CHAPTER 7: The Last Trip
“Mabuti't naka-survive ka, hija.” Namasa ang mga pisngi ko nang matanto ang sinabi ng babaeng MIT na umalalay sa akin.
Habang nililinis at ginagamot niya ang mga sugat sa katawan at gilid ng ulo ko, nakatitig ako sa daddy ni Mia. Nakatalikod ito, nakaharap sa nasusunog na gusali.
“Magpakatatag ho kayo...” walang boses na sabi ko.
Hindi ko man nakikita ang mukha nito, alam kong sobrang sakit ang nararamdaman niya sa mga oras na ito.
Walang umakalang ang camping trip na dapat puntahan namin ay mauuwi sa ganitong pangyayari. Aminado akong narito pa rin sa loob ko ang sama ng loob kay Mia pero ano'ng magagawa ko,
kung wala na siya?
Hindi ko dapat inuna ang galit ko nang nasa bingit kami pareho ng kamatayan. Isinantabi ko dapat ang negatibong nararamdaman ko sa kaniya.
Tumingin ako sa kalangitan, nagsisimula na namang basain ng luha ang magkabilang pisngi ko.
Hindi ko siya dapat iniwan kanina...
Bumaba ang mukha ko.
“Kailangan mo pang ma-check up ng doctor, hija.” Hinawakan ng babaeng MIT ang braso ko. Inalalayan niya akong makapasok sa ambulansya.
Bago sumara ang pinto, lumingon pa ako sa abandonadong ospital na nagsiguho na at kinakain na ng apoy ang labas at loob nito.
Kanina pa dumating ang mga bombero pero hindi pa nila magawang patayin ang apoy. Mas lalo pa nga itong lumalaki nang lumalaki.
Maingat na sinandal ko ang ulo ko sa salaming bintana ng ambulansya.
Siguradong mag-aalala nang husto si Dad kapag nalaman niya ang nangyari sa akin...
Muling ibinalik ko ang paningin ko sa nasusunog na ospital.
Bakit wala pang pulis ang dumadating?
Nagsimula nang umandar ang ambulansya pero hindi ko pa rin inalis ang atensy'on ko sa gusaling muntik nang pumatay sa akin, hanggang sa mawala na sa nasusunog na ospital ang paningin ko.
Sino kaya ang taong nagtapon ng umaapoy na bote kanina? Ano'ng rason niya para sunugin kami ng buhay?
Unti-unting sumasara ang mga mata ko. Dahil siguro sa pagod at panghihina ng katawan ko, nandlim ang paligid ko.
Nagising ang diwa ko sa mahinang sigawan sa paligid ko. Nanatiling nakapikit ang mga mata ko habang kinakabisado ang dalawang boses na pumapasok sa tainga ko.
“You are too much, Barry! Sa tingin mo bibitawan ko ang posisyong pinaghirapan ko—”
“Why not, Orwell? You killed my daughter. Kapag nalaman iyon ng lahat, babagsak ang hospital na 'to—”
“Come on, Barry! I didn't kill your daughter. I did my best to save that child. I told you hindi kaya ng katawan ng bata ang operasyon but you insisted me to do that! You even asked my wife to convince me—”
“My daughter hasn't have congenital heart disease! She was healthy and strong—”
“What did you just say?! Malinaw ang results ng mga check ups ng bata—”
“Those results were all fake. You're a doctor kaya dapat alam mo, Orwell!”
Gumalaw ang daliri ko nang hindi sumagot si Dad. Naguguluhan ako sa mga narinig ko pero inalis ko pa rin ang mga negatibong pumapasok sa isipan ko. Hindi ako nagmulat ng mata, mas pinakiramdaman ko pa si Dad at ang daddy ni Mia.
“You shouldn't have became a doctor, Orwell. Hindi mo magawa nang tama ang pagiging doktor mo—”
Napamulat ako nang biglang marinig ko na parang may bumagsak malapit sa kamang kinahihigaan ko.
“You are crazy, Barry! Namatay ang anak mo dahil sa kagagawan mo! You killed your own daughter! Lahat planado mo! How could you do that to her? Your wife even killed herself because of the death of your daughter!”
Mabilis na ginalaw ko ang mukha ko papunta sa direksiyon nila Daddy.
“At dahil hindi ako naniwala sa asawa ko noon, I ended up broking up and letting her leave my house!”
Nakita kong nakapatong si Dad sa katawan ng daddy ni Mia. Galit na galit si Dad habang madiing hinahawakan ang polo na suot ng daddy ni Mia.
“I even talked to Chairman Encinares not to kick you out of this hospital! Malaking issue ang ginawa mo rito sa Segayo Hospital dahil sa pakikirelasyon mo sa anak niya na may pamilya na but I saved you from the humiliation might you suffer. I saved you and your career, Barry!”
Nanlilisik ang mga matang tinitigan ni Dad ang mukha ng daddy ni Mia. Bumangon ako para sana patigilin sila pero nagulat ako nang biglang ngumisi ang daddy ni Mia.
“Thanks to you. Pero dapat mo nang bitawan ang pagiging director mo, Orwell—” Sinuntok ni Dad ang mukha ng daddy ni Mia.
“I made you one of the propesor of this hospital and yet you wanted me to give up on my position? Wala kang utang na loob! Ginamit mo pa ang pagkamatay ng anak mo na ikaw mismo ang may gusto para takutin ako? You're crazy man!” Sinuntok nang sinuntok ni Dad ang daddy ni Mia.
Hindi ako makagalaw sa gulat. Nanginginig na ang labi ko dahil siguro sa kaba na baka mapatay ni Dad ang daddy ni Mia.
Sa lakas ng suntok ni Dad, bumaling pakaliwa't kanan ang mukha ng daddy ni Mia. Dumudugo na ang mukha at halos hindi na maimulat ang isang mata dahil sa pasa nito.
“Kill me now, Orwell. Huwag mo na akong bigyan ng pagkakataong mabuhay at mapatay ka—” Huling suntok ang pinakawalan ni Dad bago niya binitawan ang kuwelyo ng polo ng daddy ni Mia.
“I'm not like you, Barry...”
Tumayo si Dad. Galit na galit pa rin siya pero hinayaan niya ang nakahandusay na daddy ni Mia.
Halatang sobrang pinipigilan ni Dad ang galit niya subalit nagawa niya pa ring kalmahin ang sarili niya. Inayos ni Dad ang suot niyang lab coat, tumalikod siya. Agad nagtama ang mga mata namin nang tumingin sa direksiyon ko si Daddy.
Bumaba ang tingin niya sa braso kong may sugat at sa sugat na nasa gilid ng ulo ko bago uli ibinalik sa mga mata ko ang paningin niya. Walang lumalabas sa bibig ni Dad pero ramdam na ramdam ko ang pag-alala niya.
Matipid na ngumiti ako.
“Ayos lang ho ako... Dad,” senserong tugon ko sa nagtatanong niyang mga mata.
Hindi nagbago ang ekspres'yon ng mukha ni Dad. Nag-aalala pa rin siyang lumapit sa akin. Hahawakan sana ni Dad ang ulo ko nang bigla na lang itong natumba at nawalan ng malay.
Nanlalaking matang napatingin ako sa apple na nasa kama ko bago kay Daddy.
“Bakit niyo ho...” Umangat ang mukha ko 'tsaka malalim na tinitigan ang taong bumato ng apple sa ulo ni Daddy. “....ginawa 'yon?”
Hinubad ng daddy ni Mia ang suot nitong lab coat. Pinunas niya ito sa parte ng mukha niyang may mga sugat saka dahan-dahang humakbang palapit sa akin.
“He deserves it...” Umatras ako nang makalapit siya sa kamang inuupuan ko.
“How did you...” Namuo ang likido mula sa mga mata ko. Hindi ko na masabi ang pakiramdam na nararamdamanan ko ngayon dahil pinangunahan na ako ng takot.
“...manage to live, hija?” Sa takot na baka gawin ng daddy ni Mia sa 'kin ang ginawa nito kay Dad, bumaba ako ng kama at natatakot na tumakbo patungong pintuan.
Ngayon ko lang natanto, masamang tao rin pala ang daddy ni Mia.
Huminto ako nang nasa may pintuan na ako. Kinakabahang nilingon ko si Daddy
Hindi kaya...
Nambilog ang mata ko. Akmang lalabas na ako para humingi ng tulong nang biglang paglabas ko, tumilapon ang plangganang hawak ng nars sa mukha ko.
“S-Sorry, Miss, hindi ko sinasadya.”
Napahawak ako sa mata ko nang humapdi ang mga ito. Dahil sa likidong kumalat sa paanan ko, nawalan ako ng balanse at tumama ang ulo kong may sugat sa doorknob,
Awtomatikong nandilim ang paningin ko.
Pagmulat ng mga mata ko, puti na ang nakikita ko. Kinakabahang hinawakan ko ang nakatakip sa mga mata ko.
“Don't.” Nahinto ang kamay ko. Ibinaling ko ang mukha ko sa direksiyon ng nagsalita.
Paos ang boses nito kaya hindi ko makilala ang taong iyon.
“You should not take that bandage off your eyes, Zaria. May nakahalong liquid sa tubig na natapon sa mukha mo. It was risky but do not worry, hija, hindi ka mabubulag—”
“Dad? Kayo ho... ba 'yan?” Maraming tanong ang pumasok sa isipan ko pero pinigilan kung kumawala ang kahit na isa sa mga ito.
“Yes, I'm...” Naramdaman ko ang kamay ni Dad sa ulo ko. “Your father, Zaria...” Umupo ako nang marinig ang mahinang paghikbi ni Daddy.
“Dad—”
“Kamusta na ang pakiramdam mo, hija?” Dahan-dahang tumango ako.
“Maayos na ho.”
“Good.”
“Kailan ko ho, Dad, p'wedeng tanggalin 'to?” Hinawakan ko uli ang bandage na nakatakip sa mata ko.
“Later, hija. By the way your auntie had called me. We have a family trip, hija. Do you want to go? We can go after your recovery, what do you think?” Natahamik ako.
Iyong last trip na dapat puntahan namin nauwi sa pangyayaring kahit kailan ay hindi na mawawala sa isipan ko. Ayoko mang sabihin pero kapag naririnig ko na ang salitang 'trip' nanginginig ang kamay ko sa takot na baka maulit muli ang nangyaring iyon.
Umayos ako ng upo.
“It's okay, hija. It just a celebration of your cousin's graduation. We can go on trip next time—”
“Iyong camping trip na ho namin, Dad, ang huli...” putol ko.
Wala namang masama kung tumanggi ako, 'di ba?
Mapait akong napangiti.
“Pasensiya na ho pero wala na ho akong sasamahang trip na susunod, Dad...”