Chapter Seven

3209 Words

“A-ano'ng gagawin ko? Paano kung nasa labas si mayor?” Para akong ewan na paikot-ikot dito sa kwarto. Kinakabahan akong lumabas at pumunta sa dining room dahil baka nandoon si mayor. Hindi ko alam kung paano siya haharapin o kung paano siya pakikitunguhan. Malambot ang kama ni mayor at malaki, mabango rin ang unan at kumot na halos pakiramdam ko kayakap ko lang si mayor, pero hindi ako nakatulog ng ayos. Nahihiwagahan pa rin ako kung bakit ginawa ni mayor 'yon. “Okay lang 'yan, normal pa rin ang pakikitungo ko. Tama, pinatulog niya lang ako sa kama niya, walang ibang meaning 'yon,” pangungumbinsi ko sa sarili ko. Natigilan ako nang marinig kong pumihit ang doorknob. Agad akong tumakbo at tumalon sa kama saka nagtulug-tulugan. “I know you're awake, get up before I shoot your head.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD