"Bakit kanina ka pa tahimik?" tanong ko kay Arkia. Hindi siya sumagot at napatungo na lang habang nagbabasa ng bible. Napakamot na lang ako sa batok ko, bakit naman kaya hindi ako pinapansin ng batang 'to? "Alam ko na kung bakit. Galit ka siguro sa 'kin dahil pinahiya kita sa school 'no?" tanong ko pa. Hindi pa rin siya nagsalita at pinagpatuloy lang ang pagbabasa niya. Mukhang seryoso siya nung sinabi niya na mahilig siyang magbasa ng bible. Bakit hindi siya bumait? "Bahala ka, wag mo na lang akong pansinin. Balak pa naman kitang isama maggala sa labas dahil pinayagan tayo ng Papa mo, pero wag na lang pala," pagpaparinig ko. Natigilan naman siya at agad na napatingin sa 'kin. Pinigilan ko ang pagngiti ko nang mapansing napangiti siya sa sinabi ko. "Wag kang ngumiti riyan, nagbago