CHAPTER 2

1538 Words
CHAPTER 2: Abandoned Hospital “You're not going out...” Umiwas ako ng tingin. Nang sambitin ni Mia kanina ang tungkol sa dapat pagsama ko sa camping trip, agad siyang tumalikod at lumabas ng classroom. Walang imik na umuwi ako rito. Ramdam ko ang galit sa mukha ni Dad pero nanatili ako sa kinatatayuan ko. Saktong pagpasok ko kanina rito nang bumaba si Dad. Hinarang ko ang katawan ko nang akma niya akong lalampasan. Ipinagbigay alam ko sa kaniya ang sinabing camping trip ni Mr. Ragas kahit batid ko nang hindi siya papayag pero sinubukan ko pa rin. At susubok muli ako. Gumalaw ang mukha ko. Inipon ko ang lahat ng lakas na mayroon ako ngayon para maibuka ang bibig ko at makatingin sa mga mata ni Dad. Nang magawa kong tumingin sa mga mata niya, bumuka ang bibig ko. “Sasama ho ako... Dad,” buong tapang na sabi ko habang sa mga mata niya pa rin nakatuon ang paningin ko. Inayos ni Dad ang necktie na suot niya at nilaliman ang titig sa akin. Palihim akong napalunok. Kitang-kita ko sa mukha ni Dad ang namumuong iritasyon. “Ganito ka ba... pinalaki ng mommy mo? I told you, you're not going out but you are prying and begging me to allow you—” “Lagi ho akong... pinapasali ni Mommy sa mga school activities—”Tumunog ang cellphone ni Dad. Sabay kaming napatingin dito. Sinagot ni Dad ang tawag, tumalikod siya at humakbang ng isang metro mula sa kinaaapakan ko. “No, don't cancel it. I will talk to Chairman Encinares. Barry is not only my friend but he's a hardworking and good doctor too. I can't afford to lose him... Chairman must give him a second chance,” rinig kong sabi ni Dad sa kausap nito.    Bumaling paharap sa 'kin ang mukha ni Dad. “Do what all you can. Chairman shouldn't leave hospital.” Sandaling natahamik si Dad bago ulit nagsalita, “okay, I'm on may way...” Sumenyas si Dad na umalis ako sa daraanan niya, nanatili lang akong nakatayo, hindi ako gumalaw. “What do you think you are doing?” “Sasama ho ako sa camping trip namin, Dad—” “Connor!” Halos mapatalon ako sa malakas na sigaw ni Dad. Hindi ko maalis ang tingin ko sa pulang mukha niya. Sinubukan kong iiwas ang paningin ko kay Dad pero wala akong nagawa nang mawala ang lakas na inipon ko kanina.   Pinasok ng kaba ang sistema ko. Bumaba sa cellphone na hawak ni Dad ang mga mata ko. Mas kinabahan ako. Rinig ko ang yabag ng paa mula sa likuran ko. Nagusot ang noo ko nang maramdaman ang kirot sa kaliwang braso ko. Dahan-dahang tumingin ako sa walang buhok na mama. Walang emosyon ang mukha nito. A-Anong g-gagawin niya sa akin? Humigpit lalo ang pagkakahawak niya sa braso ko. Namuo ang likido sa mga mata ko. Tumingin ako sa mukha ni Dad bago nagmamakaawang tumingin sa Mama. “Why do I have to take her here if I don't even know if she's my daughter or not?” Napaluha ako sa narinig ko mula kay Dad. Hindi pa rin siya naniniwalang ako ang anak niya... Padarag na binawi ko sa Mama ang braso ko. “'Wag niyo hong... hahawakan muli ang braso ko,” naiiyak ngunit matapang pa ring ani ko. Parang walang narinig ang Mama. Hinawakan nito ulit ang braso ko, mas humigpit na ito kumpara kanina. “Connor, I really hated her. H'wag niyong palalabasin ang anak ni Raina—” “Bakit niyo pa... ginagawa 'to kung sa tingin niyo, hindi ako...” Tumulo ang unang butil ng likido mula sa mga mata ko. “... ang anak ng kamamatay lang ng dati niyong asawa, Dad?” Hinayaan kong lumandas ang luha sa pisngi ko. “I will be busy tonight until tomorrow. 'Wag niyong palabasin ang batang 'yan. I need to check our DNA results before I let her walk out of my house...” walang ganang sabi ni Dad. Nagsimulang makaramdam ako ng p*******t sa lalamunan. Pinigilan kong kumawala ang pag-iyak sa bibig ko kaya mas naramdaman ko ang sakit nito. “Bakit ho... hindi niyo masambit-sambit ang pangalan ko?” Muling namasa ang magkabilang pisngi ko. “Gano'n n'yo na lang ho ba... ikinahihiya ang pangalan ko?” Lumuwag ang pagkakahawak ng mama sa braso ko. “I'll go now.” Sinundan ko ang papalayong likod ni Dad. Nang malapit na si Dad makalabas ng pintuan, nagsalita ako. “Bakit ho... kayo naghiwalay ni Mommy, Dad?” Pinunas ko ang luha sa pisngi ko. Hindi ko pa tuluyang napupunas ang lahat ng may basang parte sa mukha ko nang sumagot si Dad. “I have nothing to say to you. Don't ask me about this nonsense question again.” Nakagat ko ang labi ko. N-Nonsense? Pinanuod ko ang malamig na pagtalikod at paglakad ni Dad palabas ng bahay. Nang mawala na sa paningin ko si Dad, binitawan na ng Mama ang braso ko. “Huwag niyong palalabasain ang batang ito,” bilin nito sa ilang kasambahay na nandito sa salas bago sumunod kay Dad. Dad. Bakit ganito sa akin? Sa sobrang sakit ng dibdib ko umakyat ako sa kwarto at humilatay sa kama. Hinayaan kong pasukin ng dilim ang sistema ko. ♪ ♫ “Jumbo, Jumbo, kaya mo ba 'to? Kaya mo ba 'to?” ♪ ♫ Rinig kong awit ng kung sino mang tao dito sa kwarto ko. Napamulat ang mga mata ko. “Anong... ginagawa n'yo ho rito?” Nahihiyang tumigil sa pagkembot-kembot ang Ale. Ibinababa nito ang hawak niyang vacuum cleaner at malapad na ngumiti paharap sa akin. Imbis na hintayin ang sagot nito, tumingin ako sa orasan at napatingin muli sa Ale nang makitang alas kwatro pa lang ng madaling araw. “Shh... Balita ko hindi raw umuwi kagabi ang suplado mong ama?” Mas lumapad ang ngiti ng Ale. “Balita ko rin... hindi ka pinayagaan? Naku, noong isang linggo may date sana kami ng nobyo ko kaso hindi pumayag ang suplado mong ama. Kasalanan niya... kung pinayagaan niya sana ako, eh, hindi ako hihiwalayan ni Hernan—” “Pasensiya na ho... Hindi ho ako interesado sa kuwento niyo,” seryosong ngunit may respito pa ring sabi ko. Sinadya niya ba na maglinis ng madaling araw dito para lang gisingin at sabihin sa akin ito? Tumayo ako at naglakad papasok sa banyo. Akmang isasara ko ang pinto nang marinig ko ang pabulong na wika ng Ale. “P'wede kang... sumama sa kanila. Tatlong gabi raw hindi uuwi ang daddy mo...” Hindi ako umimik. Tatlong araw hindi uuwi? Nang marinig ko ang dahan-dahang pagsara ng pinto ng kuwarto ko, umukit ang ngiti sa mga labi ko. “Yes!” Dali-daling naligo ako at inayos ang mga gamit na kakailanganin ko. Nang maalala ang reaksiyon ni Dad kahapon, biglang nawala ang sayang naramdaman ko. Nagdalawang-isip pa ako kung aalis ako o hindi. Sa huli, kinuha ko ang bag na dadalhin ko at maingat na naglalakad pababa ng hagdan. May kadiliman pa nang bumaba ako. Wala akong nakitang kasambahay kaya walang ingay na nilakad ko ang daan palabas ng gate.     “Taxi!” Huminto ang taxi sa gilid ng gate namin. Binuksan ko ito at akmang papasok nang may humintong sasakyan sa unahan ng nakahintong taxi. “Zaria!” Awtomatikong umangat ang mukha ko. Hinanap ng mga mata ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Matamis na ngumiti ako. Mia... “Manong, hindi na ho ako sasakay!” pasigaw na sabi ko sa driver. Binuksan ni Mia ang passenger seat, agad naman akong pumasok. “This trip might take us to a new version of ourselves. Are you... ready to go, Zaria?” Ngumiti ako pero hindi ngumiti pabalik si Mia. Ngumuso ako. Galit pa ba siya sa akin? “You still have a chance to go out of my car if you don't want to—” “Hindi, gusto kong sumama,” deretsong sabi ko. Tumango si Mia. “Let's go, Mang Herman...” Habang nasa biyahe, nakadungaw ako sa bintana. Inaaninag ko ang mga dinaranan naming gusali. Ilang minuto pa ang lumipas nang sumikat na ang araw at buong lingaw ko nang nakita ang malalaking gusaling dinaraanan namin.  “Ah, Mia, akala ko... sa bus tayo sa sakay sabi ni Mr. Ragas—” “Did you forget? I told you yesterday. Were going together.” Sandali akong napatingin sa walang emosyong mukha ni Mia. “Let's go together to our camping place tomorrow then...” Tipid na ngumiti ako nang maalala ang sinabi niya kahapon. Kahit parang pakiramdam ko may galit sa akin si Mia, masaya pa rin ako na makasama siya sa camping trip na ito. “Do you mind if I spray perfume here, Zaria?” “A-Ayos lang...” inaantok na sabi ko. Napahawak ako sa ulo ko nang makaramdam ako ng sobrang pagkaantok. Pagpikit at pagmulat ko, huminto na ang sasakyan ni Mia sa harap ng isang abandonadong ospital. Nakaramdam ako ng sobrang kakaiba. Ilang oras akong nakatulog, at bakit ako nakatulog? Nagtatanong na tumingin ako sa nakangising Mia. Anong ginawa mo sa 'kin at a-anong... ginagawa natin dito, Mia?    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD