Ayen ~ Hindi na yata normal ang tingin ko sa ilalim ng kama simula ngayon. "Does your back hurt?" Napatingin ako kay mayor nang lagyan niya ng shampoo ang buhok ko saka marahang hinaplos 'yon. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at umiling. Pulang pula na yata ang mukha ko ngayon. Nagpumilit siya na magsabay kaming maligo dahil baka raw masakit ang likod ko kahit ilang ulit ko ng sinabi na ayos lang ako. "Mayor, n-nahalata kaya tayo ni Vierra kanina?" nauutal na tanont ko. Laking pasasalamat ko talaga nang umalis din kaagad si Vierra kanina nang hindi kami nakita ni mayor. Hindi na lang sumagot si mayor at marahang sinabon ang leeg ko pababa sa balikat ko. Panay naman ang iwas ko ng tingin sa kanya. Sa mga hawak pa lang niya nakakaramdam na kaagad ako ng kuryente na dumadalo