“Joke ba 'yon, mayor?”
Hindi siya sumagot, nakatingin lang siya nang masama sa 'kin na para bang gusto na niya 'kong barilin. Napalunok na lang ako at alanganing ngumiti sa kanya.
“Mayor, this isn't right. This is really really wrong,” napapailing na sabi ko.
Ngumiti ako nang matamis sa kanya saka agad na tumalikod. Akmang bubuksan ko na ang pinto para lumabas nang agad siyang magsalita.
“Are you disobeying me?”
Agad akong napatigil dahil sa malamig na boses na 'yon. Napalunok ako at huminga ng malalim.
“Mayor, pasensya na. Mas okay na sa 'kin ang mabaril mo kaysa matulog sa tabi mo.”
Hindi ba siya nag-aalala na baka gapangin ko siya?
Nanlaki ang mga mata ko nang makarinig ako ng pagkasa ng baril. Agad akong tumakbo papalapit sa kama at umupo ro'n.
“Joke lang po, mayor. Masyado ka namang seryoso,” sabi ko saka naiilang na tumawa.
Inilagay niyang muli ang hawak niyang baril sa may drawer. Napakamot na lang ako sa batok ko saka bahagyang tumalon-talon sa kama, ang lambot ah.
“Ahm mayor, b-bakit kailangan nating matulog sa iisang kwarto?” tanong ko.
Napalunok ako nang tanggalin niya ang pagkakabutones ng suot niyang polo pero hindi niya hinubad, sumisilip tuloy sa paningin ko ngayon ang matipunong katawan niya.
Sabi na nga ba at may abs si mayor. Kahit naka three piece suit siya, nahalata ko na agad.
“Are you still not aware about your role in this house?” tanong niya. Relo naman niya ang hinuhubad niya ngayon.
“Mama ako ni Arkia?” patanong na sabi ko.
“Exactly, in this house, you're her mother. Ano na lang ang iisipin niya kapag natulog tayo sa magkaibang kwarto?”
Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya. Sabagay, may punto siya ro'n. Pero paano naman ako makakatulog ng ayos kung alam kong nasa iisang kwarto lang kami?
Paano kung mapagtrip-an niya akong barilin habang natutulog ako? Nakakapraning.
Hindi na nagsalita ulit si mayor at pumasok na lang sa banyo. Napabuntong hininga na lang ako at lumabas saka nagtungo sa kusina para tapusin ang hinuhugasan kong mga plato.
Nakakaloka talaga ang mga nangyayari sa 'kin ngayon. Kung sana lang ay hindi ako sumilip sa eskinitang 'yon, malamang wala ako rito at matiwasay pa rin ang buhay ko... Pero malamang malungkot si Arkia kung hindi nangyari 'yon.
Napailing na lang ako at pinunasan ang mga kamay ko pagkatapos kong maghugas. Bumalik na ako sa kwarto ni mayor, naabutan ko siya na nakaupo sa kama niya at nakasandal sa headboard habang nagtitingin ng mga papeles.
Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa suot niya. Itim na sando lang at boxer ang suot niya, kitang kita ko tuloy ang matipunong braso niya.
Hindi talaga magandang ideya 'to, magkakasala ako ng wala sa oras.
“Mayor, may extra toothbrush ka ba?” tanong ko habang nakahawak sa laylayan ng t-shirt na suot ko.
Tumango lang siya at hindi man lang ako binalingan ng tingin, napaismid na lang ako at agad na pumasok sa banyo.
Ano ba 'tong si Mayor Arken? Hindi man lang ba siya apektado na sa iisang kwarto kami matutulog? Babae kaya ako, at lalaki naman siya. Bakit parang wala lang sa kanya na rito ako matutulog sa kwarto niya? Nakakainis.
“Wow.”
Nabawasan ang inis ko nang makapasok ako sa banyo rito sa silid ni mayor. Ganitong ganito ang mga banyo na nakikita sa ko mga sosyal na bahay sa TV, mas maganda pa yata 'to.
Ang ganda ng bathtub at malaki, siguro dahil matangkad si mayor. Clear glass ang shower divider dito, may whole body mirror na talagang makikita mo ang buong katawan mo kapag tumingin ka. Nakakasilaw ang bathroom sink at inidoro rito sa sobrang kintab. Grabe, banyo pa ba 'to? Bakit parang ang sarap tumambay rito?
Inabot ako ng ilang minuto sa pagtingin-tingin sa kabuuan ng banyo. Malaki pa yata ang banyo na 'to sa bahay namin sa probinsya eh.
“Tama na, Ayen. Oras na para magsepilyo,” sabi ko na lang saka nagtungo sa sink.
Napakunot ang noo ko nang mapansing tatlo ang toothbrush na naroon, isang kay itim, isang kulay puti at isang kulay blue. Alin naman dito ang extra toothbrush?
Kinuha ko ang isang kulay puti. Imposibleng gumamit si mayor ng puting toothbrush, ibinase ko na lang sa personality niya.
Lumabas na ako ng banyo pagkatapos kong magtoothbrush. Hanggang ngayon nagtitingin pa rin ng mga papeles si mayor.
Huminga ako ng malalim upang ipunin ang lakas ng loob ko bago ako nagtungo sa kama at umupo sa kabilang gilid. Naupo pa lang ako para ng sasabog ang puso ko, paano naman kaya kapakapag humiga na 'ko?
“What the f**k are you doing?”
Natigilan ako at nagtatakang napatingin kay mayor, ang sama na naman ng tingin niya sa 'kin.
“Ahm, matutulog na 'ko,” sabi ko na lang saka napaiwas ng tingin sa kanya.
“I said you will sleep here in my room, but I didn't say that you'll sleep beside me,” he said coldly.
“Ha? Saan ako matutulog?” nakakunot-noong tanong ko.
Napasinghap ako nang ituro niya ang couch. May unan at kumot na nakalagay ro'n.
Napaiwas ako ng tingin sa kanya saka agad na tumayo. Nakatungong nagtungo ako sa may couch saka humiga ro'n at nagtalukbong ng kumot.
Gusto kong manira ng gamit at sumigaw ng malakas dahil sa pagkapahiya. Bakit hindi ko naisip na imposibleng patulugin niya ako sa tabi niya?
Nakakahiya talaga!
Huminga ako ng malalim at pilit na pinakalma ang sarili ko. Normal lang naman ang mapahiya paminsan-minsan, makakalimutan niya rin 'yon.
Dahan-dahan kong tinanggal ang kumot ko saka muling tumingin kay mayor. Abala pa rin siya sa mga tinitingnan niya at mukhang hindi na niya pinansin ang pagkapahiya ko.
“Mayor, wala namang CCTV yung banyo, diba?”
Natigilan siya sa tanong ko. Nakagat ko ang dila ko nang tumingin siya sa 'kin ng masama.
“What do you think of me?” naiinis na tanong niya. Napakurap na lang ako saka alanganing ngumiti.
“Naninigurado lang ako, siyempre babae pa rin naman ako at lalaki ka. Minsan hindi nakokontrol ng lalaki ang sarili niya saka diba sabi mo nga kay Arkia, men are animalistic creature. Eh lalaki ka rin naman eh, malay mo biglang lumabas ang pagiging animalistic creature mo tapos matukso ka na---”
Agad na naputol ang sasabihin ko nang kuhanin niya ang baril niya mula sa drawer. Napalunok na lang ako at ngumiti nang matamis sa kanya.
Hindi ba uso sa kanya ang salitang joke? Masyado kasi siyang seryoso sa buhay at puro baril ang hinahawakan.
“Mayor,” pagtawag ko sa kanya.
“Ano na naman?!”
Napapitlag ako nang sumigaw na siya. Achievement 'to, ngayon ko lang siya narinig na sumigaw, ang gwapo pa rin ng boses niya kahit nasigaw.
