PROLOGUE
[This is a novelette story. Enjoy reading!]
PROLOGUE:
Tumigil ang sinasakyan nila sa harap ng isang abandonadong ospital.
“'Andito na ba... tayo? Dito na ba ang camping trip natin, dito na?” sunud-sunod na tanong ni Zaria habang sinusuyod ng tingin ang kabuoan ng lumang gusali.
“Don't go anywhere. Just follow my back.” Ngumiti si Zaria bago bumaba at sinundan ang likod ng kasama nito.
Pumasok sila sa loob.
“Nandito ba o nasa likod ang mga classmates natin?” Ngumuso si Zaria nang wala itong narinig na sagot.
Nahinto ang mga paa nila sa harap ng isang laboratory. Maliwanag ang paligid kaya tanaw ni Zaria ang loob nito. Nakangiting inihakbang niya ang kaniyang mga paa habang pinag-aaralan ang kagamitan sa loob.
“Gumagana pa ba ang mga ito—” Kasabay nang paglingon ni Zaria paharap sa kasama nito ang pagsara ng pinto.
Bago pa man siya nakapagsalita, umalingaw-ngaw na ang malakas na pagsara ng mga bintana. Dumilim ang loob ng laboratory. Hindi gumalaw si Zaria.
Tumitig siya ng ilang sandali sa madilim na pinto 'tsaka inipon ang lakas para ibuka ang bibig niya.
“A-Ano'ng... ginagawa mo?” nanginginig at kinakabahang ani niya. Sinusubukan niyang maging kalmado at pilit isinasaisip na hindi iyon nangyari, na hindi iyon totoo.
Pero kahit anong pagkalma ni Zaria sa sarili nito, hindi niya mababago ang katotohanang nakakulong siya sa isang gusaling inabandona, madilim at may nakakapangilabot na amoy.
Napahawak si Zaria sa magkabilang laylayan ng bag na suot niya.
“H-Hindi dito... a-ang camping trip—”
“Trusting people you don't really know may betray nor... kill you. You must know that, Zaria...”