bc

Call Me Mayor (SERIE FEROCI 1)

book_age18+
20.3K
FOLLOW
113.9K
READ
billionaire
possessive
escape while being pregnant
dominant
manipulative
powerful
drama
bxg
city
wild
like
intro-logo
Blurb

Arken Zaviere is the definition of a perfect mayor, he was the savior of Caloocan City. Aside from being strikingly handsome and intelligent, he was also known for being a competent mayor for providing the needs of everyone... saving every family from poverty, providing jobs for the jobless people, and giving college scholarships. Jonalyn 'Ayen' Macarios admired him ever since he became the mayor. Mayor Arken Zaviere is beyond perfect in her eyes until that ill-fated night... In which she saw Mayor Arken Zaviere's dark nature.

chap-preview
Free preview
Chapter One
Jonalyn 'Ayen' Macarios "Hoy Ayen, mamaya raw may speech si Mayor pogi." Napailing na lang ako sa sinabi ng kaibigan kong si Wrena. "Anong oras?" tanong ko habang binabasa ang paborito kong libro tungkol sa pulitika na hiniram ko pa sa city library. I'm not interested in taking law or political science as my course, I'm just kind of interested about politics and law. "Maya-maya, wala rin naman akong pakialam sa sasabihin niya. Gusto ko lang titigan siya," kinikilig na sabi pa niya. Ako rin naman, pero siyempre interasado pa rin ako sa iaanunsyo niya. Baka tungkol iyon sa mga issue na kinakaharap ng Caloocan o baka naman sa mga bagong programa na ipatutupad niya. "Inaagawan mo ako sa crush ko," pabirong sabi ko saka tiningnan siya ng masama. "Huh, sorry na lang girl, pero ako ang nauna kay Mayor. Charot, bakit kasi wala pa siyang girlfriend eh? Umaasa tuloy ako na may chance kami," sabi niya habang nakanguso. Napailing na lang ako. "Sorry my friend, I'm his real girlfriend. Bawal kasi i-announce sa media," pagbibiro ko pa. Wala namang masama mangarap. Halos lahat naman yata ng babae rito sa lugar namin nangangarap na maging kasintahan ni Mayor Zaviere. Sino ba naman ang hindi? "Hoy, pinagnanasahan mo na naman si Mayor sa maruming isip mo," sabi ni Wrena at binato ako ng unan. "Shut up," sabi ko na lang at inirapan siya. "Pa-shut up shut up ka pa riyan, may part time job pa tayo mamayang gabi sa convenience store," she said while putting lip tint on her pouty lips. Nakakainggit, medyo manipis kasi ang labi ko eh. "You want?" She offered me her lip tint. Agad akong napangiwi saka umiling. "Bakit mo inaalok ang personal mong gamit sa ibang tao?" tanong ko na lang saka muling ibinalik ang tingin ko sa librong binabasa ko. "Ang arte mo," sabi niya saka tinuloy na lang ang pagme-make up. "Para saan ang make up? Speech ni Mayor ang magaganap mamaya, hindi party," natatawang sabi ko. "Hindi ka pa ba sanay sa 'kin? Kahit maglalaba lang naka-make up pa 'ko," sabi niya. "Ewan ko sa 'yo," natatawang sabi ko na lang habang napapailing. "Pero alam mo ba yung tsismis? May tinatagong anak daw si Mayor Arken," bulong ni Wrena sa 'kin. Napakunot na lang ang noo ko. "Puro tsismis lang naman 'yon, saka kung sakaling totoo man 'yon, ano naman?" Napaismid na lang siya sa sinabi ko. "Duh, siyempre mac-criticize siya. Okay lang na may junakis na siya, pero yung katotohanan na itinago niya sa mga tao, ibang usapan na 'yon." Sabagay may punto siya ro'n. "I won't judge him easily if that's true." "Wow, iba talaga tama mo kay Mayor 'no. Ikaw na, sa 'yo na ang korona," pagbibiro niya. Natatawang napailing na lang ako. "Hoy! Kayong dalawa puro kayo kuda at kalandian!" Napaupo ako ng tuwid nang marinig ko ang boses ni Tita Celina. Tiyahin siya ni Wrena na talagang masakit magsalita at palaging nakasigaw. "Ako lang yung malandi 'no! Matino si Ayen," pagtatanggol ni Wrena sa 'kin. Palagi niya talagang sinasagot at binabara si Tita Celina. Nasa Masbate ang mga magulang ko ngayon ngunit taga-Camarines Sur talaga kami, nandoon sila upang bantayan ang lola ko sa side ni nanay. Sumama lang ako sa tiyahin ko na magpunta rito sa Caloocan City upang mag-aral, kaso hindi ako nabigyan ng pagkakataon, mas inuna ko ang magtrabaho at mag-ipon para magpadala ng pera sa mga magulang ko. 26 years old na ako ngayon pero kung mabibigyan pa ako ng pagkakataon na makapagkolehiyo, hindi ko palalagpasin kahit ano pa'ng edad ko. Dito ako natuloy sa tiyahin ni Wrena, apat na taon na rin ako rito sa Caloocan City, nagtatrabaho ako bilang katulong ni Tita Celina, kahit masungit siya kahit papa'no maayos siya magpasweldo, pero ume-extra rin ako sa ibang trabaho na pinahintulutan naman ni Tita Celina. Simple lang din naman kasi ang buhay nina Tita Celina, hindi kalakihan ang bahay ngunit malaki rin naman ang espasyo. Gawa naman sa bato ang bahay niya, maganda ang pagkakagawa at may hardin pa sa labas ng bahay. Dikit-dikit din ang mga bahay rito kaya kapag sumigaw ka, rinig lahat ng kapit-bahay. "Ayen!" Napangiti ako nang makita ang kaibigan ko na si Aljen. Basta na lang siya pumasok sa bahay ni Tita Celina, siguradong masisigawan na naman siya mamaya. "Wala ka talagang kahihiyan sa katawan 'no? Basta ka na lang pumapasok sa bahay namin," nakapamaywang na sabi ni Wrena. Mukhang magbabangayan na naman ang dalawang 'to. "Shut up, hindi ikaw ang pakay ko kundi si Ayen my loves," sabi ni Aljen saka inakbayan pa ako. Natatawang napailing na lang ako. "Mag-aabogado ka ba talaga? Bakit napaka-cheap mo magsalita? Eww," pang-aasar ni Wrena. Isang taon na lang makakapagtapos na si Aljen sa law school, masaya ako para sa kanya pero naiinggit din ako. Gusto ko ring makapagtapos ng pag-aaral at maging veterinarian. "Ewan sa 'yo," sabi na lang ni Aljen saka nilamukos ang mukha ni Wrena. "Bwisit ka! Nagulo yung make up ko!" Naainis na napapadyak si Wrena saka agad na nagtungo sa kwarto namin para ayusin ang make up niya. "Bakit mo ba naging kaibigan si Wrena? Ubod ng arte no'n eh," nakangiwing sabi ni Aljen. "May kailangan ka ba, Attorney?" pabirong tanong ko. "I need you in my life," he said while grinning. Sinuntok ko na lang nang mahina ang braso niya. "Puro ka kalokohan," natatawang sabi ko na lang. "Wag kang mangarap na magustuhan ka ni Ayen! Una kailangan mo munang maging mayor na marami ng nagawa para sa bayan natin, pangalawa kailangan mo munang maging sobrang gwapo. In short, kailangan mo munang maging si Mayor Arken bago ka niya magustuhan pero siyempre imposible 'yon," nanunuyang sabi ni Wrena pagkagaling niya sa kwarto. Alam ko naman na may gusto sa 'kin si Aljen. Kahit ilang beses ko na siyang ni-reject, hindi pa rin siya sumusuko. Hinayaan ko na lang, alam niya rin naman na hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya. "Bakit ba kasi crush na crush mo si Mayor Arken? Magkasing pogi lang naman kaming dalawa," sabi ni Aljen at napahawak pa sa mukha niya. Napangiwi naman si Wrena. "Ibang level din ang kakapalan ng mukha mo 'no? Di hamak naman na mas gwapo si Mayor ng sampung beses sa 'yo," pang-aasar pa ni Wrena. "Ang OA nung sampung beses, saka bakit ba crush na crush niyo 'yon eh ang tanda na no'n." Sabay kaming napatingin ng masama ni Wrena kay Aljen. "Ano'ng matanda? 