"Mama, ayos na po ba ang sugat mo?" tanong ni Arkia habang nakain ng sandwich. Napalunok ako at pasimpleng tumingin kay mayor. Hindi kami nito binalingan ng tingin, abala lang siya sa pagkakape. Mukhang hindi ito napuyat at mukhang masarap pa ang tulog. Grabe lang, ganyan lang ang reaksyon niya matapos niya akong halikan kagabi. Samantalang ako hindi nakatulog ng ayos kakaisip kung bakit niya ako hinalikan. Nagandahan ba siya sa 'kin? Naakit ba siya sa lips ko? Imposible namang hinalikan niya ako dahil lang sa may sugat ako. Kung iyon ang dahilan, lagi ko na lang susugatan ang sarili ko. "Okay na ang sugat ko beh, kiss lang pala ang sagot para mawala ang sakit," sabi ko saka ngumiti ng matamis sa kanya. Palihim akong natawa nang matigilan si mayor at napatingin sa 'kin. Napatikhim