"Okay lang ako, mayor, hindi naman masakit." Hindi nagpatinag si mayor at tinuloy lang ang paggamot sa kalmot sa mukha ko at sugat sa gilid ng labi ko. Napakamot na lang ako sa batok ko at hinayaan na lang siya. Hindi na kasi maganda ang kutob ko sa mga ganitong paggamot niya ng sugat ko, kapag ginagamot niya ang sugat ko, may nangyayari palaging kakaiba, kung hindi halikan, ano naman... Basta, iyon. "Mayor, ano... Balak mo ba talagang barilin si Vierra kanina? O baka joke time mo lang 'yon?" tanong ko saka tumingin sa kanya. "I can kill whoever I want, I don't care if she's Arkia's mother," malamig na sabi niya saka muling nagfocus sa paggamot sa sugat ko. Napalunok na lang ako sa sinabi niya at alanganing ngumiti sa kanya. Kung gano'n pala, gano'n niya lang din kadaling patayin ako.