Kabanata 16

1026 Words
Rage Alexander I had to walk away from Mariya or I might take her away from everyone. Nagpatuloy ako sa paglalakad para pahupain ang mga iniisip ko ngunit may nagsalita mula sa likuran ko na nagpatigil sa akin sa paglakad. "Kahit anong gawin mong pagprotekta kay Ysabelle, wala ka na rin namang magagawa, Rage," wika ni Andres. I smirked before turning to look at him. "Do you think I'm protecting her from you?" Mayroong bahid ng angas ang tono ng aking boses. "You know very well why you went to their land and pretended to apply as a ranch caretaker." Hindi nagpatinag si Andres. He walked slowly towards me. "And that is why you're here to stop everything from happening, right?" Now, it was his time to put a smirk on his face. Nawala ang ngisi sa mukha ko at tinitigan ko ng seryoso si Andres. "Do you remember why you're here?" Duro ko sa kanyang dibdib sa bandang kanan nito. Hindi umimik si Andres at tumitig lamang siya sa akin ng matiim habang nagtatagis ang kanyang panga. "Exactly," saad ko sa kanyang pananahimik. I took his silence as his answer. "Don't try to ruin this, Jared Anderson. Oh, my bad. I meant Andres," I pointed out sarcastically. "You are bound to leave their land in a few weeks at inaasahan kong ang paglisan mo." Matapos kong sabihin iyon kay Andres ay iniwan ko na siya. Bumalik ako sa villa na wala sa mood. Nadatnan ko si Janessa sa pinto na para bang may hinihintay siya. I walked past her, then she talked. "Rage, pwede ba kitang makausap?" aniya. I stopped beside her. "Doon na lang tayo sa labas. Yung walang makakarinig." Madalang lang kaming makapagusap ni Janessa kaya pinaunlakan ko na ang nais niya. Nagpunta kami sa isang open bar at nag-inom. Pinili niyang umupo sa bar counter na para bang kubo ang dating at gawa rin sa kahoy ang counter at stools. "Anong pag-uusapan natin?" I asked her. Nakatitig siya ng malayo sa mga alak na naka-display. "May pagtingin si Ysa sayo," diretsang saad ni Janessa. Based on her tone, it wasn't a question. Her words hit me, but I didn't give her any reaction. I stayed silent and let her talk. Humarap siya sa akin na mayroong seryosong ekspresyon sa kanyang mukha. "Kung ako ang tatanungin mo, sana hindi ka na lang pumayag kay tito Hermano na umuwi at tulungan si Ysa na patakbuhin ang negosyo nila sa lupain. You should have stayed in London for good." "Where is this coming from, Janessa?" I asked confused. Huminga ng malalim si Janessa at pumikit bago sagutin ang tanong ko. "Nung isang araw, bago ako pumunta sa old house para sabihin sa inyo ni Ysa na magbo-boracay tayo, narinig ko si dad na kausap sina tita Claudia, tito Andrew, tita Valeria at tito Hermano. Parang nagkakaroon yata ng hindi pagkakaintindihan sa lupain. Hindi ko gaanong naintindihan kasi pinatay agad ni dad yung video call niya sa mga kapatid niya. My dad was mad." Hindi ako nagkomento sa balita ni Janessa. I kept my silence until she spoke again. "Si tita Valeria, narinig ko siya na sinasabi ang pangalan mo." "She doesn't want me in your family, Janessa. We all know that from the very beginning," saad ko sabay lagok sa shot glass of vodka na hawak ko. "Yes. And now she wants you out of the family for good. Para bang wina-warningan niya sina dad at mga kapatid nila about you." May halong pangamba ang boses ni Janessa. I stared at her intently but she avoided my gaze as if she's trying to hide something. "Naniniwala ka sa tita mo?" I asked her directly. Ininom niya ang vodka at tumitig muli sa mga alak na naka-display bago niya sinagot ang tanong ko. "Dapat ba akong maniwala, Rage?" balik na tanong ni Janessa sa akin at saka niya ako tiningnan. "Hindi ako nag-aalala para sa mga tito at tita pati na kay dad. Kay Ysabelle ako nag-aalala. Kahit sabihin pa niyang kinamuhian ka niya, kilala ko ang pinsan ko, Rage. Hanggang ngayon ipinagkakatiwala pa rin niya ang buhay niya sayo. Hindi niya kakayanin kapag tuluyan kang mawawala sa pamilya. Kaya nasabi ko sayo na sana hindi ka na lang umuwi. Para isipin niya na nasa London ka lang at hindi tuluyang lilisanin ang mga Fuentes." Hindi ako nakasagot kay Janessa dahil napagtanto ko ang mga sinabi niya tungkol kay Mariya. It took me a few minutes to decide if I would tell her the reason why I went back here. "Janessa," sambit ko sa kanyang pangalan. Sinabayan ko na siyang titigan ang mga alak na naka-display sa bar counter. "You know very well that I'm willing to do everything for Mariya, right? Kahit buhay ko pa ang nakataya," saad ko. "Umuwi ako dahil pinakiusapan ako ni tito Hermano tungkol kay Mariya." "Anong sinabi niya? Ang alam ko pinauwi ka niya para tulungan si Ysa na patakbuhin ang pagawaan ng tela, rancho, at palayan," ani Janessa. "It was only a cover." "Ha? What do you mean?" naguguluhang wika niya. "Pinauwi ako ni tito para hanapan ng mapapangasawa si Mariya. She's turning twenty-six this year. Nagkakagulo ang mga magkakapatid sa lupain dahil sa family tradition ninyo." Napanganga si Janessa sa mga narinig niya mula sa akin. "Sa tingin mo ba wala akong alam?" pagpapatuloy ko. "Mariya is bound to marry someone after her birthday." "Ano?!" gulat na sambit ni Janessa. Tumayo ako. "And you know what's the worst part?" wika ko. "I have to find the man she’s gonna marry.” Matapos kong sabihin iyon ay tuluyan na akong lumakad palayo. Nadinig ko pang tinatawag ako ni Janessa ngunit hindi na ako lumingon. How could I let Mariya marry somebody else? I can’t bear it just by thinking about it. Para akong sinasaksak sa puso ng paulit-ulit kapag naiisip ko na ikakasal si Ysa sa iba. But I keep my best to hide the pain. Hindi ko kayang makita siyang nasa piling ng iba. I am her world and she is my life. I can’t bear to see any man on her side or it will kill me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD