EPILOGUE

689 Words
EPILOGUE “Pasensiya na ho pero wala na ho akong sasamahang trip na susunod, Dad...” Nagmulat ang mga mata ko. Pumasok na naman sa tainga ko ang katagang sinambit ko kay Dad anim na taon na'ng lumipas. Hanggang ngayon... malinaw pa rin sa memorya ko ang pangyayaring iyon. Mula nang alisin ko noon ang bandage sa mata ko, nakita ko ang hindi makapaniwalang ekspres'yon sa mukha ni Dad. Hindi iyon dahil sa sagot ko kundi sa pagbagsak ng katawan ng daddy ni Mia sa harap namin. Hindi ko alam kung paano nangyari 'yon pero ang sabi ni Dad, bigla na lang daw itong sumulpot, may kinuha sa likod at sa mismong harap ni Dad, itinarak sa dibdib nito ang isang injection na sigurado akong katulad 'yon ng injection na hawak ni Mia noon. Kung hindi ako nagkakamali, ginawa niya lamang iyon para takasan ang kasamaang ginawa niya. “Makasarili ang daddy mo, Mia. Sana kung magkita man sila ng kapatid mo... mapatawad siya nito,” mahinang bulong ko. Ipinikit ko ang mga mata ko saka sumandal sa upuan. Hindi ang daddy ni Mia ang nag-utos na sunugin kami ng buhay noon, kundi ang asawa ng anak ng chairman ng ospital na ito ang puno't-dulo ng sunog sa abandonadong ospital na iyon. Dahil sa selos nito, imbes na sa daddy ni Mia ibuntong ang galit niya, kay Mia niya ito ginawa. Iyon ang walang tigil na tsismis sa ospital na ito noon. Tumayo ako habang nagpapakawala nang malalim na hininga. Bakit ko laging binabalikan ang mga nangyari noon? Bumuntong-hininga muli ako, kinuha ko ang mineral water sa mesa at binuksan ito. Inubos ko ang kalahati nitong laman bago lumabas ng office ko. “Doc. Zaria Segayo!” Ginalaw ko ang mukha ko at hinanap ang taong nagmamay-ari ng boses na iyon. Ngumiti ako nang makitang papasok dito sa loob ng ospital si Jeah. Siya ang nag-iisang malapit na doktor sa akin dito. “He's waiting, Doc. Pinaghintay mo na naman...” Tumingin ako sa labas at tumingin uli kay Jeah. “Bukas hindi na 'yon pupunta rito, pagsasabihan ko uli—” “He loves you so much. Sana nga gano'n din ang tandang 'yon sa 'kin...” Ngumiwi ako, halos tumirik na ang mga mata ni Jeah sa sinabi niya. Hindi ko na pinansin ang pabulong-bulong nito. Sumenyas ako na lalabas na kaya ngumuso nang tudo si Jeah. Nginitian ko na lang ito tapos lumabas na ako ng ospital. “Zaria, my baby!” Ngumiti ako. Araw-araw niya na akong sinusundo, panay rin ang tawag niya kahit nasa duty ako. Pero kahit kailan, hindi ako nakaramdam na ikinahihiya ko siya. Kahit araw-araw rin akong pinagtsitsismisan ng mga pasyente at kap'wa ko doktor, maging mga nars at janitor sa loob ng Segayo Hospital, hindi ko pa rin magagawang ikahiya siya. “How's your work, Zay?” Proud na proud na naglakad ako palapit sa kaniya. Minsan na akong lumaking wala siya, minsan ko na ring hiniling na sana iba na lang ang ibinigay sa akin. Pero kahit gano'n, mahal na mahal ko pa rin siya. Hinding-hindi iyon magbabago kahit dumating na ang lalaking hihiling na makasama ako habang buhay. “Zay, hija, may problema ba—” “Uwi na ho tayo, Daddy...” Matamis na ngumiti si Dad gano'n din ako. Nakangiti ring binuksan ng driver ni Dad na si Connor ang sasakyan. Hindi nawala ang ngiti sa mga labi namin kahit nasa loob na kami ng sasakyan. Nagsimulang magkuwento si Daddy, hindi niya ugali ang magsalita nang walang tigil pero ngayon, iyon na mismo ang gusto niyang gawin araw-araw. Halakhakan nila ang tanging mas nagpalawak ng ngiti sa labi ko. Tumatak man sa isipan ko ang camping trip namin noon. Nagawa mang dalawin gabi-gabi ng sunog sa abandonadong ospital na iyon ang pagtulog ko, pero hindi ko pa rin ito ginawang dahilan para magmukmok at dibdibin ang nangyari sa akin. Ginawa ko ang gusto ko kaya ngayon, masaya na ako, masaya na akong gumigising kasama ang mga taong mahalaga sa 'kin. At ngayon, handa na akong... Sumamang muli sa kahit anong trip na planuhin nila kasama ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD