CHAPTER 1

1274 Words
CHAPTER 1: Camping Trip “New classmate?” “Another annoying girl, huh?” “She's not pretty. She's not belong here...” “Agree. She might ends up humiliating herself.” Binitawan ko ang kutsara at kagat-labing yumuko. Kanina ko pa naririnig ang mga tsismis ng katabi naming lamesa. Panay din ang sulyap nila sa akin, ayoko na sanang intindihin pero hindi ko maiwasan, lalo na kapag naririnig ko ang pangliliit nila sa akin. “Don't mind them. Lift your face up and eat like no one's glaring at you...” Nanghihinang nagpakawala ako ng buntong-hininga. Ganito ba talaga sila rito? “Just... don't mind them, Zaria.” Hindi pa rin umangat ang mukha ko. “Are you shy being a transferee here, huh, Zaria?" Dahan-dahang umangat ang mukha ko, tumingin ako kay Mia. Mula nang pumasok ako kahapon, siya ang unang nakipagkilala at nagkuwento sa akin. Siya lang din ang tumingin na isa akong estudyante rito sa Danton University, hindi tulad ng tingin ng iba. Tinging isa akong mumurahing bag na kahit sa ukayan ay walang ni isa ang bibili. Gano'n silang lahat... pero hindi si Mia. “Don't be, Zaria...” Tumango ako, hinawakan ko ang kutsara saka sumubo. Ramdam ko ang mga pares ng matang nakatitig habang pinanonood ang pagsubo at pagnguya ko. “Guys, look at her. I think she'll gonna cry...” “Tss. I'm certain that she's the most boring here...” “Yeah, agree. But she's trying so hard just to stay silent. I can't stand seeing her like that. Super duper weak, tch.” “Kapag 'di 'yan umalis dito as soon as possible... I'm telling you, ako na ang magpapalis sa kaniya. I'll do everything, guys. Everything!” “You don't have to do that, Sis. Wait... bakit magkasama sila ni Mia?” “She was with her because of Mia's wealth...” “Is that so—” “Of course, Girl. Mia is the only child of Propesor Chua, one of the most well-known doctor. That's why that annoying weak... approarched her.” Akmang yuyuko ako nang hawakan ni Mia ang braso ko. Hinigit niya ako patayo. Nabitawan ko ang kutsara bago napasunod sa papalabas na likod ni Mia. Lumabas kami ng cafeteria. “Are you that stupid to hear their babbling, Zaria? I told you yet you ignored my words. Tell me, do you really want to be friends with me?” Padarag na binitawan ni Mia ang braso ko. Tumingin ako sa mukha n'ya. Tinitigan niya ng deretso ang mga mata ko. “I don't need a friend like you.” Nanikip ang dibdib ko sa sinabi ni Mia. Mas lalo pa itong naninikip sa inis na nakaukit sa mukha niya. Naramdaman ko rin ang namumuong sakit mula sa lalamunan ko. “Mia, b-bakit—” “Don't... talk to me. I don't want to be a display for someone to gain more attention, Zaria.” Kumurap ang mga mata ko. Binato niya ako ng naiintindihan mong tingin bago siya tumalikod at naglakad paails. Napatingin ako sa paanan ko. A-Anong... nagawa ko? Lumunok ako 'tsaka naglakad. Pumasok ako sa classroom. Nakita kong may kausap sa cellphone si Mia. Nakatalikod siya kaya hindi niya napansin ang pagpasok ko. Ilang sandali ay humarap na siya pero nilampasan niya ako ng tingin. Wala sa sariling umupo ako sa upuan ko. Galit ba... siya sa akin? Tumingin ako sa unahan at pinanood ang pagpasok ng unang propesor sa hapong klase namin. Prof. Theya Quinto. Hindi kumukukurap ang mata ko hanggang sa matapos magturo si Prof Theya. Lumakad na ang propesor palabas pero nanatili sa unahan ang paningin ko. May pumasok na bagong propesor pero hindi ko pa rin nagawang sumulyap man lang dito. “Good afternoon... I have something to say to you all after finishing our lecture later. For now, prepare yourself for another new lesson...” Dahan-dahang bumaling ang mukha ko sa hindi ko pa nakikilalang propesor. Wala kasi ito kahapon at ngayon lang pumasok. “So... let's start, shall we?” Umawang ng konti ang bibig ko nang magsimula itong magsalita. Nakaramdam ako ng antok kaya nawala sa nagsasalitang propesor ang atensy'on ko. Nabalik lamang ang atensy'on ko rito nang magsitilian ang mga kaklase ko. “Camping Trip? Woh!” “Anong susuotin ko, anong susuotin ko?” “Naku! Dapat mag-beuty rest ako—” “Pathetic! Your face were so ugly. You'll just waste your money, tss...” “You're so mean, Sis. But I like you!” “Grabi naman kayo! May i-gaganda pa rin 'tong friend ko, 'no—” “Let's see then...” “Enough.” Pansamatalang natigil ang ingay dahil sa ma awtoridad na boses ng propesor. Umayos ako ng upo. Kinuha ng propesor ang mga gamit nito 'tsaka dahan-dahang naglakad. Huminto ito malapit sa pintuan. “Again, don't bring unnecessary things and arrive before six in the morning with your parent permit.” “Noted again, Sir!” “Okay, let's meet there at the gate, goodbye.” Akmang lalabas na si Prof nang sumigaw ang katabi kong lalaki. Payat ito halatang pilosopo. “Mr. Ragas, I love you ho kahit may pagkagurang ka na—” Awtomatikong humarap si Prof. Namasa ang kamay ko nang gusot ang noong tumingin sa 'kin si Prof. Tinitigan niya ako ng sandali bago tumingin sa katabi ko. “You're not... allowed to be with us tomorrow. And one thing, I'm just forty-one, choose your words next time... I really hate to say this but, you might ends up my student again next year,” napakaseryosong usal ni Prof tapos tumingin ulit sa 'kin. “They didn't inform me that I have a new student.” Sandaling nitong inaral ang reaskyon ko. Iyong titig niya sa akin ay parang sinasabi niyang hindi ako nababagay dito. Patagong bumuntong-hininga si Prof bago tuwid na tuwid na lumakad palabas ng classroom. Tipid na napangiti ako sa natanto kong gustong sabihin ni Prof, sigurado naman akong gusto ko rito kahit lait-laitin ako ng mga kaklase ko. Gusto kong sabihin kay Prof na 'wag siyang mag-alala, gusto ko ito at magiging maayos din ang lahat subalit nang marinig kong muli ang tsismisan ng ilang kaklase ko, nawala ang ngiting tipid sa mga labi ko. “I told you, Sis. That newbie is the worst and dumb student here... She must leave here now. Pathetic—” “I already know that.” Nagsilabasan na ang mga kaklase ko. Nanatili akong nakaupo. Gusto kong umiyak sa hiya at kumuripas ng takbo paalis pero naugat ang p***t ko sa upuan. Mahigpit na hinawakan ko ang suot kong relo. Bakit... ganito sila sa akin? “You look stupid...” Hindi ako lumingon. Pati ba naman siya? “I told you... But you never listened to me.” Nanubig ang mata ko, bago siya harapin, pinunas ko muna ang luhang tumulo sa pisngi ko. “M-Mia...” Naglakad siya papalapit sa kinauupuan ko. “Be my friend... They'll never hurt you.” Napatitig ako sa seryusong mukha ni Mia. Gumaan ang pakiramdam ko, nawala ang hiya at pagkabigo na kanina ko pa dinadamdam. Napangiti ako. “Sige—” “Let's go together to our camping place tomorrow then...” Unti-unting kumurap ang mga mata ko. Camping trip? Nawala ang ngiti ko nang maisip na hindi ako papayagan ni Dad na sumama sa kanila. “Zaria?” Lumandas pataas ang titig ko, tumingin ako sa mga mata ni Mia. Tumaas ang kilay niya at hinintay ang sagot ko. Bigla akong nakaramdam ng lungkot. K-Kailangan ko ba talagang... sumama sa camping trip para kaibiganin mo ako... Mia?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD