"Bakit po dalawa ang Mama ko?" Napatingin kaming tatlo kay Arkia na nagtatakang nakatingin sa 'min ng tunay niyang nanay. Hindi ko alam kung ano'ng trip ni Arkia at tinanong niya pa 'yan kahit alam niya namang hindi ako ang tunay niyang ina. Siguro hanggang ngayon pinapanindigan niya pa rin ang pagpapanggap sa harap ni mayor. "She ain't your real mother, Arkia, I am," sabi ng babaeng nakaupo sa tapat namin ngayon habang naka-dekwatro pa. Lihim akong napaismid, sinasadya niya bang ipakita kay mayor ang maputi at makinis niyang mga hita? "Sino po ba kayo?" nakakunot-noong tanong ni Arkia sa babae. "I'm your mother, the one who gave birth to you, Vierra De Guzman," pagpapakilala niya sa sarili niyang anak. Saglit kaming natahimik. Napatingin ako kay Arkia na nakatitig lang sa ina ni