"Ano'ng gustong almusal ng baby ko?" Gusto kong matawa nang makita ko kung paano pasimpleng napangiwi si Arkia sa tanong ko. Ang satisfying talaga kapag naiinis ko siya. "Kahit ano pong iluto mo, okay lang po sa 'kin," sagot naman niya saka ngumiti ng matamis. Napatigil si mayor sa pagbabasa ng diyaryo at napatingin sa 'min ni Arkia. Yumakap naman ako kay Arkia saka pinisil ang malambot na pisngi niya. "Ang sweet mo talaga, Arkia. Bakit ba ako nagkaroon ng anak na kasing sweet mo?" tanong ko saka ngumiti sa kanya. Napairap siya sa 'kin nang muling ibinaling ni mayor ang tingin nito sa diyaryo. "Sweet ka rin po kasi Mama," plastik na sabi niya habang todo ismid, "Magluluto na 'ko!" kunwaring excited na sabi ko saka binuksan ang ref upang maghanap ng mailuluto. Pakainin ko kaya ng t