35 years old pa lang si mayor 'no. Hindi 'yon matanda," pagtatanggol ni Wrena kay Mayor. "Oo nga, hindi pa 'yon matanda," segunda ko naman. Napasimangot na lang si Aljen. "Edi hindi," pagsuko niya. "Teka Ayen, magsisimula na yata ang speech ni Mayor Arken. Punta na tayo agad do'n para may mahanap tayong maayos na pwesto. Alam mo naman ang ibang fans ni mayor, masyadong wild." Natawa na lang ako sa sinabi niya. Tumingin muna ako sa salamin, ayos na naman ang mukha ko. Naglagay na lang ako ng lip balm. Maraming nagsasabi na mukha lang daw akong 20, dahil siguro medyo maliit ang height ko, minsan nga nahihiya akong tumabi kay Wrena. Tinatawag din nila akong ano... Baby face ba ang tawag do'n? Maliit din kasi ang mukha ko, bilugan ang mga mata, maliit na may katangusan ang ilong, manipis ang labi, mahahabang pilikmata, na medyo makapal na kilay. Maputi rin ang balat ko, kaya madalas naiinggit si Wrena. Pero lahat naman maganda para sa 'kin kahit ano pang kulay nila. Agad kaming nagtungo sa paggaganapan ng announcement speech ni Mayor Arken. Tama nga ang hula ni Wrena na marami na ang tao, karamihan ay puro mga babae. "Wag kang mag-alala, my dear friend, sisingit tayo. Ang pumalag bibigwasan ko," maangas na sabi ni Wrena. Natawa na lang ako at nagpahila sa kanya. Gusto ko rin naman sumingit para makita ko ng malapitan si mayor. Kahit mahirap at talagang mainit, nagawan naman ng paraan ni Wrena at nakapewsto kami sa unahan, ang sama lang talaga ng tingin sa 'min ng mga nasingitan namin. "Hoy, ang kapal naman ng mukha niyong sumingit. Kanina pa kami rito eh," nakataas-kilay na sabi ng babaeng katabi namin. Nginitian lang siya ng matamis ni Wrena. "English-in mo nga 'to nang manahimik," bulong ni Wrena sa 'kin. Napailing na lang ako at bahagyang siniko siya. Puro talaga siya kalokohan. "Hoy, kinakausap kita," sabi pa nung babae kay Wrena. "Shh, wag kang magulo, ayan na yung boyfriend ko." Napatingin ako sa stage. Agad na nagwala ang mga paru-paro sa tiyan ko nang makita ko si Mayor Arken. Ang gwapo niya talaga. "Good day, everyone. I am the mayor of Caloocan City, Arken Zaviere." Napairap ako nang magtilian ang mga babae, pero hindi ko sila masisi, ang sexy ng boses ni mayor. Pero ang sakit nila sa tenga. "Ganyan karami ang kaagaw natin. Paano pa kapag naging governor siya? Senador? O kaya naman presidente ng Pilipinas? Lalo tayong mawawalan ng pag-asa. Kainis, bakit kasi ang gwapo niya?" napapailing na sabi ni Wrena. "Hindi rin naman natin siya magiging crush kung hindi siya gwapo," natatawang sabi ko na lang habang nakatitig kay Mayor Arken na panay ang salita sa unahan. Wala tuloy akong naintindihan sa sinasabi ni Mayor eh, napakadaldal ba naman nitong si Wrena. "Wag kang magulo, wala akong naiintindihan sa sinasabi ng mayor ko," sabi ko na lang habang nakatitig pa rin kay Mayor Arken. "Wala akong pake sa sinasabi niya, gusto ko lang siya makita," kinikilig na sabi ni Wrena. Napairap na lang ako. "I'm planning to give free college scholarship for everyone, there's no age requirement when it comes to education. I'm giving everyone a chance to pursue their dream profession, no matter how impossible it may be for you. I'm giving everyone any educational benefits I can provide, but of course, it's only for those who are willing. But I'm persuading everyone to try, there's no harm trying." Napalunok ako habang pino-proseso ng isip ko ang mga binitiwang salita ni Mayor, pati si Wrena na kanina ay maingay, natahimik din. "Wow, ito na ang chance mo Ayen," natutuwang sabi ni Wrena nang mahimasmasan siya. Niyugyog niya pa ang braso ko. Napangiti ako habang nakatitig kay Mayor, pinipigil ko ang sarili ko na maiyak. Tuwang tuwa ako sa inanunsyo niyang 'to, pakiramdam ko binigyan ako ng pag-asa ni Mayor Arken na baguhin ang buhay ko. Lalo ko siyang hinahangaan. "Let's help each other, I want everyone to cooperate for the betterment of Caloocan City. That's all. Again, this is Mayor Arken Zaviere, thank you for lending me your time." Napasinghap ako nang magtagpo ang mga mata namin ni Mayor. Napalunok ako dahil talagang nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko at pinilit na pakalmahin ang nagwawalang puso ko pati na rin ang nga paru-paro sa tiyan ko. Pakiramdam ko nakahinga ako ng maluwag nang tuluyan na siyang nag-iwas ng tingin sa 'kin. Umalis na rin kaagad siya ng stage. Nanghihinang napakapa ako sa dibdib ko, para akong hihimatayin. "Grabe, ang tipid talaga lagi magsalita ni mayor. Ten minutes lang yata siyang nagsalita. Pero may napansin ako..." napatigil si Wrena sa sasabihin niya saka tumingin sa 'kin "...Ayen, tiningnan ka yata ni Mayor," kinikilig na sabi ni Wrena saka niyugyog muli ang braso ko. Tila wala sa sariling napangiti na lang ako. "T-tiningnan niya nga ako, Wrena. Nagtitigan kami," kinikilig na sabi ko. "Hay buti na lang sumingit tayo. Mapapansin ka talaga ni Mayor kasi ang puti mo, nagliliwanag ka! Panis!" Hindi ko na lang pinansin ang pinagsasabi ni Wrena. Lutang na nakangiti pa rin ako habang inaalala kung paano nagtagpo ang mga mata namin kanina. NAHALATA ng mga customer sa convenience store na pinagtatrabahuhan ko na masaya ako. Todo ngiti ako sa customers na hindi ko naman palaging ginagawa. "Teh, 'wag mong masyadong ipahalata na hanggang ngayon kinikilig ka. Naiinggit ako," nakasimangot na sabi ni Wrena habang inaayos ang mga paninda. Napakagat ako sa ibabang labi ko para subukang pigilin ang pagngiti ko. Natatawang napatingin sa 'kin ang customer. Para akong ewan na nakangiti, cashier pa naman ako ngayong araw. "Bakit tuwang tuwa ka yata ngayon, Ayen?" tanong ni Aling Marie habang naghihintay na maibalot ko ang mga pinamili niya. "Tuwang tuwa po siya kasi nagtitigan sila ni Mayor Arken," sagot naman ni Wrena. Pasimpleng inirapan ko na lang siya. "Sus, kaya naman pala. Magtrabaho ka sa munisipyo, madalas mong makikita si Mayor kapag nagtrabaho ka ro'n," suhestiyon ni Aling Marie. Napangiti na lang ako at umiling. "Pero bali-balita may anak na raw si Mayor eh," dugtong naman ni Aling Marie. "Kung may anak man po siya, aalagaan ko," nakangiting sabi ko. Natigilan ako nang maramdaman kong binato ako ng tissue roll ni Wrena. "Magtigil kang babae ka at tapusin mo 'yan, baka nagmamadali si Aling Marie. Maharot ka." Natawa na lang ako sa sinabi niya. Maraming nakahalata na mas masaya ako ngayong araw. Hindi ko akalain na isang tingin lang galing kay Mayor, kikiligin na ako ng ganito. Palagi kasi akong nasa likod kapag may speech si Mayor. Buti na lang talaga sumingit kami ni Wrena kanina, parang gusto ko tuloy siyang ilibre. "Nga pala Ayen, nagpaalam ako kay boss. Mauuna akong umuwi kasi may kailangan akong puntahan. Kaya mo na ba mag-isa rito?" tanong niya. Ngumiti naman ako at tumango. "Saan ka ba pupunta?" "Secret, no clue. Charot, may family gathering kinemerut kami. Maiirita lang ako dahil makikita ko yung mayayabang kong pinsan pero wala akong magagawa, sasabunutan ako ni Tita Celina kapag hindi ako nagpunta," napapailing na sabi niya. Hindi talaga sila magkasundo ni Tita Celina. "Okay lang ako rito, mahalaga ang pupuntahan mo eh," nakangiting sabi ko. Pasalamat siya at maganda ang mood ko. "Tigilan mo yung kakangiti ng ganyan, mapagkamalan ka pang nasisiraan ng bait." Napaismid na lang ako sa sinabi niya. Naiwan din ako nang umalis na si Wrena. Kasama ko naman si kuyang guard kaya hindi ako natatakot. "Sige Ayen, umuwi ka na. Ako na ang bahala rito," sabi ng kasunod ko sa shift. Hindi ko namalayan na tapos na pala ang oras ng trabaho ko. Napangiti ako saka binitbit ang bag ko. "Sige, alis na 'ko!" Nakangiti pa rin ako habang naglalakad pauwi. Mukhang tama si Wrena, mapagkakamalan nga akong nababaliw ng makakakita sa 'kin, pero okay lang. Wala naman ng masyadong tao ng ganitong oras. I smiled unknowingly when I remembered him again. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko upang pigilin na mapatili. Gusto kong magtitili at magtatalon sa kilig. Grabe ang epekto sa 'kin ni mayor. Alam ko naman na imposibleng mapansin niya ako. Bukod sa siya ang alkalde ng Caloocan City, marami rin siyang negosyo bago siya naging mayor. Sa pagkakaalam ko pa ay may sarili siyang airlines sa iba't ibang parte ng Asya, kaya marami ang nagsasabi na hindi siya nanghihinayang na maglabas ng pera para sa mga mamamayan ng Caloocan City. Noong nakarang taon lang ay sumikat siya sa internet at nabansagang 'most competent mayor in the Philippines'. Agaw pansin din ang kagwapuhan nito. Inis na inis pa kami ni Wrena no'n dahil lalong dumami ang kaagaw namin. Ang dami niya talagang nagawa para sa mga mamamayan dito. Talagang malaki ang naitulong niya, hindi na nakakapagtaka na sa susunod ay maging gobernador na siya o senador. Hindi rin biro ang kasikatan niya rito, lalo na sa mga kababaihan. I smiled widely while looking at his stolen picture on my phone. It was taken last month during his medical volunteer. Tumulong siya sa pag-aasikaso sa mga may sakit. Sobrang daming tao no'n pero nagawa ko pa siyang kuhanan ng litrato. Napatigil ako sa paglalakad nang makarinig ako ng kakaibang ingay. Napakunot ang noo ko at napatingin sa eskinita na pinanggalingan ng ingay. Parang may nagsusuntukan na ewan, may mga kalabog akong naririnig. Dapat bang sumilip ako? Mas maganda yata na umalis na lang agad ako, ayokong madamay sa mga ganyan. Akala ko pa naman naubos na ni Mayor Arken ang mga loko-loko rito. Huminga ako ng malalim at akmang lalakad na lang ng diretso nang makarinig ako ng malakas na daing na tila nasasaktan. Napabuntong hininga ako at napakamot sa batok ko. Ano ba 'yan? Bakit ba kasi ang bilis ko maawa? Pasimple akong sumilip sa nangyayari sa may eskinita. Naningkit ang mga mata ko nang makita ko ang pamilyar na lalaking nakasuot ng three piece suit. Pamilyar sa 'kin ang tindig nito, sobrang pamilyar. "H-hayop ka mayor!" Napasinghap ako nang sumigaw ang lalaking nakaupo sa sahig. Duguan ang mukha nito at mukhang matindi ang pagkakabugbog dito. Si mayor ba talaga ang lalaking nakatayo sa tapat ng duguang lalaki? Ano'ng ginagawa niya rito? "Should I kill him now, mayor?" tanong ng lalaking katabi ni Mayor Arken na sa pagkakaalala ko ay bodyguard niya. Napalunok ako at nanghihinang napakapit sa posteng tinataguan ko. Nanginginig ang mga tuhod ko at pakiramdam ko matutumba ako anumang oras. "Do it quietly, make him disappear without anyone knowing. You know what to do, right?" Pakiramdam ko literal na nagtayuan ang mga balahibo ko sa malamig na boses niya. Para bang wala siyang pakialam sa buhay ng ibang tao. Nanghihinang napaatras ako nang makitang tinutukan ng bodyguard ni mayor ng baril ang duguang lalaki. Prenteng nakatayo lang si Mayor Arken habang walang emosyong nakatingin sa lalaki. "Napakahayop mo! Sisiguraduhin kong malalaman ng mga tao kung gaano ka ka-demonyong hayop ka! Napakawalang---" Hindi na naituloy ng duguang lalaki ang sasabihin niya nang walang pakundangang sinipa ni Mayor Arken ang mukha niya. Napasinghap ako dahil sa gulat. Mas lalong nanginig ang mga tuhod ko nang mapatingin ang bodyguard niya sa direksyon ko. Agad akong napaatras nang mapatingin din sa 'kin si Mayor Arken. Nagtagpo ang mga mata namin ngunit hindi na kilig ang nararamdaman ko ngayon kundi takot. Kahit nanginginig ang mga tuhod ko, agad akong tumalikod at pinilit ang sarili ko na tumakbo palayo ro'n. Pero huli na ang lahat nang maramdaman ko ang malaking kamay na humawak sa braso ko. "It seems like we have an audience." Boses ni mayor iyon. Nanginginig na napatingin ako kay mayor na nakahawak sa braso ko. Literal na nanginginig na ang buong katawan ko dahil sa takot. Ang bilis talaga ng pangyayari. Parang kanina lang tila nasa langit ako dahil sa kilig na nararamdaman ko kay mayor, ngayon hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko. "Should I kill her, mayor?" malamig na tanong ng bodyguard ni mayor. Favorite line niya yata iyon, halatang sanay na itong pumatay. Napalunok ako nang mapatingin ako kay Mayor Arken. Naningkit ang mga mata niya habang nakatitig sa mga mata ko. "I know you," mahinang bulong niya. Napalunok ako at napaiwas ng tingin, kilala niya 'ko? Napailing na lang ako, bakit nagawa ko pang kiligin ng kaunti sa ganitong sitwasyon? Napasinghap na lang ako nang maramdaman ko ang kamao niya sa tiyan ko. Sinuntok niya ba talaga ako? Napakapit ako sa dibdib ni Mayor Arken dahil pakiramdam ko ay matutumba ako. Narinig ko pa ang boses niya bago ako tuluyang nawalan ng malay... "Don't kill this woman yet, I still need her."  We

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Kidnapped by the Mafia Boss (COMPLETED)

read
405.6K
bc

Mr. Billionaire and Eve(ZL Lounge Series 02)

read
320.3K
bc

Owned By The Mafia Boss

read
620.7K
bc

Billionaire's Regret

read
543.0K
bc

That Night

read
1.1M
bc

HIS SUBTLE OBSESSION

read
61.7K
bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
394.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook