CHAPTER 3: MIA'S PLAN
“What are you... thinking, Zaria?” Tumingin sa abandonadong ospital si Mia. Mabilisan n'yang tinitigan ito bago ipinihit ang mukha niya paharap sa akin.
Ano bang... iniisip ko?
Umiling ako. Huminga ako nang malalim at inayos ang jacket na suot ko. Inalis ko ang kakaibang pakiramdam sa sistema ko, ngumiti ako.
“Nandito na ba... tayo? Dito na ba ang camping trip natin, dito na?” sunud-sunod na tanong ko habang sinusuyod ng tingin ang kabuuan ng lumang gusali.
Bakit parang... hindi naman nakaka-relax ang lugar na 'to?
Tiningnan ko sa gilid ng mata si Mia.
Natural lang ba talagang... walang ekspres'yon ang mukha mo, Mia?
Ibinalik ko ang atens'yon ko sa buong ospital.
Hindi gaanong malaki ang sukat nito. Kulay puti ang pintura pero dahil sa walang naglilinis dito, maruning puti na ang kulay nito.
Sira at basag ang magkabilang pinto, gano'n din ang mga bintana. Subalit iba ito sa mga nakita kong gusaling inabandona. Kadalasan, may mga nakasulat sa ding-ding ng mga iyon, may mga ibon ring tumitira sa loob pero hindi ang abandonadong ospital na ito.
Pinaliit ko ang mga mata ko habang deretsong tinititigan ang pinto nito.
Hindi kaya...
“May multo rito... kaya kahit ibon takot pumasok?” Sinadya kong lakasan ang boses ko para marinig ni Mia.
Ngumiwi ako.
Wala akong narinig na sagot. Dahan-dahang bumaling kay Mia ang paningin ko.
Tumingin ako sa mga mata niya.
“Sigurado ka bang dito ang lugar na sinasabi ni Prof, Mia—”
“Don't go anywhere. Just follow my back.” Lumabas ng sasakyan si Mia.
Hindi ako nakagalaw.
Dito ba talaga... ang camping trip namin?
Napatingin ako sa bulsa ng jacket ko nang bigla itong tumunog. Kinuha ko ito at sinagot.
Dad...
Binasa ko ang labi ko. Inilapit ko ang cellphone sa kaliwang tainga ko.
“Zaria, where are you? Tell me. Susundin kita...” Hindi ako umimik.
Tama bang... narinig kong sinambit niya ang pangalan ko?
“Zaria, hija?” Hindi pa rin ako sumagot.
Unti-unting inangat ko ang kamay ko. Pinunas ang luha sa pisngi ko.
“Did you eat before you left? Do you have an allowance? Snacks, do you have it—”
“Possitive ho?”
Hindi ka mag-aalala kung hindi, Daddy...
“Zaria... I'm sorry I shouldn't have treated you as someone I didn't know. Can you forgive what your father did to you... my daughter?” Mariing pinakinggan ko ang tono ng boses ni Dad.
Hindi ako sanay sa malabing na pananalita mo, Dad.
“Zaria, are you mad at me, hija—”
“Zaria, I'm waiting...” Napalingon ako nang tawagin ako ni Mia.
Bumuntong-hininga ako.
“Tatawagan ko na lang ho kayo, Dad.” Pinatay ko ang tawag. Pilit na ngumiti ako bago bumaba at sinundan ang likod ng Mia.
Pumasok kami sa loob.
May multo kaya rito?
Kinalabit ko si Mia. “Mia... bakit ang tahimik—”
“Don't talk. I don't want to hear your voice...” Parang hinampas ang dibdib ko sa mga katagang sinambit ni Mia.
Pinigilan kong 'wag tumulo ang luha ko. Bumuka ang bibig ko, huminga ako. Sinubukan kong magsalita nang 'di nauutal.
“Nandito ba o nasa likod ang mga classmates natin?”
Hindi sumagot si Mia.
Nagpatuloy kami sa paglakad. Hindi ko tinatapunan ng tingin ang mga k'wartong dinaraanan namin. Hindi ko rin namalayang huminto si Mia, tumama ang noo ko sa ulo niya.
“A-Ah, p-pasensiya na...” nahihiyang sabi ko.
