Chapter Twenty-One

3144 Words

Pinilit ko na lang na hindi intindihin ang sinabi ni Vierra bago siya umalis, pero hindi maalis 'yon sa isip ko. Alam ko namang iyon din naman ang kahahantungan ko sa buhay ni mayor, alam kong idi-dispatsa niya rin ako kapag sawa na siya, pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang tumakas, gusto kong lubusin ang mga oras na nandito pa 'ko at kasama si Arkia... at si mayor. "Hindi ka ba nalulungkot? Umalis na naman ang Mama mo," sabi ko kay Arkia habang sinusuklayan ang buhok niya. "Diba sabi niya naman bibisita siya? Saka inaasahan ko na rin naman na hindi niya ako maaalagaan. Basta wag kang aalis, okay na ako," sabi niya saka itinuloy na ang paglalaro ng barbie niya. Natahimik ako at napatigil sa pagsusuklay sa kanya. Ayaw niyang umalis ako, ayaw ni Arkia na iwan ko siya, pero an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD