“Bakit ba ganyan ang boses mo? Ano ba'ng nangyayari sa 'yo?” Napabuntong hininga ako at napahilamos sa mukha ko. Tinawagan ko si Wrena dahil kailangan ko ng kausap, pero hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya ang problema ko. “H-hindi ko na alam Wrena, hindi ko alam kung ano 'tong pinasok ko,” nauutal na sabi ko saka napapikit ng mariin. Nandito ako sa sala ngayon. Wala akong balak matulog sa kwarto ni mayor ngayon. Natatakot pa rin ako, ramdam na ramdam ko pa rin ang mga kamay niya sa leeg ko na para bang sinasakal niya pa rin ako. Nasasakal ako sa lugar na 'to, natatakot na 'ko. Wala akong kakampi rito kahit isa, kahit si Arkia na akala ko ay isang inosenteng anghel. “Mahirap ba ang maging secretary ni mayor? Magresign ka na lang at bumalik dito, tatanggapin ka naman ulit ni Tita C