Ilang katok ang ginawa ko bago ko narinig ang kaniyang sagot mula sa loob ng kaniyang kwarto.
"Come in."
Dahan-dahan kong pinihit ang door knob ng pinto at pumasok na ako kaagad sa kwarto niya bago niya pa ako mapagalitan ulit.
"Sir, may ipag-uutos po ba kayo?" nanginginig kong tanong sa kaniya pero wala akong nakuhang sagot at tiningnan niya lang ako ng masama.
Nasa veranda siya habang seryosong umiinom ng alak. Malungkot ang itsura niya at mukhang tinatamaan na rin ng espirito ng alak. Nakatayo lang ako sa tapat niya dahil hinihintay ko ang ipag-uutos niya. Kinulikot ko ang aking mga daliri dahil hindi ako mapakali.
Naghintay pa ako ng ilang sandali dahil hindi ko man lang ito narinig na muling magsalita mula nang papasukin niya ako sa aking silid. Tinitigan niya ako at hindi sinasadyang nagtagpo ang mga tingin namin pero kaagad akong napaiwas nang tingin nang makita ang ilang butil ng luha na sunod-sunod nang dumadaloy sa kaniyang pisngi.
Nakaramdam na naman ako ng kaunting kirot sa puso dahil sa konsensya. Hindi ko siya kayang tingnan na ganito ang itsura. Yumuko ako at naglakas ng loob na magsalita.
"S-Sir. Sky, I'm sorry," mahina kong usal at muli siyang tiningnan. Alam kong umiiyak na naman siya dahil kay Misty. Wala na mang ibang dahilan kundi iyon lang.
Napakagat ako sa aking ibabang labi nang makitang nagpupuyos na naman ang galit niya sa akin at nakikita ko iyon sa pamamagitan ng pamumula ng kaniyang mukha.
Tumayo ito at galit akong ilapitan. Mahigpit niyang hinawakan ang aking leeg kaya nagpumilit akong magpumiglas sa hawak niya.
"S-sir, p-patawad po!" nahihirapan kong ani dahil sa higpit nang pagkakasakal niya sa aking leeg.
Malinaw pa sa liwanag ng buwan na hindi niya pa kayang magpatawad.
Pilit kong tinatanggal ang kamay niyang nakahawak sa aking leeg pero hindi ko kaya ang lakas niya. Sa tuwing nagpupumiglas ako ay mas lalo niya lang hinihigpitan.
Kinakapos na ako ng aking hininga pero hindi pa rin siya tumigil. "Maibabalik ba ng sorry mo ang buhay ni Misty? Ano'ng magagawa ng sorry mo ngayon? Sumagot ka!" galit niyang sabi habang galit ring nakatingin sa aking mga mata.
"Hijo, Sky, ano ang ginagawa mo? Tama na 'yan!" rinig ko ang boses ni Manang Milda na sumisigaw at tinulungan pa akong alisin ang kamay ni Sir Sky, na siyang mahigpit na nakahawak sa aking leeg.
Laking pasalamat ko nang makita ako ni Manang Milda. Naghahabol ako sa aking hininga habang nakahawak sa aking leeg. Ang sakit ng lalamunan ko at halos hindi ko magawang makapagsalita.
Yumakap ako kay Manang Milda at siya naman ay pinoprotekhan ako laban sa alaga niya. Nag-aalala niya akong tiningnan at hinaplos ang magkabila kong pisngi dahil sa pag-aalala.
"Sky, ano ba 'tong ginagawa mo?" tanong ni Manang Milda na puno ng pagkagulat sa ginawa ng kaniyang alaga.
"Manang, siya ang pumatay kay Misty! Siya ang dahilan kung bakit wala na si Misty ngayon! Kaya please... kahit ngayon lang... leave us alone!" Sigaw niya at pinipigilan ang sariling huwag magalit kay Manang.
Nakita ko ang hinanakit sa mata ni Manang Milda. Dahil ito ang unang beses na narinig kong sinigawan siya ni Sky. Sa pagkakaalam ko ay malaki ang respeto sa kaniya ng alaga niya dahil siya na ang nag-alaga sa kaniya mula noong sanggol pa lamang siya hanggang sa ngayong naulila na ito.
