CHAPTER 6

1184 Words
CHAPTER 6: Survival “Mia!” Negatibo na ang laman ng isip ko pero sinigaw ko pa rin nang isinigaw ang pangalan niya. “Mia!” Nakatayo pa rin ako rito sa may pintuan habang hinahanap ang katawan ni Mia. May pakiramdam ako na tama ang kutob ko subalit mas pinili ko pa rin ang tumayo rito. Mas pinili ko pa rin ang malagay sa delikado kaysa tumakbo palabas at iwan si Mia. “Mia—” “Akala ko... gusto mong mabuhay?” Nagulat ko sa pagsulpot ng boses na iyon. Hindi ko pa iyon narinig pero sigurado akong ang nagmamay-ari ng boses na iyon ang taong nagpakalabog at bumukas ng pinto. “Bakit nakatayo ka pa riyan kung malaki na ang apoy at p'wede ka nang masunog!” Napaatras ako sa sigaw nito. Nakatalikod ako sa kaniya at nakaharap sa may pinto. Gusto kong mabuhay at makaalis dito pero hindi ko magagawa 'yon kung wala si Mia at hindi siya kasama. “Tanga ka ba, hah?! Walang normal ang tatayo lang diyan habang nasusunog na ang paligid—Punyeta!” Napahawak ako sa tainga ko nang may sumabog kasabay ng malaking apoy. Dahil sa bilis ng pangyayari ay hindi ko na naramdamang hinawakan ng lalaki ang braso ko at kinaladkad paalis sa laboratoryong iyon. Panay ang hatak ng lalaki sa braso ko. Wala akong lakas para bawiin sa kaniya ang braso ko, maging ang tumakbo ay hindi ko na magawa dahil sa kawalan ng lakas. Wala akong nagawa kundi ang magpatangay sa lalaking hindi ko alam kung mabuti o masamang tao. “Ano ba, ba't ang bagal-bagal mo?! Punyeta naman! Bilisan mo pa!” Tumulo ang luha ko. Halos madapa na ako sa sakit ng paa ko at sa panghihina ng katawan ko. Patuloy pa rin ang pagtakbo namin pa labas dito. Ramdam ko na rin ang panghahapdi ng braso ko pero hindi ko na ito pinansin pa. “Bilis pa!” Tumakbo kami nang tumakbo hanggang sa makita na ng mga mata ko ang liwanag mula sa labas at hudyat na iyon na malapit na kami sa exit ng abandonadong ospital. “Dapat kase kanina ka umalis dito! Lumabas ka na kanina, 'di ba?! Dapat nagtuloy-tuloy ka na!” Nanginginig ang mga tuhod ko habang patuloy pa ring tumatakbo. “Matagal na at luma na ang gusaling ito at anumang oras ay babagsak ito! Kaya bilis pa! Bilisan mo pa!" Nagawa ko pang tumango ng tipid habang hindi pa rin maubos ang luha sa pagbasa nito sa mga pisngi ko. “Malapit na tayo—” Nabitawan ng lalaki ang kamay ko. Dahil sa pagkawala ng balanse ko, bumagsak ako padapa sa sahig. Kinakabahang napatingin ako sa kisame. Hindi ko inaasahan na ang sinabi niyang iyon ay magiging totoo pala. Akala ko kapag simentado na ang lugar ay hindi ito tatablahan ng sunog. Na kapag may naganap na sunog ay iyon lamang loob ang masusunog at matitira pa rin ang mga pader nito. “Lalampa-lampa ka kase!” Sinubukan ng lalaki na lapitan ako pero nang makita niya na mukhang bibigay na ang kisame ay hindi na siya nagdalawang-isip na umatras. “Mukhang mapera ka naman kaya ayos lang. Mahirap ako at hindi ko isusugal ang buhay ko para sa 'yo. Kailangan kong maghanap ng pera at hindi ko matataggap na pinanganak na akong mahirap at mamatay pa akong mahirap!” Gusto kong umiling at ibuka ang bibig ko na 'wag niya akong iwan dito pero wala na akong nagawa nang tumakbo na siya papalayo sa kinadadapaan ko. Bakit niya pa ako sinubukang iligtas kanina kung hahayaan din naman niyang mamatay ako rito? Naalala ko si Mia. Pakiramdam ko, karma ko na 'to. Totoo nga pala ang kasabihan na, kung anong ayaw mong gawin sa 'yo ay 'wag mong gawin sa iba. Hinayaan ko kaninang masunog sa loob ng laboratoryo si Mia. Hinayaan din ng lalaking iyon na mamatay ako rito. Tumingin ako sa ibang parte ng kisame. Kahit nanghihina ako, malinaw ko pa ring nakita ang unti-unti nitong paggalaw pabagsak. Kung tatayo ako rito at tatakbo ulit palabas, magsasayang lang ako ng lakas dahil kahit gaano pa ma'ng bilis ang gawin ko, hindi pa rin ako aabot sa exit ng ospital na ito. Mababagsakan pa rin ako ng sira-sirang piraso ng kisame. At mamatay rin ako sa loob nito. “D-Dad...” nanginginig ang labing bulong ko. Talagang hindi tayo binigyan ng pagkakataong magkasama pa, Dad... “Hindi man lang kita nayakap, Dad.” Hinawakan ko ang short sa sakit ng lalamunan ko. “Gusto kitang yakapin, Dad! Gustong-gusto kong gawin 'yon, kahit itinakwil niyo kami ni Mom, gusto ko pa ring mayakap ka, Dad!” Naiinis ako dahil hindi man lang ako niyakap ni Dad kahit noon pa pero hindi ko pa rin kayang magalit sa kaniya. Pinikit ko ang mga mata ko. Dahan-dahan nang bumibigay ang kisame. “Dad! D-Daddy...” Tumulo nang tumulo ang luha ko. Kahit walang makarinig sa akin. Kahit tuluyan nang bumagsak sa kinadadapaan ko ang kisame ngayon, gusto ko pa ring gawin 'to. Itinukod ko ang magkabilang kamay ko sa sahig. Bumangon ako at pinatay ang pakiramdam na nanghihina at nananakit ang buong katawan ko. Tumayo ako. “Makakaalis ako rito! Makakaalis ako!” Kasabay nang tunog ng kisameng nagsisibagsakan na, ang paghakbang ng mga paa ko at sumabay ito sa tunog ng mga nahuhulog na piraso mula sa kisame. Makakaalis ako rito... Bawat hakbang ng paa ko, may humuhulog sa likuran ko. Hindi lang iyon piraso ng kisame kundi mula sa pader na. Pinigilan kong huwag tumingin sa likuran maging sa gilid ko. Nilabanan ko ang takot na unti-unti na namang pinapasok ang sistema ko. Lumakad ako gamit ang natitirang lakas ko. Lumakad ako sa kagustuhang makalabas at mabuhay. “Ahh!” Hinawakan ko ang kanang braso ko pero hindi ko ito binigyan ng kahit isang sulyap. Hindi ko alam kung anong bagay ang tumama sa braso ko. Gustuhin ko man na punasin ang dugong lumalabas dito pero pinigilan ko pa rin. Binitawan ko ang kanang braso ko saka inangat ang kaliwang kamay at ipinatong iyon sa ulo ko. Deretsong tinitigan ko ang exit ng ospital na ito. Makakalabas na rin ako... Rinig na rinig ko ang malakas na tunog ng pabagsak. Nararamdamanan ko na naman ang sobrang init na parang sinusunog ang balat ko kaya alam kong papunta na rito ang apoy. Ilang hakbang na lang ay makakaapak na ang paa ko sa labas nito ngunit mas lumakas ang tunog ng nagsisibagsakan na bagay. Kumirot ang gilid ng kabilang parte sa ulo ko pero hindi ko pa rin iyon inisip na dahilan para tumigil sa paghakbang. “Mabubuhay ako...” Nagpokus ako sa kagustuhang mabuhay kaya ang paglakad ko ay napalitan ng takbo. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa mahawakan ko na ang salaming pinto ng ospital na ito. Buong lakas na itinulak ko pabukas ang pinto. Nang i-aapak ko na ang paa ko palabas, nakita ko ang nag-aalalang mukha ng daddy ni Mia. Hindi kaya... Naaawang tumingin ako sa mukha nito. Siya ang... nag-utos sa lalaking iyon para tulungan kami?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD