Chapter Five

3148 Words
“Mama, bakit po parang hindi ka mapakali?” Napatigil ako sa paglalagay ng mga pinamili ko sa ref nang magsalita si Arkia na katabi ko lang. “H-ha? Hindi naman, okay lang ako,” sabi ko saka alanganing ngumiti sa kanya. “You're hands are shaking po, Mama,” sabi ni Arkia saka hinawakan ang nanginginig kong mga kamay. Hindi ko rin talaga alam kung paano ako nakauwi rito ng ligtas kahit na nanginginig ang mga kamay ko habang nagd-drive. Para akong naubusan ng lakas dahil lang sa katangahang text na nagawa ko. Ang totoo niyan, ilang beses na akong na-wrong send kung kani-kanino. Hindi na big deal sa akin ang gano'n, nagso-sorry na lang ako, pero ibang usapan na kasi ang ngayon. Kay mayor ako na-wrong send! Parang gusto ko na lang lumubog sa lupa at maglaho. “Arkia, kumain na tayo ha. Tapos magshower na tayo at matulog na agad para hindi tayo abutan ng Papa mo. Okay?” tanong ko saka kinurot ang pisngi niya. Nagtatakang napatingin siya sa 'kin. “Bakit po? Galit ka po ba kay Papa? Inaway ka po ba ni Papa?” nag-aalalang tanong niya. Sana nga gano'n na lang ang nangyari para hindi ako naii-stress ngayon ng ganito. Hindi ko alam kung paano haharapin si mayor ngayon. Kung bakit naman kasi naka-save ang number niya sa cellphone ko eh? Hindi naman ako ang naglagay no'n. Saka malapit ang Arkia Zaviere sa Arken Zaviere, bakit kasi Arkia ang ipinangalan kay Arkia?! Bakit ba 'to nangyayari sa 'kin? Gusto ko lang naman maka-survive rito para hindi mabaril ni mayor. Paano na lang kapag binaril ako ni Mayor Arken habang natutulog ako dahil buong akala niya na-fall na ako sa kanya? Dapat ba na hintayin ko siya para ipaliwanag ang side ko? Eh paano kung isipin niya na defensive ako at barilin niya pa rin ako? “Mama, masusunog po ang niluluto mo.” Natigilan ako sa sinabi ni Arkia, agad kong hinango ang fried chicken sa kawali. Nagiging lutang na tuloy ako dahil sa pagkapraning. Para na akong masisiraan ng bait. “Mama, nag-away po ba kayo ni Papa kaya ka po ganyan? Don't worry po, ipagtatanggol po kita, kakausapin ko po si Papa. Nakakatakot po si Papa minsan pero mabait naman din po siya minsan. Ako po ang bahala sa 'yo,” sabi ni Arkia saka yumakap sa baywang ko. Tipid na ngumiti na lang ako at hinaplos ang buhok niya. “Wala naman kaming problema ng Papa mo, Arkia. May iniisip lang talaga ako,” sabi ko saka ngumiti na lang sa kanya. Iniisip ko kung bakit simula nang makilala ko si mayor, natatanga na 'ko. Pinilit ko na lang na iwaglit sa isip ko ang nangyari kanina, pinilit ko na lang na magfocus kay Arkia. “Pasensya na, prito na naman ang nailuto ko para sa 'yo, ginabi na kasi ako eh. Babawi na lang ako sa 'yo bukas, lulutuan kita ng masarap,” nakangiting sabi ko habang pinapanood siyang kumain. “Okay lang po, Mama,” nakangiting sabi niya. Grabe, ang bait talaga ng batang 'to. Sana naman pasahan niya nang kahit kaunti ang Papa niya na galit yata sa mundo. “Arkia, inuwian kita ng gummy worms at gummy bear!” Inilabas ko ang binili ko sa kanya pagkatapos naming kumain. Napasinghap naman siya saka agad na napangiti. Tuwang tuwa na kinuha niya 'yon saka niyakap ako. “Pero bukas mo na kainin 'yan ha? Gabi na kasi, kailangan mo pang matulog ng maaga,” sabi ko saka hinaplos ang buhok niya. “Opo, Mama,” nakangiting sabi niya. Pinagshower ko na si Arkia pagkatapos naming kumain. Gusto ko na kasi talagang matapos ang mga gawain ko para maabutan ako ni mayor na tulog. Hindi ko talaga siya kayang harapin ngayon, baka maihi ako sa salawal ko. “Good night po, Mama.” Napangiti