“It's okay.” Nabigla ako nang hawakan ni Mia ang balikat ko. Inayos niya rin ang jacket ko.
Nahiya ako sa ginawa niya kaya yumuko ako. “Pasensiya na uli, Mia.”
“It's okay, Zaria...” agad na sagot niya.
Umangat ang mukha ko saka matipid na tumango.
Bumukas ang pinto ng kuwartong kaharap namin. Tumingin sa loob so Mia kaya ganoon din ang ginawa ko.
Maliwanag ang paligid kaya tanaw ko ang loob nito. May mga kagamitan at makina akong nakita kaya nasisiguro kong nasa laboratoryo kami.
Lumiwanag ang mukha ko. Kahit maalikabok na ang mga makina, nawiwili pa rin akong titigan ang mga ito.
Ngayon lang ako nakakita ng mga ito sa malapitan...
Nakangiting inihakbang ko ang mga paa ko habang pinag-aaralan ang gamit ng mga makina sa loob.
“Gumagana pa ba ang mga ito—” Kasabay nang paglingon ko paharap kay Mia ang pagsara ng pinto.
Kinabahan ako.
Bumuka ang bibig ko para magsalita pero umalingaw-ngaw na ang malakas na pagsara ng mga bintana. Dumilim ang loob ng laboratoryo. Naugat ang mga paa ko sa kinatatayuan ko.
A-Anong nangyayari?
Tumitig ako nang ilang sandali sa madilim na pinto 'tsaka inipon ang lakas ko para ibuka ang bibig ko.
“M-Mia! A-Ano'ng... ginagawa mo?” nanginginig at kinakabahang ani ko. Mahina pero alam kung rinig 'yon ni Mia.
Napahawak ako sa magkabilang laylayan ng bag na suot ko. Ang walang ingay na paligid. Ang walang ibang taong nandito.
M-Mia...
Sumakit ang lalamunan ko. Hindi ko mapigilan ang takot na bumabalot sa katawan ko. Nahihirapan akong huminga. Pinagpapalo ko ang dibdib ko habang tumutulo ang mga luha ko.
Nanginginig ang mga tuhod kong lumapit sa pintuan.
“H-Hindi rito... a-ang camping trip—”
“Stupid.”
Humagulgol ako sa takot.
“M-Mia...”
Hinawakan ko ang doorknob. Sinubukan kong buksan ito pero walang nangyayari.
“Mia! Ilabas mo ako rito, Mia! Mia!” Pinagsisipa ko ang pinto. Dahil sa mga puwersang pinakawalan ko,
nanghina ako nang husto.
“Mia...” Bumagsak ang katawan ko sa gilid ng pintuan.
“P-Parang... awa mo na, Mia...”
Wala sa sariling umiyak ako habang pinagdadasal na makalabas ako. Sising-sisi ako sa nangyari. Nagtiwala ako kay Mia kahit pakiramdam kong may mali sa mga ikinikilos niya. Nagbulag-bulagan ako dahil gusto ko siyang maging kaibigan, hindi ko dapat sinuway si Dad, hindi dapat ako umalis ng bahay.
Wala akong nagawa kundi ang iiyak ang lahat ng pagkakamali ko. Sinisisi ko sarili ko, kasalanan ko lahat ng ito.
Nabuhayan ako at napaayos ng upo nang may maalala.
Si Dad...
Kinapkap ko ang cellphone sa bulsa ng jacket ko. Wala ang cellphone ko. Kinakapkap ko uli sa kabilang bulsa nito pero wala talaga.
Nanghihinang hinawakan ko ang doorknob.
“M-Mia... A-Anong atraso ko... sa 'yo?” Walang lakas na bumitaw ang kamay ko mula sa pagkakahawak sa doorknob nang biglaang nagsalita si Mia.
Sumikip ang dibdib ko. Tumulo nang tumulo ang luha sa short na suot ko.
Tama ka, Mia. H-Hindi dapat ako... s-sumama sa 'yo.
Nanghihinang sinandal ko ang ulo ko sa may pintuan. Muling tumulo ang luha ko nang marinig kong muli ang mga katagang sinambit ni Mia.
“Trusting people you don't really know may betray nor... kill you. You must know that, Zaria...”