“Ahm, ano ba yung extra toothbrush sa banyo? Tatlo kasi ang nandoon eh,” wika ko saka tumingin sa kanya.
“Blue and black.”
Literal na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Agad akong napabangon at tila hindi makapaniwalang napatingin sa kanya.
“Y-yung white ang toothbrush mo?” nauutal na tanong ko.
“Obviously,” masungit na sagot naman niya.
Napatakip ako sa bibig ko, pakiramdam ko pulang pula na ang mukha ko ngayon. Feel na feel ko pa naman ang pagsesepilyo gamit ang toothbrush na 'yon.
“Bakit parang bago?! Hindi pa siya busalsal!” Napatayo pa talaga ako at lumapit sa kanya.
Naiiritang inilapag niya ang mga papeles niya sa kama at tumayo saka hinarap ako. Napalunok naman ako habang nakatingala sa kanya, bakit naman kasi ang tangkad niya masyado?
“What the hell is you problem?” mariing tanong niya.
“Yung toothbrush mo ang problema ko! Bakit white ang toothbrush mo? Saka bakit parang bago?!” naiiritang tanong ko.
Nakakaloka, bakit naman kasi hindi muna ako nagtanong kanina bago magtoothbrush? Basta na lang ako gumamit.
Hindi ko rin naman kasi inaakala na kulay puti ang toothbrush niya, pangmatino.
“What the f**k is your problem with my f*****g toothbrush?! I just bought it recently that's why it still looks new!”
Gusto kong matawa dahil namumula na ang mukha niya sa inis. Mukhang rinding rindi na talaga siya sa 'kin. Maraming salita ang nasabi niya na madalang niyang gawin.
Bahala siya, ginusto niyang matulog kami sa iisang kwarto eh. Maririndi talaga siya sa 'kin.
“Don't tell me... Did you use my toothbrush?”
Napasinghap ako sa tanong niya.
“P-paano mo nalaman, mayor?”
Natulala siya sa 'kin, sinubukan niyang ibuka ang bibig niya ngunit walang salitang lumabas do'n. Huminga na lang siya ng malalim saka pumikit ng mariin.
“Are you f*****g dumb?” tanong niya habang nakatingin ng masama sa 'kin.
Napasimangot na lang ako saka tumungo. Hindi ako dumb 'no, matalino raw ako sabi ng ibang tao.
“Malay ko bang toothbrush mo 'yon,” nakatungong sabi ko.
Saglit siyang natahimik. Napatingin ako sa kanya, napalunok ako nang makitang nakapikit siya at tila ba pinapakalma ang sarili niya.
“Just f*****g go to sleep now before I lose my mind and kill you right now.”
Napalunok na lang ako at agad na nagtungo sa couch saka humiga. Napaismid na lang ako at binalot ng kumot ang sarili ko.
Pasimple akong sumilip kay mayor na bumalik na sa ginagawa niya. Gusto kong matawa dahil nakakunot pa rin ang noo niya.
Napabuntong hininga na lang ako habang nakatitig sa kanya. Natigilan ako nang mapatingin siya sa pwesto ko.
“What?” masungit na tanong niya. Napanguso ako saka umiling.
“Tahimik na nga ako rito eh.”
Hindi na siya kumibo at itinuloy na lang ang ginagawa niya. Napakagat ako sa ibabang labi ko saka napabuntong hininga.
Wala namang masama kung magkakagusto ako sa kanya diba?
Hindi ko na lang sasabihin, hinding hindi ko sasabihin.
* * *
“Mama, saan ka po pupunta?” tanong ni Arkia habang nakayakap sa baywang ko. Kinurot ko ang pisngi niya.
“Sa kaibigan ko beh, wag kang mag-alala, ngayong araw lang ako aalis. Sa susunod kasama na kita palagi. Saka yung cellphone mo ha, palaging nasa tabi mo kasi tatawagan kita,” sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya saka tumango.
“Sige po, Mama!”
Hay, napakabait na bata talaga nito.
“Ma'am.”
Napatingin ako sa bodyguard ni Mayor Arken na kanina pa naghihintay sa 'kin. 30 minutes na kasi akong nagpapaalam kay Arkia, nalulungkot ako na iwan siya rito ngayong araw.
“Sige, bye na Arkia. Be a good girl, mwah.” Dinampian ko ng halik ang pisngi niya, napahagikhik naman siya.
Lumabas na kami ng bahay ni Mr. Bodyguard. Agad niya akong pinagbuksan ng pinto ng kotse sa may passenger seat. Ngumiti ako sa kanya bago pumasok sa loob. Pumasok din siya at agad na nagmaneho.
Bigla akong na-excite na makalabas, tatlong araw pa lang ako sa bahay ni mayor pakiramdam ko ilang buwan akong nawala sa mundo.
Napakunot ang noo ko habang nagmamaneho si Mr. Bodyguard at hanggang ngayon hindi pa namin nararating ang gate. Kapag nilakad ko siguro 'to baka lawit na ang dila ko sa pagod.
“Ayun!” Tinuro ko ang malaking gate na kulay itim. Grabe, tagong tago pala ang bahay na ito ni mayor.
“Wow.” Napaawang ang labi ko nang kusang bumukas ang malaking gate.
Wala namang kibo si Mr. Bodyguard at tahimik lang na nagmamaneho, hindi ba uso ang magsalita sa taong 'to?
“Ahm, ano nga palang pangalan mo? Ang halay naman kung Mr. Bodyguard ang palaging tawag ko sa 'yo.”
“Adham,” tipid na sagot nito. Wow, ang angas ng pangalan niya.
Tahimik na ulit kami, patingin tingin lang ako sa paligid habang sinasaulo ang mga dinadaanan namin. Siyempre dapat alam ko ang papunta at paalis sa bahay ni mayor. Buti na lang matalas ang memory ko.
“Mayor Arken bought a car for you, you can use it if you know how to drive. He also said that you can buy whatever you want using the card he gave you.”
Napasinghap ako sa sinabi niya.
“M-marunong ako magdrive, pero bakit bumili pa siya ng kotse?” tila hindi makapaniwalang tanong ko.
“Ikaw na ang maghahatid at magsusundo kay Arkia sa school. He also said it will be easy for you if you have a car since he doesn't trust other drivers, I can't be your driver 24/7 for I am busy too.”
Napatango na lang ako sa sinabi niya saka napakagat sa ibabang labi ko upang pigilan na mapangiti. Wow naman, may instant kotse ako.
Mukhang alam na ni Adham kung saan ako ihahatid dahil hindi siya nagtatanong. Papunta kina Tita Celina rin ang dinadaanan namin.
Nakarating din kami kina Tita Celina makalipas ang ilang minuto. Excited na lumabas ako ng kotse, lumabas din naman ng kotse si Adham at lumapit sa 'kin.
“Adham, nasaan nga pala ang kotseng binili ni mayor?” bulong ko sa kanya.
Napasinghap ako nang iabot niya sa 'kin ang susi ng kotse na sinakyan namin. Napakurap ako at napatitig do'n.
“That's the car I'm talking about,” sabi niya saka itinuro ang kotse na ginamit namin. Napaawang na lang ang labi ko saka napatango.
“I'll go ahead.”
Hindi na niya ako hinintay na magsalita dahil agad siyang umalis saka sumakay ng taxi. Napakurap na lang ako saka nagkibit-balikat.
“Ayen!”
Sigaw agad ni Wrena ang bumungad sa 'kin pagpasok ko sa loob ng bahay. Agad siyang yumakap sa 'kin, natawa na lang ako.
Tatlong araw lang naman akong nawala pero kung maka-react siya parang three years kaming hindi nagkita.
“Ikaw ha, hindi mo nabanggit sa 'kin na may something pala sa inyo ni mayor,” kinikilig na sabi niya. Nagtatakang napatingin naman ako sa kanya. Ano ba'ng something ang pinagsasasabi niya riyan?
“Malisyosa ka masyado, teka, nasaan si Tita Celina? Nagalit ba siya sa 'kin?” nag-aalalang tanong ko.
“Bakit naman siya magagalit sa 'yo kung tauhan na mismo ni Mayor Arken ang kumausap sa kanya?” nakapamaywang na tanong naman niya.
“Bakit kinausap ng tauhan ni mayor si Tita Celina?” nagtatakang tanong ko.
“Ayun na nga eh, kaya ako nagtampo sa 'yo kasi hindi mo sinabi sa 'kin na nagtatrabaho ka na pala kay mayor. Kaya pala nagtinginan kayong dalawa nung nakaraan ah,” nanunuksong sabi niya. Alanganing ngumiti na lang ako.
Ano naman kayang trabaho ang sinabi ni mayor sa kanila? Ayoko namang magtanong dahil baka mahalata niyang wala akong kaalam-alam.
“Pero bakit ka naman tinanggap ni mayor bilang secretary niya? Nakakapagtaka talaga kaya feeling ko may something sa inyo o baka naman na-love at first sight siya sa 'yo. Saka isipin mo, ayaw ka na niyang paalisin sa piling niya kaya doon ka na tumutuloy sa bahay niya,” bulong naman niya sa 'kin. Hinampas ko ang braso niya.
“Ano ka ba? Hindi gano'n 'yon. Ano... Hindi madali ang pagiging secretary ni mayor kaya kailangan nandoon ako 24/7.”
Ewan ko ba kung may sense ang palusot ko, pero sana tumalab sa kanya.
“Hay nako, 'wag ka ng mahiya sa 'kin. Secret lang natin na may something sa inyo ni mayor. Tuturuan kita kung paano mang-akit ng tama, 'wag kang mag-alala,” bulong naman niya.
Napailing na lang ako, kahit ano'ng paliwanag ang gawin ko sa kanya hindi naman siya maniniwala sa 'kin.
“Ayen, my love!”
Natigilan ako nang biglang dumating si Aljen. Agad ako nitong sinugod ng yakap, natatawang niyakap ko na lang din siya pabalik.
“Bakit ka ba biglang nawala nang gano'n? Sobra akong nag-alala,” sabi ni Aljen saka inabutan ako ng paborito kong chocolate. Natatawang tinanggap ko na lang 'yon.
“Sinabi ko naman sa 'yo na nasa piling siya ni mayor, wala ka ng chance. Sumuko ka na,” napapailing na sabi ni Wrena saka tinapik-tapik ang balikat ni Aljen.
“Hindi 'yan, asawa nga naaagaw pa eh,” puno ng determinasyon na sabi ni Aljen. Napangiwi si Wrena.
“Mag-aabogado ka ba talaga? Bakit ganyan ka magsalitang hayop ka?”
Napailing na lang ako habang nakikinig sa bangayan nila, na-miss ko rin pala makinig sa palagi nilang pag-aaway. Kaunti na nga lang at iisipin kong sila talaga ang magkakagustuhan niyan sa huli eh.
Natigilan ako nang magring ang cellphone ko. Lumayo muna ako sa kanila na busy pa rin sa pagbabangayan saka sinagot ang tawag ni Arkia.
“Hello, Arkia.” Miss na agad ako ng batang 'to, parang wala pang isang oras akong umalis ah.
“Mama, pwede niyo po ba akong uwian ng kahit ano po?” tanong niya. Napangiti na lang ako.
“Ano ba'ng gusto mong ibili ko sa 'yo? Uuwian kita,” sabi ko na lang.
“Hmm, gusto ko po ng gummy bears, pati po ng gummy worms.”
“Iyon lang ba? Wala ka ng ibang gusto?” tanong ko pa.
“Iyon lang po, Mama. Hihintayin po kita, bye. I love you po.” Napangiti ako sa sinabi niya.
“I love you too,” sagot ko naman bago binaba ang tawag.
Natigilan ako nang mapansing nakatingin sa 'kin sina Aljen at Wrena nang matapos akong makipag-usap kay Arkia. Napalunok ako at napakurap, bakit ganyan sila makatingin sa 'kin?
“Sabi na sa 'yo eh, may something talaga sa kanila ni mayor. Tingnan mo nga at nag-I love you pa siya, mataas na ang stage ng relasyon nila,” napapatangong sabi ni Wrena.
“H-hindi, mali kayo ng iniisip. Hindi si---”
“Okay lang, Ayen. Hindi mo kailangang mahiya sa 'kin, kung talagang kay mayor ka sasaya wala na 'kong magagawa. Pero kapag sinaktan ka no'n, pasensyahan na lang kami kahit mayor pa siya,” sabi naman ni Aljen. Tinapik-tapik ni Wrena ang balikat niya.
Sinubukan kong ipaliwanag sa kanila na hindi si mayor ang kausap ko pero hindi nila ako pinaniniwalaan. Sumuko na lang ako sa pagpapaliwanag at hinayaan na lang silang paniwalaan ang gusto nila.
Wala kaming ginawa kundi ang magkwentuhan maghapon, halos nalimutan ko na ang oras.
Kinuha ko na ang mga damit ko rito sa bahay ni Tita Celina at inilagay sa kotse. Nagtatanong sila kung bakit pinahiram ako ng kotse ni mayor, nagpalusot na lang ako.
Nagpasama na rin ako sa kanila na bumili ng gummy bears at gummy worms sa malapit na tindahan. Nagtataka sila kung bakit bumili ako no'n, nagpalusot na lang ako na namimiss ko kumain ng matatamis.
Ginalingan ko na lang talaga magsinungaling dahil observant si Aljen.
“Pahingi ako ng gummy worms,” sabi ni Wrena at akmang dudukot ng gummy worms sa plastic nang tampalin ko ang kamay niya.
“Wag mong pakialaman 'yan, puputulin ko ang kamay mo eh,” pananakot ko sa kanya. Napasimangot naman siya.
“Kailan ka pa naging madamot ha?” nakataas-kilay na tanong niya. Napailing na lang ako.
“Sige, aalis na 'ko ha. May pinapabili pa sa 'kin si mayor eh. Bye!”
Hindi ko na sila hinintay na sumagot, sumakay na agad ako sa kotse at pinaandar 'yon.
Nagpunta ako sa grocery para bumili ng mga kailangan ko, pati panglaman sa ref bumili na rin ako.
Hindi ko ginamit ang card na binigay ni mayor. May pera pa naman ako, pakiramdam ko kasi makakaagaw ng atensyon ang card na 'yon, saka pwede ba ipambili 'yon sa kung saan-saan? Alam ko sa mga sosyal na stores lang nagagamit ang gano'ng card.
“Thank you po,” nakangiting sabi ko sa staff na tumulong sa 'kin ipasok ang pinamili ko sa kotse.
Agad kong kinuha ang cellphone ko pagkapasok ko sa kotse upang i-text si Arkia. Malamang matagal naghintay sa 'kin ang batang 'yon.
Pauwi na 'ko, alam kong na-miss mo ko hahaha. I love you! ❤
Napangiti na lang ako at akmang paaandarin na ang kotse nang magvibrate ang cellphone ko. Ang bilis naman magreply ni Arkia.
Napakunot ang noo ko nang mabasa ang reply niya.
What the f**k are you saying?
Kailan pa natutong magmura si Arkia? Nahawa na ba agad siya sa Papa niya?
Natigilan ako nang umangat ang tingin ko sa pangalan ng pinagsend-an ko ng message. Nanlaki ang mga mata ko habang nakatitig do'n.
Arken Zaviere