CHAPTER 4: Locked Together
Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na akong nakasadal dito sa likod ng pintuan. Wala akong maramdamang naiihi kaya sigurado akong wala pang apat na oras akong nakaupo rito.
Tumayo ako. Hinawakan ko ang doorknob. Sinubukan kong buksan ang pinto pero tulad kanina, hindi ito bumukas.
Sinubukan ko uli. Nang may marinig akong dalawang magkaibang boses, awtomatikong huminto ang kamay ko sa pagbukas.
Malumanay at mukhang naguguluhan. Iyon ang unang boses na pumasok sa tainga ko.
“Are you sure? Is she the daughter of that director?” Nagsalubong ang mga kilay ko.
“I will not called you if I'm not...” Ang pangalawang boses ang nakapagkuyom sa palad ko.
Ang boses na iyon... Mia.
“Don't tell me you're going to hurt her? Don't, Mia—”
“Don't say that. I'm not yet started.”
“Why are you doing this—”
“You know why, Dad...”
“But she's innocent—” Bumukas ang pintuan.
Napapikit ako sa liwanag na biglang pumasok dito sa loob. Matagal nanatili sa dilim ang paningin ko kaya ramdam ko ang kirot nito.
“Don't be scared, hija.” Agad na tumama sa lalaking nakasuot ng pang-doktor na damit ang paningin ko.
“I will not hurt you...” Tumingin ako sa mukha ng Mama.
Hindi pa gaanong kulubot ang balat nito. Tantiya ko, matanda lang siyang isa o dalawang taon kay Dad.
“Sino ho kayo—”
“Do you know why your mom broke up with your dad?” Naguguluhang bumaling ang mukha ko paharap kay Mia.
Paanong...
“Do you know why, Zaria?” Mahigpit na isinara ko ang palad ko.
Nalaman niya ang tungkol do'n?
Humakbang papalapit sa akin si Mia. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya.
“Do you want me...” Inilapat niya ang palad niya sa buhok ko. “To tell you, Zaria?” Hinugot niya ito nang walang nakuhang sagot mula sa akin.
Humigpit ang pagkakahawak ni Mia sa buhok ko. Itinaas niya rin ang mukha ko. Kahit nararamdaman ko na ang panghahapdi, nanatili pa ring sara ang bibig ko.
“You're crazy. Ayaw mo bang malaman, huh—”
“Mia, stop it! Umalis na tayo. Let her go—”
“Shut up, Dad! If you can't give me your support then leave. Leave, now!” Nambilog ang mga mata ko sa biglaang pagsigaw ni Mia.
Ang palaging walang ekspres'yon ng mukha niya ay napalitan na ng galit.
“I won't let you do this to her, Mia—” Mas lalong bumilog ang mata ko nang bitawan ni Mia ang buhok ko at may kinuha sa bulsa nito.
Isang injection.
“Leave now, Dad. If you don't... I will inject this poison to this girl. She'll be paralyze and immediately die—”
“Don't do this, Mia—” Muling hinawakan ni Mia ang buhok ko. Ipinosis'yon niya sa kanang parte ng leeg ko ang injection.
Namasa ang mata ko.
Anong—bakit niya ginagawa 'to?
“Tell me if you know why your parents ended up separated. Tell me, Zaria, tell me,” madiin at nangigigil na sabi ni Mia.
Napaluha ako.
Bakit niya pa ako tinatanong kung alam niya na ang sagot?
“M-Mia...” Nanginginig ang labi kong inalala ang pangyayari noon.
Tumulo ang pawis mula sa noo ko, pumasok sa magkabilang tainga ko ang mga sigawan nila Mom at Daddy noon. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Wala pa rin akong maintindihan.
“Orwell! How could you do that to her?! She's still young!”
“I did what her father told me to—”
“You're not thinking, Orwell! You are not thinking!”
“'She's dying! Her chance of living is just only 5℅—”
“You idiot, Orwell! She's not in pain nor dying—”
“You're just my wife, Raina! You don't know anything!”
Nanunubig ang mga matang bumaba ang mukha ko.
“How could you spilled that words if you never treated me as your wife even at once?!”
“Let's separate, Raina! Make sure you'll take your child before you leave my house...”
Pitong taon na mula nang maghiwalay sina Mom at Dad. Tulad ng huling katagang sinambit ni Dad kay Mom noon, isinama ako ni Mom sa pag-alis niya.
Tumira kami sa matandang dalagang tiyain ni Mom hanggang mamatay noong nakaraang dalawang linggo si Mom. Hindi pa tapos ang burol nang bigla akong nilapitan ng isang Mama. Ang mamang si Connor, ang driver ni Dad, at sapilitang isinakay sa sasakyan.
Nalulungkot man, wala na akong nagawa.
“Look at me and tell me now, Zaria.” Hindi ako sumunod.
Wala na akong pakialam sa gawin niya sa akin.
Pero hinding-hindi ko na susunduin ang sasabihin mo, Mia.
“Zaria!” Ramdam ko ang inis at galit ni Mia subalit nanatili ang mukha ko sa posiyon nito.
Wala akong alam sa hiwalayan ni Mom at Dad. Ayoko na rin malaman pa kung ano man iyon.
At kung sino ang tinutukoy nila.
Kakalimutan ko na ang kuryusidad na namuo sa akin noon...
Umangat ang mukha ko, walang ganang tinapunan ko ng tingin si Mia.
“Paalisin mo na ako rito, Mia. Alam mo na ang sagot sa tanong mo, hindi mo na kailangan pa akong pigain—”
“Your dad is not a doctor, Zaria. He's a... murderer.” Lumuwag ang pagkakasara ng palad ko.
Ano'ng... pinagsasabi mo, Mia?
Bumuka ang bibig ko pero wala ritong lumabas.
“He's a monster! He killed my mom and sister! Because of your father...” Mas inilapit ni Mia ang injection sa leeg ko. “B-Because of y-your f-father...” Naramdaman ko ang panghahapdi sa leeg ko kaya kinabahan na ako.
“Leave now, Dad. If you don't... I will inject this poison to this girl. She'll be paralyze and immediately die—”
Nanigas ako nang maalala ang mga katagang iyon. Humigpit muli ang pagkakasara ng palad ko.
Ayoko pang... mamatay.
“I've been in pain longing for a mother's hug, for a sister's love. I'm a girl whom never got a chance to be child...”
Akmang ituturok na ng tuluyan ni Mia ang injection sa leeg ko nang biglang sumara ang pinto.
“Dad?” Dumilim ang paligid.
Hindi ko binago ang posiyon ko dahil ramdam ko pa rin ang injection sa may leeg ko.
“Dad?!” Nakahinga ako ng maluwag. Wala na akong kahit anong nararamdamang bagay sa leeg ko pero kinakabahan pa rin ako.
Mas dumoble pa ito nang matanto kong na-lock ang pinto. Nababahala rin ako dahil 'andito si Mia. Hindi siya magdadalawang isip na saktan at patayin ako.
“Open this door! Dad! Open it!” Wala akong makita pero rinig ko ang pagsipa at hampas ni Mia sa pintuan.
Pursigido s'yang makalabas pero tulad ko kanina, hindi siya makakalabas. Umatras ako hanggang sa maramdaman ko ang lamig mula sa pader na tumatama sa binti ko.
“Open it!”
Nakailang sigaw na si Mia pero hindi pa rin siya tumitigil. Sisigaw, sisipa at kakatok. Iyon ang walang tigil na ginagawa niya.
Umupo ako sa sahig.
“Hindi iyan bubukas. H'wag mo nang subukan. Tumigil ka na, Mia,” wala sa sariling sabi ko.
“Don't you dare to give me an order, Zaria—”
Naghalo-halo ang nararamdaman ko, ang kaba, takot at inis kay Mia. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sinagot ko si Mia.
“Hindi ka ba nabibingi sa ingay mo? Sa totoo lang, wala ka naman makukuha d'yan—”
“How dare you to talk to me like that, huh?!” Napatayo ako nang maramdaman kong papalapit sa direksiyon ko si Mia. Napahawak ako sa ding-ding. Wala akong makita.
“I don't care if I become a murderer like your father! I will kill you now! I will!” Sobrang nanginig ang mga tuhod ko.
M-Mia...
Kahit madilim, mas iminulat ko pa ang mga mata ko. Hinubad ko rin ang bag ko para kung sakali man, may mai-sasagang ako.
“You'll die—” Biglang kumalabog ang bintana.
Natigilan kami pareho.
“Dad?” Tumunog ang sapatos na suot ni Mia. Hudyat na naglalakad na siya palayo sa akin.
“Dad, are you there? Is that you? Dad?”
Natatakot man, nanatili ako sa kinatatayuan ko.
Sino ang taong.. nagpakalabog sa bintana?
Nagpatuloy akong pakiramdaman ang madilim na paligid. Ipinikit ko pa ang mga mata ko para mas maramdam ang presensiya ng kung sino man ang taong iyon.
“Zaria!” Napamulat ako.
Anong...
Agad nanlaki ang mga mata ko nang pagmulat ko, isang apoy na ang namomoong kumalat papasok sa bintana.
“Zaria!” Natulala ako. Naugat ang paa ko sa kinatatayuan ko.
Bakit... hindi, sino?
Sino ang may gawa nito? Sino ang taong iyon, bakit niya... gustong sunugin kami ng... buhay?