“Drink it.” Napatingin ako kay mayor nang abutan niya ako ng tubig. Nanginginig ang mga kamay na kinuha ko iyon saka uminom. Hindi ako makatingin ng ayos sa kanya, hanggang ngayon nanginginig pa rin ang buong katawan ko dahil sa nangyari. Natigilan ako nang magbukas ang pinto sa kwarto ni mayor. Pumasok si Arkia saka lumapit sa kama at umupo sa tabi ko. “Papa, ano'ng nangyari kay Mama?” tanong ni Arkia kay mayor. “Don't mind her and go back to your room now, it's late,” sabi ni mayor saka lumabas ng kwarto. Naiwan kaming dalawa ni Arkia sa kwarto. Nanatili akong tahimik at walang kibo, wala ako sa mood makipag-usap kahit kanino. “Gusto mo pa rin ba si Papa? Talagang nakakatakot siya, hindi ka makakatulog sa gabi kakaisip,” walang emosyon na sabi niya saka tumayo at hinarap ako. “Yo