Pinisil ko ang kamay ni Manang at hinarap siya. Kinausap ko siya sa pamamagitan ng aking mga tingin. Tiningnan ko si Manang at mukhang alam naman na niya ang ibig kong sabihin. Nag-aalangan siyang umalis sa tabi ko pero nginitian ko siya at sinabing kaya ko ang aking sarili.
Nang makalabas agad si Manang Milda ay kaagad na ini-lock ni Sir Sky ang pinto. Sinampal niya ako ng maraming beses at hindi tumigil hanggang hindi nakontento.
Ilang beses akong nagmamakaawa pero ayaw niya akong kaawaan at walang balak na tigilan ako. Hanggang sa tinanggal niya ang suot niyang sinturon at ginawa iyong pamalo sa akin.
Hindi siya tumitigil hanggang sa naramdaman ko na lamang ang sarili kong nanghihina na para bang babagsak na ang aking katawan sa pagod. Ang huli ko lang natatandaan ay hinampas niya ako ng ilang beses sa sinturon niya bago ako nawalan ng malay.
Marahan kong iminulat ang aking mga mata nang maramdaman ko ang init ng sinag ng araw na dumapo sa aking mukha. Marahan at maingat rin akong umupo bago inilibot ang aking paningin sa paligid at napagtantong wala ako sa aking kwarto. Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ni Sir Sky.
Nang suriin ko ang buo kong katawan ay puno ito ng pasa, tanging dila lang ang walang latay sa akin. Buong araw rin niya akong kinulong sa loob ng kwarto niya. Dinadalhan niya lang ako ng pagkain dahil ayaw raw niyang may makakita sa ganitong kalagayan ko. Kahit nga si Manang Milda ay hindi rin pwedeng pumasok. Hanggang umabot ng dalawang linggo ang pagkulong niya sa akin sa silid niya at unti-unti na ring nawawala ang mga sugat ko sa katawan. Nakakaawang tingnan ang balat ko dahil lahat ng parte lay may latay ng sinturon.
"Tiny, jusko, day! Ano'ng nangyari sa 'yo? Bakit ang dami mong pasa?" nag-aalala tanong sa akin ni Nelia. Hindi ako sumagot at umiyak lang ng tahimik.
"Si Sir Sky ba ang may gawa nito sa 'yo? Pero bakit?" sunod-sunod niyang tanong at hindi makapaniwala.
Nataranta siyang tingnan ako at hindi alam kung saan ako hahawakan.
"May nagawa akong kasalanan," nanghihina kong tugon sa huli niyang tanong.
"Ano? Pero sobra na 'to! Hindi na kita matingnan," naluluha niyang usal.
Halata sa itsura niya na awang-awa siya sa akin
"Oh, ito! Kumain ka na muna para bumalik ang lakas mo," sambit niya pa saka niya ako inabutan ng makakain.
"Nelia, salamat!" Hinawakan ko siya sa kamay at ginaya niya rin ako.
"Kaya mo pa ba? Subuan na kita." Alok niya sa akin
"Salamat, Nelia! Napakabait mo'ng kaibigan,” inagaw niya sa akin ang kutsara at nagpresinta itong siya na raw ang bahala sa akin.
"Okay lang, kaya mo pa ba'ng gumalaw?" nag-aalalang tanong niya.
"Medyo, pero masakit pa rin ang katawan ko. Nahihirapan akong tumayo at kapag i-aangat ang braso ko," tugon ko.
"ANONG GINAGAWA MO RITO?" rinig naming sigaw ni Sir Sky, na ikinagulat naman naming dalawa ni Nelia. "LEAVE!" napaigtad si Nelia dahil sa muling malakas na sigaw ni Sir Sky.
Nang malapit na sanang makalabas si Nelia, binato pa siya ni Sir Sky ng remote control ng TV pero mabuti na lamang at hindi ito natamaan at ligtas na nakalabas.
"Anong pinag-iinarte mo riyan? Ayaw mong kumain?" galit na baling naman sa akin ni Sir Sky.
Parang gusto ko ng sumuko dahil mas gugustuhin ko pang mamatay na lang kaysa buhay nga pero hindi naman masaya. Lahat na lang ng nangyayari sa buhay ko ay puro pagdurusa.
Lumapit siya sa akin at inagaw ang pagkain. Pilit niyang binuka ang bibig ko at sinubuan ako ng marami. Halos mabulunan ako at hindi makahinga.