ako sa sinabi ni Arkia. Dinampian ko ng halik ang noo niya at kinumutan siya saka lumabas ng silid niya. Nagmamadaling nagtungo ako sa silid namin ni mayor. Kahit matagal talaga akong magshower, napilitan akong bilisan dahil ayokong maabutan niya akong gising. “Kalma ka lang, Ayen. Matulog ka na,” sabi ko na lang saka humiga sa couch at pumikit. Sana maraming gawin si mayor sa munisipyo, sana hindi muna siya umuwi ngayong gabi. Hindi talaga ako makakatulog ng matiwasay kapag nandito siya. Napasinghap ako nang marinig kong nagbukas ang pinto. Napapikit ako ng mariin at piniilit na pakalmahin ang paghinga ko kahit halos magwala na ang puso ko dahil sa kaba. “She's sleeping peacefully. I can kill her right now without any hassle.” Agad akong napabangon sa sinabi niya. “Wrong send lang 'yon, mayor! Believe me, wrong send lang talaga 'yon! Kay Arkia ko dapat ise-send 'yon kaso magkatabi ang pangalan niyo sa contacts. Kasalanan ko ba 'yon? Ikaw naman kasi, bakit mo sinave ang number mo sa cellphone ko? Na-wrong send tuloy ako.” Napalunok ako at napaiwas ng tingin sa kanya. Kainis naman, nagmukha tuloy akong defensive. Bakit naman kasi sa pamamaril niya dinadaan ang lahat ng bagay? Hindi niya ba naisip na baka na-wrong send lang talaga ako? Basta na lang siya kikitil ng inosenteng buhay. Wala siyang puso. “Was that my fault then?” tanong ni mayor habang tinatanggal ang suot niyang necktie. “H-hindi,” sagot ko naman. Baka lalo lang siyang magalit sa 'kin eh. “You should be careful from now on. Usually, I don't ask for explanation, I just kill them without hearing their side,” he said while unbuttoning his polo. Napalunok na lang ako at napaiwas ng tingin. Bakit kaya palagi siyang naghuhubad sa harapan ko? Parang tinutukso niya ako na ewan. Napailing na lang ako. Bakit ba mas nagf-focus pa ako sa paghuhubad niya kaysa sa pananakot niya sa 'kin? “Oo, mag-iingat na talaga ako sa susunod,” nakasimangot na sabi ko na lang. Hindi na siya sumagot at pumasok na lang sa banyo. Napaismid na lang ako at muling humiga at pumikit. Masyado siyang affected sa message ko eh obvious naman na wrong send lang iyon. Pero ako yata ang mas affected kaysa sa kanya, pero kahit na, ayaw na ayaw niya ba talaga na ma-fall ako sa kanya? Big deal masyado sa kanya ang feelings ko. Pakialam niya ba kung ma-in love man ako sa kanya? Hindi na naman niya problema 'yon ah. Ang plano ko ay tulugan si mayor habang nasa banyo siya, pero natapos na siyang magshower, gising na gising pa rin ako. “Why are you still awake?” tanong ni mayor saka umupo sa kama niya habang pinupunasan ng towel ang basa niyang buhok. Napatitig ako kay mayor, aware ba siya na ang gwapo niya talaga? Nagpupunas lang siya ng buhok pero mukha na siyang model na nag-eendorse ng shampoo. “Ahm, hindi kasi ako makatulog, mayor. Siguro namamahay ako,” sabi ko na lang saka napaiwas ng tingin sa kanya. “Really? But you slept peacefully last night, you were snoring and drooling, I almost kick you out of my room.” Napasinghap ako sa sinabi niya. “Grabe naman, mayor, imbento na 'yan ah,” napapailing na sabi ko. Imposible 'yon. “It's true, I also lost count of how many times you fell off the couch. Nagdududa na ako kung babae ka ba talaga,” napapailing na sabi niya saka nagtingin na naman sa mga papeles niya. Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. Kainis, kaya pala medyo masakit ang likod ko pagkagising ko. Hindi na lang ako nagsalita, malikot kasi talaga akong matulog. Iyon ang dahilan kaya ayaw tumabi sa 'kin ni Wrena matulog, palagi ko raw siyang nasasampal at nasisipa kapag magkatabi kami. “M-minsan, nangyayari talaga 'yon,” sabi ko na lang saka napakamot sa batok ko. Ilang beses na akong napahiya sa harapan ni mayor ngayong araw, hindi na kinakaya ng sistema ko. Nakakaloka na. “Stop talking to me, just go to sleep,” he said without looking at me. “Mayor, kumain ka na?” tanong ko kahit binalaan na niya ako na 'wag siyang kausapin. Malamig na tumingin siya sa 'kin, napakagat ako sa ibabang labi ko saka alanganing ngumiti sa kanya. “Do you really want to die?” masungit na tanong niya. Napaismid na lang ako. “Hindi ako pa-fall mayor, concerned lang ako,” sabi ko naman. Sabi nila pa-fall daw kapag nagtanong ng ‘kumain ka na?’, ano naman kayang pa-fall do'n? “I'm good, just go to sleep for f**k's sake and stop disturbing me,” he said coldly. “Sungit,” bulong ko na lang. Napabuntong hininga ako at tumitig na lang sa kanya. Mukhang makakasanayan ko pa yata ang titigan muna siya bago matulog. Hindi maganda 'yon. Paano na lang kung kailangan ko ng umalis at bumalik sa normal kong buhay? Baka hanap-hanapin ko. “Stop staring at me and go to sleep,” sabi naman niya. Hindi ako nakinig sa kanya, tumitig lang ako sa kanya hanggang sa makatulog ako. * * * “Good morning, Mama!” Napatigil ako sa pagluluto ng bacon saka napatingin kay Arkia. Agad naman siyang tumakbo papalapit sa 'kin at niyakap ako sa baywang. Napangiti na lang ako at bahagyang ginulo ang buhok niya. “Good morning, gutom ka na ba?” tanong ko saka hinango ang bacon. “Opo, Mama.” Ipinagtimpla ko siya ng gatas pagkatapos kong magluto, nagtimpla na rin ako ng kape ko. Si mayor ay maaga ulit umalis. Hindi ko pa siya naabutan sa umaga, kapag gigising ako, nakaalis na siya. Sayang, gusto ko maranasan na makita si mayor pagkagising na pagkagising ko. Napailing na lang ako sa naiisip ko. “Mama, malapit na po ako pumasok sa school,” excited na sabi niya. Napangiti naman ako. “Talaga? Nako, excited na 'ko, siguradong marami kang magiging kaibigan sa school,” sabi ko saka nagthumbs up pa sa kanya. Natigilan ako nang may maisip ako. “Pero teka, diba bawal may makaalam na anak ka ni mayor---I mean, ni Arken? Zaviere ang apelyido mo eh,” sabi ko naman. Sa pagkakaalam ko, madalang ang may apelyidong Zaviere rito sa Pilipinas. “Iba po ang surname na ginagamit ko sa school. Ang gamit ko pong surname sa school ay Ramirez, middle name po iyon ni Papa,” sabi naman niya. Napatango na lang ako. Ramirez pala ang middle name ni mayor. Arken Ramirez Zaviere, pangalan pa lang ni mayor ang gwapo na. Nasaan ang hustisya? Wala akong ginawa maghapon kundi ang makipaglaro kay Arkia, nag-enjoy naman ako, kahit papa'no ay gusto kong nakikita na masaya si Arkia. Kawawa kasi ang batang 'to. Kahit na mahirap lang kami, hindi ako nagawang pabayaan ng mga magulang ko. Hindi ko naranasan maging mag-isa noong nasa edad ako ni Arkia. “Mama, pwede ko na po bang kainin ang gummy worms at gummy bears?” tanong ni Arkia habang naghuhugas ako ng mga pinggan. “Sige lang, basta uminom ka ng maraming tubig pagkatapos mong kumain ha. Saka wag mo kalimutang magtoothbrush,” bilin ko habang nasa paghuhugas ng mga plato ang atensyon ko. Kumusta na kaya sina Wrena at Aljen? Mamaya makikipagkwentuhan ako sa kanila sa tawag. Si Aljen naman ay madalas magtext sa 'kin, si Wrena kasi tsismis lang ang habol kapag nagte-text sa 'kin. Kayo na ba ni mayor? May nangyari na sa inyo? Ikakasal na ba kayo ni mayor? Minsan hindi ko alam kung saan nakukuha ni Wrena ang mga gano'ng ideya. Napakarumi talaga ng utak niya. Natigilan ako nang makarinig ako ng kagabog. Agad akong napatigil sa paghuhugas ng pinggan upang tingnan ang pinanggalingan ng kalabog. Napasinghap ako nang makita si Arkia na nakahiga sa sahig habang nakahawak sa leeg niya, tila ba nahihirapan itong huminga. “Arkia!” Agad akong lumapit sa kanya at buong lakas na binuhat siya saka itinakbo siya sa sala at pinahiga siya sa couch. “A-Arkia, a-ano'ng nangyayari sa 'yo?” kinakabahang tanong ko saka niyugyog ang braso niya. Hindi siya sumagot, nakahawak lang siya sa leeg niya na tila ba hirap na hirap siyang huminga. “A-Arkia, ano bang nangyayari sa 'yo?” naiiyak na tanong ko. Nanginginig ang mga kamay na kinuha ko ang cellphone ko upang tawagan si mayor. Mas lalo akong nataranta nang hindi niya sinagot ang tawag. Sinubukan ko ulit siyang tawagan, laking pasasalamat ko nang sagutin na niya iyon. “M-mayor, k-kailangan nating dalhin sa ospitak si Arkia. N-nahihirapan siyang huminga,” nauutal na sabi ko saka nagpunta sa kusina at kumuha ng plastic. “What happened?” tanong niya. Nilapitan ko si Arkia at sinubukan siyang pahingahin sa plastic kahit nanginginig ang mga kamay ko sa kaba. “H-hindi ko alam! Nahihirapan siyang huminga, mayor. H-hindi ko na alam ang gagawin ko,” sabi ko na lang saka napahagulgol ng iyak. “f**k,” mariing mura niya bago ibinaba ang tawag. Sinubukan kong tulungan si Arkia sa abot ng makakaya ko kahit wala akong alam sa nangyayari. Laking pasasalamat ko naman na dumating kaagad si mayor at may kasama pang doktor makalipas lang ang ilang minuto. “What happened to her?” nag-aalalang tanong ni mayor habang nakatingin kay Arkia. Hindi ako nakasagot at tuloy lang sa paghikbi. Dumating na ang doktor pero takot na takot pa rin ako. Dinala na si Arkia sa silid niya, sumunod naman si mayor at pumasok din sa silid ni Arkia. Nanatili ako rito sa sala at nanghihinang napaupo sa couch. Hindi ko alam kung ano'ng nangyari. Hindi ko alam pero pakiramdam ko may kasalanan ako sa nangyari kay Arkia, kung nabantayan ko lang siya ng maigi, malamang hindi mangyayari 'to. Napahilamos ako sa mukha ko, hanggang ngayon nanginginig pa rin ang mga kamay ko dahil sa nangyari. Ang sakit sa dibdib na makita si Arkia na nahihirapan huminga, talagang natakot ako. Akala ko may mangyayari ng masama kay Arkia, habang buhay kong sisisihin ang sarili ko kapag nagkataon. Natigilan ako nang makita ang gunmy worms at gummy bears sa sahig. Nanginginig ang mga kamay na pinulot ko ang mga 'yon. Napabuntong hininga ako at itinapon na ang mga 'yon sa basurahan. Nag-ipon muna ako ng lakas ng loob bago pumasok sa silid ni Arkia. Napatingin sa 'kin sina mayor at ang doktor, tipid na ngumiti na lang ako saka dire-diretsong pumasoks sa loob kahit na nanginginig ang mga tuhod ko. “What happened to her?” tanong ni mayor sa doktor. “It was allergic reaction, kung nahuli pa tayo ng ilang minuto baka kung ano na ang nangyari sa bata. Saan ba allergic si Arkia?” tanong ng doktor. “The last time I remember, she also had allergic reeaction after eating gummy candies before.” Natigilan ako sa sinabi ni mayor, pakiramdam ko nanlamig ang buong katawan ko. “Is that so? Be careful next time, bad alllergy can really kill a person,” seryosong sabi ng doktor. Nanatili akong tahimik habang magkausap sila ng doktor, may mga binilin ito na gamot at kung ano-ano pero blangko ang isip ko. Kasalanan ko kung bakit nangyari kay Arkia iyon, kasalanan ko. Naiwan kami ni mayor sa silid ni Arkia nang makaalis na ang doktor. Nanginginig pa rin ako habang nakatingin kay Arkia na walang malay. Hindi ba alam ni Arkia na allergic siya sa gummy bears? Bakit niya pinabili sa 'kin 'yon? Bakit niya kinain 'yon? Napalunok na lang ako at napailing, siguro hindi niya lang talaga alam. Masyado pang bata si Arkia para maisip na wakasan ang sarili niyang buhay. “What the f**k happened? What the f**k did you do to my daughter?” Napatingin ako kay mayor, umakyat ang kaba sa dibdib ko dahil sa masamang tingin niya sa 'kin. Napalunok ako at napaiwas ng tingin sa kanya. Pakiramdam ko aatakihin ako sa puso dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon. “B-binilhan ko siya ng gummy bears, h-hindi ko alam na allergic siya ro'n. Maniwala ka hindi ko talaga---” Napasinghap ako nang hawakan niya ng mahigpit ang braso ko saka hinila ako papalapit sa kanya. Lalong umakyat ang takot sa sistema ko dahil sa paraan ng pagtingin niya sa 'kin. Mukhang may balak na talaga siyang patayin ako. “Are you f*****g kidding me?” mariing tanong niya. “H-hindi, mayor. Hayaan mo akong magpaliwanag sa---” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang sakalin niya ako. Napahawak ako sa mga kamay niya na sumasakal sa leeg ko. Nahihirapan akong huminga, ang hirap huminga. “M-mayor,” nahihirapang usal ko. Napapikit ako ng mariin nang mas humigpit ang pagkakasakal niya sa 'kin. Natatakot ako, ayokong mamatay ng ganito, gusto ko pang bumawi kay Arkia. “P-Papa! B-bitiwan mo po si Mama!” Napaubo ako nang bitiwan na ako ni mayor. Nanghihinang napaupo ako sa sahig habang umuubo. Kung hindi siya napigilan agad ni Arkia, siguro talagang malalagutan na ako ng hininga sa mga kamay ni mayor. “P-Papa, wag mo pong saktan si Mama. W-wala po siyang kasalanan,” nanghihinang sabi ni Arkia saka pinilit na bumangon. Hindi nagsalita si mayor, ako naman ay nanatiling nakaupo sa sahig habang hawak ang leeg ko, hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin ang mga kamay ni mayor. Pakiramdam ko sinasakal niya pa rin ako. “Papa, g-gusto ko pong kausapin si Mama. Iwan mo muna po kami.” Natahimik si mayor, hindi alam kung susundin ba si Arkia o mananatili. Napabuntong hininga siya saka lumabas ng kwarto ni Arkia. Napatingin ako kay Arkia na nakatingin lang sa akin. Natahimik ako, nahihiya akong harapin siya. Hindi ko alam ang sasabihin. “Ano pa'ng hinihintay mo? Umupo ka rito at kakausapin kita.” Natigilan ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko ibang Arkia na ang nasa harapan ko ngayon. Nagtataka man ako sa inaasta niya, pinilit ko pa ring tumayo at umupo sa tabi niya. “Arkia, s-sorry sa nangyari. Hindi ko alam na allergic ka sa ganoong pagkain,” hinging paumanhin ko. “Sinadya ko 'yon, hindi pa ba halata?” nakataas-kilay na tanong niya. Napalunok ako, nanlalamig na naman ang mga kamay ko. Bakit nagkakaganito si Arkia? “Bakit mo ginawa 'yon?” tila hindi makapaniwalang tanong ko. “Nakakairita ka, you're pretentious, you're a hypocrite, I hate people like you,” malamig na sabi niya habang walang emosyong nakatingin sa 'kin. Siya ba talaga si Arkia na nakasama ko ng ilang araw sa bahay na 'to? Pakiramdam ko hindi na si Arkia ang nasa harapan ko ngayon. “Arkia, bakit ka ba nagkakaganito? Galit ka ba sa 'kin dahil sa nangyari sa 'yo?” nag-aalalang tanong ko. Sinubukan kong hawakan ang kamay niya pero agad niyang iniwas iyon. Natigilan ako nang mapangisi siya, pero ang mas nagpagulat sa 'kin ay ang mga sinabi niya... “Akala mo ba hindi ko alam? Simula una pa lang alam ko ng hindi ikaw ang Mama ko.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD