walang pasabi.
Lahat kami ay kilalang-kilala ang ugali niya kaya may nararamdaman akong inis na hindi ko mapigilan. Sa tuwing tinitingnan niya si Tiny ay alam kong may kahulugan ang mga ito. Tuloy gusto kong itago si Tiny para 'di niya ito makita.
Paulit-ulit niyang sinusulyapan si Tiny sa kusina. Habang si Tiny ay seryoso ang mukha at abala sa pagluluto kasama ang ibang mga katulong.
Ilang beses din itong nananadya sa kusina para malapitan si Tiny. Pero hindi siya pinapansin. Sa aming lahat siya ang may malakas na dating sa mga babae. Kaya imposibleng hindi magkagusto ang dalaga sa kan'ya kung nagkataon. Iisipin ko pa lang ay kumukulo na ang dugo ko.
"She is so pretty," mahina nitong sabi pero hindi ito nakatakas sa pandinig namin.
Maging ang pag-iling nito ay inaabangan namin. Minsan lang kasi itong tulala at ngumingiti ng mag-isa na walang dahilan. Pero ngayon ay ngumingiti ito na parang wala sa kqniyang sarili. "No, she's gorgeous," pagtatama niya sa kan'yang sinabi.
Sa sinabi niya ay alam na ng lahat kung sino ang tinutukoy nito. Biniro siya ng mga barkada at nagtatawanan ang lahat. Ako lang yata ang wala sa mood.
"She's perfect to me, dude, and I think she's the one. And finally, I found who's mine. Nakakahiya mang aminin, but love at first sight is true," nakangiti niyang usal. Pinagtawanan siya ng mga kasamahan at may iba't-ibang mga komento. Masaya ang mga kasama namin sa kaniya kahit na conry siyang pakinggan.
"'Yan kinain mo rin ang mga sinabi mo!" komento ni Khazer.
Sa sinabi ni Red, mukhang sigurado na siya. Siya 'yung may ugali na kapag nakapagdisisyon na ay hindi na ito magbabago ng isip.
"Dude, find someone else!" binagsak ko ang bote ng alak at lahat sila natahimik.
Nasa akin ang lahat nang tingin nila at parang 'di makapaniwala sa aking inasta.
"Dude come on, don't tell me you like her too?" 'di makapaniwalang tanong sa akin ni Red.
"She's mine!" matigas kong sabi.
Nangunot ang noo ni Red nang titigan ako at parang binabasa niya ang aking isip.
"What do you mean yours? Don't tell me siya 'yun?" sabat naman ni Kent.
"Oh, come on, dude, we both all know na hindi mo siya gusto. And about what happen to Misty, it's was an accident. Wala siyang kasalanan, so freed her," usal ni Red.
Humugot ako ng malalim nq hininga at saka ulit nagsalita.
"Find someone else but not her!"
"Dude, you know me already. Kahit ngayon lang hinihiling ko sa 'yo na kalimutan mo na lang 'yon at ipaubaya mo na 'to sa akin!" Tinapik ako ni Red sa balikat bago ulit tinunga ang alak na hawak niya.
Nawala na lang bigla ang kasayahan ng mga kasamahan namin. Parang walang gustong magsalita. Maging ako pero si Red ay napakaseryoso na.
Tumayo ako ng walang paalam at tinungo ang kusina kong nasaan si Tiny.
Sinabihan ko itong umakyat ng kwarto at 'wag na 'wag bababa hangga't 'di ko sinasabi.
Nang makabalik ako sa sala nasa akin na ang tingin nilang lahat.
"What?" inis kong tanong sa kanila.
Umiling sila na parang 'di makapaniwala sa aking inasta.
Gaya ng madalas na ginagawa ay nagpakalunod kami sa alak.
"Dude, wala ka namang gusto kay Tiny noh?" natatawang tanong ni Red sa akin at binibiro ako.
"What the f*ck, of course not," mabilis kong sagot.
Tumango siya. "Good!" naging mas maganda ang ngiti niya. Halatang gusto niya ang narinig na sagot ko.
Hanggang sa umuwi na silang lahat at ako na lang ang naiwang mag-isa sa sala habang hindi maiwasang mag-iisip na may gusyo ito kay Tiny. Hindi ko alam kung bakit ako nagagalit kapag may nagkakagusto sa kaniya. Kaya ibinaling ko ang atensiyon ko sa natitirang alak upang kalimutan ang lahat ng mga alalahanin. Ayaw ko ang ganitong pakiramdam dahil ayaw kong nagseselos ako.