Sunod-sunod ang subo niya at wala yatang planong tumigil kahit puno na ang laman ng bibig ko. Iniwas ko ang mukha ko ngunit pinisil niya nang malakas ang pisngi ko. Nagkalat na rin ang mga pagkain sa damit ko.
Bigla namang lumaki ang mga mata ko dahil sa gulat nang masukaan ko ang damit niya.
Mabilis akong napaatras dahil sa takot. Umiling ako habang umiiyak at nanginginig rin ang buo kong katawan.
Mabilis naman akong napatakip sa aking bibig gamit ang aking mga palad nang makita kong galit nabgalit siya. Kinuha niya ang baso at sinadyang binasag sa harap ko.
"S-Sir, s-sorry... s-sorry... hindi ko po sinasadya,” nahihirapan kong bigkas.
Imbis na magsalita ay sinagot niya ako nang sampal at hinila niya pa nang malakas ang aking mga buhok. Masyado na akong nasasaktan kaya hindi ko napigilan ang sariling manlaban. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko kaya itinulak ko siya nang malakas kaya nagkaroon ako ng pagkakataong tumakbo para makalayo sa kaniya. NGunit wala akong pwedeng pasukan kung hindi ang banyo.
Bago ko pa man maisara ang pinto ay humarang na ang kamay niya. Nabuksan niya ang pinto dahil mas malakas siya sa akin. Nang malapitan ako, muli niya akong sinabunutan at hinatak sa buhok ko. Sobrang sakit ng ginagawa niyang paghila sa akin at para bang matatanggal na ang mga ito kasama na ang anit ko.
Hinatak niya ako palabas ng banyo habang hila-hila niya pa rin ang buhok ko. Walang awa niya akong sinaktan kahit ano'ng gawin kong pagmamakaawa.
Sinikap kong tanggalin ang kamay niya ngunit masyado siyang malakas kaysa sa akin. Unti-unti na akong nawawalan ng lakas na lumaban at para ba'ng pakiramdam ko ay muli na namang babagsak ang aking katawan sa pagod. Hanggang sa nawalan ulit ako ng malay.
Nagising na lang akong nasa loob ng banyo. At parang ako na yata ang pinaka nakakaawang tao sa buong mundo. Dinaig ko pa ang mga pulubi sa daan dahil para akong isng hayop kung tratuhin niya ako.
Isang linggo na ang nakalilipas nang mangyari ang insidenteng iyon sa CR. Hanggang ngayon ay patuloy niya pa rin akong sinasaktan. Humihinto lang siya kapag nawawalan na ako ng malay. Wala siyang awa at sobrang desidido talagang parusahan ako.
Kaninang umaga lang ay nagsusuka ako ng dugo. Nangangayayat na lalo ang aking katawan na para ba akong alien na may kulay berdeng katawan dahil sa mga pasa.
"Hija, okay ka lang ba? May masakit ba sa 'yo?" tinitigan ko si Manang Milda at nagsimula na naman ang mga luha kong kumawala.
Niyakap niya ako nang mahigpit at pilit niya akong pinapatahan.
"Hija, maging matatag ka. Alam kong kakayanin mo 'to. Hayaan mo at kukumbinsihin ko si Sky na tumigil na," aniya ay malungkot niya akong tiningnan.
"Manang, salamat pero huwag na po, ayaw ko pong mag-away na naman kayo ng dahil sa akin. Kaya ko po ang sarili ko. Huwag na po kayong mag-alala sa akin," sambit ko pero umiling siya dahil hindi siya sang-ayon sa sinabi ko.
"Hindi ko na maatim na tingnan ka ng ganito, Tiny. Parang hindi ko na rin siya kilala," naiiyak na sabi ni Manang Milda. At halata rin sa kaniya na pinipigilan niyang maluha o umiyak.
"Manang, gusto ko na po'ng mamatay para matapos na po 'to para wala na ring mahihirapan pa sa aming dalawa. Gusto niya na rin naman na mamatay ako," nahihirapan kong sabi.
"Dios kong bata ka! Huwag na huwag kang magsalita ng ganiyan. May awa ang diyos!" aniya at marahang hinaplos ang buhok ko. “Hayaan mo at tutulungan kitang makaalis dito. Kukumbinsihin ko si Sky. 'Huwag kang mawalan ng pag-asa dahil hindi natutulog ang diyos."
"Manang, imposible po iyang gagawin niyo. Alam ko pong hindi siya papayag kaya huwag niyo na po siyang abalahin at baka mas lalo lang siyang magalit sa akin. At baka madamay po kayo," saad ko.
"Hija, gagawin ko 'to hindi lang para sa 'yo kung hindi ay para na rin sa kaniya. Ayaw ko siyang mabuhay ng puno nang paghihiganti."
"Manang, ano po ba' ng dahilan kong bakit po nag-away si Misty at si Sir Sky? Bakit may pakiramdam po akong parang may mali? Hindi ko po matukoy kung ano pero napapansin ko pong meron po talagang mali. Bakit para siyang nakokonsensiya sa tuwing naririnig ko siyang umiiyak gabi-gabi? Parang may labis itong pinagsisisihan."
"Hija, pasensya na pero wala ako sa posisyon para sagutin 'yan. Oh, siya sige at maiwan na kita dahil marami pa akong dapat gawin sa ibaba," saad ni Manang at umalis na. Iniwan niya akong puno ng tanong sa aking isipan. Alam kong may alam ito pero ayaw niya lang sabihin sa akin.
Dalawang linggo na akong nakalatay sa kama at pagod na pagod pa rin ang aking katawan. Wala naman akong ibang ginagawa kung hindi ang humiga lang para magpahinga pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nababawi ang lakas ko. Para na akong lantang gulay na pwede nang itapon sa basurahan.
Araw-araw mas nadadagdagan ang sakit at pagod sa katawan ko. Parang ayaw ko nang lumaban pa.
Unti-unti mang nawawala ang mga pasa at naghihilom ang aking mga sugat. Ngunit hindi pa rin mawala ang sakit ng nararamdaman ko sa katawan ko. Pasa lang ang madaling gamutin ngunit mahirap gamutin ang sugatang puso.
"Tiny, sige na inumin mo na 'to," pilit sa akin ni Nelia.
Sumimangot ito nang umiling ako. Gusto ko ng sumuko at ayaw ko nang uminom ng kahit ano'ng gamot dahil wala rin namang silbi.
"Pagod na pagod na ako."
"Alam ko pero kailangan mo 'to. Paano ka makakatakas kung wala kang lakas?" mahina niyang tanong sa akin.
"Sa tingin mo makakatakas pa kaya ako rito?" nagdududa kong tanong sa kaibigan dahil alam kong suntok sa buwan ang iniisip ko pero itinanong ko pa rin.
"Hindi ko alam pero sa ngayon ito na muna ang pagtuunan mo ng pansin. Kailangan mong uminom ng gamot dahil baka sakaling may pagkakataon pang makatakas ka rito. Hahanap ako ng tyempo," aniya na nakapagpakumbinsi sa akin.
Kinuha ko ang gamot at iinom ito. Ngumiti naman siya dahil sa nakita niyang ginawa ko.
"Tiny, sorry ha kung may magagawa lang sana ako... pero huwag kang mag-alala sisikapin ko pa ring makatulong sa 'yo,” aniya kaya ngumiti ako ng tipid.
"Okay lang, Nelia. Sapat na sa akin na inaalagaan mo ako ngayon. Salamat dahil tinuturing mo akong mabuting kaibigan. Hindi ako makakampante kapag may nangyaring masama sa 'yo. Ayaw na kitang madamay pa," bulong ko. Hinawakan ko ang mga kamay niya at pinisil iyon. Niyakap ko rin siya nang mahigpit.
Ang saya ko dahil may mga tao pa ring handa akong tulungan kahit alam nilang may kapalit na kapahamakan.
"Naku! Tama na, naiiyak na ako sa 'yo. Kung hindi lang kita iniisip ay baka nando’n na ako sa amin sa probinsya. Bawat taon ay umuuwi ako sa kanila para magbakasyon pero ngayon ipinagtaka nila ng sobra kung bakit hindi ako umuwi. Inisip nilang baka nag-asawa na ako ng walang pasabi," natatawa niyang sabi kahit kitang-kita naman na papaiyak na siya. Tumalikod siya bigla sa akin at saka nagpaalam ng hindi ako tinitingnan.
"Oh siya, sige na," aniya bago tuluyang umalis.
Malungkot akong yumuko ng magpaalam siya. Ngunit bago siya makalabas ay tinawag ko siya ulit.
"Nelia, salamat pero huwag mo akong isipin... huwag mo na rin 'tong uulitin," mahinang sambit ko na para ba'ng nandito pa si Nelia sa harap ko.