CHAPTER 5

1371 Words
CHAPTER 5: Save Her “Do something, Zaria! Do something!” Natauhan ako sa sigaw ni Mia. Kumakalat na ang apoy sa may bintana at pumapasok na iyon dito sa loob. Kapag hindi pa kami lumabas dito, kasama kaming masusunog sa laboratoryong ito.  “Zaria, we can't d-die here. Do s-someting...” Hindi ako lumingon kay Mia. Nakatingin pa rin ako sa may bintana habang nag-iisip na p'wedeng gawin makaalis lang sa lugar na ito. Pero kahit ano'ng isip ko, wala nang pumapasok sa isipan ko dahil sa takot na masunog dito ng buhay.  Napahawak ako sa damit ko nang wala pang tatlong minuto, lumaki na ang apoy. Nararamdamanan ko na rin ang init nito kaya napaatras ako.  “I c-can't breath, Zaria.” Mabilis na nilingon ko ang direks'yon kung saan nanggagaling ang boses ni Mia. Hinayaan ko nang pasukin ng malaking apoy ang bintana. Agad na humakbang ako patungo sa direksiyon ni Mia. Ramdam ko na mas uminit pa kaya tiyak ko na mas lumaki pa nang lumaki ang apoy. Dahil din sa laki ng apoy, lumikha ito ng liwanag dito sa loob at dahil din doon ay nakikita ko si Mia. “Mia...” Naaawang tinitigan ko ang kabuuan niya. Nakaluhod siya at halatang nahihirapang huminga. Hinawakan ko ang braso at balikat ni Mia. Tumingin ako sa mukha niya bago ipinalibot sa buong laboratoryo ang paningin ko. Malaki itong laboratoryo kaya hindi ito agad kakainin ng apoy. Wala rin ditong mga gamit na madaling masunog maliban sa mga makina kaya naniniwala akong makakalabas pa kami rito pero kung lilipas pa ang ilang minuto, wala na kaming magagawa kundi ang ipikit ang mga mata namin at magpakain na lamang sa apoy. “Mia—” Nanlaki ang mga mata ko. Biglang may lumipad na umaapoy na bote at tumilapon iyon sa mga makina. Hindi ko na nagawang kumurap dahil hindi pa limang segundo ay nagsimula nang masunog ang ilang makina. “Z-Zaria...” Pinaliit ko ang mga mata ko para makita si Mia. Nahihirapan man akong makita ang ayos niya dahil sa usok na unti-unting kumakalat pero nagawa ko pa ring maaninag si Mia. Malapit siya sa ibang makinang unti-unti nang inaabot ng apoy kaya mas ramdam niya ang init at usok mula rito. “Mia!” Dali-dali kong hinubad ang jacket na suot ko at kinuha ang tubig sa bag ko. Binasa ko ang jacket saka inilagay iyon sa ilong at bibig ni Mia.  “Ano, nahihirapan ka pang huminga, Mia?” Kahit nalalanghap ko na ang usok ay sinubukan ko pa ring maging maayos ang boses ko kahit hindi gaanong makita ni Mia ang ekspres'yon ko. “D-Do something, Zaria. We'll going to die here—” Biglang may pumutok. Sabay na lumingon kami ni Mia sa pinagmulan ng putok na iyon. Sigurado akong putok iyon ng b***l kaya ginalaw ko ang mukha ko 'tsaka hinarap si Mia.  “Hawakan mo 'tong jacket ko, Mia,” sabi ko saka tumingin sa may pintuan. Hinawakan ni Mia ang damit ko para siguro pigilan ako pero kusa ring siyang bumitiw nang may kumalabog sa pintuan. Halos hindi na ako makahinga sa kumakapal na usok. Namamasa na rin ang suot kong damit sa sobrang init nitong loob. Wala na akong ibang mapilian kundi ang tumungo sa pinto at magbakasakaling ang taong iyon ang tutulong sa amin. “Nandito po kami sa loob! Tulong po!” Inipon ko lahat ng lakas na meron ako para marinig ng taong nagpakalabog sa pinto na may tao rito sa loob at kailangan ng tulong. Nang tuluyan na akong makalapit sa pinto ay agad kong hinawakan ang doorknob. Kumatok-katok din ako. “May tao po rito sa loob! Tulong ho!” Pipihitin ko na sana pabukas ang pinto pero laking gulat ko nang kusa na itong bumukas. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdamanan ko. Pero sigurado akong dahil lang iyon sa saya na makalabas sa laboratoryong ito. “Bumukas na ang pinto,” mahinang sabi ko. Tinulak ko ang pinto at mas nilakihan pa ang pagkakabukas nito. Inihkbang ko na ang isa kong paa para lumabas. Akma ko na ring ihahakbang ang isa pa ngunit naalala ko si Mia. Tumalikod ako. Hinanap ng mga mata ko si Mia. Nang makita ko siya, biglang naugat sa kinatatayuan ko ang aking mga paa gano'n din ang isa kong kamay na nakahawak sa doorknod.      Pinasok ng mga eksena ang isipan ko. Kahit nakikita ko na ang apoy na lumalapit sa kinaluluhudan ni Mia, hindi pa rin ako gumalaw. “Don't mind them. Lift your face up and eat like no one's glaring at you...” “Be my friend... They'll never hurt you.” “This trip might take us to a new version of ourselves. Are you... ready to go, Zaria?” Kasabay ng magkaka-sunod na eksena sa isipan ko ang pabagsak ng katawan ni Mia. Pinanood ko lang ang paghawak ni Mia sa kaniyang lalamunan. Pinanood ko lamang siya habang nahihirapang huminga. Nanatili akong nakatayo, wala akong ginawa. “H-Hindi rito... a-ang camping trip—” “Stupid...” Humigpit ang pagkakahawak ko sa doorknob. “Mia! Ilabas mo ako rito, Mia! Mia!” “P-Parang... awa mo na, Mia...” “M-Mia... A-Anong atraso ko... sa 'yo?” Humakbang ng isang beses ang paa ko paatras habang nakatingin sa nanghihinang katawan ni Mia. “Trusting people you don't really know may betray nor... kill you. You must know that, Zaria...” Binitawan ko ang doorknob. “Do you know why your mom broke up with your dad?” “You're crazy. Ayaw mo bang malaman, huh?” “Leave now, Dad. If you don't... I will inject this poison to this girl. She'll be paralyze and immediately die!” Tumalikod ako habang pinakikiramdaman ang galit sa loob ko. Hindi ko ito mararanasan kung hindi dahil sa 'yo, Mia... Wala akong kasalanan sa 'yo pero pinaramdam mo pa rin sa akin ang paghihirap na iyon. Kaya nararapat lang na... kasama kang masunog d'yan, Mia. Dahil sa galit ko, lumabas ako at iniwan si Mia. Tuluyan ko na sanang lilisanin ang laboratoryong iyon pero naalala ko ang pagkamatay ni Mommy. Namatay si Mommy dahil wala kaming pera, wala kaming pambayad noon sa ospital. Nakiusap ang tiyahin ni Mom pati na rin ako na gamutin si Mommy pero dahil hindi kayang sumuway ng doktor sa patakaran ng ospital na iyon ay wala itong ginawa. Hinayaan lang ng doktor na iyon si Mommy. Hinayaan niya lang itong mamatay. Bago nadulas at tumama ang ulo ni Mommy sa sahig, nagbigay na si Mom ng mga salitang hindi ko naisip na iyon na pala ang gusto niyang huling sabihin sa akin. Sobrang sakit man pero may saya pa rin sa loob ko. Dahil ang gusto ni Mom para sa akin, ay gustong-gusto ko rin para sa sarili ko. Pumihit ang mga paa ko paharap sa pinto at walang pag-aalinlangang pinasok ang laboratoryo. “Mia!” sigaw ko nang usok at apoy na lang ang nakita ko. Tumutulo ang luha ko habang nilalabanan ang makapal na usok makita lang si Mia. Hindi ko siya dapat... iniwan dito mag-isa. “Mia!” umiiyak na sigaw ko. Hindi pa gaanong nasunog ang loob kaya nilakasan ko ang loob ko at naglakad 'tsaka hinanap si Mia. Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang kamay para hindi makalanghap ng apoy. Mia... nasaan ka? Ayoko man aminin, pero pakiramdam ko huli na ako. Kasalanan ko 'to. Nahinto ang mga paa ko. Nagsisiputukan na ang mga makina. Wala na rin akong nararamdamang buhay pa si Mia. Umatras ako nang lumaki na ang apoy rito sa loob. Hindi ko na rin kayang magawa ang lapitan ang kaninang kinabagsakan ni Mia. Hindi ko na siya matutulungang makaalis dito. Hindi ko na siya... maililigtas. Naalala ko ang huling sinabi ni Mommy noon na hanggang ngayon ay pinanghahawakan ko pa rin. “Gusto ko maging doctor ka, Zay. Gawin mo ang trabaho mo, gamutin mo sila... And do not forget that you are just not wearing a white coat but a doctor, Zaria. A doctor that will never let anyone die...” Nanghihinang pinunas ko ang luha sa mga mata ko. Paano ako magiging doktor kung may isa akong taong hinayaang mamatay?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD